***
Pagkatapos ng pagtatago, ng habulan, ng dalawang eskandalong kinasangkutan, nakabalik din si Erin sa apartment niya. Na malamang ay panandalian lang. Kasama niya si Sexy Man na may bitbit na pagkain, alak, at cake na panlimahang tao.
Agad siyang nag-dive sa mahabang couch at yumakap sa throw pillow. Saka siya nabahing. Naramdaman niya—sa ilong at balat—ang lumilipad na alikabok sa buong silid.
Nilinga niya ang paligid. Walang sapot ng gagamba sa kisame pero may manipis na latag ng alikabok sa mga muwebles. Mukhang hindi siya sinunod ni Aly sa request niya ng pagpapalinis ng apartment. O puwede ring nakalimutan nito. Ito kasi ang taong nakilala niya na sa batang edad pa lang (mga two years old) ay lumala na agad ang sakit na kalimot.
Napatingin siya kay Sexy Man na alanganing nakatingin sa bakanteng couch. Mukhang pinag-iisipan nito kung mauupo roon. Probably unlike her, naramdaman agad nito ang alikabok. Bumangon siya at nagpagpag ng sarili.
Tumikhim siya. Lumingon ang lalaki na bitbit pa rin ang ecobags at paperbags ng pagkain. He looked so tall inside her apartment. Sumikip ang espasyo.
Habang nakangiti ito ay umiilaw ang emergency light sa utak ni Erin. There’s something she forgot. Hindi pa nga pala niya naitatanong ang pangalan ng lalaki. O baka sinabi na nito pero hindi niya narinig dahil busy siyang magplano kung paano niyang ie-enjoy ang huling araw ng kalayaan niya.
“What’s your name again?” aniya rito.
Matalinong utak: Great. Napabili mo na ng kung anu-anong pagkain bago mo tinatanong ang pangalan? Just great.
Nakangiti ito sa kanya. “Adam. Adam Ledesma.”
Intrimitidang utak: Is this real?! Pati pangalan bakit ang sexy?
Matalinong utak: I second the motion. And does he really have to always smile that way?
Kung may flavor ang ngiti ng tao, ang kay Adam ay siguradong chocolate-caramel. Nakaka-cavity sa tamis. Nakakikilig to the bones. May kapangyarihang sumuot sa kukote niya at magpaisip sa kanya ng malalanding bagay.
Tumikhim uli siya para patigilin ang internal dialogue at overdrive ng utak niya. “Marumi ’yong apartment ko. My cousin probably forgot my request of having it cleaned.”
Tumango ito. “And then?”
May question mark sa mukha ni Adam. Wala itong clue sa ipinahihiwatig niya.
She wore her best smile. “I mean, I’m going to pick-up the vacuum, I will give you a duster, and we are going to clean first.”
Ibinaba ni Adam sa sahig ang mga bitbit na balutan.
“Whoa! Let’s be clear about this. You want us to clean your apartment?”
Umiinit ang ulo niya. Nalusaw ang chocolate-caramel feeling. Imposible ba ang sinabi niya? Maglilinis lang naman. Bakit parang big deal?
“Allergic ako sa alikabok,” panimula niya.
“I don’t like it either,” dugtong ng lalaki.
“Marumi ang bahay.”
“I am aware. But that’s not my problem.”
“But you said we are going to drink here since wala pang bukas na bar,” aniya. Pinigilan niyang magmartsa sa inis.
Lumapad ang ngiti ni Adam. Parang pinagtatawanan siya. “That’s because you insisted that you needed a drink bago ka dalhin sa presinto.”
“That’s the truth. And I don’t just need a drink! I have to get drunk!”
Napailing-iling si Adam. “Unbelievable! I caught you, you cried, you made me spend on food, and now you want me to clean. Ganito ba kahirap magpakulong ng babae?”
Umangil siya. “Look. Payag na nga akong padala sa presinto, ’di ba? I just needed this. Kailangan kong madalaw ang apartment ko bago ako makulong. Kailangan kong maglinis kung marumi. I want to eat my favorite food, my favorite cake. And if I want to get drunk at walang available na bar, I want to get drunk in my apartment!”
Napapataas na ang tono ng boses niya. Naiiyak na rin siya. Kalmado naman sana siyang kasama ang lalaki. He’s good company as long as hindi nito o niya mababanggit ang kulungan kung saan siya magbabakasyon.
Nakangiting lumapit sa kanya si Adam at pinisil ang ilong niya. “Are you aware that you have a funny way of wrinkling your nose when you’re on tantrums?”
Nablangko siya sa pisilan portion. Hindi ba aware ang lalaking ito na malakas makapaasa sa mga marurupok na tulad niya ang kaswal na trato nito sa kanya? He’s chocolate-caramel from head to toe. He acted like they were familiar. But they were not familiar.
“I have never met a woman as high-strung and as scandalous as you,” anito pa.
“Don’t act so familiar,” sabi niya rito.
Pero hindi nawawala ang ngiti nito. “You’re the one acting so familiar. You wrecked my car, you made me pay on your food and alcohol, and now you want me to clean your apartment. All I did was pinch your little nose. What’s familiar?”
Umirap siya. Talo siya sa mga argumento ni Adam. At hindi nito alam na hindi lang siya high-strung at scandalous. Brokenhearted din siya. Kung ang ibang tao ay manhid sa kilig at attraction kapag broken, siya naman ay vulnerable doon. And he’s so damn attractive. Lahat ng kilos ng lalaki—pati maliliit na gestures—ay may halong kaseksihan at kalandian sa paningin niya.
Hindi rin nakatutulong na straightforward siyang tao. She doesn’t know much about flirting. At ang love life niya ay walang itinuro sa kanya kundi ang mag-eskandalo, ngumawa, uminom ng alak, at magdala ng condom sa mga dates. She couldn’t read the guy. Is he flirting with her and her broken heart? O ganito siya ka-vulnerable sa mga tulad nito?
“When you’re done fantasizing about me, you can give me what I need so we can clean your apartment. But take your time, though. I’m not that excited in cleaning someone else’s place. I’m more into probing what’s going into your mind right now.”
Hinatak siya ni Reality nang marinig ang sinabi ng lalaki.
“Mayabang ka rin, ’no? I’m not fantasizing about you.” ‘At least not right now.’
“Really?” He looked at her playfully. “That’s too bad.”
Tumayo ang balahibo niya. Maraming pagkakataon ang aminado siyang naglalandi lang siya pero nakapapahamak ang ngiti nito. He’s either flirting or playing with her. Kailangan na niyang bigyan ito ng vacuum cleaner o duster o ng kahit na ano para makapagsimula na sila. Para makainom na siya at malasing agad-agad. Para anuman ang magawa niya sa mga susunod pang minuto na kasama niya ang lalaki, at least, lasing siya.
Mabilis siyang pumihit at hinagilap ang vacuum cleaner niya.
Makalipas ang dalawang oras ay malinis na ang apartment at nakahain na sa malaking center table sa living room ang sisig, crispy pata, steak, kimbop, burritos, bucket ng yelo at bourbon. Nakapag-shower na rin si Erin at kasalukuyang nakasalampak sa carpet niya, pakurot-kurot sa crispy pata. Hinihintay niya si Adam na naki-shower din.
Narinig niya ang pagbukas-sara ng bedroom door. Iniluwa niyon si Adam na suot-suot ang kamiseta at shorts ni Adrian. May hawak pa itong towellete at tinutuyo ang buhok. Feel-at-home. Salubong ang kilay niya rito.
Sa halip na mapansin ang arko ng kilay niya ay hinagip ng kamay nito ang nakataob na picture frame sa nadaanang patungan. Titig na titig ito sa larawan habang naglalakad palapit sa kanya.
Pinanood niya ang hindi makalas na mata nito sa frame. Kunot na kunot ang noo nito.
‘Confirmed? Is he gay?’
“Type mo?” hindi napigilang tanong niya rito.
Nakisalampak din ang lalaki sa carpet. Hindi niya mabasa ang nasa mukha nito nang tumingin sa kanya.
“What?”
“Tinatanong ko kung type mo?”
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Is he the boyfriend?”
Kinuha niya sa kamay nito ang picture ni Adrian. 8R ang size niyon at isang buong pagmumukha lang ng ex niya ang naroon. Nakangiti. Mukhang model. Mukhang fresh. Mukhang in love sa kanya. Mukhang pakakasalan siya. At bakit lumalabo ang picture? Lumalabo ang daigdig.
“Erin?”
Nag-angat siya ng tingin kay Adam. Lumaglag ang isang patak ng luha mula sa kaliwang mata niya. Kaliwang mata talaga. Ang sabi sa isang nabasa niya, ang luha raw na dahil sa kalungkutan at sakit, lumalabas sa kaliwang mata. Sumunod na pumatak ’yong sa kanan niyang mata. Ang sabi naman, kapag lumabas na rin sa kanang mata ang luha para maki-combo sa pag-iyak, maaaring dalawang bagay na iyon: Una, tanga kang umiiyak. Ikalawa, malapit ka nang mabigyan ng FAMAS award. Wala siyang makukuhang FAMAS award. Na ibig sabihin, doon lang siya sa option one: tanga siyang umiiyak. Na naman.
“Oh no. . . He left you.”
Matalas ang mata niya kay Adam. “Ipagdiinan talaga natin?”
Itinaas nito ang dalawang kamay. “I’m not stressing it out. Just saying what’s obvious from your face.”
Obvious na pala, bakit kailangan pang banggitin? Marahas ang kurot niya sa crispy pata. Isinubo niya iyon bago nagsalin ng bourbon sa baso at deretso iyong inumin.
“Yeah, right! Obvious from my face, my hysteria, and my fats!” angil niya.
Nakangiti pa rin si Adam. Gusto na niyang kalmutin ang mukha nito. Kaso may flavor ng crispy pata ang kuko niya.
“You can tell me about it,” anito na nagsimula na ring uminom.
“What?” Umismid siya rito. “And then let you laugh at me? No, no, and no.”
“What makes you think I will laugh at you?”
Itinuro niya ang magaang mukha nito. “That! You’re already laughing at me!”
Malutong ang pagtawa nito, his head almost thrown back without a care in the world.
“You got me.” Nagkibit-balikat ito. “But you can still tell me about it. Try it.”
Umismid uli siya. Halos tumigil na ang luha niya dahil sa pagkaasar. “Not in a million years.”
Ano siya? Uto-uto? Petty? Sumbungera? Wala ba siyang ibang puwedeng makausap para sabihin niya sa isang palatawang estranghero ang sakit ng puso niya kay Adrian? No way.
Umiling-iling si Adam. Sinalinan ng alak ang basong hawak niya. “I doubt that. Very much.”
Sumimsim siya at dinama ang pagguhit ng mapait na alak sa lalamunan niya. “I won’t tell you, Adam.” She looked him straight in the eye. “Never.”
***
Makalipas ang isang oras pa uli, tumutugtog na sa living room ang All by Myself ni Celine Dion at hulas na ang mascarra at eyeliner ni Erin sa kaaatungal.
“He ran away like that? For real?”
Inangilan niya si Adam. “Mukha ba ’kong kalbo sa paningin mo para magpatawa? For real! Iniwan niya ’ko just like that!”
Malutong ang tawa ng lalaki na um-echo nang pabalik-balik at sumaliw sa head tone ni Celine Dion. Warped na sa pandinig ni Erin ang boses nito. Everything was liquid. Umaalon ang carpet at ang mga pagkain. Gumegewang ang daigdig. Namumula na ang mukha niya habang magulo ang buhok. Papikit-pikit na rin ang mga mata niya.
“No wonder you’re angry like that!”
Binato niya ng throw pillow ang lalaki. Pero lumiko ang unan at ni hindi man lang ito nahagip.
“That’s not funny! It hurts!” aniya. “And it pissed me off!”
“Right. I believe you.”
Ibinato niya pa uli ang isa pang unan. Na lumiko uli.
“It’s not about the sex, moron! I mean, wala man lang proper goodbye! One second we were kissing and I was naked and then, shit, bibili lang ng condom? Bibili ng condom sa convenience store, pero bumalik sa ibang kama at sa ibang hubad na babae? That hurts! That’s not a joke!” giit niya. Uminom siya ng alak mula sa hawak na baso.
Tuloy-tuloy ang laughing frenzy ng walang kuwentang lalaki. Aliw na aliw pa yata.
“And that’s when you realized that your world was. . . fucked-up? Pun intended.”
Naaasar siyang lalo. Whenever she looked at Adam, his eyes seemed to get warmer. His brown eyes melted into a delicious caramel brown. She’s weak with caramel.
“No, no, no. I knew the world was a mess after that. When I realized that everyone around me’s getting married! Hindi lang batchmates ko! Hindi lang classmates ko.
“I’m thirty, moron! Everyone’s tying the knot. Kahit ’yong mga mas bata pa sa akin. They have lives, they have kids, they have husbands. They have a house—an actual house. ’Yong mga walang asawa, they have careers that they enjoy! What about me? I have nothing!”
“What are you talking about?” anito. “Look at me. I’m thirty-two and unwed and I don’t worry about it.”
She tsked at him. Wala itong karapatang mag-compare. “But you’re sexy! You’ve got a nice, firm butt. You looked so good. Ano’ng poproblemahin mo sa love life? Women will jump on you whenever—unless you’re actually gay!
“But look at me? I got a thirty-six inches waistline! Ni hindi pa ako nagkakaanak, lumalapad na ako. Everyone’s asking me kung kailan ako ikakasal. And I don’t know how to answer that. . . because. . . I don’t even have someone.”
Ngumalngal uli siya. Unaware na lumapit sa kanya si Adam para hagurin ang likod niya.
“It felt like. . . I’m the only one stuck! My ex-bestfriend—who’s a traitor by the way, who married my first love—actually got promoted from a project she took from me! And not just that. My ex-boss got an award for being an outstanding entrepreneur when she made my life a living hell!” Huminga siya nang malalim. Sumigok. “Me? I can’t even. . . face my family. Tatanungin nila ako kung bakit naghiwalay kami ni Adrian. And I can’t tell them about that stupid condom story. ’Cause who does that? Why does it have to happen to me?”
“They’re family, Erin, they might understand.”
Umiling siya. “How? Ni hindi ko nga naiintindihan, eh. Adrian and I. . . we’ve been together for five years! Sure, some things went wrong between us. . . but we held on. I thought things were working before he left me.
“Now, I don’t know kung paano ikukuwento sa iba kung bakit, kung paano, kung ano’ng dahilan kaya naghiwalay kami. There’s no explanation at all. Just a text saying he’s sorry. An apology for wasting five years of my youth.”
Pinahid niya ang luha sa mga mata. “You have the same car. Kaya nasira ko ’yong Ford mo—it’s because you have the same car. I thought, kotse niya ’yong pinipinturahan ko. And then at the mall. . . I saw Adrian wearing the same color of shirt. So I thought. . .”
Sige ang singhot niya. Iyak. Pahid ng luha. Inom ng bourbon. Singhot uli.
“Okay,” anito. “I get that part already.”
At naalala niya ang taboo word mula nang makilala niya si Adam.
“I’m so messed up! And now. . . I’m going to jail!” Pumalahaw siya ng iyak. “It’s the end of my life!” #
*** Nagising si Erin sa mainit na hita na dumampi sa hita niya. Hinawi niya pa ang nakakalat na buhok sa mukha bago nagmulat ng mga mata. Ang unang tumambad sa paningin niya ay ang nakapikit na mukha ni Adam. Tinakpan niya ang bibig sa muntik na pagtili. Pagkatapos ay sinilip niya ang sarili sa ilalim ng kumot. Naka-panty at bra lang siya samantalang si Adam naman ay short na lang ang natitirang suot. Itinakip niya ang kumot hanggang sa dibdib, saka pinagmasdan ang lalaki. Nakadapa ito, nakabiling ang mukha sa gawi niya, at bahagyang nakasanday ang kanang paa sa kanya. Malaya niyang nakikita ang matigas na kalamnan nito sa braso at tagiliran. Nakagat niya ang labi. Not even Adrian looked this good half-naked. Sigurado siyang walang fats sa katawan ang lalaki. He looked firm, strong, and delicious everywhere. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nag-iinit siya, este, mainit siya dahil pa rin yata sa nainom na alak. Mukhang walang natighaw na uhaw mula sa kaibuturan ng pagkatao niya. Mukh
***Padabog ang paghuhugas ni Erin ng pinagkainan. Mainit ang ulo niya dahil masarap ang halik ni Adam at sa kabila ng malagkit na umaga ay wala siyang ideya kung paano sila magkakaroon ng morning coffee kiss part 2. At kapag may isang bagay siyang gusto na parang madali namang makuha pero ni hindi niya maamin o mahingi man lang, nag-iinit ang ulo niya. To its highest boiling point. "Shit. Bakit hindi na lang naging bakla?" Napapailing-iling siya habang hindi namamalayan ang sariling pagbulong. Panay ang isis niya gamit ang sponge sa walang labang plato.Intrimitidang utak: Hindi mo panghihinayangan kung maging bakla nga siya? Hindi mo panghihinayangan ang caramel eyes, biceps, long legs, at ang makatunaw-everything na halik? Bet mo talaga siyang maging bakla?Matalinong utak: Don't be dumb. Magdasal ka na lang. Kaya mo 'yan, girl.She hissed at her own thoughts."Matagal ka pa?" tanong ni Adam na tumabi sa kanya. Sandali siyang sumulyap dito. Napalunok nang magtama ang mata nila ba
***Alas-tres ng hapon. Siksik pa sa tiyan ni Erin ang seafood na nilantakan nila ni Adam sa isang restaurant by the bay. At ngayon, sa halip na nagpaplano siya kung paano kakalbuhin si Felicia o susundan ang bride ni Adrian, ay nasa jewelry boutique siya sa loob ng mall. Nakaharap sila ni Adam sa eskaparateng kinalalagyan ng mga kumikinang na alahas. Nakaantabay naman ang attendant sa kanila.“Ano’ng tinitingnan natin?” usisa niya. “Help me pick a present for a girl.”Nanalas ang mata niya sa lalaking nakatuon ang atensyon sa mga naka-display. Ano’ng sinasabi nito? Pumili siya ng alahas para sa ibang babae? Ang akala ba ng lalaking ito, por que at may atraso siya ay walang kaso sa kanya ang karay-karayin nito sa kung saan kahit na may iba siyang gustong gawin? Uutusan pa siyang pumili ng gagamiting pang-uto sa kung sino? Napakasuwerte naman ng tingin nito sa sarili! Guwapo na nga, kailangang may alila pa talaga?“It’s actually for Eloise,” dagdag nitong saglit na sumulyap sa kanya.
***“Is this poisoned?” tanong ni Adam habang nakatingin sa iniluto ni Erin. Nakapatong ang salaming kaserola ng pagkain sa gitna ng mesang kainan. Nakapagitan sa kanilang dalawa.Nasa condo sila na pagmamay-ari ng lalaki. Studio-type iyon. Minimalist ang interior at ang mga kasangkapan. Gray, white, at blue ang dominanteng mga kulay. Nakahiwalay sa isang loft ang bedroom. Nakadibisyon sa living room at kusina ang glass cases ng iba’t ibang uri ng camera.Pagbungad pa lang nila roon kanina, puwedeng namutiktik na sa papuri ang labi ni Erin. Kaya nga lang, nakatuon sa iisang bagay ang isip niya—ang kalbuhin si Felicia. May bago siyang dahilan para lalong magngitngit.“Hey. Are you still looking at your phone?” sabi uli ni Adam sa kanya. Umiinom ito ng red wine at sumusubo ng cheesecake na dessert sana nila.Matalim na tingin ang ibinato niya rito. Maingay na lalaki. Nag-iisip kaya siya! Sana. Kaso ay tumigil ang tuktok niya sa pagproseso nang i-send ni Aly sa kanya ang isang screenshot
***Bago pa magsungit sa gutom si Erin ay nakarating sila ni Adam sa isang Mexican restaurant. Naupo sila sa isang mesa na paharap sa entrada ng kainan at tahimik na um-order. Kahit nangangalabit ang asar niya sa picture na in-upload ni Felicia at nangangati ang dila niya para ireklamo ang mga mapapait na alaala ni Adrian, itinikom niya ang bibig. Wala kasi siyang pambayad sa pagkain sakaling totohanin nga ni Adam na pagbayarin siya kapag inuna niya ang topak niya.“I’m getting scared by your silence,” sabi ni Adam nang magsimulang isilbi sa mesa nila ang hapunan.They ordered pork carnitas (braised pork), baja fingers (breaded chicken strips), salad, and stuffed jalapeño. “Nagpapraktis ako ng vow of silence,” mataray na sagot niya. Heto na nga at iniiwasan na niyang ikomento ang anumang may kinalaman sa kapaitan niya sa buhay, pupunahin pa ng lalaking ito ang paghihirap niya.“You don’t know how scary you look when you’re trying to control your temper,” anitong natatawa. Nagsu
***May tatlong dahilan si Erin nang lumabas ng bahay—bored siya, nangangalabit ang curiosity niya, at masokista siguro siya. Tiyempo pa na ang nasa schedule ni Ms. Shan (nickname ng bride ayon sa notes ng wedding coordinator) sa araw na ito ay ang pagkuha sa measurements para sa bridal gown. Tiyempo rin na ang designer na magdidisenyo ng damit ay mula sa bridal shop na paborito niya at ilang ulit nang nabisita. That should be enough coincidence for her to back-out. Pero gusto niyang makita nang malapitan ang babaeng ipinalit sa kanya.Nakatalikod ang babae nang una niyang masulyapang kasama ni Adrian. Alam niyang payat. Isang bagay na nakao-offend sa bilbil na iniipit niya. Kaya gusto niyang makita kung maganda rin ito. Sana mas maganda siya. Hindi scientifically proven na gagaan ang pakiramdam niya at mababawasan ang sakit ng loob niya kung mas maganda siya sa pakakasalan ng ex-boyfriend. But she knows that it counts. Mababawasan nang kaunting-kaunti ang pagngingitngit niya.Napasul
*** Madaling-araw na nang mapagod sa pag-iyak si Erin. Nang humarap siya sa salamin sa banyo at makita ang mukha ay mapakla siyang napangiti. Mukha siyang emoterang rockstar. Puwedeng pamugaran ng uwak ang gulo ng buhok niya. Hulas ang mascarra. Sabog ang eyeliner. Maga ang mga mata. Namumula ang matangos niyang ilong habang nangingitim nang bahagya ang tagiliran ng labi niya mula sa wrestling kay Felicia.Ilang ulit niyang hinilamusan ang mukha kahit wala namang naitulong. Pagkatapos ay uminom siya ng tubig mula sa ref bago lulugo-lugong nahiga sa kama.‘Narinig kaya ako ni Adam? Sana nakaalis na siya bago ako ngumawa,’ naisip niya pa habang napipikit. ‘Nakauwi kaya siya nang maayos?’ Napahikab siya. ‘I need to sleep. I have to cook. . .’ —naglapat ang mga mata niya at—‘tomorrow.’Nanaginip si Erin. A blurred and forgettable dream. Isang panaginip na kung maaalala niya ay magpapaiyak sa kanya.Ilang oras lang, naalimpungatan siya sa mainit na katawang yakap-yakap. Napangiti siya hab
***Humihingal si Erin nang sumalampak sa sahig. Nakadikit ang basa sa pawis na damit sa katawan niya at ang ilang hibla ng naka-ponytail na buhok sa mukha. Masikip ang paghinga niya sa pagod, sa init, at sa tuyot na tuyot na lalamunan. Anumang oras ay siguradong mamamatay na siya kung hindi lang—“You look like you’re dying, sleepyhead,” komento ni Adam na sumalampak sa tabi niya at idinikit sa pisngi niya ang hawak na bote ng malamig na tubig.Nilingon niya ito habang nakabuka ang bibig sa paghahabol ng hininga. Kinuha niya ang bote sa kamay nito, mabilis na binuksan, at uminom. Gumuhit ang malamig na tubig sa lalamunan at sikmura niya.“How. . . could water. . . taste. . . so sweet?” putol-putol na sabi niya at tuluyan nang humiga sa malamig na sahig ng condo. “I’m dying. Mapuputol na ang. . . mga kamay ko. Oh my God.”Malutong na humalakhak ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya habang nakaupo at umiinom din ng tubig.“I told you not to overdo it. You’re the one throwing a storm of t
***“I’m heading out, sleepyhead. Okay ka ba diyan?” tanong ni Adam.Nakatanga si Erin sa harap ng oven habang nakasandal sa counter at kausap ang nobyo sa cellphone. Hinihintay niyang maluto ang mixture na inilagay niya roon at malaman kung ibabalibag na ba niya ang lahat ng mixing bowls at naiiwang ingredients sa kusina ni Tita Mildred. Ang tiyahin niya ay iniwan siya isang oras na rin ang nakalilipas, para sa rasong ’di na niya inintindi. Focus na focus kasi siya kanina sa pagmi-mix. Ang sabi nito ay hahatulan nito ang ginawa niya pagbalik.“Malalaman ko lang kung okay ako kapag nakita ko na ’tong b-in-ake ko,” sagot niya.“Hmm. You’re not really expecting to get it right the first try, hmm?”Ayaw namang mag-expect ni Erin, pero dahil nasa dugo niya ang maging assuming at advanced mag-isip, may mga senaryo sa isip niya na kapag hindi natupad ay gigising sa toyo niya.“Well . . .”Mahinang tumawa si Adam sa kabilang linya. “It’s your first time, sleepyhead. Take it easy.”Hindi niya
***“Thank you, Shandy,” sabi ng ginang sa dalaga nang ibaba nito ang drinks at cake nila sa mesa.Nasa isang coffee shop na sila. Tapos nang mag-lunch at mag-shopping ng accessories at jewelries. Sina Shandy at Eloise, para siguro magpalipas ng oras. Bumili ng ilang libro ang mga ito na sinisimulan nang basahin. Sila naman ni Violet, naroon siguro para ipagpatuloy ang pagpapasaring sa isa’t isa. Hindi pa kasi sila nakauupo man lang ay may bago nang ipinagbubuntonghininga ang ginang na hindi niya malaman kung saan na naman galing.“Shaniah and I used to go shopping together,” walang anumang sabi nito at humigop sa kape.Natigilan ang mga nasa mesa. Maging sina Eloise at Shandy ay ibinaba ang librong hawak ng mga ito.Nagpanting naman ang tainga ni Erin. This time, hindi na niya itinago ang disgusto sa mukha. May hangganan ang pagtitimpi niya sa mga maririnig at ang hangganan ay may pangalang Shaniah at Adrian.Pumihit siya sa gawi ng ginang sa kaliwa bago, “Sorry kung nami-miss mo ang
***Ang inaakala ni Erin na simpleng pa-salon ni Violet Ledesma, VIP schedule pala. Matapos nilang magsukatan ng talas ng mata at muntikan nang talas ng dila nang makaalis si Adam, tumuloy siya kasama ang mga babaeng Ledesma sa isang sikat na salon na nasa mall. Doon ay sinalubong sila ng mismong may-ari, bineso-beso, chinika at pinaulanan ng papuri, bago ipinagkatiwala sa head stylist at ilang assistants. Walang ibang tao sa salon kundi sila. Reserbado ang buong umaga para lang sa kanila.Ilang ulit tumaas ang kilay niya sa tutok na pag-aasikaso sa pamilya ni Adam. Si Eloise ay agad pinaupo para purihin at suriin ang buhok. Magpapa-treatment ang babae para sa natural curls nito. Si Shandy naman ay pinaupo para purihin at papiliin sa bagong kulay ng buhok na gusto nito. Magpapa-style lang ang mas batang babae. At si Madame Violet, ayon sa tawag dito ng mga stylist, ay pinaupo para purihin nang purihin nang purihin. Magpapa-treatment din ito sa buhok. Ayon sa narinig niya, may foot spa
***Maaga pa ay nag-iingay na ang cell phone ni Erin. Pikit ang isang mata niyang kumapa sa buong kama hanggang matigil ang palad niya sa sikmura ng katabing si Adam. She smiled a lazy smile. Dagli niyang nalimutan ang ingay na gusto niyang patahimikin, lalo pa at hinawakan ni Adam ang pupulsuhan niya at hinila siya palapit sa katawan nito. She comfortably snuggled beside him. Sinandayan siya nito. Idinantay ang kamay sa baywang niya. Pinadulas naman niya ang palad sa sikmura nito pataas sa dibdib. Maagang biyaya mula sa kalangitan.“Don’t do that so early in the morning, sleepyhead,” may bahid ng antok at ngiti na sabi nito. “I might forget I have to go to work . . .”Lagi naman itong mabilis makalimot sa trabaho.“What am I doing, huh? Naghahanap lang naman ako ng cell phone,” she said cheekily and laughed softly.“Unfortunately, wala ang cell phone sa sikmura ko?”“Hmm. Wala ba?&
***From the couch, their kissing lead them to the kitchen. Na malamang ay para maiwasang magulungan nila ang bubog ng mga nasira. Adam carried her while exploring her mouth.Nang lumapat ang likod ni Erin sa mesang gawa sa kahoy, magkakrus pa rin ang mga paa niya sa baywang ni Adam, her skirt pulled up on her ass. He was gripping her hips as she was rubbing herself against the hard-on bulging from his pants.They were still fully clothe but the scent of sex was already thick in the air. Parehas silang nagpapakalango sa paggagad sa labi ng isa’t isa at paghaplos sa balat ng isa’t isa.Nang maputol ang manipis na strap ng dress na suot ni Erin, pababa na mula sa lalamunan niya ang labi ni Adam. Walang hirap nitong kinagat pa pababa ang tela ng damit. Lumuwa ang dibdib niya kasabay ng pagtukod niya sa mesa. Adam freed her heavy mounds from her bra and took one tip in his mouth.Kasabay ng singhap at daing ni Erin ang higit na pagpul
***Nagkakalantugan ang mga kubyertos sa hapag-kainan ng mga Ledesma. Nangakaupo ang mga miyembro ng pamilya sa masaganang family dinner kasama ang special guest na si Erin. Katabi niya si Adam sa kaliwa, sa kanan si Eloise, at pagkatapos ay si Shandy. Sa katapat ng mga upuan nila ay ang ina ng tahanan na si Violet, ang panganay na si Elaine, at si Josiah. Sa ulo ng mahabang mesa ay ang amang si Gaston. Nangakatayo naman sa sulok ang dalawang kasambahay at ang cook.Masarap ang mga putahe sa dinner pero nahihirapang lumunok si Erin dahil sa taas ng kilay ni Violet. Hindi pa iyon bumababa mula nang dumating sila ni Adam at sipatin nito ang diamond ring na nasa daliri niya. At nang hagurin siya nito ng tingin, pang-teleserye. Mahihiya ang mga kontrabida. Paminsan-minsan ay umiikot din ang mga mata nito o umiirap sa kanya. Sa kanya lang talaga!Kung hindi niya lang isinasaalang-alang na mula sa genes at breast milk nito ang yumminess ng fiance niya, nag-wreck
***“Sleepyhead? Are you awake?” malalim pa mula sa pagtulog ang boses ni Adam.Nangiti si Erin. Nakaunan siya sa braso nito habang kumos ang kumot sa hubad na katawan. Ilang minuto na siyang gising tulad nito pero walang kumikilos sinuman sa kanilang dalawa.“I’m awake,” sagot niyang lalong sumiksik sa dibdib nito.He played the strands of her hair, bago idantay ang hita sa kanya. Mahina siyang natawa.“Bakit walang bumabangon sa ’tin?” tanong niya rito.Nang tumingala siya rito, nakatingin na ito sa kanya. Parehas silang may magaang ngiti sa mukha.“I want to cuddle,” sabi ni Adam. “Don’t get up yet.”“I don’t want to yet.”“Hmm.”Nilulubos niya ang pagdama sa init ng katawan nito at pagkalunod sa amoy ng balat nito. Gano’n din marahil ito.The sex they shared last night was a stormy nee
***Nobyembre. Taksil ang bilis ng paglipas ng tatlong buwan sa nawawalang pakiramdam ni Erin. Dumarating pala ang araw na namamanhid sa pagsisisi ang isang tao. Dahil namanhid si Erin nang huling beses na tangkaing makita si Adam.Matapos siyang makatanggap ng bulaklak at ng isang bagong interior mula sa lalaki, nagmadali siyang pumunta sa condo nito pero wala ito. Nang mag-imbestiga siya sa opisina nito ay nalaman niya mula sa mga manggagawa na hindi ito pumapasok. Nahihiya man ay nagtanong siya kay Elaine pero hindi rin nito alam kung saan nagpunta ang kapatid. Bumili siya ng bagong cell phone at tumawag sa number nito na kabisado niya, pero hindi siya makakonekta. Nilamon ng bula si Adam.Gaya ng sabi nito sa note: I promise this will be the last.It was almost Adrian all over again. Except, si Erin ang unang tumalikod.Pero ang sakit na tiniis niya, mas nakababaliw at nakapanghihina. Nawalan uli siya ng tsansang magma
***“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday . . . to you!”Nagpalakpakan ang sangkamag-anakan ni Erin nang hipan niya ang kandila sa cake na bitbit ng mga ito. Ikalawang araw niya sa ospital. Hindi pa siya makalabas dahil OA ang doktor na tumitingin sa kanya. At dahil pinababantayan ng Tito Ernie niya ang pagtulog at pagkain niya.Mula pa nang nagdaang araw ay pinagkaguluhan ng mga De Guia ang pagkakaospital niya. Parang mob na magkakasamang sumugod ang mga ito at dinalhan siya ng kung ano-anong pagkain. Sakit-mayaman daw kasi siya. Hindi makapaniwala ang mga ito na sa lahat ng tao ay siya pa talaga ang mag-iinda ng sakit na dahil sa stress. In their words, she is supposed to be the stressor.Hindi pa alam ng mga ito na wasak na ang halos lahat ng gamit sa apartment niya na puwede niyang pag-trip-an. Wala na siyang maaari pang mapagbuntunan ng stress.She was still thankful, th