It started from the Vaccination Site

It started from the Vaccination Site

last updateLast Updated : 2023-01-11
By:   iirxsh  Completed
Language: English
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
39Chapters
2.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Lei Kali Angeles, isa siyang barista sa isang Milk Tea Shop. Dahil sa pandemic, nagbawas ng tao ang kanyang pinapasukan na shop. Ngunit, sa mga nagdaan na buwan, unti-unti itong bumalik, at isa siya sa mapalad na tinawagan ng kanyang employer para muling magtrabaho. Pero tila ang kasiyahan niya nang matanggap ang balitang iyon ay kaakibat ng isang negatibong balita. Naging mandatory ang pagpapa-vaccine ng mga tao. Paano na kaya siya ngayon? Kung isa pa naman sa kinakatakutan niya ay ang magpa-inject. Sa pagkakataon kaya na iyon, handa na siyang harapin ang kanyang takot? O mananatili siyang tatalikuran iyon katulad kung paano niya hindi hinarap ang mga kakulangan sa kanyang pagkatao dahil sa iyon ang kinalakihan niya sa kanyang ina? Maging daan kaya ang mandatory vaccine, para tuluyan na niyang harapin ang kanyang mga takot na matagal at palagi niyang tinatalikuran?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

“H-Hello,” Antok kong sabi. Sino ba naman kasing may kapal ng mukha na tatawag sa akin ng sobrang aga! Alam ba niyang kakatulog ko lang? Ugh! Kainis! Minsan na nga lang ako maka-pag puyat, at magising sa oras na gustong gusto ko. May nang istorbo pa! Buhay nga naman oh, laging unfair. “Ang aga pa! Istorbo ka kung sino ka man!” Inis kong dagdag. Wala pa rin akong naririnig mula sa kabilang linya kaya naman inis kong tinignan ang cellphone ko, pipikit pikit pa talaga ang mata ko kasi inaantok pa ako. Pero halos manlaki ang mata ko sa nabasa ko kung sino ang tumatawag. Gusto kung murahin ng ilang beses ang sarili ko! Bakit naman kasi hindi mo muna binabasa, Kali? Kung minamalas nga naman! Napabalikwas pa ako, muntik ko pang ika-hulog iyon sa kama. Nakailang beses pa akong lunok bago ako nagsalita muli. Parang nawalan ako ng boses. “M-Miss Manager… kayo po pala ‘yan,” Natatawa na wika ko na ikinangiwi ko lang. “Pasensya na ma’am. Alam niyo naman kapag walang shift, napapasarap a...

Interesting books of the same period

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

No Comments
39 Chapters
Prologue
“H-Hello,” Antok kong sabi. Sino ba naman kasing may kapal ng mukha na tatawag sa akin ng sobrang aga! Alam ba niyang kakatulog ko lang? Ugh! Kainis! Minsan na nga lang ako maka-pag puyat, at magising sa oras na gustong gusto ko. May nang istorbo pa! Buhay nga naman oh, laging unfair. “Ang aga pa! Istorbo ka kung sino ka man!” Inis kong dagdag. Wala pa rin akong naririnig mula sa kabilang linya kaya naman inis kong tinignan ang cellphone ko, pipikit pikit pa talaga ang mata ko kasi inaantok pa ako. Pero halos manlaki ang mata ko sa nabasa ko kung sino ang tumatawag. Gusto kung murahin ng ilang beses ang sarili ko! Bakit naman kasi hindi mo muna binabasa, Kali? Kung minamalas nga naman! Napabalikwas pa ako, muntik ko pang ika-hulog iyon sa kama. Nakailang beses pa akong lunok bago ako nagsalita muli. Parang nawalan ako ng boses. “M-Miss Manager… kayo po pala ‘yan,” Natatawa na wika ko na ikinangiwi ko lang. “Pasensya na ma’am. Alam niyo naman kapag walang shift, napapasarap a
last updateLast Updated : 2022-07-04
Read more
Chapter 1
"Gumising ka na, Kali!" Bumaling ulit ako sa kabila, habang pikit pa rin ang mata ko. Kulang na lang takpan ko na ang tainga ko, kaso kahit naman gawin ko rinig ko pa rin ang boses ni mama. Walang katulad, nag iisa. Pwede na nga siyang maging living megaphone sa ingay ng boses niya. Hindi ko na rin lubos mabilang kung pang-ilang ikot ko na, hindi ko pa naman nararamdaman ang sakit. Kaya ayos lang. Kung kailan laging masarap ang tulog ko, doon lagi nasisira. Kanina pa kasi ako ginigising ni mama, dahil sabay sabay kaming magpa-pa vaccine. Pero, kasi ayaw kong magpa-vaccine. Kaya nagtutulog-tulugan ako. "Anong oras na oh!" Sa pang limang pagkakataon, niyugyog na ako ni mama. Mukhang hindi na siya nakatiis pa, magkaroon ka ba naman ng anak na matigas pa ang ulo sa bato. Halos mabalian na ako ng buto. Kung hindi ko lang siguro 'to nanay, ewan ko na lang. Syempre, joke lang. "Ma, naman..." Apila ko. Ayaw ko kasi talaga, kahit baliktaran pa ang mundo. Ayaw ko! Nabanggit ko kasi sa k
last updateLast Updated : 2022-07-04
Read more
Chapter 2
"Bakit ang tagal mo?" Grabe talaga! Kakapasok ko pa lang ng pinto, iyon agad ang bungad ni mama. Hindi man lang ako pinaupo muna. Sobra kaya akong napagod, si mama talaga, oh. Alam ba niya lahat ng pinagdaanan ko ngayong araw? "Ang tagal mo ring sumagot!" Tila nauubos ang pasensya niyang sabi, o baka ang pasensya niya sa akin ang nauubos na? "Ang tagal mag inject ng nurse, mama." Pagdadahilan ko. Sana lumusot! "Anong matagal?" Galit nitong wika, halatang duda sa dahilan ko. "Magkasunod lang naman tayo, patingin nga ako ng Vaccination Card mo." Tungkol sa Vaccination Card na ‘yan. Muntik ko pang maiwan kanina, kung hindi lang pinaalala sa akin ni nurse bago ako tuluyan na umalis. Napasimangot ako ng hinablot niya iyon sa akin. "Nurse Nieva rin pala sa iyo, eh. Bakit matagal sa iyo? Ang bilis nga niyang na-inject sa amin ng ate mo." Magkaiba naman kasi tayo mama. Gusto kong sabihin 'yon. Syempre, hindi ko ginawa. Dahil ayaw kong makutungan! Kawawa ako. "Sabihin mo nga... an
last updateLast Updated : 2022-07-04
Read more
Chapter 3
Lumipas ang dalawang araw, tapos na ang oras ng aking pagpapahinga. Iyon kasi ang sabi ng boss namin, kapag nagpa-vaccine ka. Automatic na dalawang araw kang naka-off.Sobrang bilis nga ng araw, mas mabuting pumasok na lang sana ako. Wala naman akong ginawa, kung hindi inutusan lang ni mama. Wala naman kasi akong nararamdaman na sakit, kahit sila mama at ate ay wala. Sadyang depende yata talaga sa tao 'yan. Kung alaga niya ang kanyang katawan.Kahit papaano naman ay may isang bagay na para sa akin sobrang nakakaganda ng bawat gising ko.Kausap ko ng dalawang araw si Nurse Wyatt. Hindi ko siya nakakausap ng umaga hanggang hapon, tuwing gabi lang. Dahil nga naka-duty siya sa Vaccination Site, pero nakakatanggap naman ako ng mensahe sa kanya bago siya pumunta ng site. Ganoon din kapag break time nila at syempre kapag nakauwi na siya. Kapag pumatak ang oras na iyon, diretso na kaming magkausap. Humingi ulit ako ng tawad doon sa nangyari. Sobrang ikinalaki ng mata ko nang mabasa ko ang ka
last updateLast Updated : 2022-07-04
Read more
Chapter 4
"Not yet, but soon." Ano ang ibig niyang sabihin doon? Na hindi ko pa siya boyfriend ngayon, pero soon? Meaning possible na maging kami? "Hey, are you okay?" Napapitlag ako mula sa pagkakaupo. Pagkatapos niyang guluhin ang isipan ko, tapos nanggu-gulat pa. Nag-iisip ako, eh. Kapag tungkol talaga sa kanya, nag-iisip ako. Gumagana ang utak ko. "O-Oo." Nautal pa nga. Hanep talaga! "Parang hindi." Binusisi niya ang mukha ko. Inilayo ko naman ang ulo ko, baka mamaya madumi pala ang mukha ko. Makita pa niya, edi another kahihiyan na naman. Bakit ganoon? Pagdating sa kanya, nahihiya ako. Dati nga nadadapa pa ako, una mukha. Ayos lang naman, pero ngayon halos katiting na dumi hindi ko kayang ipakita sa kanya. Normal pa ba 'to? Or normal pa ba ako? Pagkatapos kasi naming makipagtalo doon sa mga grupo ng lalaki. Saktong end na pala ng shift ko. Hanggang 5pm lang ako, request ko iyon. Dahil hanggang alas singko lang ang mga sasakyan sa paradahan. Alangan namang sabihin ko sa mga driver
last updateLast Updated : 2022-08-16
Read more
Chapter 5
"Ang corny." Iritado ang pagkakasabi niya noon, pero mas nakaka-irita ang boses niya. Hay, may isang manok na naman na nag comment. Akala ba niya, importante ang opinyon niya? Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako, para kunin ang gamit ko. Pinaghintay ko na sa baba si Nurse Wyatt. Ayaw ko siya rito, baka malingat lang ako. May manok ng tutuklaw, ako lang dapat. Joke lang! "Famous, girl. Hindi naman maganda!" Inartehan pa talaga niya. Ano bang pinaglalaban ng babae na ‘to? Hindi na ako nakapagpigil, ang dami siyang say, eh! Hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. "Pag inggit, pikit!" Pagpaparinig ko. Kung gawin ko kaya siyang sahog sa pancit, sa tingin ba niya nakakapagsalita pa siya? "Aba't!" Kahit hindi ko siya kita, ramdam ko ang galit sa boses niya. Hindi ko kasalanan na natamaan siya, hindi ko na nga pinansin. Tapos kapag napansin, mag-iinit. Magaling na nilalang! "Don't you dare!" May awtoridad na boses sa likod niya ang may sabi noon. Hindi ko maiwasang n
last updateLast Updated : 2022-08-17
Read more
Chapter 6
"May naghahanap sa iyo." Napatingin ako sa kumalabit sa akin. Si manager pala namin. Sa nagdaang dalawang linggo, palagi kaming nag-uusap na. Sobrang gaan talaga ng loob ko sa kanya, na hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy kung bakit. "Sino po, ma'am?" Saglit ko siyang binalingan at binalik ang tingin sa ginagawa ko. "Sabi ko naman sa iyo, huwag ng ma'am, eh. Ate na lang." Nakakalimutan ko kasi minsan. Nakailang sabi siya sa akin niyan, pero hindi pa rin ako sanay. Syempre, isa siya sa boss ko. Tsaka ayaw kong may pumuputak sa mga manok. Masakit sa tainga. Paulit-ulit pa! "Sorry, ate.” Paghingi ko ng tawad. “Sino po?" Pag-uulit ko. Napatingin naman ako sa tinuro niya. Ah, si Nurse Wyatt lang pala. Ngumiti lang ako kay Ate Manager. "Go, you can talk to him." Tinungo ko ang pwesto ni Nurse Wyatt, mabuti na lang wala halos customers. Maga-alas kwatro na kasi ng hapon, tapos na siguro ang duty neto. Kaya nandito na siya. Sa loob ng dalawang linggo. Tuwing darating si Nurse Wyat
last updateLast Updated : 2022-08-18
Read more
Chapter 7
"A-Anak..." Sino ba ang tinutukoy niyang anak? Si Miss Manager ba ang anak niya? Kaya ba sobrang laki ng mansyon na 'to, dahil anak si Miss Manager nang isang mayaman na lalaki? Ngayon lang sila magkikita, at sa birthday pa ng anak niya? Surprise kong ganoon. Ang swerte naman pala ni ma'am. Isang napakagandang regalo ang natanggap niya. Ang tunay na regalo na kailanman hindi mapapantayan ng kahit ano. Ang magkaroon ng ama, sa tabi at gagabayan ka hanggang sa pagtanda mo. Gumilid kami nang magsimula itong maglakad papunta sa gawi ni Miss Manager. Pero ang ipinagtataka ko ay nang tumigil siya sa tapat ko. Habang nakatingin pa rin kay Miss Manager na parang nag uusap ang kanilang mata. Tila ba tignan niya lang si Miss Manager, alam na niya ang ibig nitong sabihin. "A-Anak," "P-Po?" Gulat kong wika. Hindi naman anak ang pangalan ko. Mas lalong wala na iyong papa ko. "Anak ko..." Luh? Napano 'to? Hindi ko alam ang gagawin ko, sa itsura pa lang niya mukhang iiyak na. "Sorry po, pe
last updateLast Updated : 2022-08-19
Read more
Chapter 8
"Anak din ba ako ni gago, mama?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Hindi ko siya masisisi, talagang magugulat siya dahil alam ko na. Iyong matagal na niyang itinatanggi sa akin. Wala pa man confirmation mula sa kanya, pero dama ko na ang katotohanan. Sa reaksyon ba naman na pinakita niya, talagang buking na sila ni Ate Kela. Na mas mapait pa sa ampalaya! "P-Paano mo nasabi 'yan?" Ramdam ko ang kaba sa boses ni mama. Tila gulat pa rin siya, at kita ko sa kanyang mata kung paano niya iniiwasan ang usapin na iyon. "Sabihin mo nga ang totoo, Kali!" Sigaw ni ate. Kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya, litaw din ang galit sa kanyang mata. "Nagkita na ba kayo?!" "Oo!" Taas noo kong sigaw sa kanila. "Nagkita na kami ng gagong tinutukoy mo, mama." Natatawa na wika ko. "Mr. Leonardo Buenavista, anak niya si Lucas Buenavista. Tama, ‘di ba?" Hindi sila sumagot sa akin, pero ramdam ko ang nagbabadyang galit nila. "Uulitin ko mama, anak din ba ako ni Mr. Buenavista? Oo o hindi lan
last updateLast Updated : 2022-08-20
Read more
Chapter 9
Tulad ng hiling ko kay papa, pinagbigyan niya ako. Na mamalagi muna ako sa kanya, kahit alam kong makakasama ko si Lucas etse Kuya Lucas sa iisang bubong. Kung saan ginanap ang birthday ni Miss Manager, doon niya ako dinala. Bahay pala iyon ni papa. Kahit hindi na ako magtanong, alam kong kaya dito ginanap ang birthday ni Miss Manager ay dahil malapit sila ni Kuya Lucas, baka nga hindi niya iyon totoong kaarawan at sinet-up lang talaga ang birthday na iyon para malaman ko ang totoo. Well, nagtagumpay naman sila. Ngayon ko rin napagtanto kung bakit mabait sa akin si Miss Manager, dahil malapit sila ni Kuya Lucas. Naalala ko rin noon kung paano niya ako ipagtanggol doon sa isang ka-trabaho ko. Pagkatapos naming mag-usap ni papa, sinabi ko kay Nurse Wyatt na kanila papa muna ako uuwi. Pupuntahan pa sana niya ako, kaso hindi na ako pumayag. Kasi nasa duty siya noon, at para hindi na rin niya ako puntahan doon sa inuupahan kong bahay. Siya kasi lagi ang nagdadala ng pagkain ko sa loob
last updateLast Updated : 2022-08-21
Read more
DMCA.com Protection Status