"Gumising ka na, Kali!"
Bumaling ulit ako sa kabila, habang pikit pa rin ang mata ko. Kulang na lang takpan ko na ang tainga ko, kaso kahit naman gawin ko rinig ko pa rin ang boses ni mama. Walang katulad, nag iisa. Pwede na nga siyang maging living megaphone sa ingay ng boses niya. Hindi ko na rin lubos mabilang kung pang-ilang ikot ko na, hindi ko pa naman nararamdaman ang sakit. Kaya ayos lang.
Kung kailan laging masarap ang tulog ko, doon lagi nasisira.
Kanina pa kasi ako ginigising ni mama, dahil sabay sabay kaming magpa-pa vaccine. Pero, kasi ayaw kong magpa-vaccine. Kaya nagtutulog-tulugan ako.
"Anong oras na oh!"
Sa pang limang pagkakataon, niyugyog na ako ni mama. Mukhang hindi na siya nakatiis pa, magkaroon ka ba naman ng anak na matigas pa ang ulo sa bato. Halos mabalian na ako ng buto. Kung hindi ko lang siguro 'to nanay, ewan ko na lang.
Syempre, joke lang.
"Ma, naman..." Apila ko. Ayaw ko kasi talaga, kahit baliktaran pa ang mundo. Ayaw ko!
Nabanggit ko kasi sa kanya na kailangan naming magpa vaccine para sa trabaho, kaya ayon kumuha agad siya ng slot. Ang bilis nga niya makakuha, hindi na rin dapat ako magulat dahil marami siyang kaibigan.
Panigurado na kinuhanan siya.
Dinilat ko ang mata ko, at tiningnan ang oras. Leche! Alas-singko pa lang ng umaga, sino naman ang magi-inject doon ng ganitong oras.
"Ang aga pa, mama." Dagdag ko. Wala pa akong tulog, halos kakatulog ko lang dahil late ko ng nakuha ang tulog ko dahil sa kakaisip ko sa vaccine na 'yan.
Ngunit hindi nagpasindak ang aking nanay. Talagang ipipilit niya ang kanyang gusto. "Gumising ka na riyan, 'wag mo akong artehan! Alam kung ayaw mo lang."
Ako pa ang maarte? Takot nga kasi ako. Buong buhay ko, never ko pa na-try magpa-inject.
Flu-vaccine nga, tinakasan ko, eh.
Narinig ko ang pagtunog ng pinto ko, ibig sabihin lumabas na si mama. Padabog akong bumangon, kung hindi lang kailangan 'to sa trabaho. Hindi talaga ako magpapa-inject. Bahala sila riyan!
Kaso, kailangan eh. Mas ayaw ko naman na mawalan ng trabaho, sa dami ba naman ng luho ko. Nangangailangan talaga ako.
Sobrang laki ng pangangailangan ko! Ang hirap ng laging nabubudol.
Ayaw kong i-asa kay mama, lalo naman kay ate.
"Next..."
Nakita kong tumayo ang babae at kasama nitong lalaki na nasa unahan, hudyat din na aabante kami ulit ng upuan.
Kanina pa nanlalamig ang kamay ko. Nasa unahan sila mama at ate sa pila, nasa likod lang nila ako. Pinauna ko talaga sila, para malaman ko kung ano ang magiging resulta. Para may chance pa akong umatras kung sakali.
Nakaupo naman kami. Pero kahit ganoon ay, hindi ako mapakali. Buong buhay ko, ngayon lang ako kinabahan. Iyong pakiramdam na manlalamig talaga ang buong katawan. Mas madali pa ngang magtusok ng Milk Tea eh, at least 'yon masarap.
Eh, eto? Anong lasa? Ang tanong, may lasa ba?
"Next..."
Putspa naman, oh! Pang ilang next pa ba ang sasabihin? Pwede bang 'wag na lang sabihin, dahil tuwing naririnig ko mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kahit wala naman ako noon.
Muli akong sumilip sa unahan. Bakit ganoon? Tatlo na lang, bago ako. Kanina lang, sampo iyon. Ang bilis naman! Hindi pa ako ready.
Lord, hindi pa po ako handa.
Halos tawagin ko na lahat ng santo, 'yon bang tumigil ang oras. O bumalik na lang, para hindi matuloy.
"Ikaw na muna."
Mabilis akong umiling kay mama. "Ikaw na muna, ma."
"Umabante ka na, at para matapos ka na." Isa ‘yong babala. Tingin pa lang ni mama, nani nindak na, eh. Tumayo na kasi silang dalawa ni ate, sila na ang sumunod na tinawag.
Tumango lang ako sa kanya. Pero syempre, sa bait kong anak. Hindi ko sinunod iyon.
"Kayo po muna." Sambit ko sa dalawang babae na nasa likod ko. Tig-dalawa kasi ang papasok.
Siguro, mga sampung pares din ang pinauna ko. Ang bait ko kasi, eh. Kung gusto nga nila, sila na lang sa pwesto ko. Sila na rin sumalo ng itutusok sa akin.
Pero sa akin ang Vaccination Card, para may ebidensya! 'Yon lang naman ang kailangan ko.
Ang habol ko.
Halos manlamig ako sa kinauupuan ko nang makita kong wala ng susunod sa akin. Ano ba yan? Nasaan na ang mga tao.
Dinagdagan pa noon ang text message mula sa aking ate.
From: Ate Kela
NASAAN KA NA? BAKIT ANG TAGAL MO NAMAN!
Double kill men! Panigurado, lagot ako neto! Tumayo na ako, bahala na nga!
Sila kaya sa sitwasyon ko. Baka mas malala pa ang gawin nila!
To: Ate Kela
Mauna na kayo ni mama ate, sunod na lang ako sa bahay.
Nakatanggap lang naman ako ng K mula sa kanya.
Sungit talaga!
Hindi naman na ako bata, para bantayan pa ako ni mama. Pero sigurado akong hindi sang ayon 'yon kay ate. Panay ang duda noon, eh. Kahit akong anak niya pinagduduhan niya, lalo na pagdating sa bagay na hindi ko gustong gawin pero kailangan. Tulad na lang ngayon. May trabaho pa kasi 'yon si ate, kaya pinili niyang umalis na at iwan ako dito mag-isa.
Hindi payag 'yon si mama dahil ramdam kong nasa isip niya na baka takasan ko pa ito at hindi ako magpa-inject.
Naisip ko na iyon, ilang beses pa nga. Gustong gusto ko ngang gawin, kaso hindi pwede. Dahil kailangan!
"Ma'am, next na po kayo..." Pagtawag atensyon sa akin ng isang babae, isa siguro siya sa mga naga-assist. "Pasok na lang po kayo riyan, nandiyan po 'yong isang nurse."
Nginitian ko siya, kahit napunta iyon sa ngiwi nang makaalis siya sa paningin ko.
Kabado ako, kanina mga bente. Ngayon, isang daan na!
"Good morning, ma'am... have a seat." Inimuwestra niya ang upuan sa kanyang harapan.
Pogi ng boses! Halos maiwan ang mata ko sa kanya, pero mabilis ko naman na binaling sa iba ang tingin.
Mahirap mapaghalataan!
"G-Good morning," Pagbati ko pabalik. Bago ako umupo. "Thank you."
Tumango lang siya, pero nakita kong gumalaw ang kanyang mata. Senyales ba na parang ngumiti siya. Ngunit hindi masyadong malinaw sa akin, dahil nakasuot siya ng facemask.
"Can I have your ID, ma'am?"
Aligaga kong kinuha ang ID ko. Bago ko ibinigay, chineck ko muna kung maayos ba ang mukha ko sa ID. 'Yong sa National ID kasi. Medyo maayos naman.
Mabuti at hindi na-tulad sa ibang ID. Parang may galit kasi ang gumawa.
Inabot ko iyon sa kanya. "Lei Kali Angeles." Pagbasa niya sa pangalan ko. Bakit ang ganda ng pagkakasabi niya? Pero sa ibang tao, nagiging Kal. Letter I na nga lang, hindi pa nila sinama. Ano 'yon? Kal Cheese? Huwag naman nangangalakal. Iba na 'yon, at lalong hindi ko tanggap!
"Yes... Mr. Nieva." Napatingin siya sa akin, nagtataka siguro kung paano ko nalaman.
Doon ko mas nakita ang kulay ng kanyang mata.
Amber!
"Nabasa ko lang." Tinuro ko ‘yong gown na suot niya. May name tag kasi.
"24?"
"Yes po." Magalang kong sagot. Ang dami palang tanong pa, akala ko inject kaagad.
"Single?" Pati 'to kasama?
"Oo... hanggat hindi pa nagiging sa iyo." Bigla naman siyang naubo. Mabilis ko siyang dinaluhan, nakakita ako ng bottled water kaya inabot ko sa kanya. "Sorry, sir. Tinanong mo pa kasi, napa-banat tuloy ako." Nakangiwing sambit ko, kahit hindi naman niya kita.
"I-I just… didn't expect it from you." Nailing niyang sabi, hindi pa rin makapaniwala. "Saan niyo po gustong i-inject?" Akala ko hindi na itutuloy. Hindi pala nakalusot!
"H-Huh?" Pipili pa pala?
At bakit ka nauutal, Kali? Mata pa lang, hindi pa buong mukha ang nakikita mo!
"I mean... Do you want it on your left, or right shoulder, ma'am?" Pag uulit niya, naging mas malinaw sa akin ang kanyang punto.
'Yon naman pala!
"Left na lang." Tugon ko. Sabi kasi ni mama, doon ko raw ipa-tusok sa hindi ko ginagamit na kamay. Hindi ko pinangsu-sulat.
"A-Ah... wait lang." Napalunok kasi ako nang makita iyong karayom. Ang haba! Paano kung maiwan 'yon sa braso ko?
Naiisip ko pa lang, sumasakit na ang ulo ko!
"May cr po ba kayo rito?" Kinapalan ko na ang mukha ko.
Tumango siya. "Yes, ma'am." Tinuro naman niya iyong pinto sa gilid.
Kaagad akong tumayo at pumunta roon. Mabilis ang paghinga ko. Parang hindi ko kaya, pero mas hindi ko kakayanin ang kahihiyan. At syempre ang mawalan ng trabaho, lintik na naman kasi!
Napa padyak na lang ako sa inis. Inayos ko ang mukha ko, at muling lumabas.
Huminga muna ako ng malalim bago dumiretso. "Kailangan ko na po itong i-inject, ma'am. May mga naghihintay pa kasi sa labas."
Halos hindi ko siya matignan kasi hawak niya ‘yong injection.
"Sila po muna." Suhestiyon ko. Baka sakaling lumusot, ikina-bagsak ng balikat ko ang sumunod na sinabi niya.
Wala na, walang ng pag asang malusutan ko pa ito!
"Sorry po ma'am, hindi pwede. Kayo na po ang nandito. So, kayo na po." Ramdam ko ang pinalidad sa kanyang boses, na parang hindi na pwedeng kontrahin pa.
"Left arm na lang po." Pagsuko ko.
"W-Wait..." Pigil ko. Halos manlaki ang mata ko nang dumako ang tingin ko sa pantalon ni Mr. Nieva. Putspa! Mali ang nahawakan ko!
"Sh*t!" Malutong nitong mura.
Mariin akong napapikit. Nakakahiya! Kahihiyan na naman, Kali. "S-Sorry," Akmang hahawakan ko 'yon para bumalik. Kaso mabilis siyang lumayo sa akin, at mabigat ang kanyang hingingang binitawan. Nakita ko rin kung paano nagtagis ang kanyang bagang. Tila hirap na hirap ito.
"E-Excuse me, ma'am!" Matigas niyang sabi.
Tumango lang ako. Napayuko at pinaglaruan ang daliri. Naghahanap lang kasi ako ng pwedeng makapitan. Malay ko ba kung ano 'yon, nakapikit na ako, eh. Naghihintay na lumapat sa balat ko ‘yong injection.
Hindi ko kasi kayang tingnan. Para akong naduduwal!
“Please relax your hands, ma'am. Better put it in your lap."
Iyon agad ang bungad niya sa akin pagbalik niya. Mas naging seryoso ang kanyang itsura. Baka galit siya sa akin, ayaw ko pa naman ng taong may sama ng loob sa akin.
Sinunod ko ang kanyang sinabi, pinikit kong muli ang aking mata.
"Okay na, ma'am."
Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Nakangiti akong bumaling sa kanya, kahit hindi niya iyon kita. "Thank you, nurse."
Naglalakad na ako palabas nang may naalala ako. Muntik ko nang makalimutan, nadala kasi ako sa kasiyahan. Parang wala lang naman pala. Kagat lang ng langgam ang nangyari.
"Okay na po ba kayo, sir? Sorry pala, hindi ko sinasadya."
Nag-iwas siya ng tingin. Galit nga siya! "I-It's fine..." Mahinang sambit niya.
Hindi niya man lang ako binalingan ng tingin.
"Next, please." Sigaw niya, para pumasok na ang susunod sa pila.
Ay! Grabe... may sasabihin pa sana ako, eh. Next time na nga lang, pero ano kaya 'yon?
Galit na galit? Parang gustong manakit!
To Be Continued…
"Bakit ang tagal mo?" Grabe talaga! Kakapasok ko pa lang ng pinto, iyon agad ang bungad ni mama. Hindi man lang ako pinaupo muna. Sobra kaya akong napagod, si mama talaga, oh. Alam ba niya lahat ng pinagdaanan ko ngayong araw? "Ang tagal mo ring sumagot!" Tila nauubos ang pasensya niyang sabi, o baka ang pasensya niya sa akin ang nauubos na? "Ang tagal mag inject ng nurse, mama." Pagdadahilan ko. Sana lumusot! "Anong matagal?" Galit nitong wika, halatang duda sa dahilan ko. "Magkasunod lang naman tayo, patingin nga ako ng Vaccination Card mo." Tungkol sa Vaccination Card na ‘yan. Muntik ko pang maiwan kanina, kung hindi lang pinaalala sa akin ni nurse bago ako tuluyan na umalis. Napasimangot ako ng hinablot niya iyon sa akin. "Nurse Nieva rin pala sa iyo, eh. Bakit matagal sa iyo? Ang bilis nga niyang na-inject sa amin ng ate mo." Magkaiba naman kasi tayo mama. Gusto kong sabihin 'yon. Syempre, hindi ko ginawa. Dahil ayaw kong makutungan! Kawawa ako. "Sabihin mo nga... an
Lumipas ang dalawang araw, tapos na ang oras ng aking pagpapahinga. Iyon kasi ang sabi ng boss namin, kapag nagpa-vaccine ka. Automatic na dalawang araw kang naka-off.Sobrang bilis nga ng araw, mas mabuting pumasok na lang sana ako. Wala naman akong ginawa, kung hindi inutusan lang ni mama. Wala naman kasi akong nararamdaman na sakit, kahit sila mama at ate ay wala. Sadyang depende yata talaga sa tao 'yan. Kung alaga niya ang kanyang katawan.Kahit papaano naman ay may isang bagay na para sa akin sobrang nakakaganda ng bawat gising ko.Kausap ko ng dalawang araw si Nurse Wyatt. Hindi ko siya nakakausap ng umaga hanggang hapon, tuwing gabi lang. Dahil nga naka-duty siya sa Vaccination Site, pero nakakatanggap naman ako ng mensahe sa kanya bago siya pumunta ng site. Ganoon din kapag break time nila at syempre kapag nakauwi na siya. Kapag pumatak ang oras na iyon, diretso na kaming magkausap. Humingi ulit ako ng tawad doon sa nangyari. Sobrang ikinalaki ng mata ko nang mabasa ko ang ka
"Not yet, but soon." Ano ang ibig niyang sabihin doon? Na hindi ko pa siya boyfriend ngayon, pero soon? Meaning possible na maging kami? "Hey, are you okay?" Napapitlag ako mula sa pagkakaupo. Pagkatapos niyang guluhin ang isipan ko, tapos nanggu-gulat pa. Nag-iisip ako, eh. Kapag tungkol talaga sa kanya, nag-iisip ako. Gumagana ang utak ko. "O-Oo." Nautal pa nga. Hanep talaga! "Parang hindi." Binusisi niya ang mukha ko. Inilayo ko naman ang ulo ko, baka mamaya madumi pala ang mukha ko. Makita pa niya, edi another kahihiyan na naman. Bakit ganoon? Pagdating sa kanya, nahihiya ako. Dati nga nadadapa pa ako, una mukha. Ayos lang naman, pero ngayon halos katiting na dumi hindi ko kayang ipakita sa kanya. Normal pa ba 'to? Or normal pa ba ako? Pagkatapos kasi naming makipagtalo doon sa mga grupo ng lalaki. Saktong end na pala ng shift ko. Hanggang 5pm lang ako, request ko iyon. Dahil hanggang alas singko lang ang mga sasakyan sa paradahan. Alangan namang sabihin ko sa mga driver
"Ang corny." Iritado ang pagkakasabi niya noon, pero mas nakaka-irita ang boses niya. Hay, may isang manok na naman na nag comment. Akala ba niya, importante ang opinyon niya? Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako, para kunin ang gamit ko. Pinaghintay ko na sa baba si Nurse Wyatt. Ayaw ko siya rito, baka malingat lang ako. May manok ng tutuklaw, ako lang dapat. Joke lang! "Famous, girl. Hindi naman maganda!" Inartehan pa talaga niya. Ano bang pinaglalaban ng babae na ‘to? Hindi na ako nakapagpigil, ang dami siyang say, eh! Hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. "Pag inggit, pikit!" Pagpaparinig ko. Kung gawin ko kaya siyang sahog sa pancit, sa tingin ba niya nakakapagsalita pa siya? "Aba't!" Kahit hindi ko siya kita, ramdam ko ang galit sa boses niya. Hindi ko kasalanan na natamaan siya, hindi ko na nga pinansin. Tapos kapag napansin, mag-iinit. Magaling na nilalang! "Don't you dare!" May awtoridad na boses sa likod niya ang may sabi noon. Hindi ko maiwasang n
"May naghahanap sa iyo." Napatingin ako sa kumalabit sa akin. Si manager pala namin. Sa nagdaang dalawang linggo, palagi kaming nag-uusap na. Sobrang gaan talaga ng loob ko sa kanya, na hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy kung bakit. "Sino po, ma'am?" Saglit ko siyang binalingan at binalik ang tingin sa ginagawa ko. "Sabi ko naman sa iyo, huwag ng ma'am, eh. Ate na lang." Nakakalimutan ko kasi minsan. Nakailang sabi siya sa akin niyan, pero hindi pa rin ako sanay. Syempre, isa siya sa boss ko. Tsaka ayaw kong may pumuputak sa mga manok. Masakit sa tainga. Paulit-ulit pa! "Sorry, ate.” Paghingi ko ng tawad. “Sino po?" Pag-uulit ko. Napatingin naman ako sa tinuro niya. Ah, si Nurse Wyatt lang pala. Ngumiti lang ako kay Ate Manager. "Go, you can talk to him." Tinungo ko ang pwesto ni Nurse Wyatt, mabuti na lang wala halos customers. Maga-alas kwatro na kasi ng hapon, tapos na siguro ang duty neto. Kaya nandito na siya. Sa loob ng dalawang linggo. Tuwing darating si Nurse Wyat
"A-Anak..." Sino ba ang tinutukoy niyang anak? Si Miss Manager ba ang anak niya? Kaya ba sobrang laki ng mansyon na 'to, dahil anak si Miss Manager nang isang mayaman na lalaki? Ngayon lang sila magkikita, at sa birthday pa ng anak niya? Surprise kong ganoon. Ang swerte naman pala ni ma'am. Isang napakagandang regalo ang natanggap niya. Ang tunay na regalo na kailanman hindi mapapantayan ng kahit ano. Ang magkaroon ng ama, sa tabi at gagabayan ka hanggang sa pagtanda mo. Gumilid kami nang magsimula itong maglakad papunta sa gawi ni Miss Manager. Pero ang ipinagtataka ko ay nang tumigil siya sa tapat ko. Habang nakatingin pa rin kay Miss Manager na parang nag uusap ang kanilang mata. Tila ba tignan niya lang si Miss Manager, alam na niya ang ibig nitong sabihin. "A-Anak," "P-Po?" Gulat kong wika. Hindi naman anak ang pangalan ko. Mas lalong wala na iyong papa ko. "Anak ko..." Luh? Napano 'to? Hindi ko alam ang gagawin ko, sa itsura pa lang niya mukhang iiyak na. "Sorry po, pe
"Anak din ba ako ni gago, mama?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Hindi ko siya masisisi, talagang magugulat siya dahil alam ko na. Iyong matagal na niyang itinatanggi sa akin. Wala pa man confirmation mula sa kanya, pero dama ko na ang katotohanan. Sa reaksyon ba naman na pinakita niya, talagang buking na sila ni Ate Kela. Na mas mapait pa sa ampalaya! "P-Paano mo nasabi 'yan?" Ramdam ko ang kaba sa boses ni mama. Tila gulat pa rin siya, at kita ko sa kanyang mata kung paano niya iniiwasan ang usapin na iyon. "Sabihin mo nga ang totoo, Kali!" Sigaw ni ate. Kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya, litaw din ang galit sa kanyang mata. "Nagkita na ba kayo?!" "Oo!" Taas noo kong sigaw sa kanila. "Nagkita na kami ng gagong tinutukoy mo, mama." Natatawa na wika ko. "Mr. Leonardo Buenavista, anak niya si Lucas Buenavista. Tama, ‘di ba?" Hindi sila sumagot sa akin, pero ramdam ko ang nagbabadyang galit nila. "Uulitin ko mama, anak din ba ako ni Mr. Buenavista? Oo o hindi lan
Tulad ng hiling ko kay papa, pinagbigyan niya ako. Na mamalagi muna ako sa kanya, kahit alam kong makakasama ko si Lucas etse Kuya Lucas sa iisang bubong. Kung saan ginanap ang birthday ni Miss Manager, doon niya ako dinala. Bahay pala iyon ni papa. Kahit hindi na ako magtanong, alam kong kaya dito ginanap ang birthday ni Miss Manager ay dahil malapit sila ni Kuya Lucas, baka nga hindi niya iyon totoong kaarawan at sinet-up lang talaga ang birthday na iyon para malaman ko ang totoo. Well, nagtagumpay naman sila. Ngayon ko rin napagtanto kung bakit mabait sa akin si Miss Manager, dahil malapit sila ni Kuya Lucas. Naalala ko rin noon kung paano niya ako ipagtanggol doon sa isang ka-trabaho ko. Pagkatapos naming mag-usap ni papa, sinabi ko kay Nurse Wyatt na kanila papa muna ako uuwi. Pupuntahan pa sana niya ako, kaso hindi na ako pumayag. Kasi nasa duty siya noon, at para hindi na rin niya ako puntahan doon sa inuupahan kong bahay. Siya kasi lagi ang nagdadala ng pagkain ko sa loob
"I-I'm begging you, p-please... I need it for my baby." I was staying in my condo unit alone. Actually, I am resting. But someone called, saying someone was looking for me. To be honest, I don't really have time for whoever that person is. I even told them to let that person leave because I was busy. Pero nagpupumilit daw siya, at sinasabi pa na kilala ko siya. Nang bumaba ako, ineexpect ko na importanteng tao sa akin dahil sinabi niyang kilala ko siya. Pero hindi pala! I was about to turn my back, but she started saying nonsense. She's even crying, and a lot of people were looking at us. Sa ginagawa niya, nauubos lang ang pasensya ko sa kanya. She was named Angel by her parents, but she would be death to me. I keep telling her to stop messing with me. But she keeps on visiting me at my place. I hate it! I never liked the idea! "I may hate you for what you did. But I will never lower myself to waste my time for you. I have more important things to do with my time," Inis kong sabi.
I went straight to my car and drove to the possible place where I knew that Kali would go. Iba iyong kaba na nararamdaman ko ngayon, sinasabayan pa ng panginginig. Luckily, I managed to drive my car and arrive safely at the place. You're so stup*d, Wyatt! Why did you let her leave you?! I should have followed her immediately, but at some point, I wanted to stop Angel with whatever drama or plans she had to do against me and Kali. Pagkarating ko sa mansyon nila Mr. Buenavista, agad akong bumaba ng kotse. Naabutan ko pa si Lucas. I bet he's going somewhere. "Where is Kali?" Bungad ko sa kanya, nagulat pa siya na nasa harap na niya ako, but I don't care. I only want to see Kali, para makapante na ako. Kahit makita lang. That would be enough for me. I’ll give her time whenever she’s ready to talk to me. "Why are you looking for Kali? She's not here!" Sigaw niya sa akin, tila walang lugar sa kanya ang kumausap ng tao sa mahinahon na paraan. "Lucas, please. I know how much you hate
"Nurse Nieva, isa ka po sa pinatawag ni Doktora."Tumango lang ako. "Thank you, nurse," she said sweetly.It's not new to me, but I don't think I have time for it. That is something I don't think I am capable of giving time to.Tumalikod na ako at tinungo ang opisina ni Doktora. Kumatok muna ako at hinintay ang hudyat niyang pwede na akong pumasok."Come in."That's only my cue to enter her office. "Good morning, Doktora," I greeted her.Inimuwestra niya ang upuan. Malugod naman akong umupo. "Good morning, Nurse Nieva. This isn't part of the plan, since there were a lot of people who were volunteering themselves for the vaccine. We need more nurses to undergo it, and I want you to be part of it," Imporma niya sa akin. "It's not a problem for me, Doktora. When am I going to start?"She smiled. "As soon as possible, nurse."Tulad ng sabi ni Doktora. I need to start as soon as possible.Nang marating ko ang Vaccination Site agad kong ginala ang paningin ko. I can say she's right. Maram
"Did you regret that you said yes to me?"Napatingin ako kay Wyatt, may bahid ng pag-aalangan sa kanya. Para bang ilang beses niyang pinag-isipan kung tama bang itanong niya iyon sa akin.Binaling kong muli ang tingin sa dagat, napaisip ako sa tanong niya. Noong una talaga ang nasa isip ko. Iyong mga anak ko, handa akong gawin makita ko lamang ang ngiti sa kanilang mga labi. Hindi ko kayang ipagkait sa mga anak ko ang kasiyahan na ilang taon ko ng ipinagkait sa kanila. Kapag ganoon muli ang gagawin ko, panigurado na dudurugin ko sila. Pero aaminin kong dahil sa sinabi ni Elian. Parang mas naging litaw iyong sarili kong dahilan.Iyong pansarili kong dahilan.*Flashback*"Lei, marry me... I want to prove to you that all your accusations against me were wrong, and give me the chance to give our kids the family they both deserve."Doon niya nakuhang muli ang atensyon ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binibigkas niya, para bang isang bala na masasabi kong iyon na ang huling taya ni
Nilapitan ko agad ang mga anak ko, pagkatago ko pa lang ng telepono ko. Sinenyasan ko silang lumapit sa akin, nagtataka pa sila noong una. Pero lumapit din naman sila.Lumuhod ako sa harapan nila. Pinunasan ko ang noo nila pareho gamit ang likod ng palad ko, kahit naman malamig pinagpawisan pa rin sila. "Turn around, Kuya Spike." Masunurin naman na tumalikod ang anak ko. Chineck ko ang likod niya kung pinagpawisan na, nilagyan ko ng towel. Ganoon din ang ginawa ko kay Zevria."We're leaving now." Anunsyo ko sa kanila, na tingin ko hindi nila pareho nagustuhan. Lalo na si Zevria na busangot na ngayon ang mukha."You said we were eating here po momma." Todo reklamo si Zevria. "And Kuya Spike and I are not yet done playing po.""I'm sorry about that. There's an emergency at work. I need to go there." Pagsisinungaling ko.Nagtext na kasi si Alaina, ayaw ko naman na maghintay pa ang mga tao. "Is that more important than us po?" Inosente ang pagkakasabi ni Zevria, pero parang nadurog ang
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang ending lang din ng plano na gusto kong mangyari ay sa restaurant gaganapin ang kaarawan ng mga anak ko. Kasalukuyan kong kasama ang dalawang anak ko, nakaupo sila sa likod. Habang ako ang nagda-drive. Minsan ko sila na sinusulyapan, at talagang tahimik lang silang nakaupo. Tinatanaw ang paligid. Kailangan ko muna silang i-gala, para hindi sila makahalata. Hindi naman na sila bago doon. Noong nasa US kasi kami kung hindi ko man maharap na ipagluto sila tulad ng lagi nilang request, lumalabas na lang kami. Ang kaibahan lang hindi namin kasama si Manang Cecil dahil siya rin ay tumutulong sa ginagawa na set up sa restaurant.*Flashback* Nang makapagdecide ako kung ano ang gagawin, nagpadala ako ng mensahe kay Alaina at Elian. Sila ang alam kong makakatulong para maisagawa iyon. To: Alaina, Eli If you two aren't busy. Can we meet after work? Segundo lang ang hinintay ko nang may natanggap na akong mensahe mula kay Alaina. Napaghahalataan n
Agad kong kinuha ang telepono ko nang marinig kong tumunog iyon.Alaina Calling...Nang makita kong si Alaina pala ang tumatawag hindi na ako nag-abala pa na magdalawang-isip kung sasagutin ko o hindi."Hello…" Masayang bati ko. Kanina ko pa kasi talaga hinihintay ang tawag niya.[I can sense your excitement,] Puna niya. Kung iba siguro siya, kanina pa siguro ako nainis. Iyon ba naman ang bungad niya. Walang hello man lang? Pero dahil, talagang excited ako at hindi ko maitatanggi iyon. Palalampasin ko."Yeah," Pag-amin ko.Sobrang tagal ko kayang hinintay ang araw na mangyari 'to. Siguro, ganoon naman talaga para sa isang ina, kapag dumating ang araw na iyon. Ikaw ang una talagang masisiyahan. Well, iyong ibang parents naman ayaw pa nilang tumanda ang mga anak nila, pero ako sobrang excited ako. Kahit naman kasi tumanda silang dalawa. Sila pa rin naman ang baby ko, walang magbabago roon.Narinig kong napabuntong-hininga sa kabilang linya. [But... we have a problem.]Hindi ko alam kung
Minsan pala darating sa buhay na masasaktan ka, hindi dahil nag fail ka sa buhay o pisikal kang sinaktan. Kung hindi dahil sa mga taong gustong humingi ng tawad mula sa iyo.Iyong masasaktan ka dahil bakit kailangan pa nilang magpakita sa akin? Bakit hindi na lang sila naglaho? Hindi iyong bumalik ako, tapos bumalik din sila sa buhay ko.Sa una pa lang naman dapat iniisip nila maigi kung ano ang kahahantungan nang ginawa nila, hindi iyong pabigla-bigla silang magdedesisyon. Tapos kung kailan nila gustong humingi ng tawad, gagawin nila. Paano naman akong ayaw silang makita? Akala ba nila madali lang para sa akin iyon?Hindi naman malaking bagay sa akin kung hindi sila humingi ng tawad basta huwag lang silang magpapakita, dahil hindi rin naman na ako interesado na marinig pa ang mga paliwanag nila.Kung mayroon man akong gustong mangyari, ang prioridad ko ay matupad iyong mga binubuo kong pangarap at katahimikan sa buhay.Ganoon naman kasi talaga na darating sa puntong hihilingin mo ang
Pagkaalis ng mga anak ko kasama si Alaina, muli kong tinuon ang sarili sa pagkain dahil papasok pa ako ng trabaho."Manang," Pagtawag ko. Naka-dalawang beses pa ako ng tawag bago lumabas si Manang Cecil, siguro naglalaba siya ng mga damit sa likod.“Tawag mo ba ako?” Kita ko ang pag-aalangan ni Manang Cecil, medyo mahina na rin siguro ang pandinig niya.Tumango ako. "Si Elian po, nakita ninyo?"Kanina pa kasi ako nandito sa kusina, wala pa akong nakikitang bumababa mula sa kanyang kwarto. Hindi naman sa salas unang pupunta iyon, paniguradong sa kusina. Hindi na ako nagulat na hindi siya banggitin ng mga anak ko, dahil kahit naman hindi nila sabihin ramdam ko sa kinikilos nila na malayo pa rin ang loob nila sa kanya."Nagpaalam siya kaninang may aasikasuhin," Tugon ni Manang Cecil.Napakunot naman ang noo ko. Bakit hindi siya nagsabi man lang sa akin? "Anong oras po siya umalis?"Mukhang nagtatampo yata ang loko, dahil hindi ko kinausap kagabi. Hindi naman niya ako masisisi, pagod kaya