Share

Six (6)

Author: Cecille Kudogawa
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

SIX (6)

- Jc's POV -

[ Flashback ]

"In the count of Five!" Simula ko at sumabay naman ang buong crowd sa countdown.

"Five!"

"Four!"

"Three!"

"Two!"

"One!"

Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw, hinatak ko ang bewang ni Primera papunta sa akin at hinalikan siya sa labi.

Pagkadampi ng mga labi namin, biglang lumiwanag ang mukha niya at unti-unti itong lumalabo. Lumitaw ang mukha ng isang babaeng pinagdarasal kong sana muling mabuhay. Kahit malabo itong titigan dahil sa liwanag, buong ang kutob ko sa aking nakita.

Pagbalik ng ilaw, napaatras ako sa gulat. Bakit ko ba siya nakita? Sa mga sandaling yun, wala naman akong iniisip na kahit anong tungkol sa kanya.

[ End of Flashback ]

Ano kayang ibigsabihin nun? Parang wala na atang akong maintindihan sa mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw. Dagdag pa tong weird na nararamdaman ko kay Rhea. Pakiramdam ko ba ay matagal ko na siyang kilala at magaan na agad ang loob ko sa kanya.

"Kamusta na po ba ang lagay niya?" Tanong ko ng makita kong lumabas na ng kwarto niya si Cyrel, ang ate niya.

"Natutulog na siya." Sagot ni Cyrel habang naglalakad ito papunta sa akin, "Kelangan niya lang matulog at magpahinga. Magiging okay rin siya." Saka umupo siya sa harap ko.

"Hindi ba delikado ang lagay niya? Baka kelangan niya na ng doctor?" Panguusisa ko.

"Ginawa ko na yan noon at sa kung saan-saang hospital ko na siya dinala. Pero walang maayos na diagnosis ang mga doctor sa kalagayan niya." Paliwanag naman niya.

"Matagal na ba yang sakit niya?"

"In-born ang sakit niya." Sagot niya at tinitigan niya ako sa mata ng sobrang sama, "Ano ba kasi ang nangyari at biglang sumikip ang dibdib niya?"

Bigla akong naging bato sa kinauupuan ko. Nawala talaga sa isip ko ang tungkol don. Di tuloy ako nakapaghanda ng idadahilan.

Tumingin nalang ako sa kape na nasa harap ko para iwasan ang nakakatindig balahibo niyang tingin sakin, at nang makapagisip ako ng maayos.

Sasabihin ko kaya sa kanya ang totoo? Ei sa tingin pa lang niya siguradong gugulpihin niya ako.

"P-Pinagtripan kasi siya ng mga clanmate namin." Pagdadahilan ko habang iniiwasan ang tingin niya.

"Talaga? Ano naman ang ginagawa nila sa kanya?" Pangungusisa niya.

Patay. Dead end na ako.

Wala na akong maisagot. As in wala talaga. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Di ko pa gaanong kilala si Primera para malaman kung anong ayaw niya at mga kinatatakotan niya.

Muli akong tumingin kay Cyrel. Nakatitig siya sa akin at halatang nagaabang ng sagot. Para tuloy akong piniprito sa kinauupuan ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto sa kwarto ni Primera at lumabas ang Sleeping Beauty sa loob. Magkasabay kaming lumingon ni Cyrel at nakita naming naglalakad si Primera papalapit sa amin.

Sa wakas, lumuwag din ang dibdib kong naninikip sa nerbyos. Natuyo pa ang utak ko sa kakaisip ng isasagot, buti nalang nagising na si Sleeping Beauty 😀

"Ano na naman bang nangyari sayo at sumikip na naman ang dibdib mo?" Tanong ni Cyrel kay Primera na medyo naiinis, nang makalapit ito sa amin.

Sumulyap si Primera sa akin na halatang nagtatanong ang tingin nito kung may sinabi ba ako. Umiling naman ako ng konti para ipahayag sa kanya na wala akong sinabi.

"Tinatakot kasi nila ako ng palaka." Pagsisinungaling nito.

Bumuntong hinga si Cyrel, "Pambihira. Ang tanda-tanda mo na para matakot sa palaka."

Napabungisngis ako sa narinig ko. Takot siya sa palaka. Para siyang bata 🤣

May nalaman akong nakakatawa kay Primera 😉😁

"Sige po. Tutuloy na po ako." Wika ko saka tumayo habang nakangiti parin sa fact na takot si Primera sa palaka.

"Dito ka nalang matulog." Agad na sagot ni Cyrel, "Masyado nang gabi at delikado na sa labas. Baka kung ano pang mangyari sayo."

"At saan mo naman siya patutulugin?" Agad na tanong ni Primera sa ate niya bago pa ako makasagot.

"Doon sa katabing kwarto mo?" Sagot naman ni Cyrel.

Nakangiti lang akong pinagmamasdan si Primera habang nakikipagtalo siya sa ate niya. At sa kakaobserve ko sa galaw at pananalita niya, bigla ko tuloy naalala si Crista. Ganyang-ganyan talaga siya makipagtalo; ang pagiging mataray, pilosopo at matigas ang ulo. Para talaga siyang si Crista.

"Di ka ba nahihiya?" Sagot ni Primera, "Limang taon na yung hindi nalilinisan tapos don mo siya patutulugin?"

"Bakit? Gusto mo sa kwarto mo siya matulog?" Sumbat naman ni Cyrel.

"Ate!" Halos pagtaasan na ng boses si Primera ang ate niya, "Tatanggap-tanggap ka ng bisita tapos wala kang matinong matutulugan!?"

"Bisita ko ba siya?" Nakapamewang na sumbat ni Cyrel, "Bisita mo siya kaya matuto kang mag-asikaso ng bisita."

"May sinabi ba akong dito siya matulog?"

"Tamad ka ba talaga o hindi ka pa rin marunong maglinis?"

"Ate! Anong oras na! Malapit nang maghating-gabi. Tapos maglilinis pa ako ng kwartong limang taon nang kinain ng alikabok!?"

"Wag ka ng----"

"S-Salamat pero wala naman sigurong mangyayari sakin. Lalaki naman ako." Singit ko para putulin ang kanilang mahabang diskusyon, "Magtataxi nalang ako pauwi."

Parang na-awkward ata ako sa atmosphere. Nagtalo pa tuloy sila ng dahil sa akin.

Cyrel: No, I insist, okay?

Primera: Sige, ihahatid na kita.

Magkasabay na sagot nilang dalawa.

Bigla akong napatanga at napasulyap sa kanilang dalawa na pilit ngumingiti. Hindi pa ba sila tapos magtalo? 😅

Grabe naman kung makapagdebate ang magkapatid na to. Walang gustong magpatalo.

Panandaliang nagkatinginan ang dalawa. Pareho silang nakasimangot pero mukhang napapagod na si Primerang makipagtalo sa ate niya.

"Ate naman..." Mahinang wika ni Primera.

"Papauwiin mo siya ng dis-oras ng gabi? Pagmay nangyari sa kanya, sasaluin mo?" Paliwanag pa ni Cyrel.

"Wala nga siyang matutulugan dito." Sagot naman ni Primera, "Next time nalang okay? Lilinisan ko yun para pagbumisita siya ulit, may matutulugan siya."

"Tatandaan ko yang sinabi mo." Sabi ni Cyrel na halatang pumapayag na siyang umuwi ako.

"M-mauna na po ako." Naiilang kong paalam. Nahiya tuloy ako..

Ngumiti lang si Primera sa ate niya at sinabayan niya akong pumunta sa pinto at lumabas ng bahay nila.

Tahimik lang kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep habang ako naman ay nakayukong nakangiti 😁

"Bakit ka naman nakangiti?" Tanong ni Primera nang mapansin niyang kanina pa ako nakabungisngis.

Natatawa pa rin kasi ako sa fact na takot siya sa palaka. Kaya di ko talaga mapigilang ngumiti. Kulang nalang asarin ko siya.

"Takot ka pala sa palaka?" Natatawa kong tanong at sumulyap sa mukha niya para makita ang magiging reaksyon niya.

"Wag mo akong simulan." Inis na pagbabanta nito.

Biglang humagalpak ako sa tawa dahil sa sobrang pula ng pisngi niya. Ewan ko ba kung nagpipigil siya ng inis o nahihiya. Basta di ko na talaga mapigilan at napatawa na talaga ako.

"Anong nakakatawa ha!?" Naiinis niyang sabi. Ngayon obvious nang nagpipigil siya ng galit.

"Si Primera na dota girl, takot sa palaka." Natatawa kong pangaasar sa kanya. Yung mukha niya na parang bulkan na sasabog na 😂

"Ikaw na bakla ka, tumigil ka kung ayaw mong baliin ko yang leeg mo." Panggigigil pa niyang banta.

Bigla akong nahinto sa pagtawa ng tawagin niya ulit akong bakla. Tinitigan ko siya ng seryosong-seryoso at hinatak ang braso niya papalapit sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa ay halos magkadikit na ang ilong namin at nararamdaman ko na ang bawat paghinga niya.

"Sinong bakla?" Mahina at seryosong tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mata niya.

Hindi siya nagpatinag sa tingin ko at tinitigan niya rin ako sa mata, "Ikaw."

Ilang minuto rin kaming nagkatitigan sa mata at ang weird lang talaga ng babaeng to. Kadalasang reaksyon ng mga babaeng tinititigan ng ganito ka lapit ng mga gwapo ay nagbublush at kinikilig. Pero ang isang ito, parang papatayin pa ata ako nito sa sobrang sama ng tingin niya sa akin.

"Kanina mo pa ako tinatawag na bakla at nagtitimpi lang ako. Kapag hindi ka tumigil at naubos ang pasensya ko, hihimatayin ka talaga ulit." Mahina at seryosong pagbabanta ko.

"Ako ba ang tinatakot mo?" Sagot nito habang nakacrossed arms, "Subukan mo lang at papatayin talaga kita."

Mukhang hindi siya natatakot sa sinabi ko. Kaya naman seseryosohin ko talaga ang sinabi ko. Bahala ka kung hihimatayin ka ulit basta hahalikan ko talaga ang nakakapikon na babaeng to.

Unti-unti ko nang binababa ang mukha ko, at nilalapit sa labi niya. Hindi talaga siya natitinag. Ni hindi nga siya gumagalaw kahit konti. Inaabangan niya talaga kung gagawin ko ba o hindi.

Maya-maya, may napansin akong gumagalaw sa likod niya. Kaya maingat kong ginalaw ng konti ang mata ko para makita ko kung ano yun.

Mukhang may nakita akong mas ikakabaliw niya kesa sa halikan ko siya 😜

Imbes sa labi niya, nilapit ko ang labi ko sa tenga niya habang nakangiting bumulong, "Ano yang nasa likod mo?"

"Hu?" Gulat na sagot niya dahil sa di inaasahang sinabi ko.

"Sabi ko, ano yang nasa likod mo?" Binulong ko ulit sa tenga niya.

Lumingon naman siya sa likod niya. At nang makita niya ang tinutukoy ko, nanlaki ang mga mata niya at nagtatalong tumakbo sa likod ko habang panay naman ang tili niya.

"AAAHH!! PALAKAAA!!"

"HAHAHA!!" Humagalpak ako sa tawa. As in, sobrang lakas na hawak-hawak ko pa yung tiyan ko sa kakatawa. Kulang nalang ay gumulong ako sa lupa 😂 Sobrang nakakatawa ang reaksyon niya na halos ikabaliw na niya.

"Four!! Nakakainis ka!" Galit na sigaw nito sa akin sabay hinampas niya ako sa likod ng malakas.

"Malay ko bang may palaka na palaboy-laboy dito." Natatawa ko paring sagot.

"Alisin mo yan!!" Mas lumakas pa ang sigaw niya ng tumatalon na ito papunta sa amin.

Hinihila niya naman ang braso ko paatras habang sumisigaw kaya napapaatras din ako. Pinagpapawisan ng malamig ang kamay niya at nanginginig. Para talaga siyang nakakita ng kung anong elemento ng mundo na pwedeng sumira sa pagiisip niya. Habang ako naman ay tumatawa pa rin habang siya naman ay malapit ng ipasok sa mental hospital 🤣 Ei sa natatawa ako, mapipigilan ko bang sarili ko.

Dahil nabibingi na ako sa sobrang lakas ng sigaw niya, pumulot na ako ng bato at tinaponan yung palaka at mabuti naman ay lumihis na ito ng talon.

Nang malayo na sa paningin namin ang palaka, bumitaw na siya sa braso ko at nagsquatt sa likoran ko habang nakabaon ang mukha niya sa mga palad niya. Natatawa pa rin ako ng nilingon ko siya at pinagmasdan. Nanginginig ang tuhod niya at pinagpapawisan ng matindi ang mga braso niya.

Nahinto ako sa pagtawa ng makita ko ang kalagayan niya. Seryoso talaga siya na takot siya sa palaka.

"Primera, okay ka lang?" Tanong ko kasabay ng mahinang paghaplos ko sa buhok niya.

Galit na hinampas niya ang kamay ko papalayo sa kanya saka tahimik na tumayo at naglakad papunta sa kabilang dereksyon na walang ni isang salita.

"Teka lang. Primera, san ka pupunta?" Nakangisi kong tawag sa kanya habang sinusundan siya.

Pero hindi man lang siya lumingon o sumagot. Mukhang napikon ata.

"Sorry na Primera. Biro lang naman ei. Wag mo naman seryosohin." Pangungulit ko habang nakabuntot pa rin sa kanya.

Kalaonan ay huminto siya at humarap sa akin, na halos saksakin niya na ako sa sobrnag tulis ng tingin niya sa akin, "At sa tingin mo, magandang biro yun? Kamuntik na nga akong mamatay sa sobrang nerbyos, bakla ka!"

Napakagat ako ng labi sa huling salita na sinabi niya. Malapit na maubos ang pasensya ko. Kapag inulit niya pa ng isang beses, hindi na talaga ako magpipigil.

"Kaya nga ako nagsosorry di ba? Kasi hindi nakakatawa." Sagot ko na nagpipigil ng inis.

"Alam mo namang hindi nakakatawa, bakit mo pa ginawa!? Nakakainis ka talagang bakla-----"

Natigilan siya sa pagsasalita ng hinawakan ko ang kamay niya saka hinila papalapit sa akin at hinalikan siya.

Sa pisngi ;))

Nanlaki ang mga mata niya na halatang gulat na gulat siya at blangkong nakatitig sa akin.

Ngumiti ako sa kanya saka kalmadong sumagot, "Akala mo sa lips. Ayokong nerbyosin ka ulit."

She made me feel so weird nang ngumiti siya ng sobrang sweet na parang ngiti ng isang masayang anghel. Paningin ko ay lumiwanag ang mukha niya dahil sa tamis ng kanyang ngiti na nagpaliwanag sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy maintindihan ang pakiramdam ko. Kinakabahan na pinagpapawisan ang kamay ko na parang umakyat ang dugo ko papunta sa mukha ko na para bang ako lang talaga ang parang ewan.

Tumalikod na lamang ako at naglakad papalayo sa kanya.

"Four, sa----"

"Salamat nga pala." Sabi ko bago pa niya matapos ang sasabihin niya.

"Saan?" Pagtataka niya.

Huminto ako sa paglalakad at bahagyang nilingon siya, "Kahit pano gumaan ang pakiramdam ko."

Ayan na naman yung sobrang tamis niyang ngiti na kamuntik nang sumira sa pagiisip ko, bilang sagot niya sa sinabi ko. Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya bago pa tuluyan akong kilabotan at naglakad ulit.

Rhea: 🎼Kalimutan mo na yan sige sige maglibang

Wag kang magpakahibang

Dapat ay itawa lang

Ang problema sa babae dapat 'di iniinda

Hayaan mo sila ang maghabol sa'yo di' ba

Sabi ko naman sa'yo lahat yan nagloloko

Pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo

Kaya wag nang uulit pa

Kaya wag nang uulit pa. 🎼

Nahinto ako sa paglalakad at nakangiting lumingon sa kanya ng marinig kong kumanta ulit siya. Hindi ko talaga siya kayang talikuran kapag kumanta sa sobrang lamig ng boses niya. Para kang dinuduyan habang lumalanghap ng preskong hangin.

"Ba't ka naman huminto?" Tanong ko nang huminto siya sa pagkanta, nang makatingin na ako sa kanya.

"Kanina pa kasi ako kumakanta pero di pa kita naririnig kumanta." Katwiran niya habang humahakbang papalapit sakin.

Tumalikod na ako at nakapamulsang nagpatuloy sa paglalakad saka sumagot, "Iisang babae lang ang kinakantahan ko."

"Sino naman yun?" Pangungusisa niya.

Napatingala ako sa langit saka sumagot, "Dalawang taon na siyang patay."

"Ganun ba?" Malungkot nitong sagot.

Napalingon ako sa kanya ng biglang lumungkot ang tono ng boses niya. Nakayuko nga siya at tila nagtatampo.

Sige na nga lang. Pagbibigyan ko na. Tutal isang kanta lang naman. Ano ba naman kasi ang meron sa babaeng to at naguguilty ako kapag tinanggihan ko.

Jc: 🎼Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama

Mas okay pang laging gan'to, nalilimutan ka

Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo

Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko?

Tandang-tanda ko pa noong tayo'y namamasyal

Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal

At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita

Subalit nasaan ka na? Sumama sa iba

Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?

Bakit, bakit ba? Sa akin ba'y nagsawa na?

Sinusunod naman kita, kahit ano kinakaya

Wala pa ring k'wenta, bakit ba?🎼

Rhea: 🎼H'wag mong isipin yon

Hindi ka no'n mahal

H'wag yang katangahan mo ang pinapairal

Alam mo nang niloloko ka niya

Pero nagbubulag-bulagan ka

Hindi mo ba napapansin

Nakekengkoy ka na

H'wag manghinayang don

May mas babagay pa

Igala-gala mo lang ang mga mata

At kung sa pag-ihip nitong hangin

Dama mo na ikaw ay napuwing

Probema mo't suliranin aking aalisin

Tumingin ka sa iba at iyong makikita

Yung di ka iiwan di na mag-iisa

Tumingin ka kung saan

Kikislap ang 'yong mga mata

At gugulong ka sa katatawa

Hahaha masaya

Di ka na mangangamba

Hindi ka na magmumukhang tanga

At kung manhid ka kasi mahal mo pa s'ya

Naku umayos ka

Marami pang iba🎼

Nakangiting tumingin ako sa kanya ng bigla niyang putulin ang pagkanta ko sa pagsingit niya ng ibang kanta.

Maiksing napatawa ako pagkatapos ng kanta. Bukod sa magaling siyang kumanta, marunong din siya pumili ng kakantahin.

"Ba't ka naman nakangiti?" Kunot noo nitong tanong.

"Sinira mo ang moment ko." Nakangiti ko namang sagot.

"Ang pangit kaya ng kanta mo. Bawal ang malungkot ngayon." Katwiran pa niya.

Napasmirk nalang ako saka sumagot, "Umuwi ka na nga lang. Baka hinahanap ka na ng ate mo."

"So pinapaalis mo na ako." Agad naman nitong sagot.

"Masyado ng gabi. Baka may mangyari pa sayo." Katwiran ko.

"Ihahatid muna kita sa abangan ng jeep." Pagpupumilit niya.

Ang tigas talaga ng ulo....

"Hindi na. Kaya ko naman." Nakangiti kong sagot, "Tsaka malapit lang naman."

"Sinabi mo yan. Pagmay nangyari sayo sa daan, wag mo akong sisisihin." Paalala pa niya.

Napabungisngis ako na abot hanggang tenga, "Walang mangyayari sa akin. Wag kang magalala."

Dinig kong huminto siya sa paghakbang saka sumagot, "Bahala ka."

Tumango lang ako ng hindi tumitingin sa kanya habang nagderederetso sa paglalakad, "Magiingat ka sa pauwi."

"Good night, Four. Ingat." Sagot niya.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, "Jc nalang."

"Hu?" Pagtataka niya.

"John Carlo Laporre ang totoo kong pangalan. Jc nalang." Paliwanag ko.

Ngumiti naman siya saka sumagot, "Rhea Castino nga pala."

"Nice meeting you, Rhea." Sagot ko naman, "Bumisita ka sa party house kung kelan mo gusto. Libre lahat ng drinks basta ikaw."

"Talaga?" Excited pa nitong sagot.

"Oo naman. Ikaw pa."

"Sinabi mo yan. Walang bawian."

"Basta ikaw."

Kaugnay na kabanata

  • She's Back   Seven (7)

    SEVEN (7)- Jc's POV -Pagdating ko sa bahay, sobrang dilim at nakakabingi sa sobrang tahimik. Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa tabi lang ng pinto at nagkaroon na rin ng liwanag ang loob. Nakakapanibago lang dahil kadalasan kapag umuuwi ako ng hating-gabi o madaling araw ay lage akong sinesermonan ni tita Lyca, pero ngayon mukhang wala ata siya o may lakad.Dumeretso na ako sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa taas i-non ko rin ang ilaw sa hallway at tahimik na naglakad. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nabibingi na ako sa nageecho na tunog ng paa kong naglalakad. Pero atleast, naka-day off rin ako sa walang katapusang pakikipagtalo ko kay tita.Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Naka-on naman yung ilaw at natutulog na ang kapatid kong si Cesha.Nakangiti akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang noo. Bigla akong kinilabotan ng maramdaman kong sobrang init ng noo niya."Cesha..?" Mahinang taw

  • She's Back   Eight (8)

    EIGHT (8)Pagdilat na pagdilat ko ay nilingon ko si Jc at maingat na hinawakan siya. Tama nga ang hinala ko. Nilingon ko ang lahat ng taong nasa chapel at lahat sila'y huminto sa paggalaw. Nilapag ko rin ang kamay ko sa lupa para kumpirmahin ang nangyayari at huminto talaga ang panahon at oras.May bababa kayang anghel? Sino naman kaya? Wala naman akong nilabag sa mga bilin sa akin. Maliban lang sa paggamit ng salamin ng panahon at oras.. Pero isang beses lang naman..Maya-maya ay unti-unting nababalotan ng liwanag ang buong chapel. Sa sobrang liwanag ay di ko na makita si Jc pati ang mga taong andon. As in plain white lang talaga ang nakikita ko. Napatayo ako habang inaabangan kung sino ang lilitaw mula sa liwanag. Pagkatapos ay umulan ng mga puting balahibo mula sa himpapawid sa bumalot sa puting kapaligirin. Lumitaw ang isang anghel mula sa liwanag na nakabuka ang napakakintab at maputing pakpak. At unti-unti itong tumitiklop habang siya naman ay naglalakad papalapit sa akin. Hangg

  • She's Back   Nine (9)

    NINE (9)- Third Person's POV -2 weeks later..."Rhea, may kasabay ka bang manananghalian?" Tanong ni Ceejay habang nakasunod ito kay Rhea."Si Almira sana kaso may ginagawa pa kasi siya sa CLab3." Katwiran naman ni Rhea habang naglalakad papalabas ng campus, ng hindi ito tumitingin sa kanya."Sabay na tayo. Manlilibre ako." Sagot naman ng binata habang patuloy na pumapantay sa bilis ng paglalakad ng dalaga.Tumango lang si Rhea habang nakatuon ang tingin sa daan. Tahimik na magkasabay sila Ceejay at Rhea papunta sa pinakamalapit na karenderya para magtanghalian.Pagkarating nila doon ay limitado nalang ang maaring pumasok sa sobrang dami ng tao sa loob. Naunang pumasok si Ceejay at nakipagsiksikan sa loob. At habang nagiisip si Rhea ng paraan kung paano sumiksik sa loob, may narinig siyang boses na tila mahinang umiiyak. Nagkasalubong ang kilay niyang lumingon sa kanyang likod, at ginala niya rin ang mata niya sa daan. Lahat ng dumadaan ay nakafocus sa kung saan sila papunta at ang

  • She's Back   Ten (10)

    TEN (10)- Jc's POV -"Sumulat ka ng sampung tanong na gusto mong itanong sakin at ganun din ako. Tapos ilagay natin sa baso. Kukuha tayo ng isa tapos sasagotin yung tanong." Paliwanag ni Rhea."Kapag hindi sumagot?" Tanong ko."Syempre may punishment." Isang makulit na ngiti at nangaasar na mukha ang nakikita ko sa mukha niya, "Magtatanggal ng isang bagay na nasa katawan kapag hindi nakasagot."Naitaas ko ang aking dalawang kilay saka tumingin sa ibang dereksyon, "Parang ang init ata."Pakiramdam ko uminit ang paligid ko.. O ako lang itong pinagpapawisan..Kinuha ko nalang yung baso saka uminom."Pumayag ka na." Pangungumbinsi pa niya with matching puppy eyes with pout.Lumingon ako sa kanya at nilagay ang baso sa harap ko, "Pagsisisihan mo talaga itong kalokohan mo.""Katuwaan lang naman." Sagot nito na halatang nagpapacute. Hindi niya yata naintindihan ang tinutukoy ko.Tumagal ng ilang minutong nakatingin ako sa kanya. Inoobserbahan ko ang mukha niyang cute na nangungumbinsi. Ang

  • She's Back   Eleven (11)

    ELEVEN (11)Di ako nakailag sa kinanta niya sa akin. Sa sobrang sakit ay nagkusang tumulo ang luha sa pisngi ko. Kahit ilang beses pa akong lumunok, umabot talaga sa punto na sobrang hapdi na ng mata ko at di ko na kayang pigilan. Sobrang bigat na sa pakiramdam. Kahit nageenjoy ako sa ginagawa namin ni Rhea, ang sakit-sakit parin kapag napaguusapan si Jaycille. Ang hirap pa lang magmove on pero sobrang dali lang mainlove. Unfair di ba? May mas madali bang paraan para makamove on?Bago pa niya makita ang hitsura ko ay binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. At gumawa ng paraan para mabaling ang atensyon niya.Jc: 🎼 Natapos na ang lahatNandito pa rin akoHetong nakatulala sa mundoSa mundo🎼 Di mo maiisipDi mo makikitaMga pangarap ko para sayoPara sayo🎼 Hoh Oh Oh HohHindi ko maisip kung wala kaHoh Oh Oh HohSa buhay ko🎼 Nariyan ka pa ba?Di ka na matanawKung merong madaraanang pasulongPasulong🎼 Hoh Oh Oh HohHindi ko maisip kung wala kaHoh Oh Oh HohSa buhay ko 🎼Effec

  • She's Back   Twelve (12)

    TWELVE (12)- Rhea's POV -"Crushmate!!" Naririnig kong tinatawag ako ni Almira habang nagtatakbong papunta sa akin.Ako naman ay kunwari walang narinig at nagmamadaling lumabas ng classroom. Makikichismis naman kasi tong babaeng to tungkol sa nangyari kagabi.Kakatapos lang ng 3 subjects ko sa umaga at vacant time ko ang kasunod. Kaya ng magbell hudyat ng pagtatapos ng subject ay nagmamadali akong lumabasa ng room. Ako nga yung pinakaunang lumabas ng pinto. Dahil kapag naabotan ako ni Almira, uupo na naman ako sa hotseat ng kachismisan at gigisahin ng kaechosan niya."Hoy, crushmate!" Patuloy parin na sigaw ni Almira habang nakasunod siya sa akin.Naririnig ko na ang mga hakbang niya mula sa aking likuran at sigurado akong maaabotan niya na ako.Binilisan ko ang aking mga hakbang at nagmamadaling kinuha ang earphones ko sa bag. Agad ko namang sinaksak ang dulo sa cellphone ko at nilagay sa tenga ko ang earpiece. Para pagnaabotan niya ako may idadahilan ako.At eksaktong nakapagplay a

  • She's Back   Thirteen (13)

    THIRTEEN (13)- Third Person's POV -Naglalakad si Ceejay sa isang park papunta sa kubo kung saan ang EB place ng kanilang clan pagkatapos ng kanilang klase. Dala-dala ng kaniyang isipan na sana ay pumunta rin si Rhea kahit alam niyang malabo dahil sa naging tampuhan nila kanina. Pero bawat hakbang ng binata papalapit sa kubo ay umaasa siyang makikita niya ang presensya ng dalaga. Dahilan ng kanyang pag.attend ng EB.Pagpasok niya sa kubo ay agad niyang inikot ang kanyang tingin sa loob. Hindi naman siya nabigo at nakita niya ang kanyang inaasahang pupunta.Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niyang masaya at nakikipagkulitan si Rhea kasama si Boss Ganda sa mga clanmates niya. Walang bakas sa mukha ng dalaga na apektado siya sa tampuhan nila ng binata kanina. Nakangiti naman ang binata habang nakamasid ito sa dalaga. Ngunit parang lubong pumutok na naglaho ang ngiti ng binata ng mapansin niya si Jc sa tabi ni Rhea. Nakangiti ito at nageenjoy ring nakikipagkulitan kasama si Rhea."R

  • She's Back   Fourteen (14)

    FOURTEEN (14)"Late na nga ako ng 15 minutes tapos ito pa ang aabotan ko." Panimulang sermon ng nagiisang Founder ng clan na si Uno habang palipat-lipat ang tingin sa mga officers na nasa harap niya, "Nono, Otso, hindi niyo ba talaga kayang controlin ang mga members ng wala ako? O napapagod na kayo sa mga posisyon niyo?""Wag mo talaga kaming mapagsalitaan ng ganyan, Uno." Inis sa sagot ni Otso, "Fresh from airport pa nga ako, galing Manila. Dumeretso na ako dito dahil malalate ka.""Ginagampanan po namin ng maayos ang mga posisyon namin, Boss. Sadyang magagaspang lang talaga ang ugali ng mga newbie ngayon." Pangangatwiran pa ni Nono."Bakit? Newbie ba yang nasa harap niyo?" Mababa pero naiinis na tugon ni Uno at sandaling nagkapalitan ng tingin sila Nono at Otso saka nagpatuloy ito, "Dalawang taon na si Primera sa clan habang 3 months na rin si Anonymous sa clan. Yan ba yung newbie niyo?"Nanaig ang katahimikan sa buong kubo at muling nangibabaw ang tensyon. Walang gustong magsalita

Pinakabagong kabanata

  • She's Back   Author's Gratitude

    Author's GratitudeMaraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa pangalawang buhay ni Rhea. Salamat sa lahat ng add sa kanilang libraries at sa lahat po ng nagbigay ng gems. sobrang na-appreciate ko po. sobra-sobra po akong nagpapasalamat. mas lubos ko pa pong mapapaganda at maiimprove ang second life ni Rhea kapag nag-share kayo ng thoughts tungkol sa buhay niya thru commenting at the comment section.and to know more about my stories, find and follow me in Facebook.https://www.facebook.com/profile.php?id=100068410103778thank you so much and I'm looking forward for your support on my next and upcoming stories. have a good time reading.

  • She's Back   Forty-Eight (48)

    FORTY-EIGHT (48)-Rhea’s POV –Agad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.“Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,” saad ko sa kanya.Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.

  • She's Back   Forty-Seven (47)

    FORTY-SEVEN (47)-Jc’s POV –(flashback from 2 years ago)Pagkatapos ng bonding ay magkasabay kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep. Nakatitig akong sa maamong mukha niya habang siya naman ay parang iniiwasan ang aking tingin. Mukha siyang naiilang na akong ang kasabay niyang umuwi. Si Boss Ganda kasi kadalasan niyang kasabay. Kaso nga lang, napasobra ang inom niya kaya lasing siya at hinatid na nila Lil_Ron sakay ng taxi. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasabay kaming umuwi. Parang hindi siya nasanay.“Ang tahimik mo jan. Ano bang pinagluluksaan mo?” biro ko.Mukha siyang napilitan ngumiti, “Wala. May gusto sana akong sabihin eh,” sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko siya halos marinig.Pero meron din naman akong gustong sabihin sayo. At dahil inunahan mo na ako, mauna ka na.Kinakabahan naman ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi niya magawang tumingin ng deretso, “Ano kasi, Four… pupunta kami ng Japan ni at

  • She's Back   Forty-Six (46)

    FORTY-SIX (46)-Rhea’s POV –Pakiramdam ko ay umiikot ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Ang tindi ng hangover ko pagkatapos naming mag-inuman nila Mj at Almira hanggang madaling araw. Syempre kasama sila Lorenz, Jc at Ceejay. Parang triple date, ganun. Ideya kasi ito ni Mj. Kaya ang ending absent ako ngayon. At ang malala pa, Bourbon ang ininom namin. Pare-pareho ng tama ng Scotch. Halos sa banyo na nga ako matulog sa kakasuka. At si Mj naman? Beteranong-beterano na sa inuman. Hindi man lang tinablan. At salamat sa taas ng alcohol tolerance niya, nakauwi pa kami. Dahil kung ako lang, malamang sa guest room na naman ako ng party house matutulog.Pinaandar ko ang sink saka naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naghilamos na rin upang mawala kahit paano ang aking antok. Matapos kong basain ang mukha ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe yung eyebags ko oh. Mukha na tuloy akong zombie nito.Napansin ko ang ilang parte ng aking buhok sa bandang

  • She's Back   Forty-five (45)

    FORTY-FIVE (45)-Third Person’s POV –“Sa mga hindi pa nakakapunta, welcome to party house.” Pahayag ni Jc habang naunang pumasok sa loob. Nasa kanyang likuran naman nakasunog sila Rhea.“Bakit walang tao?” Pagtataka ni Almira habang iniikot ang kanyang paningin sa paligid, “Wala kang show ngayon, pinsan?”“Cancelled para exclusive natin ang buong area.” Sagot naman ni Jc habang naglalakad papunta sa mini bar.“Nag-effort talaga siya oh.” Bulalas pa ni Almira.Nagtungo naman ang lahat sa mini bar kung saan naroroon ni Jc. Tinulungan nila ang kanilang mga sarili na umupo sa counter at binuhat naman ni Almira si Cesha upang umupo sa kanyang tabi.Si Rhea naman na nasa kaliwa ni Almira nakaupo ay mukhang hindi mapakali. Naalala niya ang gabi na nag-inuman sila ni Jc habang nakabaon ang tingin sa Scotch shelves. Sinusubukan niya itong alisin sa kanyang isipan upang hindi maging awkward sa kanya ang paligid.“Anong gustong inumin ng lahat?” Tanong ni Jc kasabay ng pagsulyap niya sa lahat,

  • She's Back   Forty-Four (44)

    FORTY-FOUR (44)“Ang haba naman ng pila.” Reklamo pa ni Rhea habang nakasimangot na nakatingin sa ticket booth ng Rollercoaster.“Wag ka na magreklamo.” Wika pa ni Mj habang hila-hila ang kamay ni Rhea papunta sa ticket booth.Gustuhin mang magreklamo ni Rhea ngunit hinayaan na lamang niyang masunod ang gusto ng kanyang kapatid. Gusto niya rin kasing mag-enjoy ang kanyang kapatid kaya hindi na siya komontra. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding si Mj.Sila Rhea na at Mj ang pumila sa ticket booth. Kahit mahaba man ang pila, mahaba naman ang pasensya ng dalawa upang pumila. Makalipas ang ilang minuto ay nagkaroon na sila ng ticket para sa Rollercoaster. Agad namang nagtungo ang dalawang dalaga sa entrance kung saan naghihintay ang lahat. Magkakasabay na silang lahat na pumasok sa loob habang iniabot ni Mj ang ticket sa nag-aabang sa entrance.Nagtatakbong nagtungo si Cesha sa seats at naunang umakyat. Umupo agad siya sa pinakaharap. Sumunod naman sila Ceejay a

  • She's Back   Forty-Three (43)

    FORTY-THREE (43)-Third Person’s POV –“Dumating na talaga ang hinihintay ng lahat.” Sarkastikong pahayag ni Almira, pagkarating ni Lorenz.Hinihingal naman si Lorenz na lumingon kay Almira, “Sinabi ko bang maghintay ka?”Pinagtaasan lamang niya ng kilay si Lorenz, “Hindi ka ba magrereklamo kung maiiwan ka?”“Pwede ka nang mauna, Almira.” Agad na sumbat ni Lorenz.“Teka, kalmahan lang ang mga puso.” Agad na singit ni Jc bago pa makasagot si Almira.Binaling na lamang ni Lorenz ang kanyang tingin kay Jc, “Kanino pa lang ideya itong amusement park?”“Akin.” Agad na sagot ni Mj.Lumingon naman si Lorenz sa kanya. Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang makilala niya ang dating karelasyon ni Jc, “Mj, kamusta ka na? Kayo na ulit ni Jc?”Maiksing tumawa si Mj bago sumagot, “Ulit? Hindi naman kami naghiwalay.”Bumungisngis naman si Jc na lumingon sa kanya, “Hindi pala tayo naghiwalay?”Lumingon si Mj sa kanya at tinignan siya deretso sa mata, “Space lang naman sinabi ko. Ni hindi ka ng

  • She's Back   Forty-Two (42)

    FORTY-TWO (42)-Rhea’s POV –“Mukhang magkakabalikan pa ata sila eh.” Wika naman ni Almira habang nakatingin sa saradong pinto ng banyo.Napangiti nalang ako, “Hayaan mo na. Mukhang attach pa yung dalawa sa isa’t-isa.”Alam ko naman na nagkabalikan na yung dalawa. Nagkwento kasi sa akin si Mj pag-uwi namin at mukhang pareho pa nilang mahal ang isa’t-isa.“Nag-agahan ka na ba, crushmate?” Tanong ni Almira sa akin nang nilingon niya ako, “Kumain ka muna saka natin sisimulan yung advertisement.”At dahil niyaya niya ako, hindi talaga ako tatanggi. Pagkain na eh. Tapos uminom lang ako ng gatas pagkagaling namin sa bahay. Ito kasing si Mj, excited makita ulit si Jc. Mukhang may magandang nangyari sa kanila sa Samal.Speaking of Samal, ano kayang ginawa nila Propeta Micah at Propeta Jona sa alaala ni Jc? May naaalala kaya siya tungkol sa nangyari? Naaalala niya kaya ang tunay kong pagkatao.Bumuntong-hinga nalang ako habang inalis yun sa aking isipan. Mukhang binura nila ang kanyang alaala

  • She's Back   Forty-One (41)

    FORTY-ONE (41)-Jc’s POV –Ramdam ko ang malakas na paghampas ng aking ulo sa kung saan dahilan upang dumilat ang aking mga mata. Napahimas ako sa aking ulo habang maingat na nilingon ang paligid.Nasa kwarto ako? Nasa sahig pa. Bumagsak yata ako sa kama. Pero paano ba ako nakauwi? Wala akong maalala… Sumobra yata ang inuman namin at bukod sa bumagsak sa sahig ang ulo ko, ang sakit din dahil sa hangover.Magkasalubong ang aking kilay at minamasahe ko ang aking noo habang maingat na tumayo. Bahagyang nilingon ko ang aking ulo upang matignan ang kama. Wala si Cesha. Malamang nasa living room siya. Kailangan ko nang magluto baka nagugutom na yun.Medyo umiikot pa rin ang aking paningin habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa. Baka kasi may maapakan ako at gumulong pa ako. Wala pa namang lakas ang tuhod ko, parang nanginginig nga ito habang inihahakbang ko. Halo-halo kasi ang ininom namin. Pinaghalo pa nga ni Juviler ang Te

DMCA.com Protection Status