"Bakit ang tagal mo?"
Grabe talaga!
Kakapasok ko pa lang ng pinto, iyon agad ang bungad ni mama. Hindi man lang ako pinaupo muna. Sobra kaya akong napagod, si mama talaga, oh.
Alam ba niya lahat ng pinagdaanan ko ngayong araw?
"Ang tagal mo ring sumagot!" Tila nauubos ang pasensya niyang sabi, o baka ang pasensya niya sa akin ang nauubos na?
"Ang tagal mag inject ng nurse, mama." Pagdadahilan ko.
Sana lumusot!
"Anong matagal?" Galit nitong wika, halatang duda sa dahilan ko. "Magkasunod lang naman tayo, patingin nga ako ng Vaccination Card mo."
Tungkol sa Vaccination Card na ‘yan. Muntik ko pang maiwan kanina, kung hindi lang pinaalala sa akin ni nurse bago ako tuluyan na umalis.
Napasimangot ako ng hinablot niya iyon sa akin. "Nurse Nieva rin pala sa iyo, eh. Bakit matagal sa iyo? Ang bilis nga niyang na-inject sa amin ng ate mo."
Magkaiba naman kasi tayo mama. Gusto kong sabihin 'yon. Syempre, hindi ko ginawa. Dahil ayaw kong makutungan! Kawawa ako.
"Sabihin mo nga... anong ginawa mo?" Mapang-akusang sabi ni mama, iba na ang tingin sa akin. "May ginawa ka ba?" Napalunok naman ako ng wala sa oras.
"W-Wala naman, mama." Pagsisinungaling ko, napaiwas ako nang tingin. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang tingin.
"Bakit ka nauutal?" Mukhang mahuhuli na ako. Matinding pingot na naman 'to!
Hinarap ko na siya. "Hindi naman po, mama." Depensa ko, pilit na nilalabanan ang kanyang tingin. Pero alam kong hindi siya naniniwala. Paano? Wala siyang kaemo-emosyon man lang. "Aamin na nga ako." Pagsuko ko.
"Alam mo naman mama na ayaw kong magpa-inject ‘di ba?" Nagbago naman agad ang ekspresyon niya. Handa na siyang bulyawan ako, pero bago pa niya iyon gawin. Inunahan ko na siya.
"Mali ka ng iniisip, mama." Dugtong ko. Bago ko pa man sabihin, nabasa ko na ang nasa isip niya. Panigurado akong iniisip niya na hindi ako nagpa-inject at ginawan ko lang ng paraan ang Vaccination Card. "Nagpa-inject ako, 'yon nga lang natagalan."
Mukha naman siyang nakahinga nang maluwag. Sincere kasi ang pagkakasabi ko. Lumambot kasi ang ekspresyon ni mama. "Dahil sa takot ko, pinauna ko muna silang lahat... bago ako."
"Kaya pala!" Tumayo siya at dahan dahan na lumapit sa akin. Syempre, ako naman advance. Lumayo naman ako sa kanya. "Aakyat na ako, mama." Paalam ko.
"Sandali lang!" Waah! Tumakbo na ako paakyat, paano ba naman? Nakataas na ang kanang kamay ni mama, kulang na lang na makalapit siya at mapingot ako.
Humahaba kasi ang kamay niya, tuwing may nagawa akong kalokohan!
"Hindi ka na nagtanda!" Narinig ko pang sigaw niya mula sa ibaba. Mabuti na lang, nakaayat ako kaagad.
Pakiramdam ko nga, pwede na akong lumaban sa pabilisan na tumakbo. Well trained kaya ako noong bata pa.
Laging napapa-bilis ang takbo ko kapag hinahabol ako ni mama.
Mabilis kong sinarado ang pinto ng kwarto at habol ang hininga kong sumandal sa likod ng pinto.
Wooh! Ligtas.
Hindi raw ako tumanda? Tumanda naman ako ah, 24 na nga ako ngayong taon. Noong last year, 23. So, tumanda ako ‘di ba? Pero hindi ko alam bakit lagi sinasabi ni mama 'yon. Hindi ko minsan maiwasang husgahan 'yon si mama, baka nga hindi niya alam ang ibig sabihin ng tumanda.
Kinagabihan, inutusan ako ni mama na magluto ng ulam. Dahil nga, HRM ang kursong tinapos ko. Iyon ang naging trabaho ko dito sa bahay, tagaluto. Hindi ko sila masisisi kung gusto nila ang luto ko, ikaw ba naman magaling at masarap magluto ‘di ba?
O 'di kaya'y, hindi lang sila marunong? At ako lang talaga ang choice nila.
Ang sama naman kung ganoon!
Kasalukuyan akong nagluluto ng manok na adobo, base sa mga narinig ko hindi pwede ang malansa pagkatapos magpa-vaccine. Sabi naman ng iba, pwede naman. Sa pangalawang dose raw hindi pwede.
Ang importante naman ay 'yong sinabi ko. At ang opinyon ko roon ay kakain pa rin ako, bawal man o hindi.
Hindi naman sila ang masisiraan ng ulo, ako naman.
Ayaw ko nga na magpa-vaccine, wala naman akong nagawa. Nagpa-vaccine pa rin!
Nang matapos ako sa niluto ko, inihanda ko muna iyon bago ko tinawag si mama at ate.
Umakyat ako sa taas, upang matawag ko na silang dalawa. Magkatabi ang kwarto si mama at ate, ako naman katapat lang sila. Ayaw kasi ni ate na katabi ako, dahil maingay daw ako.
Astig kasi ako, eh.
Kumatok ako sa kwarto ni mama. "Mama, kakain na po."
Sinunod ko naman ang kwarto ni ate. Sinagot lang naman nila ako pareho ng, sunod na ako.
Dumaan muna ako ng aking kwarto. Sa 'di kalayuan tanaw kong naka-ilaw ang cellphone ko, ibig sabihin may nag message sa akin.
From: +6391206*****
Hi
Inis kong binaba ang cellphone ko, akala ko importante na ang message. Hindi pala!
Hinayaan ko na, hindi naman ako nagrereply sa mga ganoong message. Wala man lang pakilala, kaya dedma!
Bumaba na akong muli, para makapag hapunan na. Hindi ako pwedeng mahuli, dahil sigurado akong ako ang maghuhugas ng pinggan. Ano iyon? From cook, to maid? Parang hindi naman yata makatarungan iyon.
Sabi ko na eh, nauna pa siyang matapos. Nakipag karera pa naman siyang kumain sa akin. Kahit sobrang sama na ng tingin ng nanay naming dalawa, iba talaga 'to si ate. Minsan iisipin ko na lang, kung dati ba siyang kabayo.
"Ate, ikaw maghugas." Wika ko nang akmang tatayo na siya. Ano siya? Sinuswerte? Papasok lang ng opisina tapos uuwi at kakain lang? Walang ambag?
Kaya wala 'tong jowa eh! Hindi lang masungit, tamad din.
"Ikaw na." Tugon niya. Tumingin ako kay mama, nanghihingi ng tulong. Favorite ako nitong si mama, eh. "Siya na ang nagluto, Kel!"
Lihim akong napangiti. "Ikaw na..." Pilit pa niya. "Bigyan kita pera."
Mabilis ko namang nilahad kamay ko. Sayang din 'no? Pang shopee ko rin! "Pera muna," Mahirap na. Kahit ate ko 'to, wala pa rin akong tiwala! Maraming scam ngayon, baka isa siya. Lugi ako!
"Bigay ko bukas, gabi na." Style mo. Hindi papasa sa akin 'yan.
"Ayaw ko, huwag na lang. Ikaw na maghugas!" Syempre, nag matigas ako.
Doon ako magaling!
"Bibigay ko nga bukas!" Pagkumbinse pa niya sa akin, pero parang hindi naman siya nangungumibinse. Parang siya pa ang galit. Siya nga ang may kailangan. Akala naman niya mauuto niya ako. Hindi 'no!
"Bahala ka riyan, ate!" Naiinis na ako. Kung binigay na niya, wala namang magbabago. Bakit kapag ba ngayon niya binigay, kung sakali man na 500. Kung bukas man niya ibigay, magiging 1000. Kung ganoon naman ang mangyayari, edi bukas na lang. Kung wala namang pinagkaiba, edi ngayon na! Pinatagal lang niya, o style lang niya? Hindi niya rin naman ibibigay sa akin.
Never ako malilinlang.
Hindi ko nga siya naabutan paggising ko, dahil mas maaga siya na pumapasok sa kanyang trabaho.
"Oo na, wait lang!" Susuko rin pala siya. Pinatagal pa niya! "Segurista!"
"Narinig ko 'yon!"
Nakahiga na ako ngayon sa aking kama, habang naghahanap ng bibilhin sa Shopee. Binigyan kasi ako ni ate ng 1000.
Sarap sa eyes!
Parang mas gugustuhin ko na lang maghugas ng pinggan, isang libo kaagad. Kaysa sa magtimpla ng Milk Tea, wala man lang sa kalahati ng isang libo ang sweldo ko. Hindi ko nga alam kung saan napupunta ang kinikita ko, eh. Wala pa naman kasi akong sinasagot sa bahay. Si mama at ate pa rin naman.
Lumalamon pa rin ang role ko sa pamilya namin!
"Sino na naman ba 'to?" Naiinis kong wika.
1 new message received
From: +6391206*****
Pagkakita ko pa lang ng number, bakit ba ako ang trip nito? At saan ba niya nakuha ang number ko. Isa na lang, block 'to sa akin.
Nangunot ang noo ko sa kanyang mensahe.
"Ma'am Angeles." Pagbasa ko. Leche! Paano niya nalaman ang apelyido ko? Stalker ko ba siya?
To: +6391206*****
SINO KA? BAKIT MO AKO KILALA?!
Capslock para dama niya ang galit ko.
From: +6391206*****
Sorry, ma'am. Hindi po ako sinuka ni mommy, inire po ako.
Walangya! Nakuha pa niyang magbiro, tingin ba niya nakikipag biruan ako? Kung kaharap ko lang 'to nasapak ko na 'to, eh!
To: +6391206*****
HINDI AKO NAKIKIPAG BIRUAN! IBA-BLOCK KITA!
Mabilis naman ako nakatanggap ng tugon niya. Mukhang natakot ang loko. Ako ba naman pagtripan, talagang gagawin ko.
From: +6391206*****
I'm Wyatt Deil Nieva, Ma'am. :)
"Sino naman 'to?" Napaisip ako. Ngayon lang ako nag-isip. Bwisit na 'to, kung sino man siya.
Isa ba siyang Yate? Pero marunong magtext? Galing ha! High-tech na lahat ngayon.
To: +6391206*****
Are you a yacht?
Sh*t! Napalaban ako doon. Sinubukan ko lang naman mag-english. Piniga ko talaga ang utak ko, buti nga mayroon, eh! Akala ko, nangangalawang na.
From: +6391206*****
What? I'm not a yacht... okay, I got it. My name sounds like a yacht, so I can't blame you for that. You're not even the only person who taught me I am a yacht.
Ang haba naman ng sinabi niya. Bakit hindi na lang niya ako diretsahin? Leche, oh! Iyong Shopee ko natengga na.
Nanlaki ang mata ko sa sumunod niyang sinabi. Putspa naman, naalala ko na naman ang aking kahihiyan!
From: +6391206*****
My name is Wyatt. I am the nurse who got you injected.
To Be Continued…
Lumipas ang dalawang araw, tapos na ang oras ng aking pagpapahinga. Iyon kasi ang sabi ng boss namin, kapag nagpa-vaccine ka. Automatic na dalawang araw kang naka-off.Sobrang bilis nga ng araw, mas mabuting pumasok na lang sana ako. Wala naman akong ginawa, kung hindi inutusan lang ni mama. Wala naman kasi akong nararamdaman na sakit, kahit sila mama at ate ay wala. Sadyang depende yata talaga sa tao 'yan. Kung alaga niya ang kanyang katawan.Kahit papaano naman ay may isang bagay na para sa akin sobrang nakakaganda ng bawat gising ko.Kausap ko ng dalawang araw si Nurse Wyatt. Hindi ko siya nakakausap ng umaga hanggang hapon, tuwing gabi lang. Dahil nga naka-duty siya sa Vaccination Site, pero nakakatanggap naman ako ng mensahe sa kanya bago siya pumunta ng site. Ganoon din kapag break time nila at syempre kapag nakauwi na siya. Kapag pumatak ang oras na iyon, diretso na kaming magkausap. Humingi ulit ako ng tawad doon sa nangyari. Sobrang ikinalaki ng mata ko nang mabasa ko ang ka
"Not yet, but soon." Ano ang ibig niyang sabihin doon? Na hindi ko pa siya boyfriend ngayon, pero soon? Meaning possible na maging kami? "Hey, are you okay?" Napapitlag ako mula sa pagkakaupo. Pagkatapos niyang guluhin ang isipan ko, tapos nanggu-gulat pa. Nag-iisip ako, eh. Kapag tungkol talaga sa kanya, nag-iisip ako. Gumagana ang utak ko. "O-Oo." Nautal pa nga. Hanep talaga! "Parang hindi." Binusisi niya ang mukha ko. Inilayo ko naman ang ulo ko, baka mamaya madumi pala ang mukha ko. Makita pa niya, edi another kahihiyan na naman. Bakit ganoon? Pagdating sa kanya, nahihiya ako. Dati nga nadadapa pa ako, una mukha. Ayos lang naman, pero ngayon halos katiting na dumi hindi ko kayang ipakita sa kanya. Normal pa ba 'to? Or normal pa ba ako? Pagkatapos kasi naming makipagtalo doon sa mga grupo ng lalaki. Saktong end na pala ng shift ko. Hanggang 5pm lang ako, request ko iyon. Dahil hanggang alas singko lang ang mga sasakyan sa paradahan. Alangan namang sabihin ko sa mga driver
"Ang corny." Iritado ang pagkakasabi niya noon, pero mas nakaka-irita ang boses niya. Hay, may isang manok na naman na nag comment. Akala ba niya, importante ang opinyon niya? Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako, para kunin ang gamit ko. Pinaghintay ko na sa baba si Nurse Wyatt. Ayaw ko siya rito, baka malingat lang ako. May manok ng tutuklaw, ako lang dapat. Joke lang! "Famous, girl. Hindi naman maganda!" Inartehan pa talaga niya. Ano bang pinaglalaban ng babae na ‘to? Hindi na ako nakapagpigil, ang dami siyang say, eh! Hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. "Pag inggit, pikit!" Pagpaparinig ko. Kung gawin ko kaya siyang sahog sa pancit, sa tingin ba niya nakakapagsalita pa siya? "Aba't!" Kahit hindi ko siya kita, ramdam ko ang galit sa boses niya. Hindi ko kasalanan na natamaan siya, hindi ko na nga pinansin. Tapos kapag napansin, mag-iinit. Magaling na nilalang! "Don't you dare!" May awtoridad na boses sa likod niya ang may sabi noon. Hindi ko maiwasang n
"May naghahanap sa iyo." Napatingin ako sa kumalabit sa akin. Si manager pala namin. Sa nagdaang dalawang linggo, palagi kaming nag-uusap na. Sobrang gaan talaga ng loob ko sa kanya, na hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy kung bakit. "Sino po, ma'am?" Saglit ko siyang binalingan at binalik ang tingin sa ginagawa ko. "Sabi ko naman sa iyo, huwag ng ma'am, eh. Ate na lang." Nakakalimutan ko kasi minsan. Nakailang sabi siya sa akin niyan, pero hindi pa rin ako sanay. Syempre, isa siya sa boss ko. Tsaka ayaw kong may pumuputak sa mga manok. Masakit sa tainga. Paulit-ulit pa! "Sorry, ate.” Paghingi ko ng tawad. “Sino po?" Pag-uulit ko. Napatingin naman ako sa tinuro niya. Ah, si Nurse Wyatt lang pala. Ngumiti lang ako kay Ate Manager. "Go, you can talk to him." Tinungo ko ang pwesto ni Nurse Wyatt, mabuti na lang wala halos customers. Maga-alas kwatro na kasi ng hapon, tapos na siguro ang duty neto. Kaya nandito na siya. Sa loob ng dalawang linggo. Tuwing darating si Nurse Wyat
"A-Anak..." Sino ba ang tinutukoy niyang anak? Si Miss Manager ba ang anak niya? Kaya ba sobrang laki ng mansyon na 'to, dahil anak si Miss Manager nang isang mayaman na lalaki? Ngayon lang sila magkikita, at sa birthday pa ng anak niya? Surprise kong ganoon. Ang swerte naman pala ni ma'am. Isang napakagandang regalo ang natanggap niya. Ang tunay na regalo na kailanman hindi mapapantayan ng kahit ano. Ang magkaroon ng ama, sa tabi at gagabayan ka hanggang sa pagtanda mo. Gumilid kami nang magsimula itong maglakad papunta sa gawi ni Miss Manager. Pero ang ipinagtataka ko ay nang tumigil siya sa tapat ko. Habang nakatingin pa rin kay Miss Manager na parang nag uusap ang kanilang mata. Tila ba tignan niya lang si Miss Manager, alam na niya ang ibig nitong sabihin. "A-Anak," "P-Po?" Gulat kong wika. Hindi naman anak ang pangalan ko. Mas lalong wala na iyong papa ko. "Anak ko..." Luh? Napano 'to? Hindi ko alam ang gagawin ko, sa itsura pa lang niya mukhang iiyak na. "Sorry po, pe
"Anak din ba ako ni gago, mama?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Hindi ko siya masisisi, talagang magugulat siya dahil alam ko na. Iyong matagal na niyang itinatanggi sa akin. Wala pa man confirmation mula sa kanya, pero dama ko na ang katotohanan. Sa reaksyon ba naman na pinakita niya, talagang buking na sila ni Ate Kela. Na mas mapait pa sa ampalaya! "P-Paano mo nasabi 'yan?" Ramdam ko ang kaba sa boses ni mama. Tila gulat pa rin siya, at kita ko sa kanyang mata kung paano niya iniiwasan ang usapin na iyon. "Sabihin mo nga ang totoo, Kali!" Sigaw ni ate. Kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya, litaw din ang galit sa kanyang mata. "Nagkita na ba kayo?!" "Oo!" Taas noo kong sigaw sa kanila. "Nagkita na kami ng gagong tinutukoy mo, mama." Natatawa na wika ko. "Mr. Leonardo Buenavista, anak niya si Lucas Buenavista. Tama, ‘di ba?" Hindi sila sumagot sa akin, pero ramdam ko ang nagbabadyang galit nila. "Uulitin ko mama, anak din ba ako ni Mr. Buenavista? Oo o hindi lan
Tulad ng hiling ko kay papa, pinagbigyan niya ako. Na mamalagi muna ako sa kanya, kahit alam kong makakasama ko si Lucas etse Kuya Lucas sa iisang bubong. Kung saan ginanap ang birthday ni Miss Manager, doon niya ako dinala. Bahay pala iyon ni papa. Kahit hindi na ako magtanong, alam kong kaya dito ginanap ang birthday ni Miss Manager ay dahil malapit sila ni Kuya Lucas, baka nga hindi niya iyon totoong kaarawan at sinet-up lang talaga ang birthday na iyon para malaman ko ang totoo. Well, nagtagumpay naman sila. Ngayon ko rin napagtanto kung bakit mabait sa akin si Miss Manager, dahil malapit sila ni Kuya Lucas. Naalala ko rin noon kung paano niya ako ipagtanggol doon sa isang ka-trabaho ko. Pagkatapos naming mag-usap ni papa, sinabi ko kay Nurse Wyatt na kanila papa muna ako uuwi. Pupuntahan pa sana niya ako, kaso hindi na ako pumayag. Kasi nasa duty siya noon, at para hindi na rin niya ako puntahan doon sa inuupahan kong bahay. Siya kasi lagi ang nagdadala ng pagkain ko sa loob
Nasa harap ng mansyon si Nurse Wyatt. Hinihintay niya akong magbihis, nakatanggap kasi ako ng mensahe sa kanya kanina. Lalabas daw kami, kasi wala siyang duty.Timing lang, dahil wala rin akong shift ngayong araw.Mabilis lang akong natapos, nagsuot lang ako ng black button-down polo na crop top, tsaka mom jeans at nag white shoes ako.Nadatnan ko si papa sa sala, nagbabasa ng dyaryo. "Papa," Tawag ko ng atensyon niya. Mabilis naman siyang tumingin sa akin, at inilapag ang hawak niya na dyaryo. "Aalis po ako," Paalam ko.Tumango siya. "Sure, no problem... but, who's with you?"Akala ko makakaligtas na ako sa tanong na 'to. Hindi pa pala. "Si Nurse Wyatt po." Walang pag aatubili na sabi ko. "Who is he?" Kunot noo na tanong ni papa. Kahit magka salubong ang kanyang kilay, hindi maipagkakaila na talagang maganda ang kanyang lahi.Hindi ba niya matandaan iyong lalaki na sumagot sa kanya ng birthday ni Miss Manager? O sadyang hindi niya pinansin iyon. "'Yong kasama po sa birthday ni Miss
"I-I'm begging you, p-please... I need it for my baby." I was staying in my condo unit alone. Actually, I am resting. But someone called, saying someone was looking for me. To be honest, I don't really have time for whoever that person is. I even told them to let that person leave because I was busy. Pero nagpupumilit daw siya, at sinasabi pa na kilala ko siya. Nang bumaba ako, ineexpect ko na importanteng tao sa akin dahil sinabi niyang kilala ko siya. Pero hindi pala! I was about to turn my back, but she started saying nonsense. She's even crying, and a lot of people were looking at us. Sa ginagawa niya, nauubos lang ang pasensya ko sa kanya. She was named Angel by her parents, but she would be death to me. I keep telling her to stop messing with me. But she keeps on visiting me at my place. I hate it! I never liked the idea! "I may hate you for what you did. But I will never lower myself to waste my time for you. I have more important things to do with my time," Inis kong sabi.
I went straight to my car and drove to the possible place where I knew that Kali would go. Iba iyong kaba na nararamdaman ko ngayon, sinasabayan pa ng panginginig. Luckily, I managed to drive my car and arrive safely at the place. You're so stup*d, Wyatt! Why did you let her leave you?! I should have followed her immediately, but at some point, I wanted to stop Angel with whatever drama or plans she had to do against me and Kali. Pagkarating ko sa mansyon nila Mr. Buenavista, agad akong bumaba ng kotse. Naabutan ko pa si Lucas. I bet he's going somewhere. "Where is Kali?" Bungad ko sa kanya, nagulat pa siya na nasa harap na niya ako, but I don't care. I only want to see Kali, para makapante na ako. Kahit makita lang. That would be enough for me. I’ll give her time whenever she’s ready to talk to me. "Why are you looking for Kali? She's not here!" Sigaw niya sa akin, tila walang lugar sa kanya ang kumausap ng tao sa mahinahon na paraan. "Lucas, please. I know how much you hate
"Nurse Nieva, isa ka po sa pinatawag ni Doktora."Tumango lang ako. "Thank you, nurse," she said sweetly.It's not new to me, but I don't think I have time for it. That is something I don't think I am capable of giving time to.Tumalikod na ako at tinungo ang opisina ni Doktora. Kumatok muna ako at hinintay ang hudyat niyang pwede na akong pumasok."Come in."That's only my cue to enter her office. "Good morning, Doktora," I greeted her.Inimuwestra niya ang upuan. Malugod naman akong umupo. "Good morning, Nurse Nieva. This isn't part of the plan, since there were a lot of people who were volunteering themselves for the vaccine. We need more nurses to undergo it, and I want you to be part of it," Imporma niya sa akin. "It's not a problem for me, Doktora. When am I going to start?"She smiled. "As soon as possible, nurse."Tulad ng sabi ni Doktora. I need to start as soon as possible.Nang marating ko ang Vaccination Site agad kong ginala ang paningin ko. I can say she's right. Maram
"Did you regret that you said yes to me?"Napatingin ako kay Wyatt, may bahid ng pag-aalangan sa kanya. Para bang ilang beses niyang pinag-isipan kung tama bang itanong niya iyon sa akin.Binaling kong muli ang tingin sa dagat, napaisip ako sa tanong niya. Noong una talaga ang nasa isip ko. Iyong mga anak ko, handa akong gawin makita ko lamang ang ngiti sa kanilang mga labi. Hindi ko kayang ipagkait sa mga anak ko ang kasiyahan na ilang taon ko ng ipinagkait sa kanila. Kapag ganoon muli ang gagawin ko, panigurado na dudurugin ko sila. Pero aaminin kong dahil sa sinabi ni Elian. Parang mas naging litaw iyong sarili kong dahilan.Iyong pansarili kong dahilan.*Flashback*"Lei, marry me... I want to prove to you that all your accusations against me were wrong, and give me the chance to give our kids the family they both deserve."Doon niya nakuhang muli ang atensyon ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binibigkas niya, para bang isang bala na masasabi kong iyon na ang huling taya ni
Nilapitan ko agad ang mga anak ko, pagkatago ko pa lang ng telepono ko. Sinenyasan ko silang lumapit sa akin, nagtataka pa sila noong una. Pero lumapit din naman sila.Lumuhod ako sa harapan nila. Pinunasan ko ang noo nila pareho gamit ang likod ng palad ko, kahit naman malamig pinagpawisan pa rin sila. "Turn around, Kuya Spike." Masunurin naman na tumalikod ang anak ko. Chineck ko ang likod niya kung pinagpawisan na, nilagyan ko ng towel. Ganoon din ang ginawa ko kay Zevria."We're leaving now." Anunsyo ko sa kanila, na tingin ko hindi nila pareho nagustuhan. Lalo na si Zevria na busangot na ngayon ang mukha."You said we were eating here po momma." Todo reklamo si Zevria. "And Kuya Spike and I are not yet done playing po.""I'm sorry about that. There's an emergency at work. I need to go there." Pagsisinungaling ko.Nagtext na kasi si Alaina, ayaw ko naman na maghintay pa ang mga tao. "Is that more important than us po?" Inosente ang pagkakasabi ni Zevria, pero parang nadurog ang
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang ending lang din ng plano na gusto kong mangyari ay sa restaurant gaganapin ang kaarawan ng mga anak ko. Kasalukuyan kong kasama ang dalawang anak ko, nakaupo sila sa likod. Habang ako ang nagda-drive. Minsan ko sila na sinusulyapan, at talagang tahimik lang silang nakaupo. Tinatanaw ang paligid. Kailangan ko muna silang i-gala, para hindi sila makahalata. Hindi naman na sila bago doon. Noong nasa US kasi kami kung hindi ko man maharap na ipagluto sila tulad ng lagi nilang request, lumalabas na lang kami. Ang kaibahan lang hindi namin kasama si Manang Cecil dahil siya rin ay tumutulong sa ginagawa na set up sa restaurant.*Flashback* Nang makapagdecide ako kung ano ang gagawin, nagpadala ako ng mensahe kay Alaina at Elian. Sila ang alam kong makakatulong para maisagawa iyon. To: Alaina, Eli If you two aren't busy. Can we meet after work? Segundo lang ang hinintay ko nang may natanggap na akong mensahe mula kay Alaina. Napaghahalataan n
Agad kong kinuha ang telepono ko nang marinig kong tumunog iyon.Alaina Calling...Nang makita kong si Alaina pala ang tumatawag hindi na ako nag-abala pa na magdalawang-isip kung sasagutin ko o hindi."Hello…" Masayang bati ko. Kanina ko pa kasi talaga hinihintay ang tawag niya.[I can sense your excitement,] Puna niya. Kung iba siguro siya, kanina pa siguro ako nainis. Iyon ba naman ang bungad niya. Walang hello man lang? Pero dahil, talagang excited ako at hindi ko maitatanggi iyon. Palalampasin ko."Yeah," Pag-amin ko.Sobrang tagal ko kayang hinintay ang araw na mangyari 'to. Siguro, ganoon naman talaga para sa isang ina, kapag dumating ang araw na iyon. Ikaw ang una talagang masisiyahan. Well, iyong ibang parents naman ayaw pa nilang tumanda ang mga anak nila, pero ako sobrang excited ako. Kahit naman kasi tumanda silang dalawa. Sila pa rin naman ang baby ko, walang magbabago roon.Narinig kong napabuntong-hininga sa kabilang linya. [But... we have a problem.]Hindi ko alam kung
Minsan pala darating sa buhay na masasaktan ka, hindi dahil nag fail ka sa buhay o pisikal kang sinaktan. Kung hindi dahil sa mga taong gustong humingi ng tawad mula sa iyo.Iyong masasaktan ka dahil bakit kailangan pa nilang magpakita sa akin? Bakit hindi na lang sila naglaho? Hindi iyong bumalik ako, tapos bumalik din sila sa buhay ko.Sa una pa lang naman dapat iniisip nila maigi kung ano ang kahahantungan nang ginawa nila, hindi iyong pabigla-bigla silang magdedesisyon. Tapos kung kailan nila gustong humingi ng tawad, gagawin nila. Paano naman akong ayaw silang makita? Akala ba nila madali lang para sa akin iyon?Hindi naman malaking bagay sa akin kung hindi sila humingi ng tawad basta huwag lang silang magpapakita, dahil hindi rin naman na ako interesado na marinig pa ang mga paliwanag nila.Kung mayroon man akong gustong mangyari, ang prioridad ko ay matupad iyong mga binubuo kong pangarap at katahimikan sa buhay.Ganoon naman kasi talaga na darating sa puntong hihilingin mo ang
Pagkaalis ng mga anak ko kasama si Alaina, muli kong tinuon ang sarili sa pagkain dahil papasok pa ako ng trabaho."Manang," Pagtawag ko. Naka-dalawang beses pa ako ng tawag bago lumabas si Manang Cecil, siguro naglalaba siya ng mga damit sa likod.“Tawag mo ba ako?” Kita ko ang pag-aalangan ni Manang Cecil, medyo mahina na rin siguro ang pandinig niya.Tumango ako. "Si Elian po, nakita ninyo?"Kanina pa kasi ako nandito sa kusina, wala pa akong nakikitang bumababa mula sa kanyang kwarto. Hindi naman sa salas unang pupunta iyon, paniguradong sa kusina. Hindi na ako nagulat na hindi siya banggitin ng mga anak ko, dahil kahit naman hindi nila sabihin ramdam ko sa kinikilos nila na malayo pa rin ang loob nila sa kanya."Nagpaalam siya kaninang may aasikasuhin," Tugon ni Manang Cecil.Napakunot naman ang noo ko. Bakit hindi siya nagsabi man lang sa akin? "Anong oras po siya umalis?"Mukhang nagtatampo yata ang loko, dahil hindi ko kinausap kagabi. Hindi naman niya ako masisisi, pagod kaya