Share

Four (4)

last update Last Updated: 2022-07-06 16:34:43

FOUR (4)

- Rhea's POV -

(Background song playing:

Nakakamiss by Smugglaz, Curse One, Dello and Flick G)

Habang hinihintay kong matapos ang loading ng Dota para sa game na create ko, nilakasan ko ang volume ng speaker hanggang sa umabot ito sa maximum nitong lakas. Magisa lang kasi ako sa bahay. Nasa trabaho si ate habang dalawang linggo naman kaming walang pasok dahil sa nangyari sa ComLab. At dahil dun, postponed ang dota tournament. Nakakaiyak...

Napalingon ako sa maliit na rectangular stainless sa tabi ng laptop at wala na itong laman. Tutal, sobrang tagal nitong magloading, tumayo na muna ako at nagpunta sa ref, dala yung rectangular stainless para kumuha ng cookies.

Pagbukas ko ng ref, may dalawang paper bag pang natitira. Akala ko ubos na, kaya kinuha ko na yung dalawa at sinara ang ref. Bunuksan ko yung dalawang paper bag at sabay na binuhos ang laman sa stainless na dala ko at hinagis ang paper sa trash bin na katabi ng ref.

Nagkakanta ako habang naglalakad pabalik sa sofa kung saan ko iniwan ang laptop ko. Paborito ko kasi ang kantang nakaplay kaya napapakanta na rin ako kahit hindi ako magaling magrap.

🎼"Nakulayang ganda kay sarap pagmasdan

Nakulayang ganda ng mga nagdaan

Sa likod nang nilakaran ko na dala nang kapalaran ko

Bakas sa mga araw sa aking mga karanasan ay natutunan ko....."🎼

"Bukod sa magaling kang magdota at magrap, saan ka pa kaya magaling?"

"Sa maraming ba----"

Nakaupo at nakaharap ako sa laptop ng may narinig akong boses na tila kinausap ako. Automatiko naman akong napalingon sa kung saan ito nanggaling at nanlaki ang aking mga mata sa di inaasahang tao na nakita kong nakatayo sa aking harapan, habang nakangiti ito sa akin.

"Anong ginagawa mo dito!? At pano ka nakapasok?!" Pasigaw kong tanong.

".................."

Narinig kong sumisigaw siya sa pagsagot habang tinuturo niya ang speaker ngunit wala akong maintindihan dahil sa lakas ng volume ng speaker. At dahil hindi ko siya marinig, napilitan akong patayin ang speaker. Nilagay ko ang stainless na hawak ko sa tabi ng laptop saka tumayo at nakakunot-noong tinitigan siya.

"Anong ginagawa mo dito? At pano ka nakapasok?" Tinanong ko ulit siya sa iritableng tono.

"Kanina pa kasi ako nagdodorbell pero halata namang di mo naririnig dahil sa sobrang lakas ng music mo, kaya ng makita kong nakabukas ng konti ang pinto ay pumasok na ako." Nakangiting paliwanag ni Ceejay.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay habang nakacrossed arms, "Yung isang tanong di mo pa sinasagot."

Napasulyap muna siya sa ibang dereksyon habang nakangiti saka muling humarap sakin, "Dumaan lang ako para kamustahin ka at ibigay 'to." Sabay abot niya ng bulaklak sa'kin na halatang nakaabang sa magiging reaction ko.

Sandaling napatitig ako sa bulaklak. Matutuwa na sana ako ng malaman ko kung anong klaseng bulaklak ang dala niya.

"Ano yan?" Inis na tanong ko.

"Pasasalamat ko." Maiksing sagot niya.

"Pasasalamat o pangaasar!?" Sagot ko naman habang magkadikit ang ngipin dahil sa inis na pinipigilan ko.

Naiiritang binaba niya ang bulaklak na inabot niya sa akin at nakasimangot na sumagot, "Ganyan ka ba talaga kahirap pakisamahan? Pasasalamat ko ang bulaklak na to para sa pagligtas mo sa buhay ko."

Naku! Ikaw na gwapong nilalang ka! Naiinis na talaga ako. Hindi mo ba ako maintindihan? -_-"

"Ano palang akala mo sakin!? Patay!?" Inis na pasigaw kong sabi sa kanya.

Mas sumimangot pa ang mukha niya at namumula na ang kanyang pisngi sa pagpipigil sa kanyang sarili, "Patay lang ba ang pwedeng bigyang ng bulaklak!?"

Nang-gigigil na talaga ako sa gwapong 'to. Ang sarap niyang suntukin sa mukha.

"Tignan mo nga yang bulaklak na dala mo. Bulaklak yan para sa patay!" Pasigaw na sagot ko.

"Ah talaga?" Biglang kumalma ang boses niya at parang tinangay ng hangin sa kung saan ang inis na pinipigilan niya, "Oo nga nu?" Bulong niya pa sa kanyang sarili habang tinititigan ang bulaklak.

At mas lalo pa akong nainis ng bigla siyang tumawa ng sobrang lakas.

Kahit kelan ka talaga, Ceejay. Sira-ulo ka talaga.

Napakamot nalang ako sa ulo saka bumuntong hinga, "Kung nanliligaw ka pa, malamang hindi ka pa nagtatanong, basted ka na."

Napahinto siya sa pagtawa at galit na napatitig sa akin,"Hoy, minamaliit mo ba ang galing ko sa panliligaw?"

"Sa bulaklak pa nga, bagsak ka na. Pano pa kaya sa pagpapaibig ng babaeng mahal mo." Katwiran ko.

"Wag mo akong hahamonin, Rhea. Baka mamaya, pagnainlove ka, di ka na maka-move on." Pagmamayabang pa niya.

Napatawa ako ng sobrang lakas sa sinabi niya, "Sinagad mo rin ang kayabangan mo, ei hindi ka nga marunong pumili ng bulaklak."

"Ah ganun?" Nakangisi pa niyang sagot, "Papatunayan ko sayo. Hindi basehan ang bulaklak sa panliligaw. Kung hindi, sa senseridad----"

"------at malinis na intensyon ng pusong tunay na nagmamahal." Bigla kong dugtong sa sinabi ni Ceejay. At eksaktong magkasabay pa kami.

Hala!! Ba't ko naman ginawa yun? >_<

Nagkatitigan kami ni Ceejay ng napakatagal. Halatang nagtataka siya kung pano ko yun nalaman at ako naman ay kinakabahan sa kakaisip ng idadahilan.

Ako sana ang unang magdadahilan kung pano ko yun nalaman ng naunahan niya akong magsalita.

"Nasabi ko na ba sayo yun?" Pagtatakang tanong niya.

"Aaa.... Parang nabasa ko ata yun sa f* mo. Yun kasi ang may pinakamaraming likes." Pagdadahilan ko.

Biglang umabot hanggang tenga ang ngiti niya saka sumagot, "Ikaw ha, di mo naman sinabi na fan pala kita."

Mukhang mali ata ang naging dahilan ko at napalaki ko pa ang ulo niya..

"He he he.." Ang tanging nasagot ko. Hilaw na ngiti na mas hilaw pa sa hilaw na mangga.

"Di mo naman kelangang mahiya, ipapakita ko sayo kung pano manligaw ang isang Ceejay Gonzaga." Pagmamayabang niya pa.

Kunwari nalang wala akong narinig para hindi liparin ng hangin ang buong bahay.

"Kumain ka na ba?" Pagpapatuloy niya ng matameme ako sa kayabangan niya.

"H-hindi pa." Sagot ko.

"Pambihira." Wika niya, "San ba ang kusina niyo at ipagluluto kita."

"Ikaw? Marunong magluto?" Halos matawa kong sabi.

"Wag mo akong pagtatawanan. Bihira lang ako magluto para sa isang babae." Katwiran pa niya.

"Naku... Wag mo na pahirapan ang sarili mo. Bumili nalang tayo ng ulam sa labas." Natatawa kong paliwanag.

"Tamad ka bang magluto o hindi ka lang talaga marunong magluto?" Pangungulit niya.

Napasimangot ulit ako, "O sige, kung gusto mo talagang magluto, dumeretso ka lang at nasa dulo ang kusina. May laman yung ref kaya bahala ka na sa lulutuin mo." Tugon ko.

"Basta wag kang bibili ng ulam ha, magluluto talaga ako." Bilin pa niya saka tuluyan ng dumeretso sa kusina.

Napabuntong hinga nalang ako habang pinapanood siyang naglalakad papunta sa kusina.

Mapilit talaga siya kahit kelan. Di na ako magtataka kung magiging masarap ang iluluto niya. Mahilig naman talaga siyang magluto pero nakakapagtataka lang kung bakit ibang kurso ang kinuha niya at hindi culinary.

Teka nga lang? Bakit nga ba? Yung nabubuhay pa ako culinary naman ang kinuha niyang kurso pero bakit ngayon, BS-IT na? Ikaw Fallen ha, ang dami mo nang binago. Lagot ka talaga sa akin. Halos hindi ko na alam ang nangyayari sa sarili kong buhay. Makapaglaro na nga lang ng Dota.

Napalingon ako sa laptop. At kanina pa pala tapos ang loading. Kelangan ko nalang pumili ng magiging hero ko. Nawala tuloy sa isip ko ang tungkol sa dota ng dahil sa lalaking yun. Bago pa ako makaupo, biglang napako ang tingin ko sa keyboard. Maglalaro ba talaga ako o titignan ko siyang magluto?

Maya-maya ay biglang dumilim ang langit, pati ang buong paligid. Huminto sa paggalaw ang panahon at oras at maging ako man ay naninigas din. Ano na naman kaya ang makikita ko ngayon???

Apoy?

May apoy na biglang lumiyab sa harapan ko kasabay ng nagiisang malakas na sigaw. Unti-unti itong lumalaki hanggang sa kinain nito ang buong bahay. At ako naman ay pinagpapawisang nagtatakbo sa lumiliyab na apoy.

Bago pa ako mataranta ay biglang nagliwanag muli ang paligid. Naglaho ng parang bula ang apoy at nanlaki ang aking mga mata habang iniikot ko ang paningin ko sa buong bahay. Mukhang normal naman ang lahat at wala naman akong nakikitang usok na pwedeng pagsimulan ng apoy.

Si Ceejay na nagluluto.

Nang maalala ko siya, bigla akong nagtatakbong nagtungo sa kusina. Pagdating ko dun, nakita kong mukhang problemado ang hitsura niya. Automatiko naman siyang napalingon sa kinatatayuan ko ng mapansin niya ang biglaang pagdating ko.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa ng makita niyang kakaiba ang reaksyon ko. Halata namang nagtataka siya.

"Okay ka lang?" Pagtatakang tanong niya na halatang nagdadalawang isip pang magtanong.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko bago sumagot, "Ikaw? Okay ka lang? Mukhang problemado ka ata?"

"Parang ganun na nga." Sagot naman niya at binalik ulit ang tingin sa stove na nasa harap niya, "Kanina ko pa sinusubukang i-on itong gas stove pero ayaw ei."

"Di na pala yan gumagana. Nakalimotan kong sabihin sayo kaya sa labas na ako kumakain." Paliwanag ko sa tensyonadong tono.

Napakunot ang noo niya sa kakaibang tono ng pagsagot ko, "Yung electric stove nalang kaya?" Sabay turo niya sa electric stove na nasa tabi ng gas stove.

"Sira na rin yan. Medyo matagal na rin kasi ang isang yan." Agad kong sagot.

Ako na talaga ang pinakamagaling magsinungaling.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" Nagsimula na siyang mainis sakin, "Hindi madaling maghanda ng lulutuin tapos mauuwi lang pala sa wala." Pagrereklamo pa niya habang binabalik sa ref ang mga rekadong hinanda niya.

Na-guilty tuloy ako. Hindi niya kasi naiintindihan. Kelangan ko kasing gawin yun para makaiwas sa apoy. Ayokong maulit ang nangyari sa ComLab.

Sobrang disappointed talaga ng mukha niya. Pakiramdam niya ata ginogood time ko siya 😞

"Akala ko kasi nagbibiro ka lang. Di ko naman kasi alam na seryoso ka palang magluto." Katwiran ko.

Hindi siya umimik. Nagpatuloy lang siya sa pagligpit hanggang sa mailagay niya ang lahat ng rekado sa ref. Tinititigan ko pa rin siya habang tinatanggal niya ang kanyang aapron at nilagay sa mesa.

"Jan ka muna. Bibili lang ako ng ulam." Wika niya habang naglalakad siya papunta sa pinto.

Hindi na ako nakapagsalita. Nakamasid na lamang ako sa kanya habang patungo ito sa pinto hanggang sa tuluyan na siyang lumabas.

Naguguilty talaga ako ei. Sayang yung effort niya. Seryoso pa naman siya magluto.

Nang masiguro kong nasa malayo na siya, sinubukan kong i-on ang gas stove at di naman pumalya, nag-on naman kaagad. Sinasabi ko na nga ba, niloloko lang ako ng gas stove nato para gamitin yung sirang electric stove at maging dahilan ng sunog, lalo na't si Ceejay ang magluluto.

Agad ko namang nilabas ang lahat ng rekado na hinanda niya kanina. Mukhang plano niya atang magluto ng kare-kare. Kaya naman, sinimulan ko nang lutuin ang hinanda niya para naman pagbalik niya, matikman niya.

================================================================

"Rhea! Rhea!"

Isang pamilyar na boses ang naririnig ko habang mahinang inaalog ang balikat ko.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita kong nakasimangot na nakatingin si ate Cyrel sa akin.

Si ate Cyrel???

"Table manners nga, Rhea! Kelan ka pa natutong matulog sa harap ng pagkain!?" Sermon pa nito sa akin.

Bigla tuloy akong napaisip. O nga pala, niluto ko pala ang mga rekado ng kare-kare na hinanda ni Ceejay at sinerve sa mesa para pagbalik niya, kakain na kami. Saglit akong napatitig sa pagkain at mukhang lumamig na ang mga ito at hindi pa dumadating ang lalaking yun.

"Nagluto ka pala ng kare-kare?" Tanong ni ate saka kinuha ang serving spoon na nasa tabi ng mangkok ng kare-kare at tinikman, "Masarap ha. Kelan ka pa natutong magluto?"

"Ang aga mo ata ngayon." Pagtataka kong tanong.

"Talaga? Maaga pa ba sayo ang 8 pm?" Sagot naman niya sabay upo sa harap ko, "Tutal nakahanda na ang mesa kakain na muna ako bago magbihis."

Gabi na? Mukhang nakatulog nga ako ng mahaba. At gumabe na lang, hindi na bumalik ang mokong na yun. Haay nagtampo talaga siya. Pero buti nalang yun kesa magsisi pa ako dahil kinain na naman siya ng apoy.

Nakatingin lang ako kay ate habang sarap na sarap siya sa pagkain. Nagustuhan niya ata ang niluto ko at lumabas ang pagiging matakaw niya.

Habang ako naman ay nalulunod sa kakaisip kung pupuntahan ko ba siya sa kanila o hindi. Pupunta nalang siguro ako tutal kasalanan ko naman. Ay hindi, mapilit siya ei kaya ayan nakapagsinungaling ako sa kanya. Ah basta! Pupuntahan ko nalang.

Sa lalim ng pagiisip ko, tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa kusina para initin ang natitirang kare-kare sa kaldero.

"Hindi ka ba kakain?" Agad na tanong ni ate nang mapansin niya akong tumayo.

"Tapos na ako." Sagot ko naman na mula sa kusina, habang naghahanap ng tupperware mula sa yellow hanging kabinet sa ibabaw ng elestric stove.

"Ei parang hindi nga nabawasan yung pagkain pagdating ko." Wika niya habang puno ng pagkain ang bibig niya.

"Hinanda ko kasi yan para sayo." Pagsisinungaling ko habang pinatay ang gas stove at maingat na naglipat ng ilan sa tupperware na hinanda ko.

"Para sa akin pero dalawang plato ang nilagay mo sa mesa." Pangangatwiran niya, "Sinong kasama mo dito kanina?"

Eto na naman ang protective ate ko. Nagsisimula na namang magdrama.

Napabuntong-hinga ako sabay sara ng tupperware na pinaglagyan ko ng kare-kare, "Si Ceejay. Nagpaalam kasi siya kanina para bumili ng ulam kaso di na bumalik." Paliwanag ko at pinasok ang tupperware sa isang paper bag at nagtungo na sa pinto.

Napakunot-noo si ate, "Bumili naman pala siya ng ulam, bakit nagluto ka pa?"

Binuksan ko ang pinto at bahagyang nilingon ang ate kong nakatingin sa pagalis ko, "Mahabang kwento." At lumabas na rin ako ng bahay at iniwan ang ate kong magisang kumakain sa mesa.

Habang naglalakad ako papunta sa abangan ng jeep, biglang huminto sa paghakbang ang mga paa ko. Kelangan ko ba talagang gawin to? Naguguilty kasi ako. Ah basta! Babawi ako sa kanya. Di naman kasi pwedeng sabihin ko sa kanya na magsisimula ng apoy kapag nagluto siya. Bukod sa pagtatawanan niya ako, labag yun sa balanse ng hinaharap. Mawawalan ako ng pakpak.

Nasa harap na ako ng bahay nila Ceejay ng biglang nagdalawang isip ulit ako. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Nagawa ko naman to dati pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Naku! Bahala na! Haharapin ko nalang kung anong nagaabang sa loob.

*ding-dong*

Dalawang beses akong nagdoorbell at maya-maya ay bumukas ang pinto. Sincere akong ngumiti ng makita kong si Ceejay ang nagbukas ng pinto. Halata naman sa mukha niyang nagulat siya sa pagdating ko.

"Rhea??" Gulat na bulalas niya.

Syempre, di niya kasi nabanggit kung saan siya nakatira pero alam ko.

"Akala ko ba bibili ka ng ulam? Hindi ka na nga bumalik." Simula ko.

"Ano bang kailangan mo?" Malamig nitong tanong.

Nagtatampo talaga tong gwapong to.

"Eto." Iniabot ko sa kanya ang dala ko at tinitigan niya, "Hindi mo ba tatanggapin?"

Nakatingin siya sa akin ng tinanggap niya ang inabot ko saka maingat niya itong binuksan ng wala man lang ni isang salita.

"Niluto ko yung hinanda mo para hindi masayang." Pagpapatuloy ko ng mabuksan niya ang tupperware.

"Akala ko ba sira yung stove niyo sa bahay?" Pagtataka niya.

"Nakiluto ako sa kapitbahay." Pagsisinungaling ko sabay ngiti.

"Talaga? Baka binili mo lang 'to sa kung saan." Bungisngis pa nitong sagot.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Tugon ko.

Nakangiti siya ng abot hanggang tenga ng sinara niya ang tupperware saka sumagot, "Sige na nga. Masarap ba 'to?"

"Ewan ko sayo." Maiksing sagot ko.

"Ba't di mo alam, ikaw ang nagluto." Wika niya.

"Iba iba po tayo ng taste. Baka yung masarap sakin, matabang sayo." Pagdadahilan ko.

"May punto ka rin." Wika niya, "Halika ka. Tumuloy ka na at sabay tayong kumain."

"Hindi na." Agad ko naman sagot, "Tapos na kasi akong kumain. Tsaka pumunta lang talaga ako dito para ihatid yan."

"Wag ka nang tumanggi. Hindi pwedeng tumanggi sakin." Pagpupumilit niya.

"Hindi na--------"

Hindi ko na nagawang taposin ang sinasabi ko ng bigla niyang abotin ang kamay ko at hilahin papasok sa kanilang bahay.

Makakatanggi pa ba ako ei nasa loob na ako...

================================================================

- John Carlo Laporre's POV -

Naglalakad ako sa isang di kilalang lugar na puno ng masasayang tao. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na yun. Ni hindi ko nga alam kung saang lugar yun. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa isang lugar na hindi ko alam at hindi ko alam kung saan.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ang masasayang mukha ng mga andon. Ni isa sa kanila wala akong namumukhaan. Pero sobrang saya nila sa lugar na yun na parang walang ano mang bahid ng sakit na kinikimkim.

Hanggang sa may nakita akong isang dalagang nakatayo sa tabi ng bench na napapailaliman ng punong kahoy. Mukhang magisa lang siya kaya nilapitan ko.

Habang papalapit ako ay unti-unti kong siyang nakikilala. Kahit nakatalikod siya sa akin ay sigurado ako kung sino siya dahil sa kulay ginto nitong buhok. Binilisan ko ang paglalakad dahil sa tuwang nararamdaman ko. At nang malapit na ako sa kanya ay humarap siya sa akin.

Bigla akong natigilan ng makita kong napakalabo ng mukha niya, dahil sa liwanag na bumabalot sa kanya. Hindi ako makatingin ng deretso sa mukha niya na gustong gusto ko pa namang makita para mapatunayan kong siya nga.

Maya-maya ay may pula na kung ano na lumutang sa katawan niya na unti-unti itong binabalotan ang katawan niya.

Nanlaki ang aking mga mata habang napapahakbang paatras ang mga paa ko. Dahan dahan naman siyang naglakad papalapit sa akin.

Kinilabotan ako sa nangyayari sa kanya at sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang sasabog na ang dibdib ko. Napako ako sa aking kinatatayuan. Ni hindi ko nga magawang igalaw ang mga paa ko.

Hanggang sa maabot niya ako at niyakap ng mahigpit.

"C-Crista??" Pagaalinlangan ko. Kusang lumabas sa bibig ko ang pangalang kanina ko pa gustong tawagin.

Akmang hahawakan ko sana siya ng mas lumiwanag ang katawan niya. Sobrang liwanag na halos di ko na makita ang katawan niya. Nagpatuloy ito sa pagliwanag hanggang sa di ko na siya kayang tignan at napapikit ako.

Ramdam kong dahan dahang humihina ang nakakasilaw na liwanag kaya maingat kong dinilat ang aking mga mata.

============================

Inikot ko ang aking paningin at kumalma ang aking damdamin ng malaman kong nasa kwarto pala ako.

Napaupo ako sa kama ko at muling napaisip sa aking napanaginipan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nanaginip ako tungkol kay Crista.

Hindi ba niya talaga tanggap sa kanyang puso na wala na talaga siya? O bunga rin to ng gabi gabi kong pagdarasal?

Kung ano man ang dahilan na hindi kayang intindihin ng matalino kong pagiisip, Diyos na ang bahala sa kung ano man yun. Pinaubaya ko na sa kanya ang buhay ni Crista.

Ipagdarasal ko nalang sa Panginoon ang katahimikan ng kaluluwa niya.

Related chapters

  • She's Back   Five (5)

    FIVE (5)- Rhea's POV -Dahil bored sa bahay, natagpuan ko ang aking sarili na umattend ng EB. Ayoko naman talaga. Pero dahil sa pagpupumilit nila Four, Almira at Ceejay andito na ako ngayon. Pinagtulungan ba naman ako. Sa puntong, pumunta pa sa bahay si Almira para ipagpaalam ako kay ate."Kanina ka pa ba, madz?" Tanong ni Almira kay Four ng makarating kami sa labas ng kubo."Hindi naman." Maiksing sagot niya."Nasan si Ceejay?" Tanong ulit ni Almira."Ayun oh. Nakikipaglandian sa malanding yun." Agad kong sagot ng makita kong nakipagkamayan si Ceejay sa isang babaeng nakamaong shorts at spaghetti shirt, bago pa makasagot si Four.Sabay namang napalingon ang dalawa sa dereksyon nila Ceejay at nung babae habang ako naman ay tahimik na pinagmamasdan sila.Maya-maya ay binalik na ni Almira ang tingin niya sa akin."Kakarating mo lang, yan agad ang nakita mo." Sita ni Almira."Ei nasa likod lang ni Four. Makikita ko agad." Katwiran ko habang don parin nakatingin sa kanila.Nakahalf smile

    Last Updated : 2022-07-06
  • She's Back   Six (6)

    SIX (6)- Jc's POV -[ Flashback ]"In the count of Five!" Simula ko at sumabay naman ang buong crowd sa countdown."Five!""Four!""Three!""Two!""One!"Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw, hinatak ko ang bewang ni Primera papunta sa akin at hinalikan siya sa labi.Pagkadampi ng mga labi namin, biglang lumiwanag ang mukha niya at unti-unti itong lumalabo. Lumitaw ang mukha ng isang babaeng pinagdarasal kong sana muling mabuhay. Kahit malabo itong titigan dahil sa liwanag, buong ang kutob ko sa aking nakita.Pagbalik ng ilaw, napaatras ako sa gulat. Bakit ko ba siya nakita? Sa mga sandaling yun, wala naman akong iniisip na kahit anong tungkol sa kanya.[ End of Flashback ]Ano kayang ibigsabihin nun? Parang wala na atang akong maintindihan sa mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw. Dagdag pa tong weird na nararamdaman ko kay Rhea. Pakiramdam ko ba ay matagal ko na siyang kilala at magaan na agad ang loob ko sa kanya."Kamusta na po ba ang lagay niya?" Tanong ko ng makita kong lumaba

    Last Updated : 2022-07-06
  • She's Back   Seven (7)

    SEVEN (7)- Jc's POV -Pagdating ko sa bahay, sobrang dilim at nakakabingi sa sobrang tahimik. Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa tabi lang ng pinto at nagkaroon na rin ng liwanag ang loob. Nakakapanibago lang dahil kadalasan kapag umuuwi ako ng hating-gabi o madaling araw ay lage akong sinesermonan ni tita Lyca, pero ngayon mukhang wala ata siya o may lakad.Dumeretso na ako sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa taas i-non ko rin ang ilaw sa hallway at tahimik na naglakad. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nabibingi na ako sa nageecho na tunog ng paa kong naglalakad. Pero atleast, naka-day off rin ako sa walang katapusang pakikipagtalo ko kay tita.Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Naka-on naman yung ilaw at natutulog na ang kapatid kong si Cesha.Nakangiti akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang noo. Bigla akong kinilabotan ng maramdaman kong sobrang init ng noo niya."Cesha..?" Mahinang taw

    Last Updated : 2022-07-08
  • She's Back   Eight (8)

    EIGHT (8)Pagdilat na pagdilat ko ay nilingon ko si Jc at maingat na hinawakan siya. Tama nga ang hinala ko. Nilingon ko ang lahat ng taong nasa chapel at lahat sila'y huminto sa paggalaw. Nilapag ko rin ang kamay ko sa lupa para kumpirmahin ang nangyayari at huminto talaga ang panahon at oras.May bababa kayang anghel? Sino naman kaya? Wala naman akong nilabag sa mga bilin sa akin. Maliban lang sa paggamit ng salamin ng panahon at oras.. Pero isang beses lang naman..Maya-maya ay unti-unting nababalotan ng liwanag ang buong chapel. Sa sobrang liwanag ay di ko na makita si Jc pati ang mga taong andon. As in plain white lang talaga ang nakikita ko. Napatayo ako habang inaabangan kung sino ang lilitaw mula sa liwanag. Pagkatapos ay umulan ng mga puting balahibo mula sa himpapawid sa bumalot sa puting kapaligirin. Lumitaw ang isang anghel mula sa liwanag na nakabuka ang napakakintab at maputing pakpak. At unti-unti itong tumitiklop habang siya naman ay naglalakad papalapit sa akin. Hangg

    Last Updated : 2022-07-10
  • She's Back   Nine (9)

    NINE (9)- Third Person's POV -2 weeks later..."Rhea, may kasabay ka bang manananghalian?" Tanong ni Ceejay habang nakasunod ito kay Rhea."Si Almira sana kaso may ginagawa pa kasi siya sa CLab3." Katwiran naman ni Rhea habang naglalakad papalabas ng campus, ng hindi ito tumitingin sa kanya."Sabay na tayo. Manlilibre ako." Sagot naman ng binata habang patuloy na pumapantay sa bilis ng paglalakad ng dalaga.Tumango lang si Rhea habang nakatuon ang tingin sa daan. Tahimik na magkasabay sila Ceejay at Rhea papunta sa pinakamalapit na karenderya para magtanghalian.Pagkarating nila doon ay limitado nalang ang maaring pumasok sa sobrang dami ng tao sa loob. Naunang pumasok si Ceejay at nakipagsiksikan sa loob. At habang nagiisip si Rhea ng paraan kung paano sumiksik sa loob, may narinig siyang boses na tila mahinang umiiyak. Nagkasalubong ang kilay niyang lumingon sa kanyang likod, at ginala niya rin ang mata niya sa daan. Lahat ng dumadaan ay nakafocus sa kung saan sila papunta at ang

    Last Updated : 2022-07-14
  • She's Back   Ten (10)

    TEN (10)- Jc's POV -"Sumulat ka ng sampung tanong na gusto mong itanong sakin at ganun din ako. Tapos ilagay natin sa baso. Kukuha tayo ng isa tapos sasagotin yung tanong." Paliwanag ni Rhea."Kapag hindi sumagot?" Tanong ko."Syempre may punishment." Isang makulit na ngiti at nangaasar na mukha ang nakikita ko sa mukha niya, "Magtatanggal ng isang bagay na nasa katawan kapag hindi nakasagot."Naitaas ko ang aking dalawang kilay saka tumingin sa ibang dereksyon, "Parang ang init ata."Pakiramdam ko uminit ang paligid ko.. O ako lang itong pinagpapawisan..Kinuha ko nalang yung baso saka uminom."Pumayag ka na." Pangungumbinsi pa niya with matching puppy eyes with pout.Lumingon ako sa kanya at nilagay ang baso sa harap ko, "Pagsisisihan mo talaga itong kalokohan mo.""Katuwaan lang naman." Sagot nito na halatang nagpapacute. Hindi niya yata naintindihan ang tinutukoy ko.Tumagal ng ilang minutong nakatingin ako sa kanya. Inoobserbahan ko ang mukha niyang cute na nangungumbinsi. Ang

    Last Updated : 2022-07-15
  • She's Back   Eleven (11)

    ELEVEN (11)Di ako nakailag sa kinanta niya sa akin. Sa sobrang sakit ay nagkusang tumulo ang luha sa pisngi ko. Kahit ilang beses pa akong lumunok, umabot talaga sa punto na sobrang hapdi na ng mata ko at di ko na kayang pigilan. Sobrang bigat na sa pakiramdam. Kahit nageenjoy ako sa ginagawa namin ni Rhea, ang sakit-sakit parin kapag napaguusapan si Jaycille. Ang hirap pa lang magmove on pero sobrang dali lang mainlove. Unfair di ba? May mas madali bang paraan para makamove on?Bago pa niya makita ang hitsura ko ay binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. At gumawa ng paraan para mabaling ang atensyon niya.Jc: 🎼 Natapos na ang lahatNandito pa rin akoHetong nakatulala sa mundoSa mundo🎼 Di mo maiisipDi mo makikitaMga pangarap ko para sayoPara sayo🎼 Hoh Oh Oh HohHindi ko maisip kung wala kaHoh Oh Oh HohSa buhay ko🎼 Nariyan ka pa ba?Di ka na matanawKung merong madaraanang pasulongPasulong🎼 Hoh Oh Oh HohHindi ko maisip kung wala kaHoh Oh Oh HohSa buhay ko 🎼Effec

    Last Updated : 2022-07-18
  • She's Back   Twelve (12)

    TWELVE (12)- Rhea's POV -"Crushmate!!" Naririnig kong tinatawag ako ni Almira habang nagtatakbong papunta sa akin.Ako naman ay kunwari walang narinig at nagmamadaling lumabas ng classroom. Makikichismis naman kasi tong babaeng to tungkol sa nangyari kagabi.Kakatapos lang ng 3 subjects ko sa umaga at vacant time ko ang kasunod. Kaya ng magbell hudyat ng pagtatapos ng subject ay nagmamadali akong lumabasa ng room. Ako nga yung pinakaunang lumabas ng pinto. Dahil kapag naabotan ako ni Almira, uupo na naman ako sa hotseat ng kachismisan at gigisahin ng kaechosan niya."Hoy, crushmate!" Patuloy parin na sigaw ni Almira habang nakasunod siya sa akin.Naririnig ko na ang mga hakbang niya mula sa aking likuran at sigurado akong maaabotan niya na ako.Binilisan ko ang aking mga hakbang at nagmamadaling kinuha ang earphones ko sa bag. Agad ko namang sinaksak ang dulo sa cellphone ko at nilagay sa tenga ko ang earpiece. Para pagnaabotan niya ako may idadahilan ako.At eksaktong nakapagplay a

    Last Updated : 2022-07-28

Latest chapter

  • She's Back   Author's Gratitude

    Author's GratitudeMaraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa pangalawang buhay ni Rhea. Salamat sa lahat ng add sa kanilang libraries at sa lahat po ng nagbigay ng gems. sobrang na-appreciate ko po. sobra-sobra po akong nagpapasalamat. mas lubos ko pa pong mapapaganda at maiimprove ang second life ni Rhea kapag nag-share kayo ng thoughts tungkol sa buhay niya thru commenting at the comment section.and to know more about my stories, find and follow me in Facebook.https://www.facebook.com/profile.php?id=100068410103778thank you so much and I'm looking forward for your support on my next and upcoming stories. have a good time reading.

  • She's Back   Forty-Eight (48)

    FORTY-EIGHT (48)-Rhea’s POV –Agad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.“Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,” saad ko sa kanya.Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.

  • She's Back   Forty-Seven (47)

    FORTY-SEVEN (47)-Jc’s POV –(flashback from 2 years ago)Pagkatapos ng bonding ay magkasabay kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep. Nakatitig akong sa maamong mukha niya habang siya naman ay parang iniiwasan ang aking tingin. Mukha siyang naiilang na akong ang kasabay niyang umuwi. Si Boss Ganda kasi kadalasan niyang kasabay. Kaso nga lang, napasobra ang inom niya kaya lasing siya at hinatid na nila Lil_Ron sakay ng taxi. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasabay kaming umuwi. Parang hindi siya nasanay.“Ang tahimik mo jan. Ano bang pinagluluksaan mo?” biro ko.Mukha siyang napilitan ngumiti, “Wala. May gusto sana akong sabihin eh,” sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko siya halos marinig.Pero meron din naman akong gustong sabihin sayo. At dahil inunahan mo na ako, mauna ka na.Kinakabahan naman ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi niya magawang tumingin ng deretso, “Ano kasi, Four… pupunta kami ng Japan ni at

  • She's Back   Forty-Six (46)

    FORTY-SIX (46)-Rhea’s POV –Pakiramdam ko ay umiikot ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Ang tindi ng hangover ko pagkatapos naming mag-inuman nila Mj at Almira hanggang madaling araw. Syempre kasama sila Lorenz, Jc at Ceejay. Parang triple date, ganun. Ideya kasi ito ni Mj. Kaya ang ending absent ako ngayon. At ang malala pa, Bourbon ang ininom namin. Pare-pareho ng tama ng Scotch. Halos sa banyo na nga ako matulog sa kakasuka. At si Mj naman? Beteranong-beterano na sa inuman. Hindi man lang tinablan. At salamat sa taas ng alcohol tolerance niya, nakauwi pa kami. Dahil kung ako lang, malamang sa guest room na naman ako ng party house matutulog.Pinaandar ko ang sink saka naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naghilamos na rin upang mawala kahit paano ang aking antok. Matapos kong basain ang mukha ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe yung eyebags ko oh. Mukha na tuloy akong zombie nito.Napansin ko ang ilang parte ng aking buhok sa bandang

  • She's Back   Forty-five (45)

    FORTY-FIVE (45)-Third Person’s POV –“Sa mga hindi pa nakakapunta, welcome to party house.” Pahayag ni Jc habang naunang pumasok sa loob. Nasa kanyang likuran naman nakasunog sila Rhea.“Bakit walang tao?” Pagtataka ni Almira habang iniikot ang kanyang paningin sa paligid, “Wala kang show ngayon, pinsan?”“Cancelled para exclusive natin ang buong area.” Sagot naman ni Jc habang naglalakad papunta sa mini bar.“Nag-effort talaga siya oh.” Bulalas pa ni Almira.Nagtungo naman ang lahat sa mini bar kung saan naroroon ni Jc. Tinulungan nila ang kanilang mga sarili na umupo sa counter at binuhat naman ni Almira si Cesha upang umupo sa kanyang tabi.Si Rhea naman na nasa kaliwa ni Almira nakaupo ay mukhang hindi mapakali. Naalala niya ang gabi na nag-inuman sila ni Jc habang nakabaon ang tingin sa Scotch shelves. Sinusubukan niya itong alisin sa kanyang isipan upang hindi maging awkward sa kanya ang paligid.“Anong gustong inumin ng lahat?” Tanong ni Jc kasabay ng pagsulyap niya sa lahat,

  • She's Back   Forty-Four (44)

    FORTY-FOUR (44)“Ang haba naman ng pila.” Reklamo pa ni Rhea habang nakasimangot na nakatingin sa ticket booth ng Rollercoaster.“Wag ka na magreklamo.” Wika pa ni Mj habang hila-hila ang kamay ni Rhea papunta sa ticket booth.Gustuhin mang magreklamo ni Rhea ngunit hinayaan na lamang niyang masunod ang gusto ng kanyang kapatid. Gusto niya rin kasing mag-enjoy ang kanyang kapatid kaya hindi na siya komontra. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding si Mj.Sila Rhea na at Mj ang pumila sa ticket booth. Kahit mahaba man ang pila, mahaba naman ang pasensya ng dalawa upang pumila. Makalipas ang ilang minuto ay nagkaroon na sila ng ticket para sa Rollercoaster. Agad namang nagtungo ang dalawang dalaga sa entrance kung saan naghihintay ang lahat. Magkakasabay na silang lahat na pumasok sa loob habang iniabot ni Mj ang ticket sa nag-aabang sa entrance.Nagtatakbong nagtungo si Cesha sa seats at naunang umakyat. Umupo agad siya sa pinakaharap. Sumunod naman sila Ceejay a

  • She's Back   Forty-Three (43)

    FORTY-THREE (43)-Third Person’s POV –“Dumating na talaga ang hinihintay ng lahat.” Sarkastikong pahayag ni Almira, pagkarating ni Lorenz.Hinihingal naman si Lorenz na lumingon kay Almira, “Sinabi ko bang maghintay ka?”Pinagtaasan lamang niya ng kilay si Lorenz, “Hindi ka ba magrereklamo kung maiiwan ka?”“Pwede ka nang mauna, Almira.” Agad na sumbat ni Lorenz.“Teka, kalmahan lang ang mga puso.” Agad na singit ni Jc bago pa makasagot si Almira.Binaling na lamang ni Lorenz ang kanyang tingin kay Jc, “Kanino pa lang ideya itong amusement park?”“Akin.” Agad na sagot ni Mj.Lumingon naman si Lorenz sa kanya. Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang makilala niya ang dating karelasyon ni Jc, “Mj, kamusta ka na? Kayo na ulit ni Jc?”Maiksing tumawa si Mj bago sumagot, “Ulit? Hindi naman kami naghiwalay.”Bumungisngis naman si Jc na lumingon sa kanya, “Hindi pala tayo naghiwalay?”Lumingon si Mj sa kanya at tinignan siya deretso sa mata, “Space lang naman sinabi ko. Ni hindi ka ng

  • She's Back   Forty-Two (42)

    FORTY-TWO (42)-Rhea’s POV –“Mukhang magkakabalikan pa ata sila eh.” Wika naman ni Almira habang nakatingin sa saradong pinto ng banyo.Napangiti nalang ako, “Hayaan mo na. Mukhang attach pa yung dalawa sa isa’t-isa.”Alam ko naman na nagkabalikan na yung dalawa. Nagkwento kasi sa akin si Mj pag-uwi namin at mukhang pareho pa nilang mahal ang isa’t-isa.“Nag-agahan ka na ba, crushmate?” Tanong ni Almira sa akin nang nilingon niya ako, “Kumain ka muna saka natin sisimulan yung advertisement.”At dahil niyaya niya ako, hindi talaga ako tatanggi. Pagkain na eh. Tapos uminom lang ako ng gatas pagkagaling namin sa bahay. Ito kasing si Mj, excited makita ulit si Jc. Mukhang may magandang nangyari sa kanila sa Samal.Speaking of Samal, ano kayang ginawa nila Propeta Micah at Propeta Jona sa alaala ni Jc? May naaalala kaya siya tungkol sa nangyari? Naaalala niya kaya ang tunay kong pagkatao.Bumuntong-hinga nalang ako habang inalis yun sa aking isipan. Mukhang binura nila ang kanyang alaala

  • She's Back   Forty-One (41)

    FORTY-ONE (41)-Jc’s POV –Ramdam ko ang malakas na paghampas ng aking ulo sa kung saan dahilan upang dumilat ang aking mga mata. Napahimas ako sa aking ulo habang maingat na nilingon ang paligid.Nasa kwarto ako? Nasa sahig pa. Bumagsak yata ako sa kama. Pero paano ba ako nakauwi? Wala akong maalala… Sumobra yata ang inuman namin at bukod sa bumagsak sa sahig ang ulo ko, ang sakit din dahil sa hangover.Magkasalubong ang aking kilay at minamasahe ko ang aking noo habang maingat na tumayo. Bahagyang nilingon ko ang aking ulo upang matignan ang kama. Wala si Cesha. Malamang nasa living room siya. Kailangan ko nang magluto baka nagugutom na yun.Medyo umiikot pa rin ang aking paningin habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa. Baka kasi may maapakan ako at gumulong pa ako. Wala pa namang lakas ang tuhod ko, parang nanginginig nga ito habang inihahakbang ko. Halo-halo kasi ang ininom namin. Pinaghalo pa nga ni Juviler ang Te

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status