Nakaupo sa bench si Hope. Halos mapudpod na ang kuko niya sa daliri dahil sa kangangatngat niya rito. Hindi siya mapakali. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Angenette. Pinagmukha siya nitong masama sa mga mata ng tao. Higit sa lahat sa mga mata ni Isaac.(Flashback)"Hindi na ako magpapaliguyligoy pa, Angenette. I'm begging you. Please stay away from my husband. Alam kong hindi naging maganda ang pagtatapos ng relationship niyo ni Isaac, pero Angenette ang lahat ng 'yon ay parte na lang ng nakaraan. Please, move on. Huwag mo na kaming guluhin ng asawa ko," pakiusap ni Hope.Kagat ang ibabang labi na napaluha si Angenette. Huminga siya nang malalim bago muna nagsalita. "I'm sorry, Hope... But I love him. Alam kong ako ang puno't dulo kung bakit tayo humantong sa ganito. And I am very sorry for dragging you into this mess... Alam ko na sobrang kapal ng mukha ko para sabihin 'to... Pero Hope, he was mine first... "Kung hindi lang sana ako naging mahina, kung hindi lang sana ako
Magbasa pa