All Chapters of It started from the Vaccination Site: Chapter 21 - Chapter 30

39 Chapters

Chapter 20

"Anong niluluto mo, friendship?" Hindi ko na nilingon pa kung sinong nagtanong noon, isa lang naman ang nagpauso niyang friendship na tawagan dito. Halos lahat naman ng ka-trabaho namin iyon din pala ang tinatawag niya. Medyo umasa ako sa part na ako lang ang friendship niya. Iyon pala marami kami. Baka ganoon talaga ang nature niya, palakaibigan. Siya rin kasi ang daldal nang daldal, eh. Iyon bang laging nagsisimula ng topic. "Jadey, ihaw to!" Pagtama ko. Inihaw ko muna kasi 'yong laman ng baboy, iyon kasi ang sabi nitong si Jadey. Magaling din kasi siyang magluto, siya nga ang taga-luto rito, eh. "Friendship, luto rin naman iyon." Pinagpilitan pa talaga niya. "Samahan mo na nga lang ako rito." Utos ko, kaysa magtalo pa kaming dalawa. Kanina pa kasi masakit ang kamay ko. Medyo marami pa akong iniihaw, nag-request din kasi si Miss Manager na gusto niya. Kaya dinagdagan ko na. Inaabot ko sa kanya ang pamaypay, pero kita ko ang hindi pagsang-ayon sa mata ni Jadey. "Sige, hindi ka
last updateLast Updated : 2022-10-19
Read more

Chapter 21

"Mommy, why do we need to go home po?" Tanong ng baby boy ko na si Spike, nakanguso pa siya. Medyo mahiyain ang isang 'to. Minsan lang magtanong. Kaya bawat tanong niya, sinusubukan ko laging sagutin. "Isn't our home here, po?" Kyuryoso niyang dagdag. Nabanggit ko kasi sa kanila na kailangan na naming umuwi ng Pilipinas, gustuhin ko man na dito na lang kami tulad nang gusto nila. Pero hindi talaga pwede, may mga bagay na kailangan akong harapin. Hindi na iyon pwedeng ipagpaliban pa, dahil matagal nang naghihintay sa akin. “Yes, anak,” Tumango pa ako. “But, our real home is in the Philippines.” Lagi ko naman na ipinapaliwanag iyon, para kung dumating man sa puntong kailangan naming umuwi. Hindi na ako mahihirapan pa na ipaliwanag sa kanila. Tumango lang siya sa akin, at muling ibinalik ang atensyon sa panonood ng telebisyon. Sa mahigit pitong taon na lumipas, sa US ang naging tahanan namin. Dito ako dinala ni Miss Manager matapos ang huling pangyayari na pinagdaanan ko sa Pilipina
last updateLast Updated : 2022-10-21
Read more

Chapter 22

Kinaumagahan, maaga ko nang ginising ang mga bata dahil ngayon ang flight namin pauwi ng Pilipinas.Maaga ko na silang pinatulog kagabi, para hindi na ako mahirapan na gisingin sila ngayong araw. Napakahirap pa naman nilang gisingin, lalo na si Zevria.Hindi na ako magugulat kung kanino siya nagmana, dahil kahit saang anggulo ko tingnan. Hindi kami mapaglalayo sa isa't isa. Ganyan din kasi ako noong bata pa ako. Mas malala nga lang yata siya sa akin.Kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan kasama namin si Manang Cecil dahil mamayang tanghali pa naman ang flight namin. Pero kailangan na dalawang oras bago ang flight namin dapat nandoon na kami sa airport. Iyon ang paalala sa akin ni Miss Manager, mahirap daw kasi baka maiwan kami.Ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin nababawasan iyong nilagay kong kanin at ulam sa plato ni Zevria. Nakatitig lamang siya roon. Habang ang kambal naman niya na si Spike tahimik lang na kumakain. Hindi naman na sila nagpapasubo pa sa akin, kaya naman
last updateLast Updated : 2022-10-29
Read more

Chapter 23

"What are you doing here?"Nanatiling nakataas ang kilay ko sa kanya. Paano na napunta siya rito? Sa pagkakaalam ko kasi busy siya kakalibot sa iba’t ibang bansa dahil sinusulit daw niya ang pagiging binata niya. Base iyon sa huli naming pag-uusap. Ngumuso naman si Eli. "Love, you're so mean to me!" Bakas ang pagtatampo sa boses niya.Napairap na lang ako. Nagpapaawa na naman ang lalaki na ‘to. Sa tingin ba niya aandar sa akin iyon? Asa siya! Kung sipain ko kaya siya pabalik kung saan siya nanggaling. May pa-love love pa siyang nalalaman, eh? Marami naman siyang babae!"Tigilan mo ako!" Sita ko. Alam naman niyang naririnig kami ng kambal ko, mabuti sana kung hindi nila maintindihan. Eh, mukhang mas matalino pa sa akin ang dalawang ‘to. Binalingan ko na sila Manang Cecil at ang mga kambal. "Let's go."Si Miss Manager ang magsusundo sa amin, iyon ang usapan naming dalawa. Maghihintay na lang muna kami ng kaunti, baka may ginagawa pa kasi siya kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya nak
last updateLast Updated : 2022-10-29
Read more

Chapter 24

"Spike, Zevria..." Marahan kong tapik sa pisngi ng kambal ko. Nakarating na kasi kami sa bahay ni Elian. "Hm..." Ungot ni Zevria, nasa session na naman kami ng pahirapan manggising ng batang babae. Hindi na bago sa kanya na bumaling sa kabila tuwing ginigising siya at ayaw niyang magpagising. "Mommy, where are we po?" Mapungay ang mata ni Spike, kinukusot-kusot pa niya iyon. "We were in my place, young man." Si Eli na ang sumagot. Kumunot naman ang noo ng anak ko. "Why are we here, po? Mommy, I thought we'd go to Ninang Manager po?" Baling niya sa akin, halata kong iwas na iwas siya kay Elian. Hindi niya man lang binalingan ng tingin, eh. Siraulo kasi si Elian. "Uhm, she just messaged me that she's not at home because she's busy, anak..." Paliwanag ko. Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila, iyon nga lang nagkaproblema dahil napaka-wrong timing nang pagpunta ni Kuya Lucas sa bahay ni Miss Manager. Napangisi ako, mukhang may namamagitan na talaga sa kanila. Nakita kong tumango naman
last updateLast Updated : 2022-11-11
Read more

Chapter 25

Nang marinig ko ang pangalan ko, hindi na ako nag-atubili pa at lumapit na ako sa tabi ni Alaina.Sobrang lawak ng ngiti ko, nagpapatunay lamang iyon kung gaano kasaya iyong puso ko ngayon.Iyong ngiti ng mga tao, iyong sarap sa tainga ng kanilang palakpakan. Hindi kailanman nakakabingi, dahil ang palakpak na iyon ay isang senyales ng paghanga, suporta at para sa akin isang ebidensya na nakamit ko ang isa sa plano ko sa buhay.Ang makapagpatayo ng sarili kong restaurant.Malaki ang parte ng pagiging barista ko noon, isa iyong magandang experience na tumulong sa akin kung paano ko hinarap ang trabaho ko ngayon. Kung ano ang mayroon ako ngayon, dahil din sa mga pinagdaanan ko noon."Good morning," Nakangiting bati ko, punong-puno ang puso ko sa kagalakan. "Isa pong karangalan sa akin, na ako'y nasa harap ninyong lahat ngayon. Ang makita po kung gaano karaming tao ngayon ang nag-aabang at naghihintay ngayon, bago po namin buksan ang restaurant... ay sobrang laking bagay po sa akin iyon."
last updateLast Updated : 2022-11-12
Read more

Chapter 26

Sa buhay hindi talaga maiiwasan na may darating na taong laging wrong timing. Hindi iyong kung paano sila dumating literal sa buhay natin. Pero iyong ideya na pagdating nila sa mga seryosong usapan. Nasa kalagitnaan ka ng seryosong usapan. Lagi silang may spot, parang sa raffle gusto laging may slot. Sinamaan ko ng tingin si Elian. Napangiwi siya nang makita ang mukha ko. Sobrang lawak pa ng ngiti niya kanina, akala talaga niya ako lang mag-isa, eh. Hindi ba siya sinabihan ni Alaina? O, baka naman sinabi naman sa kanya. Hindi lang siya naniwala! "I-I'm sorry, I didn't know Kali was with someone." Paghingi niya ng paumanhin. Mabilis siyang tumalikod para sana makalabas na, pero huli na iyon. "Wait," Pigil ni papa. Ito na nga ba ang sinasabi ko, wala na namang takas sa katanungan ang lalaking 'to. Mabuti sana kung maayos 'tong kausap. Eh, mas malala pa siya sa akin. "Yes, sir?" Pormal niyang tanong. Nanatili pa rin siyang nakatayo kung saan ang pwesto niya kanina. Inimuwestra nama
last updateLast Updated : 2022-11-21
Read more

Chapter 27

Iyong ideya na gusto kong tanungin pa ang mga magulang ko, kung para saan ang mga iyon. Kung bakit may kampihan na nagaganap? Kaso hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na gawin iyon dahil kailangan daw nilang umalis at babalikan na lang nila ako mamayang gabi, para raw sa dinner namin. Gustuhin ko man sabihin na hindi ako pwede, dahil kailangan kong bumalik sa bahay ni Elian dahil sa mga anak ko. Kaso ayaw ko namang tanggihan ang mga magulang ko, dahil ngayon lang kami nagkausap muli matapos ko silang taguan ng ilang taon. Baka iba pa ang maging pagkakaintindi nila kapag iyon ang sasabihin ko."Mamaya na lang anak, ha. May kailangan lang kaming asikasuhin ni papa mo."Tumango ako, at ngumiti kay mama. Pinilit kong hindi ipahalata sa kanya, na may porsyento sa akin na hindi ako sang-ayon sa gusto nilang dinner mamayang gabi. May nararamdaman akong kakaiba!"Sige po, ingat kayo." Tugon ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinagkan sila pareho sa pisngi. Saglit nilang binalingan
last updateLast Updated : 2022-11-26
Read more

Chapter 28

Minsan sa buhay, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga pagsubok na binibigay o iyong mga surpresa na talagang gugulantang sa buong pagkatao ko. Alam ko naman na hindi iyon maiiwasan. Hindi ko alam kung sa puntong ito paborito ba ako o minamalas lang talaga ako. Talaga yatang araw ko ngayon, dahil ginugulat ako ng mga pangyayari.Ako ang umuwi ng Pilipinas, para i-surprise sila. Pero, mukhang ako na naman ang nasurprise sa mga kaganapan.Inis akong bumaling sa kasama kong lalaki. Hindi ko alam kung paanong nakasakay ako sa sasakyan niya ngayon. Kung paanong sumama ako sa kanya? "Where the hell are you going to take me?" Mataray kong sabi, hindi ko maiwasang mapairap.Nanatili lang ang paningin ko sa kanya. Naghihintay ng kanyang sagot, pero halos mandilim na ang paningin ko wala pa rin akong nakuha na sagot mula sa kanya. Mas lalo lang namumuo ang galit sa dibdib ko.Walang hiya 'tong Nurse na 'to. Hihilain ako, tapos hindi pala ako kakausapin.Kung iignorahin lang pala niya
last updateLast Updated : 2022-12-15
Read more

Chapter 29

Hindi ko maiwasan na kabahan. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Bakit kailangan ng ganoon!"H-Huh? Re-Recap? Ba-Bakit?"Kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nauutal. Hindi naman ako ganoon, pero ngayon na kaharap ko siya ulit. Parang nawawalan ako ng tapang sa katawan. Nakakapanghina ang kanyang presensya. Sobrang bilis talaga nang tibok ng puso ko. Bakit kailangan kong maramdaman 'to? Nanatili lamang ang tingin ko sa kanya. Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin, pero nakausli pa ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. "Relax girlfriend..." Nakangising aniya.Relax? Ang kapal talaga ng mukha niya! Kung palit kaya kami, siya ang maging ako. Para maramdaman niya ang pinaparamdam niya sa akin ngayon.Wala sa mga gusto kong mangyari ang bagay na 'to. Hindi ko man lang ito naisip na posibleng mangyari. Ang nais ko lang naman ay tahimik na buhay kasama ang mga anak ko, at iyong tuparin pa ang ibang mga plano ko. Ang makita siyang muli? Well, hindi naman maiiwasan
last updateLast Updated : 2022-12-27
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status