SIX (6)- Jc's POV -[ Flashback ]"In the count of Five!" Simula ko at sumabay naman ang buong crowd sa countdown."Five!""Four!""Three!""Two!""One!"Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw, hinatak ko ang bewang ni Primera papunta sa akin at hinalikan siya sa labi.Pagkadampi ng mga labi namin, biglang lumiwanag ang mukha niya at unti-unti itong lumalabo. Lumitaw ang mukha ng isang babaeng pinagdarasal kong sana muling mabuhay. Kahit malabo itong titigan dahil sa liwanag, buong ang kutob ko sa aking nakita.Pagbalik ng ilaw, napaatras ako sa gulat. Bakit ko ba siya nakita? Sa mga sandaling yun, wala naman akong iniisip na kahit anong tungkol sa kanya.[ End of Flashback ]Ano kayang ibigsabihin nun? Parang wala na atang akong maintindihan sa mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw. Dagdag pa tong weird na nararamdaman ko kay Rhea. Pakiramdam ko ba ay matagal ko na siyang kilala at magaan na agad ang loob ko sa kanya."Kamusta na po ba ang lagay niya?" Tanong ko ng makita kong lumaba
SEVEN (7)- Jc's POV -Pagdating ko sa bahay, sobrang dilim at nakakabingi sa sobrang tahimik. Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa tabi lang ng pinto at nagkaroon na rin ng liwanag ang loob. Nakakapanibago lang dahil kadalasan kapag umuuwi ako ng hating-gabi o madaling araw ay lage akong sinesermonan ni tita Lyca, pero ngayon mukhang wala ata siya o may lakad.Dumeretso na ako sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa taas i-non ko rin ang ilaw sa hallway at tahimik na naglakad. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nabibingi na ako sa nageecho na tunog ng paa kong naglalakad. Pero atleast, naka-day off rin ako sa walang katapusang pakikipagtalo ko kay tita.Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Naka-on naman yung ilaw at natutulog na ang kapatid kong si Cesha.Nakangiti akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang noo. Bigla akong kinilabotan ng maramdaman kong sobrang init ng noo niya."Cesha..?" Mahinang taw
EIGHT (8)Pagdilat na pagdilat ko ay nilingon ko si Jc at maingat na hinawakan siya. Tama nga ang hinala ko. Nilingon ko ang lahat ng taong nasa chapel at lahat sila'y huminto sa paggalaw. Nilapag ko rin ang kamay ko sa lupa para kumpirmahin ang nangyayari at huminto talaga ang panahon at oras.May bababa kayang anghel? Sino naman kaya? Wala naman akong nilabag sa mga bilin sa akin. Maliban lang sa paggamit ng salamin ng panahon at oras.. Pero isang beses lang naman..Maya-maya ay unti-unting nababalotan ng liwanag ang buong chapel. Sa sobrang liwanag ay di ko na makita si Jc pati ang mga taong andon. As in plain white lang talaga ang nakikita ko. Napatayo ako habang inaabangan kung sino ang lilitaw mula sa liwanag. Pagkatapos ay umulan ng mga puting balahibo mula sa himpapawid sa bumalot sa puting kapaligirin. Lumitaw ang isang anghel mula sa liwanag na nakabuka ang napakakintab at maputing pakpak. At unti-unti itong tumitiklop habang siya naman ay naglalakad papalapit sa akin. Hangg
NINE (9)- Third Person's POV -2 weeks later..."Rhea, may kasabay ka bang manananghalian?" Tanong ni Ceejay habang nakasunod ito kay Rhea."Si Almira sana kaso may ginagawa pa kasi siya sa CLab3." Katwiran naman ni Rhea habang naglalakad papalabas ng campus, ng hindi ito tumitingin sa kanya."Sabay na tayo. Manlilibre ako." Sagot naman ng binata habang patuloy na pumapantay sa bilis ng paglalakad ng dalaga.Tumango lang si Rhea habang nakatuon ang tingin sa daan. Tahimik na magkasabay sila Ceejay at Rhea papunta sa pinakamalapit na karenderya para magtanghalian.Pagkarating nila doon ay limitado nalang ang maaring pumasok sa sobrang dami ng tao sa loob. Naunang pumasok si Ceejay at nakipagsiksikan sa loob. At habang nagiisip si Rhea ng paraan kung paano sumiksik sa loob, may narinig siyang boses na tila mahinang umiiyak. Nagkasalubong ang kilay niyang lumingon sa kanyang likod, at ginala niya rin ang mata niya sa daan. Lahat ng dumadaan ay nakafocus sa kung saan sila papunta at ang
TEN (10)- Jc's POV -"Sumulat ka ng sampung tanong na gusto mong itanong sakin at ganun din ako. Tapos ilagay natin sa baso. Kukuha tayo ng isa tapos sasagotin yung tanong." Paliwanag ni Rhea."Kapag hindi sumagot?" Tanong ko."Syempre may punishment." Isang makulit na ngiti at nangaasar na mukha ang nakikita ko sa mukha niya, "Magtatanggal ng isang bagay na nasa katawan kapag hindi nakasagot."Naitaas ko ang aking dalawang kilay saka tumingin sa ibang dereksyon, "Parang ang init ata."Pakiramdam ko uminit ang paligid ko.. O ako lang itong pinagpapawisan..Kinuha ko nalang yung baso saka uminom."Pumayag ka na." Pangungumbinsi pa niya with matching puppy eyes with pout.Lumingon ako sa kanya at nilagay ang baso sa harap ko, "Pagsisisihan mo talaga itong kalokohan mo.""Katuwaan lang naman." Sagot nito na halatang nagpapacute. Hindi niya yata naintindihan ang tinutukoy ko.Tumagal ng ilang minutong nakatingin ako sa kanya. Inoobserbahan ko ang mukha niyang cute na nangungumbinsi. Ang
ELEVEN (11)Di ako nakailag sa kinanta niya sa akin. Sa sobrang sakit ay nagkusang tumulo ang luha sa pisngi ko. Kahit ilang beses pa akong lumunok, umabot talaga sa punto na sobrang hapdi na ng mata ko at di ko na kayang pigilan. Sobrang bigat na sa pakiramdam. Kahit nageenjoy ako sa ginagawa namin ni Rhea, ang sakit-sakit parin kapag napaguusapan si Jaycille. Ang hirap pa lang magmove on pero sobrang dali lang mainlove. Unfair di ba? May mas madali bang paraan para makamove on?Bago pa niya makita ang hitsura ko ay binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. At gumawa ng paraan para mabaling ang atensyon niya.Jc: š¼ Natapos na ang lahatNandito pa rin akoHetong nakatulala sa mundoSa mundoš¼ Di mo maiisipDi mo makikitaMga pangarap ko para sayoPara sayoš¼ Hoh Oh Oh HohHindi ko maisip kung wala kaHoh Oh Oh HohSa buhay koš¼ Nariyan ka pa ba?Di ka na matanawKung merong madaraanang pasulongPasulongš¼ Hoh Oh Oh HohHindi ko maisip kung wala kaHoh Oh Oh HohSa buhay ko š¼Effec
TWELVE (12)- Rhea's POV -"Crushmate!!" Naririnig kong tinatawag ako ni Almira habang nagtatakbong papunta sa akin.Ako naman ay kunwari walang narinig at nagmamadaling lumabas ng classroom. Makikichismis naman kasi tong babaeng to tungkol sa nangyari kagabi.Kakatapos lang ng 3 subjects ko sa umaga at vacant time ko ang kasunod. Kaya ng magbell hudyat ng pagtatapos ng subject ay nagmamadali akong lumabasa ng room. Ako nga yung pinakaunang lumabas ng pinto. Dahil kapag naabotan ako ni Almira, uupo na naman ako sa hotseat ng kachismisan at gigisahin ng kaechosan niya."Hoy, crushmate!" Patuloy parin na sigaw ni Almira habang nakasunod siya sa akin.Naririnig ko na ang mga hakbang niya mula sa aking likuran at sigurado akong maaabotan niya na ako.Binilisan ko ang aking mga hakbang at nagmamadaling kinuha ang earphones ko sa bag. Agad ko namang sinaksak ang dulo sa cellphone ko at nilagay sa tenga ko ang earpiece. Para pagnaabotan niya ako may idadahilan ako.At eksaktong nakapagplay a
THIRTEEN (13)- Third Person's POV -Naglalakad si Ceejay sa isang park papunta sa kubo kung saan ang EB place ng kanilang clan pagkatapos ng kanilang klase. Dala-dala ng kaniyang isipan na sana ay pumunta rin si Rhea kahit alam niyang malabo dahil sa naging tampuhan nila kanina. Pero bawat hakbang ng binata papalapit sa kubo ay umaasa siyang makikita niya ang presensya ng dalaga. Dahilan ng kanyang pag.attend ng EB.Pagpasok niya sa kubo ay agad niyang inikot ang kanyang tingin sa loob. Hindi naman siya nabigo at nakita niya ang kanyang inaasahang pupunta.Mula sa kinatatayuan niya, kitang-kita niyang masaya at nakikipagkulitan si Rhea kasama si Boss Ganda sa mga clanmates niya. Walang bakas sa mukha ng dalaga na apektado siya sa tampuhan nila ng binata kanina. Nakangiti naman ang binata habang nakamasid ito sa dalaga. Ngunit parang lubong pumutok na naglaho ang ngiti ng binata ng mapansin niya si Jc sa tabi ni Rhea. Nakangiti ito at nageenjoy ring nakikipagkulitan kasama si Rhea."R
Author's GratitudeMaraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa pangalawang buhay ni Rhea. Salamat sa lahat ng add sa kanilang libraries at sa lahat po ng nagbigay ng gems. sobrang na-appreciate ko po. sobra-sobra po akong nagpapasalamat. mas lubos ko pa pong mapapaganda at maiimprove ang second life ni Rhea kapag nag-share kayo ng thoughts tungkol sa buhay niya thru commenting at the comment section.and to know more about my stories, find and follow me in Facebook.https://www.facebook.com/profile.php?id=100068410103778thank you so much and I'm looking forward for your support on my next and upcoming stories. have a good time reading.
FORTY-EIGHT (48)-Rheaās POV āAgad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.āKailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,ā saad ko sa kanya.Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.
FORTY-SEVEN (47)-Jcās POV ā(flashback from 2 years ago)Pagkatapos ng bonding ay magkasabay kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep. Nakatitig akong sa maamong mukha niya habang siya naman ay parang iniiwasan ang aking tingin. Mukha siyang naiilang na akong ang kasabay niyang umuwi. Si Boss Ganda kasi kadalasan niyang kasabay. Kaso nga lang, napasobra ang inom niya kaya lasing siya at hinatid na nila Lil_Ron sakay ng taxi. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasabay kaming umuwi. Parang hindi siya nasanay.āAng tahimik mo jan. Ano bang pinagluluksaan mo?ā biro ko.Mukha siyang napilitan ngumiti, āWala. May gusto sana akong sabihin eh,ā sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko siya halos marinig.Pero meron din naman akong gustong sabihin sayo. At dahil inunahan mo na ako, mauna ka na.Kinakabahan naman ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi niya magawang tumingin ng deretso, āAno kasi, Fourā¦ pupunta kami ng Japan ni at
FORTY-SIX (46)-Rheaās POV āPakiramdam ko ay umiikot ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Ang tindi ng hangover ko pagkatapos naming mag-inuman nila Mj at Almira hanggang madaling araw. Syempre kasama sila Lorenz, Jc at Ceejay. Parang triple date, ganun. Ideya kasi ito ni Mj. Kaya ang ending absent ako ngayon. At ang malala pa, Bourbon ang ininom namin. Pare-pareho ng tama ng Scotch. Halos sa banyo na nga ako matulog sa kakasuka. At si Mj naman? Beteranong-beterano na sa inuman. Hindi man lang tinablan. At salamat sa taas ng alcohol tolerance niya, nakauwi pa kami. Dahil kung ako lang, malamang sa guest room na naman ako ng party house matutulog.Pinaandar ko ang sink saka naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naghilamos na rin upang mawala kahit paano ang aking antok. Matapos kong basain ang mukha ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe yung eyebags ko oh. Mukha na tuloy akong zombie nito.Napansin ko ang ilang parte ng aking buhok sa bandang
FORTY-FIVE (45)-Third Personās POV āāSa mga hindi pa nakakapunta, welcome to party house.ā Pahayag ni Jc habang naunang pumasok sa loob. Nasa kanyang likuran naman nakasunog sila Rhea.āBakit walang tao?ā Pagtataka ni Almira habang iniikot ang kanyang paningin sa paligid, āWala kang show ngayon, pinsan?āāCancelled para exclusive natin ang buong area.ā Sagot naman ni Jc habang naglalakad papunta sa mini bar.āNag-effort talaga siya oh.ā Bulalas pa ni Almira.Nagtungo naman ang lahat sa mini bar kung saan naroroon ni Jc. Tinulungan nila ang kanilang mga sarili na umupo sa counter at binuhat naman ni Almira si Cesha upang umupo sa kanyang tabi.Si Rhea naman na nasa kaliwa ni Almira nakaupo ay mukhang hindi mapakali. Naalala niya ang gabi na nag-inuman sila ni Jc habang nakabaon ang tingin sa Scotch shelves. Sinusubukan niya itong alisin sa kanyang isipan upang hindi maging awkward sa kanya ang paligid.āAnong gustong inumin ng lahat?ā Tanong ni Jc kasabay ng pagsulyap niya sa lahat,
FORTY-FOUR (44)āAng haba naman ng pila.ā Reklamo pa ni Rhea habang nakasimangot na nakatingin sa ticket booth ng Rollercoaster.āWag ka na magreklamo.ā Wika pa ni Mj habang hila-hila ang kamay ni Rhea papunta sa ticket booth.Gustuhin mang magreklamo ni Rhea ngunit hinayaan na lamang niyang masunod ang gusto ng kanyang kapatid. Gusto niya rin kasing mag-enjoy ang kanyang kapatid kaya hindi na siya komontra. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding si Mj.Sila Rhea na at Mj ang pumila sa ticket booth. Kahit mahaba man ang pila, mahaba naman ang pasensya ng dalawa upang pumila. Makalipas ang ilang minuto ay nagkaroon na sila ng ticket para sa Rollercoaster. Agad namang nagtungo ang dalawang dalaga sa entrance kung saan naghihintay ang lahat. Magkakasabay na silang lahat na pumasok sa loob habang iniabot ni Mj ang ticket sa nag-aabang sa entrance.Nagtatakbong nagtungo si Cesha sa seats at naunang umakyat. Umupo agad siya sa pinakaharap. Sumunod naman sila Ceejay a
FORTY-THREE (43)-Third Personās POV āāDumating na talaga ang hinihintay ng lahat.ā Sarkastikong pahayag ni Almira, pagkarating ni Lorenz.Hinihingal naman si Lorenz na lumingon kay Almira, āSinabi ko bang maghintay ka?āPinagtaasan lamang niya ng kilay si Lorenz, āHindi ka ba magrereklamo kung maiiwan ka?āāPwede ka nang mauna, Almira.ā Agad na sumbat ni Lorenz.āTeka, kalmahan lang ang mga puso.ā Agad na singit ni Jc bago pa makasagot si Almira.Binaling na lamang ni Lorenz ang kanyang tingin kay Jc, āKanino pa lang ideya itong amusement park?āāAkin.ā Agad na sagot ni Mj.Lumingon naman si Lorenz sa kanya. Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang makilala niya ang dating karelasyon ni Jc, āMj, kamusta ka na? Kayo na ulit ni Jc?āMaiksing tumawa si Mj bago sumagot, āUlit? Hindi naman kami naghiwalay.āBumungisngis naman si Jc na lumingon sa kanya, āHindi pala tayo naghiwalay?āLumingon si Mj sa kanya at tinignan siya deretso sa mata, āSpace lang naman sinabi ko. Ni hindi ka ng
FORTY-TWO (42)-Rheaās POV āāMukhang magkakabalikan pa ata sila eh.ā Wika naman ni Almira habang nakatingin sa saradong pinto ng banyo.Napangiti nalang ako, āHayaan mo na. Mukhang attach pa yung dalawa sa isaāt-isa.āAlam ko naman na nagkabalikan na yung dalawa. Nagkwento kasi sa akin si Mj pag-uwi namin at mukhang pareho pa nilang mahal ang isaāt-isa.āNag-agahan ka na ba, crushmate?ā Tanong ni Almira sa akin nang nilingon niya ako, āKumain ka muna saka natin sisimulan yung advertisement.āAt dahil niyaya niya ako, hindi talaga ako tatanggi. Pagkain na eh. Tapos uminom lang ako ng gatas pagkagaling namin sa bahay. Ito kasing si Mj, excited makita ulit si Jc. Mukhang may magandang nangyari sa kanila sa Samal.Speaking of Samal, ano kayang ginawa nila Propeta Micah at Propeta Jona sa alaala ni Jc? May naaalala kaya siya tungkol sa nangyari? Naaalala niya kaya ang tunay kong pagkatao.Bumuntong-hinga nalang ako habang inalis yun sa aking isipan. Mukhang binura nila ang kanyang alaala
FORTY-ONE (41)-Jcās POV āRamdam ko ang malakas na paghampas ng aking ulo sa kung saan dahilan upang dumilat ang aking mga mata. Napahimas ako sa aking ulo habang maingat na nilingon ang paligid.Nasa kwarto ako? Nasa sahig pa. Bumagsak yata ako sa kama. Pero paano ba ako nakauwi? Wala akong maalalaā¦ Sumobra yata ang inuman namin at bukod sa bumagsak sa sahig ang ulo ko, ang sakit din dahil sa hangover.Magkasalubong ang aking kilay at minamasahe ko ang aking noo habang maingat na tumayo. Bahagyang nilingon ko ang aking ulo upang matignan ang kama. Wala si Cesha. Malamang nasa living room siya. Kailangan ko nang magluto baka nagugutom na yun.Medyo umiikot pa rin ang aking paningin habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa. Baka kasi may maapakan ako at gumulong pa ako. Wala pa namang lakas ang tuhod ko, parang nanginginig nga ito habang inihahakbang ko. Halo-halo kasi ang ininom namin. Pinaghalo pa nga ni Juviler ang Te