Home / Romance / My Sweetest Downfall (Tagalog) / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of My Sweetest Downfall (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20

56 Chapters

Chapter 9

"What exactly happened to you, Isaac?" pabulong na tanong ni Hope habang pinagmamasdan ang mukha ng tulog na si Isaac. Nakahiga ito ngayon sa mahabang sofa sa salas ng kan'yang condo unit.Matapos siyang alukin ng kasal ni Isaac ay nawalan na ito ng malay dahil sa labis na kalasingan samantalang siya naman ay naiwang gulat na gulat at hindi alam kung paniniwalaan ba ang mga narinig.Sinubukan niyang hawakan ang mga hibla ng buhok nito subalit natigilan siya nang umungol ito at nalulungkot na tinawag ang pangalan ni Angenette. Napabuntong-hininga siya.Malinaw pa sa alaala ni Hope ang hitsura ni Isaac habang naghahanda ito sa gagawing marriage proposal para kay Angenette no'ng nakita niya ito sa restaurant. Sobrang saya at excited nito nang gabing iyon.Tumingin siya sa kan'yang kamay at pinagmasdan ang singsing na isinuot ni Isaac sa kaniya kanina. Simple lang ang disenyo ng singsing subalit napakaganda pa rin nitong tingnan sa kan'yang daliri. Pangarap niya lang noon ang maranasan na
Read more

Chapter 10

Ilang minuto nang nakatitig si Zeke sa sariling repleksyon sa malaking salamin sa banyo ng hotel kung saan idadaos ang kasalan nina Hope at Isaac. Bahagya siyang natawa sa sarili nang mapansin ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mga mata. Magmula kasi nang ibalita sa kaniya ni Hope na magpapakasal na ito kay Isaac ay hindi na siya nagkaroon ng maayos na tulog."Kasalan mo rin naman kung bakit napunta siya sa iba kaya wala kang karapatang magmukmok ngayon na akala mo katapusan na ng mundo. You deserve it, as**h**e," nakangisi niyang sabi sa sarili habang nakatitig pa rin sa kaniyang repleksyon.Nang lumabas ng banyo, dumeretso kaagad siya sa silid kung saan naghihintay si Hope bago magsimula ang kasal. Pagbukas niya ng pinto ay sakto namang may lumabas na mga bisita na marahil ay pinuntahan si Hope upang batiin."Zeke! Kanina pa kita hinihintay!" sabi ni Hope sa kaniya nang makapasok na siya.He came to a halt when he saw the breathtaking view of Hope. On the large white couch, Hope
Read more

Chapter 11

"Ano?! Hindi kayo mag-ha-honeymoon?!" dismayadong bulalas ni Lorna kina Hope at Isaac. Pinaypay nito sa mukha ang palad sabay naupo sa mahabang sofa. Excited itong bumisita sa bahay ng bagong mag-asawa upang alamin kung saan ng mga ito plano mag-honeymoon subalit nagulantang siya nang marinig ang tugon ng mga ito.Inilapag ni Hope sa maliit na mesa ang tinimplang juice para sa Mama Lorna ni Isaac na siyang mother-in-law niya na ngayon. Naupo siya sa katapat nitong sofa. "Hindi naman po sa gano'n, Mama Lorna. Napagdesisyunan lang po namin ni Isaac na i-postpone muna iyon kasi pareho kaming busy sa trabaho.""Marami akong naka-schedule na operation sa mga susunod na linggo at may ilan na rin para sa susunod na buwan... Si Hope naman po ay may mga projects na dapat tapusin next month kaya wala talagang malulugaran 'yang sinasabi ninyong honeymoon," segunda naman ni Isaac na kabababa lang mula sa kwarto matapos nitong magbihis upang pumasok na sa trabaho."Pero importante ang honeymoon sa
Read more

Chapter 12

Hindi umiimik si Hope habang tuwid na tuwid na nakahiga sa kama nila ni Isaac. Mula sa kulay puting kisame, lumipat ang kaniyang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas onse na ng gabi. Bumaling siya kay Isaac na kasalukuyan namang nakaupo pa rin sa couch habang nakatutok ang mga mata sa laptop. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ito. Iniisip kung ganoon ba palagi ang routine nito. Maghapon na kasi ito sa trabaho sa ospital at ngayon namang nasa bahay na ay trabaho pa rin ang inaatupag nito.Mabilis siyang nagbawi nang tingin nang lumipat ang mga mata ni Isaac sa kaniya. Parang tuod siyang napahiga na naman nang tuwid."Gising ka pa rin pala... Am I keeping you awake?" nakangiting tanong nito sa kaniya.Nilingon niya ito at naiilang na nginitian. "Are you still working?"Isinara na ni Isaac ang laptop at tumayo na. "No, I'm done for the day," sagot nito. Tumungo na ito sa switch ng ilaw na nasa dingding at isinara iyon. Kaagad na dumilim ang paligid. Dahil na
Read more

Chapter 13

"How many times do I have to tell you, Hope na huwag na huwag kang tatanggap ng regalo sa fans mo nang hindi dumadaan sa akin?" nakakrus ang mga brasong sabi ni Zeke kay Hope habang seryosong nakatitig sa higanteng teddy bear na nakaupo sa sofa. Bilang parte kasi ng pag-iingat niya sa kaniyang mga artista, mabusisi niya munang sinusuri ang mga regalong ipinapadala ng mga tagahanga nito bago ito ipaabot sa kanila.Iginiya siya ni Hope patungo sa tabi ng teddy bear at pinaupo sa tabi niyon."Ano pa'ng magagawa ko eh dito na mismo sa bahay dineliver si Shasha?" wika naman ni Hope."Shasha? At talagang pinangalanan mo na siya ha," nakasimangot niyang sabi sabay hampas sa mukha n'ong teddy bear.Ngumuso si Hope, saka naupo na rin sa maliit na sofa, sa tapat niya. "Zeke, please huwag na nating pagtalunan ito, okay? Isa pa, Shasha's harmless. Tingnan mo nga kung gaano siya ka-cute! And most importantly, kulay pink siya."Walang kangiti-ngiti niya namang nilingon ulit si Shasha. Sinuri niyang
Read more

Chapter 14

Hindi magawang alisin ni Hope ang mga mata sa mukha ng natutulog na ngayong si Isaac habang nakaunan siya sa braso nito. Naroon pa rin ang matatamis niyang ngiti habang inaalala ang nangyari sa kanila kanina. Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na isinuko niya na ang kaniyang sarili rito. Hindi niya rin naman itinatanggi na nagustuhan niya ang nangyari sa pagitan nila dahil ang totoo, matagal niya nang hinihintay na mangyari iyon. Sa kabila ng ligayang nararamdaman, may mga katanungan pa rin na gumugulo sa kaniyang isipan. Hindi niya maiwasang isipin kung ano ang nagtulak kay Isaac para angkinin na siya nito nang gabing iyon. Naakit ba ito sa kaniya dahil sa mga sinabi niya? Mahal na ba siya nito? O baka dahil lang iyon sa pangangailangan nito bilang isang lalaki?Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip, napabuntong-hininga na lamang siya at nakapikit na napailing. Ano pa man ang dahilan ni Isaac ay wala na siyang pakialam. Ang importante sa kaniya, ito ang unang lalaki na nakakuha n
Read more

Chapter 15

5 years later..."Siguro ang saya-saya mo kasi araw-araw kang nakakakita ng magagandang artista," sabi kay Zeke ng kaniyang ka-blind date na hindi niya na maalala ngayon ang pangalan.Pang-ilang blind date niya na nga ba ito sa buwang iyon? Anim? Walo? Hindi niya na tiyak. Ni hindi niya na nga rin maalala ang mga pangalan at mukha ng ilan sa mga naka-date niya.Kung si Zeke ang masusunod, ayaw niyang pumunta sa mga blind date na iyon ngunit dahil sa ang mga magulang niya ang nag-set niyon, wala siyang ibang magagawa kundi ang sumunod dahil iyon ang hininging kapalit ng mga ito sa kaniya sa hindi niya ginawang pagsunod sa yapak ng papa niya na chairman ng isang malaki at kilalang kompanya. Isa siya sa mga nakahilerang tagapagmana ng kanilang kompanya subalit dahil sa ibang propesyon ang pinili niya ay hindi na siya kabilang sa mga ito."Tingin ko mas bagay sa 'yo na mag-artista kaysa maging manager. Ayaw mo ba?" dagdag na sabi pa ng ka-date ni Zeke.Matipid itong na nginitian ni Zeke ba
Read more

Chapter 16

Pagkatapos ng limang taon, may ngiti sa mga labing bumalik si Angenette sa dating bayan na kaniyang kinalakihan; ang bayan ng Duncan Mills at sa pagkakataong iyon ay kasama niya na ang apat na taong gulang niyang anak na si Timothy o kaya mas madalas niyang tawagin sa palayaw na Timmy.Sa isang maliit na apartment niya napiling tumira, malapit sa isang police station."Hindi naman pala ganoon karami ang mga gamit mo, kung sabagay maliit pa lang naman ang anak mo," sabi ng landlady ng apartment na kaniyang uupahan nang makiusyoso ito nang nagsimula na ang mga pahinante ng truck sa pagbaba ng mga gamit na kaniyang binili.Nginitian ni Angenette ang ginang. "Opo," tugon niya, saka bumaling kay Timmy na panay ang takbo sa gilid ng daan habang hila-hila ang tali ng laruan nitong kabayo. "Timmy, please huwag ka na pong tumakbo kasi nagtatrabaho rito sina Kuya," malambing niyang saway sa anak. Kaagad naman itong sumunod sa kaniya at naupo na sa maliit na silya sa tabi ng pintuan ng kanilang a
Read more

Chapter 17

"Wala pa ba kayong planong magkaanak?"Muntik nang mabilaukan si Hope sa tanong sa kanila ni Isaac ng biyanan niyang si Lorna. Inimbitahan sila nito sa isang dinner sa residential home ng mga Monteverdi para gunitain ang death anniversary ng lolo ni Isaac na si Mr. Roger Monteverdi. Kasalo rin nila sa pagtitipong iyon ang mga tiyahin, tiyuhin, at mga pinsan ni Isaac na karamihan sa mga ito ay buhat pa ng ibang bansa.Naiilang na nginitian ni Hope si Lorna bago bumaling kay Isaac na nakaupo sa kaniyang tabi. Nakatuon lamang si Isaac sa kinakaing steak at tila ba hindi man lang nito binigyang pansin ang tanong sa kanila ng Mama Lorna nito."Hindi naman kaya wala kang kapasidad magbuntis, hija?" walang pag-aalinlangan tanong sa kaniya ng Auntie Georgia ni Isaac.Sabay-sabay namang napalingon ang lahat kay Isaac nang walang pag-iingat nitong inilapag sa pinggan ang ginagamit na tinidor at kutsilyo dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay. Tila ba ibig niyang iparating sa lahat na hin
Read more

Chapter 18

Pagkatapos ng trabaho sa ospital, nagpasya si Isaac na pumunta sa mall upang maghanap ng pwede niyang ipasalubong kay Hope pag-uwi niya. Gusto niyang bumawi rito dahil alam niyang sumama ang loob nito kanina kahit pa hindi naman nito iyon sinabi sa kaniya. Hope is a very considerate person at kahit kailan ay hindi ito nagpakita sa kaniya ng kagaspangan ng ugali. Lagi siya nitong iniintidi at ni minsan ay hindi rin siya nito sinumbatan sa mga pagkukulang niya. Napakabait nito at ayaw na nakakadagdag sa mga alalahanin niya."What should I get her?" tanong ni Isaac sa sarili pagkababa ng kotse.Naglalakad na siya patungo sa entrance ng mall nang matanaw niya si Hope na palabas doon. Napangiti siya at naisip na mas mabuting alukin niya na lamang itong kumain sa paborito nitong restaurant. Iyon na lang siguro ang gagawin niya para makabawi rito.Binilisan niya na ang kaniyang mga hakbang. "Hope!" Itinaas niya ang kaniyang kamay at kinawayan ito nang malapit na siya.Mabilis namang lumingon
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status