Home / YA / TEEN / She's Back / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of She's Back: Chapter 1 - Chapter 10

50 Chapters

Prologue

Prologue"Ate...." Napayakap siya ng mahigpit sa akin habang patuloy ang kaba na nararamdaman niya na tila sasabog na ang kanyang dibdib.Malungkot na tumingin ito sa kanya habang pinipigilan nitong tumulo ang kanyang luha, "Wag kang magalala di tayo pababayaan ng Diyos." Niyakap niya rin ito ng mahigpit saka pumikit, "Magdasal tayo."Inabot niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit habang binaon niya ang mukha niya sa dibdib ng kanyang kayakap, "Wag muna ngayon. Hinihintay niya ang pagbabalik ko." Maluha nitong bulong sa kanyang sarili.Tahimik ang kasama nitong nagdasal. Kabado man ngunit pinaubaya niya na sa Panginoon ang magiging kapalaran ng kanilang buhay.================================================================"Jc.. Jc. Gumising ka na. Magsisimula na."Isang boses ang bumulong sa tenga ko para maging dahilan ng unti-unting pagdilat ng aking mga mata. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at napatingin sa kung saan galing ang boses."Magsisimula na.." Tugon ng isang ba
Read more

One (1)

ONE (1) Naglalakad ako sa path walk ng biglang nakita ko si Sir Villaflor na lumabas mula sa classroom. Siya ang first subject Instructor namin sa umaga at malamang tapos na siyang magturo sa section namin. Napansin kong pareho kami ng path walk na dinadaan ni Sir. Madalas iniiwasan ko siya pero sa sitwasyong ito, alam kong nakikita niya rin ako kaya di na ako lumihis ng daan. Deretso lang ang lakad ko hanggang sa magkasalubong kami. “Good morning, Sir.” Bati ko ng magkalapit na kami. “Kung palaging ganitong oras ka nang pumapasok, Ms. Castino, magiging irregular ka talaga next sem.” Wika ni sir. “Aagahan ko na po sa susunod.” Tugon ko. Tumango lang si sir saka nagpatuloy sa paglalakad. Dumeretso na rin ako sa classroom. Pagpasok ko ng pinto, naabotan kong nagsasalita sa harap si sir Jeff. Instructor namin sa major. Pero nakapagtataka lang, mamayang hapon pa ang klase niya sa amin. “Castino.” Malakas na bangit niya sa apelyedo ko na na
Read more

Two (2)

TWO (2)Kinakaladkad ako ni Almira papasok sa isang park, ilang oras pagkatapos ng klase namin. EB kasi ng clan namin at walang akong planong pumunta pero eto ako ngayon, kinakaladkad niya."Wag ka na kasing KJ, crushmate. Sumama ka na." Pagpupumilit pa nito."May magagawa pa ba ako ei hinihila mo na nga ang kamay ko." Sagot kong napipilitan."Wag mo ngang dibdibin. Ngayong gabi ka lang naman absent sa dota." Nakangiting sagot naman niya.Makalipas ang ilang minutong paglalakad, huminto kami sa isang kubong gawa sa kawayan. Halos occupied na ng mga binata at dalaga ang kubong yun. Masaya silang nagkukwentohan sa bawat isa. Halos halakhak ng kahit sinong andon ang maririnig mo. Lahat sila ay panay ang usapan at iilan lang ang tahimik na nakaupo. Mukhang masayahin ang clan na napasokan ko at hindi mga isnaberra ang mga members. Bawat may darating ay kung sinu-sino lang ang lumalapit at nakikipagkamay. Di na rin ako magtataka kung bakit mara
Read more

Three (3)

THREE (3)- 3rd person POV -"Rhea, may bisita ka." Sigaw ni Cyrel mula sa sala habang binubuksan ng malaki ang pinto."Sandali lang." Pasigaw namang sagot ni Rhea mula sa kanyang kwarto."Tuloy ka muna. naglalaro pa ata si Rhea ng Dota." Wika naman ni Cyrel sa binatang nasa harapan nito."Salamat po pero dito ko nalang hihintayin si Rhea." Sagot naman nung binata.Maya-maya ay lumabas na si Rhea mula sa kanyang kwarto at naglalakad ito papunta sa main door, "Sino ba yan ate?""Ceejay Gonzaga daw ang pangalan niya." Sagot naman ni Cyrel ng makalapit ito sa kanya.Nagulat si Rhea nang marinig niya ang pangalan ng binatang nakatayo sa harap ng kanilang pinto, kaya mahinang tinulak niya si Cyrel papalayo sa pinto at nakita niyang nakatayong nakangiti si Ceejay sa harap ng pinto."At anong ginagawa mo dito?" Pagtataray na tanong ni Rhea."Kakagaling ko lang sa school at kanina pa nagsimula ang fina
Read more

Four (4)

FOUR (4)- Rhea's POV -(Background song playing:Nakakamiss by Smugglaz, Curse One, Dello and Flick G)Habang hinihintay kong matapos ang loading ng Dota para sa game na create ko, nilakasan ko ang volume ng speaker hanggang sa umabot ito sa maximum nitong lakas. Magisa lang kasi ako sa bahay. Nasa trabaho si ate habang dalawang linggo naman kaming walang pasok dahil sa nangyari sa ComLab. At dahil dun, postponed ang dota tournament. Nakakaiyak...Napalingon ako sa maliit na rectangular stainless sa tabi ng laptop at wala na itong laman. Tutal, sobrang tagal nitong magloading, tumayo na muna ako at nagpunta sa ref, dala yung rectangular stainless para kumuha ng cookies.Pagbukas ko ng ref, may dalawang paper bag pang natitira. Akala ko ubos na, kaya kinuha ko na yung dalawa at sinara ang ref. Bunuksan ko yung dalawang paper bag at sabay na binuhos ang laman sa stainless na dala ko at hinagis ang paper sa trash bin na katabi ng ref.Nagkakanta ako habang naglalakad pabalik sa sofa kun
Read more

Five (5)

FIVE (5)- Rhea's POV -Dahil bored sa bahay, natagpuan ko ang aking sarili na umattend ng EB. Ayoko naman talaga. Pero dahil sa pagpupumilit nila Four, Almira at Ceejay andito na ako ngayon. Pinagtulungan ba naman ako. Sa puntong, pumunta pa sa bahay si Almira para ipagpaalam ako kay ate."Kanina ka pa ba, madz?" Tanong ni Almira kay Four ng makarating kami sa labas ng kubo."Hindi naman." Maiksing sagot niya."Nasan si Ceejay?" Tanong ulit ni Almira."Ayun oh. Nakikipaglandian sa malanding yun." Agad kong sagot ng makita kong nakipagkamayan si Ceejay sa isang babaeng nakamaong shorts at spaghetti shirt, bago pa makasagot si Four.Sabay namang napalingon ang dalawa sa dereksyon nila Ceejay at nung babae habang ako naman ay tahimik na pinagmamasdan sila.Maya-maya ay binalik na ni Almira ang tingin niya sa akin."Kakarating mo lang, yan agad ang nakita mo." Sita ni Almira."Ei nasa likod lang ni Four. Makikita ko agad." Katwiran ko habang don parin nakatingin sa kanila.Nakahalf smile
Read more

Six (6)

SIX (6)- Jc's POV -[ Flashback ]"In the count of Five!" Simula ko at sumabay naman ang buong crowd sa countdown."Five!""Four!""Three!""Two!""One!"Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw, hinatak ko ang bewang ni Primera papunta sa akin at hinalikan siya sa labi.Pagkadampi ng mga labi namin, biglang lumiwanag ang mukha niya at unti-unti itong lumalabo. Lumitaw ang mukha ng isang babaeng pinagdarasal kong sana muling mabuhay. Kahit malabo itong titigan dahil sa liwanag, buong ang kutob ko sa aking nakita.Pagbalik ng ilaw, napaatras ako sa gulat. Bakit ko ba siya nakita? Sa mga sandaling yun, wala naman akong iniisip na kahit anong tungkol sa kanya.[ End of Flashback ]Ano kayang ibigsabihin nun? Parang wala na atang akong maintindihan sa mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw. Dagdag pa tong weird na nararamdaman ko kay Rhea. Pakiramdam ko ba ay matagal ko na siyang kilala at magaan na agad ang loob ko sa kanya."Kamusta na po ba ang lagay niya?" Tanong ko ng makita kong lumaba
Read more

Seven (7)

SEVEN (7)- Jc's POV -Pagdating ko sa bahay, sobrang dilim at nakakabingi sa sobrang tahimik. Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa tabi lang ng pinto at nagkaroon na rin ng liwanag ang loob. Nakakapanibago lang dahil kadalasan kapag umuuwi ako ng hating-gabi o madaling araw ay lage akong sinesermonan ni tita Lyca, pero ngayon mukhang wala ata siya o may lakad.Dumeretso na ako sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa taas i-non ko rin ang ilaw sa hallway at tahimik na naglakad. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nabibingi na ako sa nageecho na tunog ng paa kong naglalakad. Pero atleast, naka-day off rin ako sa walang katapusang pakikipagtalo ko kay tita.Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Naka-on naman yung ilaw at natutulog na ang kapatid kong si Cesha.Nakangiti akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang noo. Bigla akong kinilabotan ng maramdaman kong sobrang init ng noo niya."Cesha..?" Mahinang taw
Read more

Eight (8)

EIGHT (8)Pagdilat na pagdilat ko ay nilingon ko si Jc at maingat na hinawakan siya. Tama nga ang hinala ko. Nilingon ko ang lahat ng taong nasa chapel at lahat sila'y huminto sa paggalaw. Nilapag ko rin ang kamay ko sa lupa para kumpirmahin ang nangyayari at huminto talaga ang panahon at oras.May bababa kayang anghel? Sino naman kaya? Wala naman akong nilabag sa mga bilin sa akin. Maliban lang sa paggamit ng salamin ng panahon at oras.. Pero isang beses lang naman..Maya-maya ay unti-unting nababalotan ng liwanag ang buong chapel. Sa sobrang liwanag ay di ko na makita si Jc pati ang mga taong andon. As in plain white lang talaga ang nakikita ko. Napatayo ako habang inaabangan kung sino ang lilitaw mula sa liwanag. Pagkatapos ay umulan ng mga puting balahibo mula sa himpapawid sa bumalot sa puting kapaligirin. Lumitaw ang isang anghel mula sa liwanag na nakabuka ang napakakintab at maputing pakpak. At unti-unti itong tumitiklop habang siya naman ay naglalakad papalapit sa akin. Hangg
Read more

Nine (9)

NINE (9)- Third Person's POV -2 weeks later..."Rhea, may kasabay ka bang manananghalian?" Tanong ni Ceejay habang nakasunod ito kay Rhea."Si Almira sana kaso may ginagawa pa kasi siya sa CLab3." Katwiran naman ni Rhea habang naglalakad papalabas ng campus, ng hindi ito tumitingin sa kanya."Sabay na tayo. Manlilibre ako." Sagot naman ng binata habang patuloy na pumapantay sa bilis ng paglalakad ng dalaga.Tumango lang si Rhea habang nakatuon ang tingin sa daan. Tahimik na magkasabay sila Ceejay at Rhea papunta sa pinakamalapit na karenderya para magtanghalian.Pagkarating nila doon ay limitado nalang ang maaring pumasok sa sobrang dami ng tao sa loob. Naunang pumasok si Ceejay at nakipagsiksikan sa loob. At habang nagiisip si Rhea ng paraan kung paano sumiksik sa loob, may narinig siyang boses na tila mahinang umiiyak. Nagkasalubong ang kilay niyang lumingon sa kanyang likod, at ginala niya rin ang mata niya sa daan. Lahat ng dumadaan ay nakafocus sa kung saan sila papunta at ang
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status