Share

Two (2)

Author: Cecille Kudogawa
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

TWO (2)

Kinakaladkad ako ni Almira papasok sa isang park, ilang oras pagkatapos ng klase namin. EB kasi ng clan namin at walang akong planong pumunta pero eto ako ngayon, kinakaladkad niya.

"Wag ka na kasing KJ, crushmate. Sumama ka na." Pagpupumilit pa nito.

"May magagawa pa ba ako ei hinihila mo na nga ang kamay ko." Sagot kong napipilitan.

"Wag mo ngang dibdibin. Ngayong gabi ka lang naman absent sa dota." Nakangiting sagot naman niya.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, huminto kami sa isang kubong gawa sa kawayan. Halos occupied na ng mga binata at dalaga ang kubong yun. Masaya silang nagkukwentohan sa bawat isa. Halos halakhak ng kahit sinong andon ang maririnig mo. Lahat sila ay panay ang usapan at iilan lang ang tahimik na nakaupo. Mukhang masayahin ang clan na napasokan ko at hindi mga isnaberra ang mga members. Bawat may darating ay kung sinu-sino lang ang lumalapit at nakikipagkamay. Di na rin ako magtataka kung bakit marami nang members ang andon. Isang oras lang naman kaming late ni Almira. Sana wala pa si Uno, yung founder ng clan.

"Crushmate, may kilala ka jan sa kanila?" Bulong ko kay Almira.

Tumango lang siya saka sumagot, "Halos lahat kasi mga old members. Kunting mukha lang ang nakikita kong bago."

Pumasok na rin kami sa loob ng kubo. Nakakatuwa tignan ang mga members parang ilang dekada na silang magkakilala sa sobrang close nilang lahat. Yung iba naghaharotan at nagbibiroan. Yung iba naman ay kinukulit yung ibang tahimik lang para magsalita at sumali sa kulitan. Kaya panay ang pangungumbinsi ni Almira sa akin na umattend ng kahit isang EB lang dahil ganito pala kasaya.

Nakasandal lang ako sa isang poste ng kawayan kasama si Almira. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw ng members. At sa nakikita ko, kahit newbie ka pa lang mabilis mong magiging close ang lahat dahil sa ugali nilang magaling makisama at makipagusap. Kahit ngayon mo lang sila nakilala ay parang ilang dekada na kayong mgakaibigan.

"Mads, newbie ba yang kasama mo?" Tanong ng isang binatang naglalakad papunta sa dereksyon namin habang nakatingin sa akin.

"Hindi, oldies to. Ngayon lang nagkatime magEB." Sagot naman ni Almira.

Si Almira pala yung tinatanong pero sa akin nakatingin??

"Four." Sabay inabot ng binata ang kanyang kamay sa akin.

"Primera." Sagot ko naman at nakipagkamay sa kanya.

"Primera?" Sandali siyang napaisip, "Ikaw ba yung Dota player sa clan?"

"Parang ganun na nga." Nakangiti kong sagot.

"Rhea!" Sigaw ng isang boses mula sa likod ni Four.

May nakakakilala ba sa akin dito para tawagin ako sa totoo kong pangalan?

Pareho kaming napalingon ni Four sa kanyang likod at nakita ko ang kaunaunahang lalaki na tumalo sa akin sa dota. Nakangiti itong naglalakad papunta sa amin.

Mapunit sana mukha mo sa sobrang laki ng ngiti mo.

"Sabi ko nga ba, ikaw si Primera." Dugtong pa nito ng makarating ito sa aming harapan.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay saka tumingin sa ibang dereksyon.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Four sa akin.

"Schoolmate ko kasi siya." Mahinang sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Mads, meeting daw muna ang mga officers." Sabi ni Almira kay Four.

Tumango lang si Four kay Almira at magkasabay na silang lumabas ng kubo.

"Princebeybe nga pala." Pagpapakilala ni Ceejay nang mapansin niyang wala sa kanya ang atensyon ko.

Lumingon naman ako sa kanya, "Kilala na po kita, Ceejay Gonzaga."

Nakangiti naman itong sumagot, "Kilala mo na nga ako sa school pero hindi sa clan."

"Tsk." Kalahating ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

"First time mong umattend ng EB?" pagpapatuloy niya.

"Oo, ayaw ko nga sana pumunta kaso ayaw akong tigilan ni Almira ei." Paliwanag ko.

"Bakit naman? Enjoy kaya." Nakangiting sagot niya.

"Mukha nga. Ang Iingay nilang lahat ei. Parang walang newbie." Wika ko naman.

Maya-maya ay napabunot si Ceejay sa kanyang bulsa para kunin ang kanyang cellphone. Ako naman ay nakangiting pinagmamasdan ang masayang members na nagkukwentuhan sa aking harapan. Nakakatuwa talaga silang tignan. Kahit hindi ka kasali ay mapapangiti ka nalang kapag humalakhak na sila ng malakas.

Maalala ko nga pala ang ate ko. Hindi pa naman ako nakapagpaalam sa kanya. Nagaalala na talaga yun at malamang tadtad na naman ang inbox ko ng mga messages niya.

Saglit na nilingon ko muna si Ceejay. Mukhang abala naman siya sa cellphone niya, at kinuha ko na rin ang cellphone ko sa bulsa. Bumungat sa cellphone ko ang missed calls ni ate na di mabilang at messages niyang nagpapuno ng inbox ko. Ang galing niya talagang mag.flood messages.

Malamang galit na to.

Hindi na ako nagpaalam kay Ceejay, busy kasi siya sa cellphone niya, lumabas na ako ng kubo at nagmamadaling nagtungo sa Exit.

"San ka pupunta, Crushmate?" Tawag sakin ni Almira ng mapansin niya akong nagmamadaling dumaan sa kanyang likuran.

"Uuwi." Maikling sagot ko nang hindi lumilingon sa kanya.

"Kakadating mo pa lang ah." Pasigaw nitong sagot.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad nang hindi siya pinapansin.

"Pagpalain ang mga kapatid na sumusunod sa kanilang ate." Pabirong sigaw naman ni four.

Habang naglalakad ay nakatingin ako ng konti sa kanya saka sumagot, "Siya lang ang meron ako." Pagkatapos ay tuluyan ko nang tinuon ang atensyon ko sa paglalakad at dumeretso sa abangan ng jeep.

Buti nalang may nakaparada na jeep sa abangan kaya agad akong nakasakay. Umalis din agad ang jeep kaya mabilis akong nakarating sa bahay.

Pagbukas ko ng pinto ng bahay ay natagpuan ko si ate na nakaupo sa sofa sa aming sala, na may katabing kape. Nakaharap ito sa kanyang laptop at mukhang importante ang ginagawa niya dahil seryoso ang mukha niya.

Akmang hahakbang na sana ako papasok sa loob ng biglang nilingon niya ang kanyang mga mata sa pinto at agad namang binalik niya ulit ito sa kanyang laptop. Kaya napahakbang lang ako ng konti at saka sinara ang pinto.

"Ba't ngayon ka lang? Kanina pang alas-5 natapos ang klase mo?" Paguumpisa pa ni ate nang hindi nakatingin sa akin.

Its fliptop time :D

"Pinilit kasi akong umattend ng EB ni Almira." Paliwanag ko habang nagtatakang nakatingin sa laptop na kaharap niya.

Tumango lang si ate sa naging sagot ko habang nakatuon parin ang mga mata niya sa laptop. Hindi ko talaga ugaling magsinungaling kay ate kaya hindi humahaba ang usapan. namin.

Napapaisip tuloy ako kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

"Ano ba yang ginagawa mo jan at parang ayaw humiwalay ng mata mo sa laptop?" Pagtatakang tanong ko habang magkatagpo ang kilay at naka-crossed arms.

"Ka-video chat ko si papa kasama ang mga half sisters natin." Sagot naman nito na nakapako pa rin ang tingin sa laptop.

Di na ako sumagot. Dismayado akong naglakad papunta sa kusina at naghanap ng kung anung makakain. Akala ko pa naman kung ano na.

"Di mo man lang ba sila kikilalanin?" Dugtong pa niya nang hindi ako sumagot.

"Kakain nalang ako. Mabubusog pa ako." Sagot ko naman at nagbukas ng ref at kumuha ng ilang makakain.

Napalingon si ate sa kusina nang hindi tumatayo sa kanyang kinauupuan saka nagsalita, "Hanggang kelan ka ba magiging ganyan? Tanggapin mo na kasi na may kanya-kanya na silang pamilya."

"Matagal ko naman yung tanggap ate." Wika ko at nilapag sa maliit na mesa ang pagkainin na kinuha ko sa ref, na nasa gitna ng kusina, "Ang hindi lang kayang tanggapin ng konsensya ko ay may mukha pa silang naihaharap sa atin pagkatapos ng lahat nang pinaggagawa nila."

Mula sa kusina, narinig ko ang hakbang ng mga paa na nagmumula sa sala papunta sa aking kinaroroonan. At bumulagtang sa harapan ko ang mukha ni ate na nagkalasubong ang kilay at nakapamewang pa.

"Magpasalamat ka nalang at kinakamusta pa tayo ni papa. Kesa naman kay mama na binaon na tayo sa limot." Pangangatwiran pa ni ate na halos pagtaasan na niya ako ng boses.

Napatingin ako sa naiinis niyang mukha saka sinumbatan siya, "At naitama ba nun ang lahat ng pagkakamaling nagawa niya?"

"Si mama ang hindi nakontento at pinagpalit tayo sa iba kaya naghanap si papa ng iba." Sagot naman ni ate.

Napatayo ako sa aking kinauupuan at inis na tumitig sa kanya, "At sa paghahanap ni papa ng iba, naitama ba nun ang pagkakamaling nasimulan ni mama?" Sagot ko naman, "Ni minsan hindi naitatama ng pagkakamali ang isa pang magkakamali."

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si ate. Kinuha ko na ang aking pagkain na nasa mesa at dabog na nagtungo sa kwarto ko.

Matulis ang tingin niya habang pinagmamasdan niya ako umalis sa kanyang harapan.

Madalas talaga kaming magtalo tungkol sa mga magulang namin. Pareho kasi silang nagkasala. 8 years old ako nang may ibang lalaki si mama at iniwan kami. At ilang taon din ang nakalipas ay may ibang babae din si papa. Umalis siya at iniwan kami sa hangin. Highschool pa si ate nun at nasa elemtary ako. Pero nabuhay kami ng sariling sikap ni ate at nakapagtapos siya. At ngayon, ako naman ang pinapaaral niya.

Bitter nga ako kasi iniwan nila kami sa hangin. Sobrang hirap ng pinagdaanan namin pero nakaraos din kami.

Umupo ako sa kama at nagsimulang kumain. Tamihik lang habang pinapakiramdaman ang paligid. Madilim ang kwarto ko dahil hindi ko pinaandar ang ilaw pero maliwanag naman dahil sa liwanag na nagmumula sa liwanag ng buwan.

Habang may buwan pang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi, laging may pagasa sa bawat hirap na pinagdadaanan.

Related chapters

  • She's Back   Three (3)

    THREE (3)- 3rd person POV -"Rhea, may bisita ka." Sigaw ni Cyrel mula sa sala habang binubuksan ng malaki ang pinto."Sandali lang." Pasigaw namang sagot ni Rhea mula sa kanyang kwarto."Tuloy ka muna. naglalaro pa ata si Rhea ng Dota." Wika naman ni Cyrel sa binatang nasa harapan nito."Salamat po pero dito ko nalang hihintayin si Rhea." Sagot naman nung binata.Maya-maya ay lumabas na si Rhea mula sa kanyang kwarto at naglalakad ito papunta sa main door, "Sino ba yan ate?""Ceejay Gonzaga daw ang pangalan niya." Sagot naman ni Cyrel ng makalapit ito sa kanya.Nagulat si Rhea nang marinig niya ang pangalan ng binatang nakatayo sa harap ng kanilang pinto, kaya mahinang tinulak niya si Cyrel papalayo sa pinto at nakita niyang nakatayong nakangiti si Ceejay sa harap ng pinto."At anong ginagawa mo dito?" Pagtataray na tanong ni Rhea."Kakagaling ko lang sa school at kanina pa nagsimula ang fina

  • She's Back   Four (4)

    FOUR (4)- Rhea's POV -(Background song playing:Nakakamiss by Smugglaz, Curse One, Dello and Flick G)Habang hinihintay kong matapos ang loading ng Dota para sa game na create ko, nilakasan ko ang volume ng speaker hanggang sa umabot ito sa maximum nitong lakas. Magisa lang kasi ako sa bahay. Nasa trabaho si ate habang dalawang linggo naman kaming walang pasok dahil sa nangyari sa ComLab. At dahil dun, postponed ang dota tournament. Nakakaiyak...Napalingon ako sa maliit na rectangular stainless sa tabi ng laptop at wala na itong laman. Tutal, sobrang tagal nitong magloading, tumayo na muna ako at nagpunta sa ref, dala yung rectangular stainless para kumuha ng cookies.Pagbukas ko ng ref, may dalawang paper bag pang natitira. Akala ko ubos na, kaya kinuha ko na yung dalawa at sinara ang ref. Bunuksan ko yung dalawang paper bag at sabay na binuhos ang laman sa stainless na dala ko at hinagis ang paper sa trash bin na katabi ng ref.Nagkakanta ako habang naglalakad pabalik sa sofa kun

  • She's Back   Five (5)

    FIVE (5)- Rhea's POV -Dahil bored sa bahay, natagpuan ko ang aking sarili na umattend ng EB. Ayoko naman talaga. Pero dahil sa pagpupumilit nila Four, Almira at Ceejay andito na ako ngayon. Pinagtulungan ba naman ako. Sa puntong, pumunta pa sa bahay si Almira para ipagpaalam ako kay ate."Kanina ka pa ba, madz?" Tanong ni Almira kay Four ng makarating kami sa labas ng kubo."Hindi naman." Maiksing sagot niya."Nasan si Ceejay?" Tanong ulit ni Almira."Ayun oh. Nakikipaglandian sa malanding yun." Agad kong sagot ng makita kong nakipagkamayan si Ceejay sa isang babaeng nakamaong shorts at spaghetti shirt, bago pa makasagot si Four.Sabay namang napalingon ang dalawa sa dereksyon nila Ceejay at nung babae habang ako naman ay tahimik na pinagmamasdan sila.Maya-maya ay binalik na ni Almira ang tingin niya sa akin."Kakarating mo lang, yan agad ang nakita mo." Sita ni Almira."Ei nasa likod lang ni Four. Makikita ko agad." Katwiran ko habang don parin nakatingin sa kanila.Nakahalf smile

  • She's Back   Six (6)

    SIX (6)- Jc's POV -[ Flashback ]"In the count of Five!" Simula ko at sumabay naman ang buong crowd sa countdown."Five!""Four!""Three!""Two!""One!"Pagkapatay na pagkapatay ng ilaw, hinatak ko ang bewang ni Primera papunta sa akin at hinalikan siya sa labi.Pagkadampi ng mga labi namin, biglang lumiwanag ang mukha niya at unti-unti itong lumalabo. Lumitaw ang mukha ng isang babaeng pinagdarasal kong sana muling mabuhay. Kahit malabo itong titigan dahil sa liwanag, buong ang kutob ko sa aking nakita.Pagbalik ng ilaw, napaatras ako sa gulat. Bakit ko ba siya nakita? Sa mga sandaling yun, wala naman akong iniisip na kahit anong tungkol sa kanya.[ End of Flashback ]Ano kayang ibigsabihin nun? Parang wala na atang akong maintindihan sa mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw. Dagdag pa tong weird na nararamdaman ko kay Rhea. Pakiramdam ko ba ay matagal ko na siyang kilala at magaan na agad ang loob ko sa kanya."Kamusta na po ba ang lagay niya?" Tanong ko ng makita kong lumaba

  • She's Back   Seven (7)

    SEVEN (7)- Jc's POV -Pagdating ko sa bahay, sobrang dilim at nakakabingi sa sobrang tahimik. Pinindot ko ang switch ng ilaw na nasa tabi lang ng pinto at nagkaroon na rin ng liwanag ang loob. Nakakapanibago lang dahil kadalasan kapag umuuwi ako ng hating-gabi o madaling araw ay lage akong sinesermonan ni tita Lyca, pero ngayon mukhang wala ata siya o may lakad.Dumeretso na ako sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko. Pagdating ko sa taas i-non ko rin ang ilaw sa hallway at tahimik na naglakad. Sa sobrang tahimik ng paligid ay nabibingi na ako sa nageecho na tunog ng paa kong naglalakad. Pero atleast, naka-day off rin ako sa walang katapusang pakikipagtalo ko kay tita.Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Naka-on naman yung ilaw at natutulog na ang kapatid kong si Cesha.Nakangiti akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang noo. Bigla akong kinilabotan ng maramdaman kong sobrang init ng noo niya."Cesha..?" Mahinang taw

  • She's Back   Eight (8)

    EIGHT (8)Pagdilat na pagdilat ko ay nilingon ko si Jc at maingat na hinawakan siya. Tama nga ang hinala ko. Nilingon ko ang lahat ng taong nasa chapel at lahat sila'y huminto sa paggalaw. Nilapag ko rin ang kamay ko sa lupa para kumpirmahin ang nangyayari at huminto talaga ang panahon at oras.May bababa kayang anghel? Sino naman kaya? Wala naman akong nilabag sa mga bilin sa akin. Maliban lang sa paggamit ng salamin ng panahon at oras.. Pero isang beses lang naman..Maya-maya ay unti-unting nababalotan ng liwanag ang buong chapel. Sa sobrang liwanag ay di ko na makita si Jc pati ang mga taong andon. As in plain white lang talaga ang nakikita ko. Napatayo ako habang inaabangan kung sino ang lilitaw mula sa liwanag. Pagkatapos ay umulan ng mga puting balahibo mula sa himpapawid sa bumalot sa puting kapaligirin. Lumitaw ang isang anghel mula sa liwanag na nakabuka ang napakakintab at maputing pakpak. At unti-unti itong tumitiklop habang siya naman ay naglalakad papalapit sa akin. Hangg

  • She's Back   Nine (9)

    NINE (9)- Third Person's POV -2 weeks later..."Rhea, may kasabay ka bang manananghalian?" Tanong ni Ceejay habang nakasunod ito kay Rhea."Si Almira sana kaso may ginagawa pa kasi siya sa CLab3." Katwiran naman ni Rhea habang naglalakad papalabas ng campus, ng hindi ito tumitingin sa kanya."Sabay na tayo. Manlilibre ako." Sagot naman ng binata habang patuloy na pumapantay sa bilis ng paglalakad ng dalaga.Tumango lang si Rhea habang nakatuon ang tingin sa daan. Tahimik na magkasabay sila Ceejay at Rhea papunta sa pinakamalapit na karenderya para magtanghalian.Pagkarating nila doon ay limitado nalang ang maaring pumasok sa sobrang dami ng tao sa loob. Naunang pumasok si Ceejay at nakipagsiksikan sa loob. At habang nagiisip si Rhea ng paraan kung paano sumiksik sa loob, may narinig siyang boses na tila mahinang umiiyak. Nagkasalubong ang kilay niyang lumingon sa kanyang likod, at ginala niya rin ang mata niya sa daan. Lahat ng dumadaan ay nakafocus sa kung saan sila papunta at ang

  • She's Back   Ten (10)

    TEN (10)- Jc's POV -"Sumulat ka ng sampung tanong na gusto mong itanong sakin at ganun din ako. Tapos ilagay natin sa baso. Kukuha tayo ng isa tapos sasagotin yung tanong." Paliwanag ni Rhea."Kapag hindi sumagot?" Tanong ko."Syempre may punishment." Isang makulit na ngiti at nangaasar na mukha ang nakikita ko sa mukha niya, "Magtatanggal ng isang bagay na nasa katawan kapag hindi nakasagot."Naitaas ko ang aking dalawang kilay saka tumingin sa ibang dereksyon, "Parang ang init ata."Pakiramdam ko uminit ang paligid ko.. O ako lang itong pinagpapawisan..Kinuha ko nalang yung baso saka uminom."Pumayag ka na." Pangungumbinsi pa niya with matching puppy eyes with pout.Lumingon ako sa kanya at nilagay ang baso sa harap ko, "Pagsisisihan mo talaga itong kalokohan mo.""Katuwaan lang naman." Sagot nito na halatang nagpapacute. Hindi niya yata naintindihan ang tinutukoy ko.Tumagal ng ilang minutong nakatingin ako sa kanya. Inoobserbahan ko ang mukha niyang cute na nangungumbinsi. Ang

Latest chapter

  • She's Back   Author's Gratitude

    Author's GratitudeMaraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa pangalawang buhay ni Rhea. Salamat sa lahat ng add sa kanilang libraries at sa lahat po ng nagbigay ng gems. sobrang na-appreciate ko po. sobra-sobra po akong nagpapasalamat. mas lubos ko pa pong mapapaganda at maiimprove ang second life ni Rhea kapag nag-share kayo ng thoughts tungkol sa buhay niya thru commenting at the comment section.and to know more about my stories, find and follow me in Facebook.https://www.facebook.com/profile.php?id=100068410103778thank you so much and I'm looking forward for your support on my next and upcoming stories. have a good time reading.

  • She's Back   Forty-Eight (48)

    FORTY-EIGHT (48)-Rhea’s POV –Agad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.“Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,” saad ko sa kanya.Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.

  • She's Back   Forty-Seven (47)

    FORTY-SEVEN (47)-Jc’s POV –(flashback from 2 years ago)Pagkatapos ng bonding ay magkasabay kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep. Nakatitig akong sa maamong mukha niya habang siya naman ay parang iniiwasan ang aking tingin. Mukha siyang naiilang na akong ang kasabay niyang umuwi. Si Boss Ganda kasi kadalasan niyang kasabay. Kaso nga lang, napasobra ang inom niya kaya lasing siya at hinatid na nila Lil_Ron sakay ng taxi. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasabay kaming umuwi. Parang hindi siya nasanay.“Ang tahimik mo jan. Ano bang pinagluluksaan mo?” biro ko.Mukha siyang napilitan ngumiti, “Wala. May gusto sana akong sabihin eh,” sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko siya halos marinig.Pero meron din naman akong gustong sabihin sayo. At dahil inunahan mo na ako, mauna ka na.Kinakabahan naman ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi niya magawang tumingin ng deretso, “Ano kasi, Four… pupunta kami ng Japan ni at

  • She's Back   Forty-Six (46)

    FORTY-SIX (46)-Rhea’s POV –Pakiramdam ko ay umiikot ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Ang tindi ng hangover ko pagkatapos naming mag-inuman nila Mj at Almira hanggang madaling araw. Syempre kasama sila Lorenz, Jc at Ceejay. Parang triple date, ganun. Ideya kasi ito ni Mj. Kaya ang ending absent ako ngayon. At ang malala pa, Bourbon ang ininom namin. Pare-pareho ng tama ng Scotch. Halos sa banyo na nga ako matulog sa kakasuka. At si Mj naman? Beteranong-beterano na sa inuman. Hindi man lang tinablan. At salamat sa taas ng alcohol tolerance niya, nakauwi pa kami. Dahil kung ako lang, malamang sa guest room na naman ako ng party house matutulog.Pinaandar ko ang sink saka naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naghilamos na rin upang mawala kahit paano ang aking antok. Matapos kong basain ang mukha ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe yung eyebags ko oh. Mukha na tuloy akong zombie nito.Napansin ko ang ilang parte ng aking buhok sa bandang

  • She's Back   Forty-five (45)

    FORTY-FIVE (45)-Third Person’s POV –“Sa mga hindi pa nakakapunta, welcome to party house.” Pahayag ni Jc habang naunang pumasok sa loob. Nasa kanyang likuran naman nakasunog sila Rhea.“Bakit walang tao?” Pagtataka ni Almira habang iniikot ang kanyang paningin sa paligid, “Wala kang show ngayon, pinsan?”“Cancelled para exclusive natin ang buong area.” Sagot naman ni Jc habang naglalakad papunta sa mini bar.“Nag-effort talaga siya oh.” Bulalas pa ni Almira.Nagtungo naman ang lahat sa mini bar kung saan naroroon ni Jc. Tinulungan nila ang kanilang mga sarili na umupo sa counter at binuhat naman ni Almira si Cesha upang umupo sa kanyang tabi.Si Rhea naman na nasa kaliwa ni Almira nakaupo ay mukhang hindi mapakali. Naalala niya ang gabi na nag-inuman sila ni Jc habang nakabaon ang tingin sa Scotch shelves. Sinusubukan niya itong alisin sa kanyang isipan upang hindi maging awkward sa kanya ang paligid.“Anong gustong inumin ng lahat?” Tanong ni Jc kasabay ng pagsulyap niya sa lahat,

  • She's Back   Forty-Four (44)

    FORTY-FOUR (44)“Ang haba naman ng pila.” Reklamo pa ni Rhea habang nakasimangot na nakatingin sa ticket booth ng Rollercoaster.“Wag ka na magreklamo.” Wika pa ni Mj habang hila-hila ang kamay ni Rhea papunta sa ticket booth.Gustuhin mang magreklamo ni Rhea ngunit hinayaan na lamang niyang masunod ang gusto ng kanyang kapatid. Gusto niya rin kasing mag-enjoy ang kanyang kapatid kaya hindi na siya komontra. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding si Mj.Sila Rhea na at Mj ang pumila sa ticket booth. Kahit mahaba man ang pila, mahaba naman ang pasensya ng dalawa upang pumila. Makalipas ang ilang minuto ay nagkaroon na sila ng ticket para sa Rollercoaster. Agad namang nagtungo ang dalawang dalaga sa entrance kung saan naghihintay ang lahat. Magkakasabay na silang lahat na pumasok sa loob habang iniabot ni Mj ang ticket sa nag-aabang sa entrance.Nagtatakbong nagtungo si Cesha sa seats at naunang umakyat. Umupo agad siya sa pinakaharap. Sumunod naman sila Ceejay a

  • She's Back   Forty-Three (43)

    FORTY-THREE (43)-Third Person’s POV –“Dumating na talaga ang hinihintay ng lahat.” Sarkastikong pahayag ni Almira, pagkarating ni Lorenz.Hinihingal naman si Lorenz na lumingon kay Almira, “Sinabi ko bang maghintay ka?”Pinagtaasan lamang niya ng kilay si Lorenz, “Hindi ka ba magrereklamo kung maiiwan ka?”“Pwede ka nang mauna, Almira.” Agad na sumbat ni Lorenz.“Teka, kalmahan lang ang mga puso.” Agad na singit ni Jc bago pa makasagot si Almira.Binaling na lamang ni Lorenz ang kanyang tingin kay Jc, “Kanino pa lang ideya itong amusement park?”“Akin.” Agad na sagot ni Mj.Lumingon naman si Lorenz sa kanya. Umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang makilala niya ang dating karelasyon ni Jc, “Mj, kamusta ka na? Kayo na ulit ni Jc?”Maiksing tumawa si Mj bago sumagot, “Ulit? Hindi naman kami naghiwalay.”Bumungisngis naman si Jc na lumingon sa kanya, “Hindi pala tayo naghiwalay?”Lumingon si Mj sa kanya at tinignan siya deretso sa mata, “Space lang naman sinabi ko. Ni hindi ka ng

  • She's Back   Forty-Two (42)

    FORTY-TWO (42)-Rhea’s POV –“Mukhang magkakabalikan pa ata sila eh.” Wika naman ni Almira habang nakatingin sa saradong pinto ng banyo.Napangiti nalang ako, “Hayaan mo na. Mukhang attach pa yung dalawa sa isa’t-isa.”Alam ko naman na nagkabalikan na yung dalawa. Nagkwento kasi sa akin si Mj pag-uwi namin at mukhang pareho pa nilang mahal ang isa’t-isa.“Nag-agahan ka na ba, crushmate?” Tanong ni Almira sa akin nang nilingon niya ako, “Kumain ka muna saka natin sisimulan yung advertisement.”At dahil niyaya niya ako, hindi talaga ako tatanggi. Pagkain na eh. Tapos uminom lang ako ng gatas pagkagaling namin sa bahay. Ito kasing si Mj, excited makita ulit si Jc. Mukhang may magandang nangyari sa kanila sa Samal.Speaking of Samal, ano kayang ginawa nila Propeta Micah at Propeta Jona sa alaala ni Jc? May naaalala kaya siya tungkol sa nangyari? Naaalala niya kaya ang tunay kong pagkatao.Bumuntong-hinga nalang ako habang inalis yun sa aking isipan. Mukhang binura nila ang kanyang alaala

  • She's Back   Forty-One (41)

    FORTY-ONE (41)-Jc’s POV –Ramdam ko ang malakas na paghampas ng aking ulo sa kung saan dahilan upang dumilat ang aking mga mata. Napahimas ako sa aking ulo habang maingat na nilingon ang paligid.Nasa kwarto ako? Nasa sahig pa. Bumagsak yata ako sa kama. Pero paano ba ako nakauwi? Wala akong maalala… Sumobra yata ang inuman namin at bukod sa bumagsak sa sahig ang ulo ko, ang sakit din dahil sa hangover.Magkasalubong ang aking kilay at minamasahe ko ang aking noo habang maingat na tumayo. Bahagyang nilingon ko ang aking ulo upang matignan ang kama. Wala si Cesha. Malamang nasa living room siya. Kailangan ko nang magluto baka nagugutom na yun.Medyo umiikot pa rin ang aking paningin habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa. Baka kasi may maapakan ako at gumulong pa ako. Wala pa namang lakas ang tuhod ko, parang nanginginig nga ito habang inihahakbang ko. Halo-halo kasi ang ininom namin. Pinaghalo pa nga ni Juviler ang Te

DMCA.com Protection Status