"Mommy, why do we need to go home po?" Tanong ng baby boy ko na si Spike, nakanguso pa siya. Medyo mahiyain ang isang 'to. Minsan lang magtanong. Kaya bawat tanong niya, sinusubukan ko laging sagutin. "Isn't our home here, po?" Kyuryoso niyang dagdag. Nabanggit ko kasi sa kanila na kailangan na naming umuwi ng Pilipinas, gustuhin ko man na dito na lang kami tulad nang gusto nila. Pero hindi talaga pwede, may mga bagay na kailangan akong harapin. Hindi na iyon pwedeng ipagpaliban pa, dahil matagal nang naghihintay sa akin. “Yes, anak,” Tumango pa ako. “But, our real home is in the Philippines.” Lagi ko naman na ipinapaliwanag iyon, para kung dumating man sa puntong kailangan naming umuwi. Hindi na ako mahihirapan pa na ipaliwanag sa kanila. Tumango lang siya sa akin, at muling ibinalik ang atensyon sa panonood ng telebisyon. Sa mahigit pitong taon na lumipas, sa US ang naging tahanan namin. Dito ako dinala ni Miss Manager matapos ang huling pangyayari na pinagdaanan ko sa Pilipina
Kinaumagahan, maaga ko nang ginising ang mga bata dahil ngayon ang flight namin pauwi ng Pilipinas.Maaga ko na silang pinatulog kagabi, para hindi na ako mahirapan na gisingin sila ngayong araw. Napakahirap pa naman nilang gisingin, lalo na si Zevria.Hindi na ako magugulat kung kanino siya nagmana, dahil kahit saang anggulo ko tingnan. Hindi kami mapaglalayo sa isa't isa. Ganyan din kasi ako noong bata pa ako. Mas malala nga lang yata siya sa akin.Kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan kasama namin si Manang Cecil dahil mamayang tanghali pa naman ang flight namin. Pero kailangan na dalawang oras bago ang flight namin dapat nandoon na kami sa airport. Iyon ang paalala sa akin ni Miss Manager, mahirap daw kasi baka maiwan kami.Ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin nababawasan iyong nilagay kong kanin at ulam sa plato ni Zevria. Nakatitig lamang siya roon. Habang ang kambal naman niya na si Spike tahimik lang na kumakain. Hindi naman na sila nagpapasubo pa sa akin, kaya naman
"What are you doing here?"Nanatiling nakataas ang kilay ko sa kanya. Paano na napunta siya rito? Sa pagkakaalam ko kasi busy siya kakalibot sa iba’t ibang bansa dahil sinusulit daw niya ang pagiging binata niya. Base iyon sa huli naming pag-uusap. Ngumuso naman si Eli. "Love, you're so mean to me!" Bakas ang pagtatampo sa boses niya.Napairap na lang ako. Nagpapaawa na naman ang lalaki na ‘to. Sa tingin ba niya aandar sa akin iyon? Asa siya! Kung sipain ko kaya siya pabalik kung saan siya nanggaling. May pa-love love pa siyang nalalaman, eh? Marami naman siyang babae!"Tigilan mo ako!" Sita ko. Alam naman niyang naririnig kami ng kambal ko, mabuti sana kung hindi nila maintindihan. Eh, mukhang mas matalino pa sa akin ang dalawang ‘to. Binalingan ko na sila Manang Cecil at ang mga kambal. "Let's go."Si Miss Manager ang magsusundo sa amin, iyon ang usapan naming dalawa. Maghihintay na lang muna kami ng kaunti, baka may ginagawa pa kasi siya kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya nak
"Spike, Zevria..." Marahan kong tapik sa pisngi ng kambal ko. Nakarating na kasi kami sa bahay ni Elian. "Hm..." Ungot ni Zevria, nasa session na naman kami ng pahirapan manggising ng batang babae. Hindi na bago sa kanya na bumaling sa kabila tuwing ginigising siya at ayaw niyang magpagising. "Mommy, where are we po?" Mapungay ang mata ni Spike, kinukusot-kusot pa niya iyon. "We were in my place, young man." Si Eli na ang sumagot. Kumunot naman ang noo ng anak ko. "Why are we here, po? Mommy, I thought we'd go to Ninang Manager po?" Baling niya sa akin, halata kong iwas na iwas siya kay Elian. Hindi niya man lang binalingan ng tingin, eh. Siraulo kasi si Elian. "Uhm, she just messaged me that she's not at home because she's busy, anak..." Paliwanag ko. Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila, iyon nga lang nagkaproblema dahil napaka-wrong timing nang pagpunta ni Kuya Lucas sa bahay ni Miss Manager. Napangisi ako, mukhang may namamagitan na talaga sa kanila. Nakita kong tumango naman
Nang marinig ko ang pangalan ko, hindi na ako nag-atubili pa at lumapit na ako sa tabi ni Alaina.Sobrang lawak ng ngiti ko, nagpapatunay lamang iyon kung gaano kasaya iyong puso ko ngayon.Iyong ngiti ng mga tao, iyong sarap sa tainga ng kanilang palakpakan. Hindi kailanman nakakabingi, dahil ang palakpak na iyon ay isang senyales ng paghanga, suporta at para sa akin isang ebidensya na nakamit ko ang isa sa plano ko sa buhay.Ang makapagpatayo ng sarili kong restaurant.Malaki ang parte ng pagiging barista ko noon, isa iyong magandang experience na tumulong sa akin kung paano ko hinarap ang trabaho ko ngayon. Kung ano ang mayroon ako ngayon, dahil din sa mga pinagdaanan ko noon."Good morning," Nakangiting bati ko, punong-puno ang puso ko sa kagalakan. "Isa pong karangalan sa akin, na ako'y nasa harap ninyong lahat ngayon. Ang makita po kung gaano karaming tao ngayon ang nag-aabang at naghihintay ngayon, bago po namin buksan ang restaurant... ay sobrang laking bagay po sa akin iyon."
Sa buhay hindi talaga maiiwasan na may darating na taong laging wrong timing. Hindi iyong kung paano sila dumating literal sa buhay natin. Pero iyong ideya na pagdating nila sa mga seryosong usapan. Nasa kalagitnaan ka ng seryosong usapan. Lagi silang may spot, parang sa raffle gusto laging may slot. Sinamaan ko ng tingin si Elian. Napangiwi siya nang makita ang mukha ko. Sobrang lawak pa ng ngiti niya kanina, akala talaga niya ako lang mag-isa, eh. Hindi ba siya sinabihan ni Alaina? O, baka naman sinabi naman sa kanya. Hindi lang siya naniwala! "I-I'm sorry, I didn't know Kali was with someone." Paghingi niya ng paumanhin. Mabilis siyang tumalikod para sana makalabas na, pero huli na iyon. "Wait," Pigil ni papa. Ito na nga ba ang sinasabi ko, wala na namang takas sa katanungan ang lalaking 'to. Mabuti sana kung maayos 'tong kausap. Eh, mas malala pa siya sa akin. "Yes, sir?" Pormal niyang tanong. Nanatili pa rin siyang nakatayo kung saan ang pwesto niya kanina. Inimuwestra nama
Iyong ideya na gusto kong tanungin pa ang mga magulang ko, kung para saan ang mga iyon. Kung bakit may kampihan na nagaganap? Kaso hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na gawin iyon dahil kailangan daw nilang umalis at babalikan na lang nila ako mamayang gabi, para raw sa dinner namin. Gustuhin ko man sabihin na hindi ako pwede, dahil kailangan kong bumalik sa bahay ni Elian dahil sa mga anak ko. Kaso ayaw ko namang tanggihan ang mga magulang ko, dahil ngayon lang kami nagkausap muli matapos ko silang taguan ng ilang taon. Baka iba pa ang maging pagkakaintindi nila kapag iyon ang sasabihin ko."Mamaya na lang anak, ha. May kailangan lang kaming asikasuhin ni papa mo."Tumango ako, at ngumiti kay mama. Pinilit kong hindi ipahalata sa kanya, na may porsyento sa akin na hindi ako sang-ayon sa gusto nilang dinner mamayang gabi. May nararamdaman akong kakaiba!"Sige po, ingat kayo." Tugon ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinagkan sila pareho sa pisngi. Saglit nilang binalingan
Minsan sa buhay, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga pagsubok na binibigay o iyong mga surpresa na talagang gugulantang sa buong pagkatao ko. Alam ko naman na hindi iyon maiiwasan. Hindi ko alam kung sa puntong ito paborito ba ako o minamalas lang talaga ako. Talaga yatang araw ko ngayon, dahil ginugulat ako ng mga pangyayari.Ako ang umuwi ng Pilipinas, para i-surprise sila. Pero, mukhang ako na naman ang nasurprise sa mga kaganapan.Inis akong bumaling sa kasama kong lalaki. Hindi ko alam kung paanong nakasakay ako sa sasakyan niya ngayon. Kung paanong sumama ako sa kanya? "Where the hell are you going to take me?" Mataray kong sabi, hindi ko maiwasang mapairap.Nanatili lang ang paningin ko sa kanya. Naghihintay ng kanyang sagot, pero halos mandilim na ang paningin ko wala pa rin akong nakuha na sagot mula sa kanya. Mas lalo lang namumuo ang galit sa dibdib ko.Walang hiya 'tong Nurse na 'to. Hihilain ako, tapos hindi pala ako kakausapin.Kung iignorahin lang pala niya
"I-I'm begging you, p-please... I need it for my baby." I was staying in my condo unit alone. Actually, I am resting. But someone called, saying someone was looking for me. To be honest, I don't really have time for whoever that person is. I even told them to let that person leave because I was busy. Pero nagpupumilit daw siya, at sinasabi pa na kilala ko siya. Nang bumaba ako, ineexpect ko na importanteng tao sa akin dahil sinabi niyang kilala ko siya. Pero hindi pala! I was about to turn my back, but she started saying nonsense. She's even crying, and a lot of people were looking at us. Sa ginagawa niya, nauubos lang ang pasensya ko sa kanya. She was named Angel by her parents, but she would be death to me. I keep telling her to stop messing with me. But she keeps on visiting me at my place. I hate it! I never liked the idea! "I may hate you for what you did. But I will never lower myself to waste my time for you. I have more important things to do with my time," Inis kong sabi.
I went straight to my car and drove to the possible place where I knew that Kali would go. Iba iyong kaba na nararamdaman ko ngayon, sinasabayan pa ng panginginig. Luckily, I managed to drive my car and arrive safely at the place. You're so stup*d, Wyatt! Why did you let her leave you?! I should have followed her immediately, but at some point, I wanted to stop Angel with whatever drama or plans she had to do against me and Kali. Pagkarating ko sa mansyon nila Mr. Buenavista, agad akong bumaba ng kotse. Naabutan ko pa si Lucas. I bet he's going somewhere. "Where is Kali?" Bungad ko sa kanya, nagulat pa siya na nasa harap na niya ako, but I don't care. I only want to see Kali, para makapante na ako. Kahit makita lang. That would be enough for me. I’ll give her time whenever she’s ready to talk to me. "Why are you looking for Kali? She's not here!" Sigaw niya sa akin, tila walang lugar sa kanya ang kumausap ng tao sa mahinahon na paraan. "Lucas, please. I know how much you hate
"Nurse Nieva, isa ka po sa pinatawag ni Doktora."Tumango lang ako. "Thank you, nurse," she said sweetly.It's not new to me, but I don't think I have time for it. That is something I don't think I am capable of giving time to.Tumalikod na ako at tinungo ang opisina ni Doktora. Kumatok muna ako at hinintay ang hudyat niyang pwede na akong pumasok."Come in."That's only my cue to enter her office. "Good morning, Doktora," I greeted her.Inimuwestra niya ang upuan. Malugod naman akong umupo. "Good morning, Nurse Nieva. This isn't part of the plan, since there were a lot of people who were volunteering themselves for the vaccine. We need more nurses to undergo it, and I want you to be part of it," Imporma niya sa akin. "It's not a problem for me, Doktora. When am I going to start?"She smiled. "As soon as possible, nurse."Tulad ng sabi ni Doktora. I need to start as soon as possible.Nang marating ko ang Vaccination Site agad kong ginala ang paningin ko. I can say she's right. Maram
"Did you regret that you said yes to me?"Napatingin ako kay Wyatt, may bahid ng pag-aalangan sa kanya. Para bang ilang beses niyang pinag-isipan kung tama bang itanong niya iyon sa akin.Binaling kong muli ang tingin sa dagat, napaisip ako sa tanong niya. Noong una talaga ang nasa isip ko. Iyong mga anak ko, handa akong gawin makita ko lamang ang ngiti sa kanilang mga labi. Hindi ko kayang ipagkait sa mga anak ko ang kasiyahan na ilang taon ko ng ipinagkait sa kanila. Kapag ganoon muli ang gagawin ko, panigurado na dudurugin ko sila. Pero aaminin kong dahil sa sinabi ni Elian. Parang mas naging litaw iyong sarili kong dahilan.Iyong pansarili kong dahilan.*Flashback*"Lei, marry me... I want to prove to you that all your accusations against me were wrong, and give me the chance to give our kids the family they both deserve."Doon niya nakuhang muli ang atensyon ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binibigkas niya, para bang isang bala na masasabi kong iyon na ang huling taya ni
Nilapitan ko agad ang mga anak ko, pagkatago ko pa lang ng telepono ko. Sinenyasan ko silang lumapit sa akin, nagtataka pa sila noong una. Pero lumapit din naman sila.Lumuhod ako sa harapan nila. Pinunasan ko ang noo nila pareho gamit ang likod ng palad ko, kahit naman malamig pinagpawisan pa rin sila. "Turn around, Kuya Spike." Masunurin naman na tumalikod ang anak ko. Chineck ko ang likod niya kung pinagpawisan na, nilagyan ko ng towel. Ganoon din ang ginawa ko kay Zevria."We're leaving now." Anunsyo ko sa kanila, na tingin ko hindi nila pareho nagustuhan. Lalo na si Zevria na busangot na ngayon ang mukha."You said we were eating here po momma." Todo reklamo si Zevria. "And Kuya Spike and I are not yet done playing po.""I'm sorry about that. There's an emergency at work. I need to go there." Pagsisinungaling ko.Nagtext na kasi si Alaina, ayaw ko naman na maghintay pa ang mga tao. "Is that more important than us po?" Inosente ang pagkakasabi ni Zevria, pero parang nadurog ang
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang ending lang din ng plano na gusto kong mangyari ay sa restaurant gaganapin ang kaarawan ng mga anak ko. Kasalukuyan kong kasama ang dalawang anak ko, nakaupo sila sa likod. Habang ako ang nagda-drive. Minsan ko sila na sinusulyapan, at talagang tahimik lang silang nakaupo. Tinatanaw ang paligid. Kailangan ko muna silang i-gala, para hindi sila makahalata. Hindi naman na sila bago doon. Noong nasa US kasi kami kung hindi ko man maharap na ipagluto sila tulad ng lagi nilang request, lumalabas na lang kami. Ang kaibahan lang hindi namin kasama si Manang Cecil dahil siya rin ay tumutulong sa ginagawa na set up sa restaurant.*Flashback* Nang makapagdecide ako kung ano ang gagawin, nagpadala ako ng mensahe kay Alaina at Elian. Sila ang alam kong makakatulong para maisagawa iyon. To: Alaina, Eli If you two aren't busy. Can we meet after work? Segundo lang ang hinintay ko nang may natanggap na akong mensahe mula kay Alaina. Napaghahalataan n
Agad kong kinuha ang telepono ko nang marinig kong tumunog iyon.Alaina Calling...Nang makita kong si Alaina pala ang tumatawag hindi na ako nag-abala pa na magdalawang-isip kung sasagutin ko o hindi."Hello…" Masayang bati ko. Kanina ko pa kasi talaga hinihintay ang tawag niya.[I can sense your excitement,] Puna niya. Kung iba siguro siya, kanina pa siguro ako nainis. Iyon ba naman ang bungad niya. Walang hello man lang? Pero dahil, talagang excited ako at hindi ko maitatanggi iyon. Palalampasin ko."Yeah," Pag-amin ko.Sobrang tagal ko kayang hinintay ang araw na mangyari 'to. Siguro, ganoon naman talaga para sa isang ina, kapag dumating ang araw na iyon. Ikaw ang una talagang masisiyahan. Well, iyong ibang parents naman ayaw pa nilang tumanda ang mga anak nila, pero ako sobrang excited ako. Kahit naman kasi tumanda silang dalawa. Sila pa rin naman ang baby ko, walang magbabago roon.Narinig kong napabuntong-hininga sa kabilang linya. [But... we have a problem.]Hindi ko alam kung
Minsan pala darating sa buhay na masasaktan ka, hindi dahil nag fail ka sa buhay o pisikal kang sinaktan. Kung hindi dahil sa mga taong gustong humingi ng tawad mula sa iyo.Iyong masasaktan ka dahil bakit kailangan pa nilang magpakita sa akin? Bakit hindi na lang sila naglaho? Hindi iyong bumalik ako, tapos bumalik din sila sa buhay ko.Sa una pa lang naman dapat iniisip nila maigi kung ano ang kahahantungan nang ginawa nila, hindi iyong pabigla-bigla silang magdedesisyon. Tapos kung kailan nila gustong humingi ng tawad, gagawin nila. Paano naman akong ayaw silang makita? Akala ba nila madali lang para sa akin iyon?Hindi naman malaking bagay sa akin kung hindi sila humingi ng tawad basta huwag lang silang magpapakita, dahil hindi rin naman na ako interesado na marinig pa ang mga paliwanag nila.Kung mayroon man akong gustong mangyari, ang prioridad ko ay matupad iyong mga binubuo kong pangarap at katahimikan sa buhay.Ganoon naman kasi talaga na darating sa puntong hihilingin mo ang
Pagkaalis ng mga anak ko kasama si Alaina, muli kong tinuon ang sarili sa pagkain dahil papasok pa ako ng trabaho."Manang," Pagtawag ko. Naka-dalawang beses pa ako ng tawag bago lumabas si Manang Cecil, siguro naglalaba siya ng mga damit sa likod.“Tawag mo ba ako?” Kita ko ang pag-aalangan ni Manang Cecil, medyo mahina na rin siguro ang pandinig niya.Tumango ako. "Si Elian po, nakita ninyo?"Kanina pa kasi ako nandito sa kusina, wala pa akong nakikitang bumababa mula sa kanyang kwarto. Hindi naman sa salas unang pupunta iyon, paniguradong sa kusina. Hindi na ako nagulat na hindi siya banggitin ng mga anak ko, dahil kahit naman hindi nila sabihin ramdam ko sa kinikilos nila na malayo pa rin ang loob nila sa kanya."Nagpaalam siya kaninang may aasikasuhin," Tugon ni Manang Cecil.Napakunot naman ang noo ko. Bakit hindi siya nagsabi man lang sa akin? "Anong oras po siya umalis?"Mukhang nagtatampo yata ang loko, dahil hindi ko kinausap kagabi. Hindi naman niya ako masisisi, pagod kaya