Share

Seven (7)

Author: Cecille Kudogawa
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

SEVEN (7)

- Jc's POV -

Pagdating ko sa bahay, sobrang dilim at nakakabingi sa sobrang tahimik. Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa tabi lang ng pinto at nagkaroon na rin ng liwanag ang loob. Nakakapanibago lang dahil kadalasan kapag umuuwi ako ng hating-gabi o madaling araw ay lage akong sinesermonan ni tita Lyca, pero ngayon mukhang wala ata siya o may lakad.

Dumeretso na ako sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa taas i-non ko rin ang ilaw sa hallway at tahimik na naglakad. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nabibingi na ako sa nageecho na tunog ng paa kong naglalakad. Pero atleast, naka-day off rin ako sa walang katapusang pakikipagtalo ko kay tita.

Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Naka-on naman yung ilaw at natutulog na ang kapatid kong si Cesha.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang noo. Bigla akong kinilabotan ng maramdaman kong sobrang init ng noo niya.

"Cesha..?" Mahinang tawag ko sa kanya na halatang nagaalala habang hawak ang magkabilang pisngi niya.

"Kuya...." Matamlay at mahinang sagot niya na halatang inaantok pa.

"Anong nangyari sayo at bakit sobrang init mo?" Pagaalalang tanong ko habang inalis ang makapal niyang kumot at hinubad ang napakakapal niyang suot na jacket.

Hindi siya sumagot. Matamlay na pinagmasdan niya lang ako habang abala ako sa paghubad ng suot niyang jacket habang tumatango ang ulo niya sa sobrang antok.

Nang mahubad ko na ang jacket niya ay biglang nanginig ang buong katawan niya at sunod naman ay may dugong lumabas sa ilong niya.

"Cesha!" Bigla akong kinabahan. Mahinang inalog ko ang katawan niya pero kusang pumikit ang mata niya at tuluyang nawalan ng lakas ang katawan niya.

Nanginginig ang braso ko ng nilagay ko sa balikat ko ang ulo niya at binuhat siya. Nagtatakbo akong bumaba sa hagdan at deretso sa pinto.

Sobrang tahimik ng kalsada ng makalabas ako. Ni isang sasakyan, walang dumadaan. Hating gabi na rin kasi kaya wala nang bumabyahe. Kahit medyo malayo ay naglakad-takbo ako papuntang hospital. Hindi na kasi ako makapaghintay ng jeep baka mas lalo pang lumala ang kalagayan ng kapatid ko. Kahit wala siyang malay, ramdam kong nanginginig ang buong katawan niya. Kaya mas binilisan ko.

Maya-maya, lumiwanag ang kalsada. Automatikong napalingon ako sa likod at may nakita akong isang puti na Hilux na paparating. Sa bilis ng takbo nito ay halatang nagmamadali ito. Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataong yun at dumiskarte na ako para mapabilis ang pagdating ko sa hospital. Tumayo na ako sa gitna ng kalsada. Kahit gaano pa man kabilis ang takbo nito, hihinto pa rin ito kapag may nakaharang sa kalsada.

Sa awa naman ng Diyos ay unti-unting humihina ang takbo ng Hilux hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ko. Bumaba mula sa driver's seat ang isang maputi at matangkad na babae, may suot itong reading eye glasses at white long jacket. Sa tingin pa lang niya sa akin, mukhang papatayin niya na ako.

"Magpapakamatay ka ba?" Galit na sigaw nito sa akin.

"Pasensya na po pero kelangang kelangan ko lang talaga ng masasakayan. Inaapoy po kasi ng lagnat ang kapatid ko." Pagmamakaawang paliwanag ko.

Kumalma naman ang mala-tigre sa galit na mukha ng babae at lumapit ito sa akin. Tumayo siya sa kanan ko kung saan nakapwesto ang ulo ni Cesha. Walang salita na nilagay niya ang kanyang palad sa noo ni Cesha at duoy muling nagkasalubong ang kilay niya. Mahinang hinimas niya ang braso ng kapatid ko habang inoobserbahan ang mukha niya.

Pagkatapos ay sumulyap ito sa relong suot nito sa kamay at naglakad pabalik sa Hilux niya, "Sumabay ka na sa akin. Kelangang madala agad sa hospital ang kapatid mo."

"Ano po ba ang sakit niya sa tingin niyo?" Pangungusisa ko habang sumusunod sa kanya.

Binuksan niya muna ang passenger's seat saka nagtungo sa driver's seat at sumakay, "May symptoms of Dengue fever ang kapatid mo at sa tingin ko ay malala na. Kelangan niya ng agarang lunas."

Ako naman na nakikinig sa sinasabi niya habang sumasakay sa passenger's seat ay biglang nanghina at pabagsak na umupo saka sinara ang pinto. Parang biglang bumigay ang katawan ko na para bang din na kaya nitong gumalaw. Natulala na lamang ako habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ng kapatid ko.

"Wag kang magalala. Ako ang magaasikaso ng kapatid mo pagdating natin don." Dugtong pa niya ng hindi ako makapagsalita. At pinaandar na niya ang makina at bumyahe na kami.

"Doctor po kayo?" Tanong ko.

"Oo, at midnight shift ang schedule ko." Sagot nito habang nanatili ang mga mata sa daan, "Buti nalang dito ako dumaan. Hindi kasi ako makadrive ng mabilis sa main road."

Ngumiti na lamang ako kahit fake smile bilang sagot na sinabi niya at tumingin sa labas ng bintana habang mahigpit ang yakap sa kapatid ko. Wala kasi ako sa mood para makipagusap. Sobra-sobra ang pagaalala ko sa kalagayan ni Cesha. Panong hindi nadala ni Tita sa hospital si Cesha? Buong araw silang magkasama sa bahay?

Maya-maya ay dahan-dahang bumabagal ang takbo ng Hilux hanggang sa tuluyan itong huminto sa entrance ng emergency. Hindi pa napapatay ng doctora ang makina ng Hilux niya ay agad siyang bumaba at nagmamadaling pumasok sa loob. Ako naman na nakita siyang pumasok ay bumaba na rin at sumunod sa kanya sa loob.

"Stretcher!! May kasama akong pasyente!" Sigaw ni doctora habang ginagala ang paningin niya sa paligid.

Agad namang may lumapit sa aming tatlong nurse na may dalang stretcher. Automatikong nilagay ko naman si Cesha doon at agad naman siyang kinabitan ng isang nurse ng dextrose. Pagkatapos ay dinala na nila si Cesha sa ER.

Naiwan ako sa labas ng ER na nagiisa habang nakatayong nakasandal sa pader katabi ng pinto, nakapamulsang nakayuko habang tinititigan ang sahig. Sobrang hapdi na ng mata ko dahil sa kakapigil ko ng luha na namumuo sa gilid ng mga mata ko. Kaya nga walang salita na lumalabas sa bibig ko. Baka kasi, wala pang isang salita, tutulo na luha ko. Kinakabahan ako na parang kahit anong oras ay sasabog ang dibdib ko. First time kasing magkasakit ng ganito kalubha ni Cesha.

Sa sobrang daming negatibong posibilidad na pumapasok sa isip ko ay nagawa kong magpalakad-lakad sa harap ng ER. Hindi talaga ako mapakali. Ayoko ring isipin ang mga yun at baka pati ako maconfine na rin.

Sa mental Institute.

Maya-maya naman ay lumabas na ng ER si Doctora at agad akong napalingon sa kanya. Nagkasalubong ang tingin naman at sa tingin pa lang ni Doctora sa akin ay malamang hindi maganda ang kondisyon ni Cesha.

Biglang nanigas ang paa ko ng maglakad ito papalapit sa akin. Bumibilis naman ang kabog ng puso ko sa bawat hakbang ni Doctora. Napalunok nalang ako dahil pakiramdam ko talaga ay manginginig ako sa sasabihin niya.

"May dengue fever ang kapatid mo, stage 2. At ayun sa pagsusuri ko sa kalagayan niya, mabilis na bumababa ang platelet count niya...."

Pakiramdam ko ay sinakal ako sa narinig ko dahil di ko man lang magawang huminga sa narinig ko. May sinasabi pang ibang detalye si Doctora pero tila wala akong naririnig.

Napakurap ako ng hawakan niya ang balikat ko at muli kong narinig ang sinasabi niya, "Sa entrance ng ER, kumaliwa ka at sa dulo nun, may maliit na chapel. Humingi ka ng tulong sa Kanya. Kaya niyang gamutin ang kapatid mo." Pagkatapos nun ay tumalikod na siya at muling pumasok sa ER.

Naiintindihan ko ang tinutukoy niya dahil madalas ko rin pinagdarasal sa Kanya si Crista. Hindi ko akalaing magdadasal ako ngayon para sa buhay ng kapatid ko.

Hindi ko talaga intensyon ang puntahan ang sinasabing chapel ni Doctora pero namalayan ko nalang ang sarili kong dinala ako ng mga paa ko doon at nakatayo mismo sa bukas na pinto nito at nakatitig sa altar. Mukhang Siya lang nagiisang matatakbohan ko ngayon.

Kusang lumuhod ang mga tuhod ko kasabay ng pagyuko ko. Nagkusang tumulo ang luhang pinipigilan ko kasabay ng pagbukas ng bibig ko at nagsimulang magbigkas ng dasal.

"Lord... Madalas ko pong pinagdarasal ang buhay ni Crista sa inyo pero sa pagkakataong ito ay pinagdarasal ko po ang buhay ni Cesha, ang kapatid ko. Siya na lamang ang nagiisang pamilya na meron ako at nagiisang dahilan kung bakit ako nabubuhay at nagsisikap. Ako po ay nagmamakawa sa inyo, gamutin niyo po ang sakit niya. Mahal na mahal ko po ang kapatid ko at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala siya sa akin."

================================================================

- Rhea's POV -

Magdadalawang oras na akong katok ng katok sa pinto ng ICU at wala paring bumukas ng pinto.

Tssk.. Nasan ba kasi si Jc? Konting-konti nalang at maiinis na talaga ako.

"Crushmate." Tawag ng isang kilalang boses mula sa kung saan.

Iisang tao lang naman ang pwedeng tumawag sa akin ng ganun kaya ginala ko ang aking mga mata at di naman ako nagkamaling makita siyang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

"Kanina ka pa ba?" Pagpapatuloy niya ng makalapit siya sa akin.

"Magdadalawang oras lang naman." Sarkastikong sagot ko.

Saglit siyang tumawa at mahinang tinapik ang balikat ko, "Napahimbing ata ang tulog ni Jc. Magdamag kasi yung gising."

"Ganun ba?" Sagot ko, "At ano naman ang ginagawa mo dito?"

"Binibisita ko ang pinsan ko." Sagot niya.

"Pinsan mo?" Nagulat naman ako.

"Oo, si Cesha. First cousins kaya kami ni Jc at Cesha. Haleeerr." Sagot niya.

Oh nga naman nu. Nakalimutan ko ata ang tungkol dun 😆

Napatango lang ako na parang medyo nagulat ng konti.

"Pumasok ka na nga lang." Pagpapatuloy niya at binuksan ang pinto ng ICU at magkasabay na kaming pumasok sa loob.

Nakita kong nakadextrose si Cesha at may tubong nakalagay sa dalawang butas ng ilong niya na nagkukunekta sa oxygen tank na nasa tabi ng kama niya. Ganun ba talaga kalubha ang kalagayan niya???

Ginala ko naman ang paningin ko sa buong kwarto at nakita kong natutulog sa isang sofa chair si Jc, na nasa harap lang ng kama ng kapatid niya. Nakabent ang isang paa niya na nakapatong sa sofa habang ang isa naman at nakatuwid habang natatakpan ng braso niya ang kanyang mukha.

"Kamusta na ba ang kondisyon ng kapatid niya?" Tanong ko habang nagaalalang nakatingin kay Cesha.

"Sabi ng Doctor, dengue ang sakit niya at mababa sa regular count ang platelets niya kaya maputla siya." Sagot ni Almira habang naglalakad papunta kay Jc.

Kelangan niya pa lang maabunuhan.....

"Jc... Gising..... Andito si Rhea." Mahinang sabi ni Almira habang inaalog ang dibdib niya.

Walang kabuhay-buhay na inalis ni Jc ang kamay niya sa kanyang mukha at matamlay na bumangon at umupo. Sumandal siya sa upuan habang kinukoskos ng kanyang daliri ang mata niya.

"Andito si Rhea." Bulong ni Almira sa kanya.

Pinagmasdan ko lang si Jc ng inalis niya ang kanyang daliri sa kanyang mata, tapos ay tumingin siya sa akin ng walang ni isang salita kahit ngiti. Basa pa ang mga mata niya dahil sa luhang hindi pa natutuyo at halatang puyat ang awra niya. Ngumiti ako sa kanya pero tumingin siya sa ibang dereksyon. Apektado kasi siya sa kalagayan ng kapatid niya.

Bumuntong hinga si Almira saka dabog na nagtungo sa kama ni Cesha, para tignan uli ang kalagayan ni Cesha, "Pambihira talaga si Tita. Di man lang niya namalayan na may dinaramdam na sakit si Cesha hanggang sa umabot sa ganito." Reklamo pa niya.

Maingat na ginalaw ni Jc ang mga mata niya para sumulyap sa kanyang kapatid.

"Jc.. Umuwi ka muna at magpahinga. Ako na muna ang magbabantay sa kanya." Pagboboluntaryo ni Almira na halos magdalawang isip pa siya. Halata naman kasing dededmahin lang siya. Sa awra pa lang kasi niya, pati multo matatakot sa kanyang masungit na mukha.

Lumapit na ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi, "Jc, alam ko di ka pa kumakain. Saluhan mo na ako. Ginataang tilapia ang ulam ko." Wika ko sa mahinang tono. Sinadya ko talagang sabihin ang ulam ko kasi paborito niyang ulam ang ginataang tilapia. Baka naman kasi kausapin niya ako.

Lumingon naman siya sa akin at walang kaemo-emosyong sumagot, "Pasensya ka na, Rhea, kayo nalang ni Almira ang kumain."

Kamuntik na akong kabahan sa tono ng pagsagot ng lalaking 'to. Kahit kilalang-kilala ko na siya ay kinikilabotan parin ako sa nakakamatay niyang kasungitan kapag wala siya sa mood. Idagdag pa natin ang nakakagasgas sa sobrang tulis niyang tingin.

Napalunok ako para ipakita sa kanya na kunwari di ako tinablan sa kasungitan niya at mahinang hinila ang kamay niya, "Halika, may pupuntahan tayo."

Malakas naman na hinila ng lalaking 'to ang kamay niya pabalik sa kanya, "Wala ako sa mood para mamasyal." Saka tinalikuran ako at tumingin sa ibang dereksyon.

Nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya saka bumulong sa pinakamalambing kong tono, "Hindi naman tayo mamamasyal. May pupuntahan lang tayo."

Lumingon naman siya sa akin at kamuntik nang tumama yung lips niya sa lips ko. Buti nalang at matangos ang ilong ko at bumangga yung ilong ko sa ilong niya kaya napaatras ako.

Walang kaemo-emosyong tinitigan niya ako sa mata ng walang ni isang salita kahit maliit na ngiti. Habang ako naman ay nakangiting nakatingin sa kanya kahit sobrang sungit niyang tignan sa awra niya.. Kikiligin sana ako sa sobrang lapit ng mukha namin kung nasa mood lang siya pero sa sobrang sungit ng mukha niya matatakot pa ata pati masamang elemento sa kanya ei.

"Pleasee." Mahinang sabi ko sabay pagpapacute sa kanya.

Hindi nga siya ngumiti o nagsalita pero tumayo naman siya at matamlay na naglakad papunta sa pinto at lumabas. Agad ko naman siyang sinundan baka kasi magbago pa ang isip niya at nagtatakang sinundan lang kami ng tingin ni Almira hanggang tuluyan kaming mawala sa paningin niya.

Tahimik lang kaming naglakad sa hallway. Nakakabingi na nga. Halata naman kasing wala sa mood ang kasama ko. Hanggang sa elevator ay tahimik pa rin siya. Ako na ang pumindot ng down button (🔻) para bumukas ang elevator. At magkasabay naman kaming pumasok sa loob. Ako na rin ang pumindot ng close button (▶|◀) para sumara ang elevator. Habang naghihintay kaming bumaba sa ground floor ang elevator ay nagisip naman ako ng paraan para magsalita siya.

Rhea: 🎼I just can't sleep tonight

Knowing that things ain't right.

It's in the papers, it's on the TV, it's everywhere that I go:

Children are crying,

Soldiers are dying,

Some people don't have a home.

🎼But I know there's sunshine beyond that rain.

I know there's good times beyond that pain.

Hey, can you tell me how I can make a change?

Napalingon siya sa akin ng marinig niya akong kumanta. At sa di inaasahan ay ngumiti siya sa akin. Yung ngiti niyang natural at nakakainlove. Kaya namagnet naman ang labi ko at nagkusang ngumiti rin sa kanya habang nagpatuloy sa pagkanta.

Rhea: 🎼 I close my eyes and I can see a better day.

I close my eyes and pray.

I close my eyes and I can see a better day.

I close my eyes and....

🎼I pray for the broken-hearted.

I pray for the life not started.

I pray for all the lungs not breathing.

I pray for all the souls that need a break.

Can you give 'em one today?

Habang ako ay kumakanta, siya naman ay panay ang titig sa akin habang nakangiti. Malapit na nga akong madistract ei sa sobrang ganda ng ngiti niya. Naku Jc! Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Tumatalon na ang puso ko, pag di ko na kinaya, kikiligin na talaga ako.

Rhea: 🎼 I just can't sleep tonight.

Can someone tell me how to make a change?

🎼 I close my eyes and I can see a better day.

I close my eyes and pray.

I close my eyes and I can see a better day.

I close my eyes and I pray.

"Ang weird mo talagang babae." Bigla siyang nagsalita na halatang smiley ang mukha niya kaya nahinto ako sa pagkanta.

"Bakit na naman ba?" Agad ko namang sagot na nagpipigil ng ngiti.

"Kahit gaano kasama ng nangyari sa araw ko, kapag narinig kitang kumanta, hindi ko talaga maintindihan kung bakit kusa akong napapangiti." Katwiran niya habang nakangiting nakatitig sa akin na parang hihinto ang ulan sa sobrang ganda ng ngiti niya.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong natameme sa sinabi niya. Ni hindi nga magawang bumuka ng bibig ko. As in plain speechless talaga ako sa unexpected na sinabi niya. Napatunganga nalang ako habang pinagmamasdan ang napakatamis niyang ngiti. Hindi kasi gumagana ang utak ko kaya wala akong maisip na sabihin para basagin itong nakakakilabot estie nakakakilig na pangyayari.

"Bigla ko tuloy naalala si Crista..." Pagpapatuloy niya ng di ako makapagsalita.

At dahil sa huling sinabi niya, di ko na talaga magawang alisin ang tingin ko sa kanya at di ko na talaga magawang pigilan ang sarili kong ngumiti at kiligin. Wala na.... Di na talaga gumagana ang utak ko. Ni bibig ko nga ay ayaw bumigkas ng salita. Susulitin ko na lang tong moment na to at yung nararamdaman ko, baka di na maulit.

Maya-maya, mula sa nakakakilig na ngiti ay unti-unting nagbabago ang ngiti niya hanggang sa maging malungkot itong ngiti. Panandalian siyang tumingin sa sahig kasabay ng pagsandal ng balikat niya sa pader saka napatingin sa ibang dereksyon.

"Sobra ko lang siguro siyang namimiss." Mahina at malungkot nitong sabi, "Madalas niya kasi akong kinakantahan lalo na kapag malungkot."

Ay talaga?? Miss mo ako? Pano ko ba sasabihin sayo???? Hello, John Carlo Laporre aka Four ako to si Crista Segovia aka CrystaLheart. Yung clanmate mong dead na dead sayooo xD pero pasensya na, di pwedeng sabihin... Mapapahamak ako

"Dapat lage kang masaya." Wika ko at muli siyang tumingin sa akin, "Malulungkot talaga si Crista kapag nakita ka niyang malungkot."

Bahagya lang siyang ngumiti. Halatang fake smile lang. Kasabay ng pagbukas ng elevator. Magkasabay kaming lumabas at naglakad sa tahimik na hallway.

"Rhea, may boyfriend ka na?" Tanong niya habang nakatuon ang tingin sa hallway.

Nagulat ako sa di inaasahan niyang tanong at napasimangot na sumagot, "Wala no."

Bakit liligawan mo ako??? 😆

"Hindi mo pa boyfriend si Princebeybe?" Pangungusisa niya.

"Hindi no." Agad ko namang sagot.

"Hindi pa?" Pangungulit niya.

"Hindi ah!" Inis kong sagot.

Sandali siyang tumawa, "Halatang may gusto siya sayo. Ikaw yung pinaparinggan niya sa gm area."

"Maniwala ka, pinagtitripan lang ako nun." Katwiran ko naman.

"Pero nililigawan ka niya?" Nakangising tanong nito.

Nakasimangot lang akong umiling sa sagot niya pero nakabungisngis parin ang mukha niya.

"Gusto mo rin siya nu?" Tanong niya ulit.

Malapit na akong mainis, Jc konti nalang. Tinutulak mo ako sa tayong ayaw ko.

"Hindi ah." Agad kong sagot, "Hinding-hindi ako magkakagusto sa mokong na yun."

Tumawa lang siya ng sobrang lakas, "Mukha ka na ngang kamatis, Hindi parin ang sagot mo."

Sandali kong ginala ang tingin ko sa paligid at baka may nadisturbo siya sa lakas ng tawa niya. Buti nalang kami lang ang naglalakad sa hallway.

Namumula ba mukha ko? >_<

Agad tuloy akong napahawak sa magkabilang pisngi ko habang panay naman ang ngisi ng lalaking kaharap ko. Pinagtitripan lang ata ako ng lalaking to.

"Sagutin mo na kasi siya." Nakangising dugtong niya.

Hoy! Ikaw yung gusto ko. Wag ka ngang ano jan. Malapit na talaga akong mapikon.

"Hindi ko nga siya gusto!" Inis kong sagot habang nakasimangot.

"Umamin ka na. Hindi ko naman sasabihin sa iba." Pangungulit niya.

Napahinto ako sa paglalakad saka sinigawan siya dahil napipikon na talaga ako, "Ikaw yung gusto ko! Wag mo nga akong itulak kay Princebeybe!"

Nahinto siya paglalakad saka napalingon sakin at seryosong napatitig sa aking mga mata. Ako naman, nang marealize kong isang kahibangan ang sinigawa ko ay nanlaki ang aking mata at automatikong naitakip ko yung mga kamay ko sa bibig ko.

Rhea!! Sira-ulo ka talaga! Kulang nalang sabihin mong ikaw si Crista! Ikaw naman kasi ei, inuubos mo pasensya ko 😱😣

Nakabungisngis yung mukha niya ng lumapit siya sa akin habang ako naman ay panay na ginagalaw ang mata ko para iwasan ang titig niya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact o kung paano ko babawiin ang sinabi ko. Parang nagfreeze ang brain cells ko kaya ayaw gumana ng utak ko.

Nang makalapit na siya ay bigla niya akong kinurot sa pisngi sabay sabi, "Bukod sa maganda ka, marunong ka rin pa lang mambola." Saka nakangiting tumalikod at naglakad na ulit.

Ramdam na ramdam kong umakyat lahat ng dugo ko sa mukha na naging dahilan ng pagiging kamatis ng mukha ko. Hinampas ko ang sarili kong pisngi saka napailing ng ilang beses.

Huminahon ka nga lang Rhea! Kinurot ka lang naman niya sa pisngi ah! Para yun lang electrified ka na??

Pero atleast hindi siya naniwala.... Buti naman...

Nang kumalma na ako ay sumunod na ako kay Jc. Muntik ko na tuloy makalimutan kung saan ko siya dadalhin.

"Halos araw-araw lage akong nakakarinig ng ganyan. Kaya di na bago sa pandinig ko." Paliwanag pa niya.

Bigla atang nagkaroon ng malakas na hangin ah. Akala mo kung sinong gwapo.

Minabuti ko na lamang na itikom ang bibig ko para wala na akong kalokohang masabi pa na maging dahilan ng ikakapahamak ko.

Maya-maya ay bigla siyang huminto sa paglalakad at ako nama'y tumayo sa kanyang tabi. Andito na pala kami. Maliit na chapel ng hospital.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tinititigan niya ang altar ng chapel. Inaabangan ko na kusa siyang papasok sa loob.

"Kakagaling ko lang dito." Nagsalita siya makalipas ang ilang minuto.

"Okay lang. Unlimited naman humingi ng tulong kay Lord." Sagot ko naman at hinila na siya papasok ng chapel. Sa tono kasi ng pagsalita niya ay parang ayaw niyang pumasok.

"Magdasal tayo para gumaling ang kapatid mo." Wika ko saka nagtungo kami sa upuan na malapit sa pinto.

Lumihod ako sabay yumuko habang siya naman ay lumuhod sa tabi ko at yumuko rin habang nakapikit ang mata.

Kaso nga lang, bigla kong iniangat ang ulo ko ng may maramdaman akong kakaiba at di inaasahan.

Kaugnay na kabanata

  • She's Back   Eight (8)

    EIGHT (8)Pagdilat na pagdilat ko ay nilingon ko si Jc at maingat na hinawakan siya. Tama nga ang hinala ko. Nilingon ko ang lahat ng taong nasa chapel at lahat sila'y huminto sa paggalaw. Nilapag ko rin ang kamay ko sa lupa para kumpirmahin ang nangyayari at huminto talaga ang panahon at oras.May bababa kayang anghel? Sino naman kaya? Wala naman akong nilabag sa mga bilin sa akin. Maliban lang sa paggamit ng salamin ng panahon at oras.. Pero isang beses lang naman..Maya-maya ay unti-unting nababalotan ng liwanag ang buong chapel. Sa sobrang liwanag ay di ko na makita si Jc pati ang mga taong andon. As in plain white lang talaga ang nakikita ko. Napatayo ako habang inaabangan kung sino ang lilitaw mula sa liwanag. Pagkatapos ay umulan ng mga puting balahibo mula sa himpapawid sa bumalot sa puting kapaligirin. Lumitaw ang isang anghel mula sa liwanag na nakabuka ang napakakintab at maputing pakpak. At unti-unti itong tumitiklop habang siya naman ay naglalakad papalapit sa akin. Hangg

  • She's Back   Nine (9)

    NINE (9)- Third Person's POV -2 weeks later..."Rhea, may kasabay ka bang manananghalian?" Tanong ni Ceejay habang nakasunod ito kay Rhea."Si Almira sana kaso may ginagawa pa kasi siya sa CLab3." Katwiran naman ni Rhea habang naglalakad papalabas ng campus, ng hindi ito tumitingin sa kanya."Sabay na tayo. Manlilibre ako." Sagot naman ng binata habang patuloy na pumapantay sa bilis ng paglalakad ng dalaga.Tumango lang si Rhea habang nakatuon ang tingin sa daan. Tahimik na magkasabay sila Ceejay at Rhea papunta sa pinakamalapit na karenderya para magtanghalian.Pagkarating nila doon ay limitado nalang ang maaring pumasok sa sobrang dami ng tao sa loob. Naunang pumasok si Ceejay at nakipagsiksikan sa loob. At habang nagiisip si Rhea ng paraan kung paano sumiksik sa loob, may narinig siyang boses na tila mahinang umiiyak. Nagkasalubong ang kilay niyang lumingon sa kanyang likod, at ginala niya rin ang mata niya sa daan. Lahat ng dumadaan ay nakafocus sa kung saan sila papunta at ang

  • She's Back   Ten (10)

    TEN (10)- Jc's POV -"Sumulat ka ng sampung tanong na gusto mong itanong sakin at ganun din ako. Tapos ilagay natin sa baso. Kukuha tayo ng isa tapos sasagotin yung tanong." Paliwanag ni Rhea."Kapag hindi sumagot?" Tanong ko."Syempre may punishment." Isang makulit na ngiti at nangaasar na mukha ang nakikita ko sa mukha niya, "Magtatanggal ng isang bagay na nasa katawan kapag hindi nakasagot."Naitaas ko ang aking dalawang kilay saka tumingin sa ibang dereksyon, "Parang ang init ata."Pakiramdam ko uminit ang paligid ko.. O ako lang itong pinagpapawisan..Kinuha ko nalang yung baso saka uminom."Pumayag ka na." Pangungumbinsi pa niya with matching puppy eyes with pout.Lumingon ako sa kanya at nilagay ang baso sa harap ko, "Pagsisisihan mo talaga itong kalokohan mo.""Katuwaan lang naman." Sagot nito na halatang nagpapacute. Hindi niya yata naintindihan ang tinutukoy ko.Tumagal ng ilang minutong nakatingin ako sa kanya. Inoobserbahan ko ang mukha niyang cute na nangungumbinsi. Ang

  • She's Back   Eleven (11)

    ELEVEN (11)Di ako nakailag sa kinanta niya sa akin. Sa sobrang sakit ay nagkusang tumulo ang luha sa pisngi ko. Kahit ilang beses pa akong lumunok, umabot talaga sa punto na sobrang hapdi na ng mata ko at di ko na kayang pigilan. Sobrang bigat na sa pakiramdam. Kahit nageenjoy ako sa ginagawa namin ni Rhea, ang sakit-sakit parin kapag napaguusapan si Jaycille. Ang hirap pa lang magmove on pero sobrang dali lang mainlove. Unfair di ba? May mas madali bang paraan para makamove on?Bago pa niya makita ang hitsura ko ay binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. At gumawa ng paraan para mabaling ang atensyon niya.Jc: 🎼 Natapos na ang lahatNandito pa rin akoHetong nakatulala sa mundoSa mundo🎼 Di mo maiisipDi mo makikitaMga pangarap ko para sayoPara sayo🎼 Hoh Oh Oh HohHindi ko maisip kung wala kaHoh Oh Oh HohSa buhay ko🎼 Nariyan ka pa ba?Di ka na matanawKung merong madaraanang pasulongPasulong🎼 Hoh Oh Oh HohHindi ko maisip kung wala kaHoh Oh Oh HohSa buhay ko 🎼Effec

  • She's Back   Twelve (12)

    TWELVE (12)- Rhea's POV -"Crushmate!!" Naririnig kong tinatawag ako ni Almira habang nagtatakbong papunta sa akin.Ako naman ay kunwari walang narinig at nagmamadaling lumabas ng classroom. Makikichismis naman kasi tong babaeng to tungkol sa nangyari kagabi.Kakatapos lang ng 3 subjects ko sa umaga at vacant time ko ang kasunod. Kaya ng magbell hudyat ng pagtatapos ng subject ay nagmamadali akong lumabasa ng room. Ako nga yung pinakaunang lumabas ng pinto. Dahil kapag naabotan ako ni Almira, uupo na naman ako sa hotseat ng kachismisan at gigisahin ng kaechosan niya."Hoy, crushmate!" Patuloy parin na sigaw ni Almira habang nakasunod siya sa akin.Naririnig ko na ang mga hakbang niya mula sa aking likuran at sigurado akong maaabotan niya na ako.Binilisan ko ang aking mga hakbang at nagmamadaling kinuha ang earphones ko sa bag. Agad ko namang sinaksak ang dulo sa cellphone ko at nilagay sa tenga ko ang earpiece. Para pagnaabotan niya ako may idadahilan ako.At eksaktong nakapagplay a

  • She's Back   Thirteen (13)

    THIRTEEN (13)- Third Person's POV -Naglalakad si Ceejay sa isang park papunta sa kubo kung saan ang EB place ng kanilang clan pagkatapos ng kanilang klase. Dala-dala ng kaniyang isipan na sana ay pumunta rin si Rhea kahit alam niyang malabo dahil sa naging tampuhan nila kanina. Pero bawat hakbang ng binata papalapit sa kubo ay umaasa siyang makikita niya ang presensya ng dalaga. Dahilan ng kanyang pag.attend ng EB.Pagpasok niya sa kubo ay agad niyang inikot ang kanyang tingin sa loob. Hindi naman siya nabigo at nakita niya ang kanyang inaasahang pupunta.Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niyang masaya at nakikipagkulitan si Rhea kasama si Boss Ganda sa mga clanmates niya. Walang bakas sa mukha ng dalaga na apektado siya sa tampuhan nila ng binata kanina. Nakangiti naman ang binata habang nakamasid ito sa dalaga. Ngunit parang lubong pumutok na naglaho ang ngiti ng binata ng mapansin niya si Jc sa tabi ni Rhea. Nakangiti ito at nageenjoy ring nakikipagkulitan kasama si Rhea."R

  • She's Back   Fourteen (14)

    FOURTEEN (14)"Late na nga ako ng 15 minutes tapos ito pa ang aabotan ko." Panimulang sermon ng nagiisang Founder ng clan na si Uno habang palipat-lipat ang tingin sa mga officers na nasa harap niya, "Nono, Otso, hindi niyo ba talaga kayang controlin ang mga members ng wala ako? O napapagod na kayo sa mga posisyon niyo?""Wag mo talaga kaming mapagsalitaan ng ganyan, Uno." Inis sa sagot ni Otso, "Fresh from airport pa nga ako, galing Manila. Dumeretso na ako dito dahil malalate ka.""Ginagampanan po namin ng maayos ang mga posisyon namin, Boss. Sadyang magagaspang lang talaga ang ugali ng mga newbie ngayon." Pangangatwiran pa ni Nono."Bakit? Newbie ba yang nasa harap niyo?" Mababa pero naiinis na tugon ni Uno at sandaling nagkapalitan ng tingin sila Nono at Otso saka nagpatuloy ito, "Dalawang taon na si Primera sa clan habang 3 months na rin si Anonymous sa clan. Yan ba yung newbie niyo?"Nanaig ang katahimikan sa buong kubo at muling nangibabaw ang tensyon. Walang gustong magsalita

  • She's Back   Fifteen (15)

    FIFTEEN (15)-Rhea's POV –Tilian ng mga classmates ko ang unang nambwisit sa umaga ko, pagpasok ko ng room. Halos mabutas ang eardrums ko sa sobrang lakas ng kanilang tilian.“Ano bang meron?” Nakataas ang isa kong kilay habang nakacrossed arms nang sitahin ang maiingay kong classmates.Kunti nalang at mapupunit na ang bibig ni Almira sa sobrang laki ng ngiti niya nang naglakad ito papalapit sa akin na may dalang tatlong rosas.“Dumaan kasi dito si Ceejay tapos pinapaabot niya ito sayo.” Nakikiliting pahayag pa niya saka inabot sa akin ang rosas.“Sayo na. Di ko naman yan makakain.” Sarcastic kong sagot saka naglakad patungo sa upuan ko.“Ang sama nito.” Dinig kong sabi niya at sinundan niya ako hanggang sa upuan ko.Lahat ng tingin ng nakangiti kong classmates ay nasa akin pero pinalampas ko nalang yun kahit yung iba ay naririnig kong nagbubulungan tungkol sa akin. Wala

Pinakabagong kabanata

  • She's Back   Author's Gratitude

    Author's GratitudeMaraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa pangalawang buhay ni Rhea. Salamat sa lahat ng add sa kanilang libraries at sa lahat po ng nagbigay ng gems. sobrang na-appreciate ko po. sobra-sobra po akong nagpapasalamat. mas lubos ko pa pong mapapaganda at maiimprove ang second life ni Rhea kapag nag-share kayo ng thoughts tungkol sa buhay niya thru commenting at the comment section.and to know more about my stories, find and follow me in Facebook.https://www.facebook.com/profile.php?id=100068410103778thank you so much and I'm looking forward for your support on my next and upcoming stories. have a good time reading.

  • She's Back   Forty-Eight (48)

    FORTY-EIGHT (48)-Rhea’s POV –Agad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.“Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,” saad ko sa kanya.Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.

  • She's Back   Forty-Seven (47)

    FORTY-SEVEN (47)-Jc’s POV –(flashback from 2 years ago)Pagkatapos ng bonding ay magkasabay kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep. Nakatitig akong sa maamong mukha niya habang siya naman ay parang iniiwasan ang aking tingin. Mukha siyang naiilang na akong ang kasabay niyang umuwi. Si Boss Ganda kasi kadalasan niyang kasabay. Kaso nga lang, napasobra ang inom niya kaya lasing siya at hinatid na nila Lil_Ron sakay ng taxi. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasabay kaming umuwi. Parang hindi siya nasanay.“Ang tahimik mo jan. Ano bang pinagluluksaan mo?” biro ko.Mukha siyang napilitan ngumiti, “Wala. May gusto sana akong sabihin eh,” sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko siya halos marinig.Pero meron din naman akong gustong sabihin sayo. At dahil inunahan mo na ako, mauna ka na.Kinakabahan naman ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi niya magawang tumingin ng deretso, “Ano kasi, Four… pupunta kami ng Japan ni at

  • She's Back   Forty-Six (46)

    FORTY-SIX (46)-Rhea’s POV –Pakiramdam ko ay umiikot ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Ang tindi ng hangover ko pagkatapos naming mag-inuman nila Mj at Almira hanggang madaling araw. Syempre kasama sila Lorenz, Jc at Ceejay. Parang triple date, ganun. Ideya kasi ito ni Mj. Kaya ang ending absent ako ngayon. At ang malala pa, Bourbon ang ininom namin. Pare-pareho ng tama ng Scotch. Halos sa banyo na nga ako matulog sa kakasuka. At si Mj naman? Beteranong-beterano na sa inuman. Hindi man lang tinablan. At salamat sa taas ng alcohol tolerance niya, nakauwi pa kami. Dahil kung ako lang, malamang sa guest room na naman ako ng party house matutulog.Pinaandar ko ang sink saka naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naghilamos na rin upang mawala kahit paano ang aking antok. Matapos kong basain ang mukha ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe yung eyebags ko oh. Mukha na tuloy akong zombie nito.Napansin ko ang ilang parte ng aking buhok sa bandang

  • She's Back   Forty-five (45)

    FORTY-FIVE (45)-Third Person’s POV –“Sa mga hindi pa nakakapunta, welcome to party house.” Pahayag ni Jc habang naunang pumasok sa loob. Nasa kanyang likuran naman nakasunog sila Rhea.“Bakit walang tao?” Pagtataka ni Almira habang iniikot ang kanyang paningin sa paligid, “Wala kang show ngayon, pinsan?”“Cancelled para exclusive natin ang buong area.” Sagot naman ni Jc habang naglalakad papunta sa mini bar.“Nag-effort talaga siya oh.” Bulalas pa ni Almira.Nagtungo naman ang lahat sa mini bar kung saan naroroon ni Jc. Tinulungan nila ang kanilang mga sarili na umupo sa counter at binuhat naman ni Almira si Cesha upang umupo sa kanyang tabi.Si Rhea naman na nasa kaliwa ni Almira nakaupo ay mukhang hindi mapakali. Naalala niya ang gabi na nag-inuman sila ni Jc habang nakabaon ang tingin sa Scotch shelves. Sinusubukan niya itong alisin sa kanyang isipan upang hindi maging awkward sa kanya ang paligid.“Anong gustong inumin ng lahat?” Tanong ni Jc kasabay ng pagsulyap niya sa lahat,

  • She's Back   Forty-Four (44)

    FORTY-FOUR (44)“Ang haba naman ng pila.” Reklamo pa ni Rhea habang nakasimangot na nakatingin sa ticket booth ng Rollercoaster.“Wag ka na magreklamo.” Wika pa ni Mj habang hila-hila ang kamay ni Rhea papunta sa ticket booth.Gustuhin mang magreklamo ni Rhea ngunit hinayaan na lamang niyang masunod ang gusto ng kanyang kapatid. Gusto niya rin kasing mag-enjoy ang kanyang kapatid kaya hindi na siya komontra. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding si Mj.Sila Rhea na at Mj ang pumila sa ticket booth. Kahit mahaba man ang pila, mahaba naman ang pasensya ng dalawa upang pumila. Makalipas ang ilang minuto ay nagkaroon na sila ng ticket para sa Rollercoaster. Agad namang nagtungo ang dalawang dalaga sa entrance kung saan naghihintay ang lahat. Magkakasabay na silang lahat na pumasok sa loob habang iniabot ni Mj ang ticket sa nag-aabang sa entrance.Nagtatakbong nagtungo si Cesha sa seats at naunang umakyat. Umupo agad siya sa pinakaharap. Sumunod naman sila Ceejay a

  • She's Back   Forty-Three (43)

    FORTY-THREE (43)-Third Person’s POV –“Dumating na talaga ang hinihintay ng lahat.” Sarkastikong pahayag ni Almira, pagkarating ni Lorenz.Hinihingal naman si Lorenz na lumingon kay Almira, “Sinabi ko bang maghintay ka?”Pinagtaasan lamang niya ng kilay si Lorenz, “Hindi ka ba magrereklamo kung maiiwan ka?”“Pwede ka nang mauna, Almira.” Agad na sumbat ni Lorenz.“Teka, kalmahan lang ang mga puso.” Agad na singit ni Jc bago pa makasagot si Almira.Binaling na lamang ni Lorenz ang kanyang tingin kay Jc, “Kanino pa lang ideya itong amusement park?”“Akin.” Agad na sagot ni Mj.Lumingon naman si Lorenz sa kanya. Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang makilala niya ang dating karelasyon ni Jc, “Mj, kamusta ka na? Kayo na ulit ni Jc?”Maiksing tumawa si Mj bago sumagot, “Ulit? Hindi naman kami naghiwalay.”Bumungisngis naman si Jc na lumingon sa kanya, “Hindi pala tayo naghiwalay?”Lumingon si Mj sa kanya at tinignan siya deretso sa mata, “Space lang naman sinabi ko. Ni hindi ka ng

  • She's Back   Forty-Two (42)

    FORTY-TWO (42)-Rhea’s POV –“Mukhang magkakabalikan pa ata sila eh.” Wika naman ni Almira habang nakatingin sa saradong pinto ng banyo.Napangiti nalang ako, “Hayaan mo na. Mukhang attach pa yung dalawa sa isa’t-isa.”Alam ko naman na nagkabalikan na yung dalawa. Nagkwento kasi sa akin si Mj pag-uwi namin at mukhang pareho pa nilang mahal ang isa’t-isa.“Nag-agahan ka na ba, crushmate?” Tanong ni Almira sa akin nang nilingon niya ako, “Kumain ka muna saka natin sisimulan yung advertisement.”At dahil niyaya niya ako, hindi talaga ako tatanggi. Pagkain na eh. Tapos uminom lang ako ng gatas pagkagaling namin sa bahay. Ito kasing si Mj, excited makita ulit si Jc. Mukhang may magandang nangyari sa kanila sa Samal.Speaking of Samal, ano kayang ginawa nila Propeta Micah at Propeta Jona sa alaala ni Jc? May naaalala kaya siya tungkol sa nangyari? Naaalala niya kaya ang tunay kong pagkatao.Bumuntong-hinga nalang ako habang inalis yun sa aking isipan. Mukhang binura nila ang kanyang alaala

  • She's Back   Forty-One (41)

    FORTY-ONE (41)-Jc’s POV –Ramdam ko ang malakas na paghampas ng aking ulo sa kung saan dahilan upang dumilat ang aking mga mata. Napahimas ako sa aking ulo habang maingat na nilingon ang paligid.Nasa kwarto ako? Nasa sahig pa. Bumagsak yata ako sa kama. Pero paano ba ako nakauwi? Wala akong maalala… Sumobra yata ang inuman namin at bukod sa bumagsak sa sahig ang ulo ko, ang sakit din dahil sa hangover.Magkasalubong ang aking kilay at minamasahe ko ang aking noo habang maingat na tumayo. Bahagyang nilingon ko ang aking ulo upang matignan ang kama. Wala si Cesha. Malamang nasa living room siya. Kailangan ko nang magluto baka nagugutom na yun.Medyo umiikot pa rin ang aking paningin habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa. Baka kasi may maapakan ako at gumulong pa ako. Wala pa namang lakas ang tuhod ko, parang nanginginig nga ito habang inihahakbang ko. Halo-halo kasi ang ininom namin. Pinaghalo pa nga ni Juviler ang Te

DMCA.com Protection Status