"Gumising ka na, Kali!" Bumaling ulit ako sa kabila, habang pikit pa rin ang mata ko. Kulang na lang takpan ko na ang tainga ko, kaso kahit naman gawin ko rinig ko pa rin ang boses ni mama. Walang katulad, nag iisa. Pwede na nga siyang maging living megaphone sa ingay ng boses niya. Hindi ko na rin lubos mabilang kung pang-ilang ikot ko na, hindi ko pa naman nararamdaman ang sakit. Kaya ayos lang. Kung kailan laging masarap ang tulog ko, doon lagi nasisira. Kanina pa kasi ako ginigising ni mama, dahil sabay sabay kaming magpa-pa vaccine. Pero, kasi ayaw kong magpa-vaccine. Kaya nagtutulog-tulugan ako. "Anong oras na oh!" Sa pang limang pagkakataon, niyugyog na ako ni mama. Mukhang hindi na siya nakatiis pa, magkaroon ka ba naman ng anak na matigas pa ang ulo sa bato. Halos mabalian na ako ng buto. Kung hindi ko lang siguro 'to nanay, ewan ko na lang. Syempre, joke lang. "Ma, naman..." Apila ko. Ayaw ko kasi talaga, kahit baliktaran pa ang mundo. Ayaw ko! Nabanggit ko kasi sa k
Last Updated : 2022-07-04 Read more