Pagkatapos ng trabaho sa ospital, nagpasya si Isaac na pumunta sa mall upang maghanap ng pwede niyang ipasalubong kay Hope pag-uwi niya. Gusto niyang bumawi rito dahil alam niyang sumama ang loob nito kanina kahit pa hindi naman nito iyon sinabi sa kaniya. Hope is a very considerate person at kahit kailan ay hindi ito nagpakita sa kaniya ng kagaspangan ng ugali. Lagi siya nitong iniintidi at ni minsan ay hindi rin siya nito sinumbatan sa mga pagkukulang niya. Napakabait nito at ayaw na nakakadagdag sa mga alalahanin niya."What should I get her?" tanong ni Isaac sa sarili pagkababa ng kotse.Naglalakad na siya patungo sa entrance ng mall nang matanaw niya si Hope na palabas doon. Napangiti siya at naisip na mas mabuting alukin niya na lamang itong kumain sa paborito nitong restaurant. Iyon na lang siguro ang gagawin niya para makabawi rito.Binilisan niya na ang kaniyang mga hakbang. "Hope!" Itinaas niya ang kaniyang kamay at kinawayan ito nang malapit na siya.Mabilis namang lumingon
"Are you that happy?" walang kaemo-emosyong tanong ni Zeke kay Hope habang nasa gitna sila ng pagkain ng tanghalian sa kaniyang bahay. Kasalukuyan nilang hinihintay na bumalik ang kaniyang inang si Margaret na bumisita sa mga kaibigan na matagal nitong hindi nakita.Nasa bahay niya ngayon si Hope dahil gusto itong makita ng mom niya na kagagaling lamang mula sa ibang bansa. Dahil sa malapit si Hope sa pamilya niya ay pinaunlakan naman nito ang imbitasyon.Habang wala pa ang ina niya ay pinagkuwentuhan muna nila ni Hope ang asawa nitong si Isaac. Ayon kay Hope, unti-unti na raw nitong nagigiba ang pader na nakapagitan sa kanila ni Isaac. Nagiging malambing na raw ito at sinusubukan na ring mag-open up sa kaniya.Pulang-pula naman ang pisngi na tinanguan siya ni Hope bilang tugon sa tanong niya rito. "It seems like he's starting to appreciate me. Tingin ko nag-work na ang mga efforts ko, Zeke."Mataray na napangiti nang mapakla si Zeke. "After 5 years ngayon ka lang niya na-appreciate? I
Sobrang excited si Hope habang papunta siya sa Duncan Mills Hospital. Dahil sa malapit lang naman ang mall kung saan nagpasama sa kaniya ang biyanan na si Lorna para mag-shopping ay nagpasya siyang daanan si Isaac para sabay na silang umuwi. Gusto niya sana itong sorpresahin subalit pagdating niya roon ay mukhang siya ang nasorpresa dahil sa kaniyang nadatnan."Angenette?" Pinilit niya ang ngumiti kahit kung anu-ano na naman ang mga pumapasok na senaryo sa kaniyang isip. Bakit parang napapadalas na yata ang pagkikita nila? At bakit ito nandoon sa ospital? Sinusundan ba nito si Isaac? Babawiin na ba nito ito sa kaniya?Mabilis na sinaway ni Hope ang sarili sa isip. She's being paranoid again.Napatingin si Hope kay Isaac nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng kamay nito sa kaniyang likod. "Bakit nagpunta ka rito sa ospital? Masama ba ang pakiramdam mo?"Nakangiti niyang inilingan ito. "No, gusto ko lang sanang sumabay sa 'yo pauwi. Sinamahan ko kasi si Mama Lorna na mag-shoppi
"You're early," wika ni Isaac nang datnan niya si Hope sa kusina na naghahanda ng kanilang agahan.Nginitian siya nang matamis ni Hope bago muling bumaling sa nilulutong bacon. "That's because I had a good night sleep... You?"Marahan siyang tumango bilang tugon at naupo na sa kanilang hapag-kainan. "Yeah, I slept well too.""Day-off mo, right? Do you have any plans today?" tanong ni Hope nang lumapit na ito sa mesa at inihain ang niluto. Naupo na rin ito sa katapat niyang upuan pagkatapos."I'm planning to buy some office supplies.""Should I go with you?" nakangiting tanong nito."May bibilhin ka rin ba?" patanong na tugon niya. Medyo nalungkot si Hope dahil hindi ganoon ang inaasahan niyang tugon mula kay Isaac."Wala naman, I just thought na baka kailangan mo ng kasama."Nginitian siya ni Isaac. "Mabilis lang naman ako, saka for sure mababagot ka lang doon."Nginitian niya si Isaac kahit na mas lalo siyang na-disappoint sa sinabi nito. So, it's a no.Pagkatapos ng pag-uusap ay ka
"Ingat po kayo pag-uwi Mr. Chavez," paalala ni Isaac sa kaniyang matandang pasyente bago ito lumabas ng kaniyang opisina.Nakangiti siyang sumandal sa kaniyang swivel. Nakakapagod ang buong mag-hapon niyang trabaho sa ospital pero tila ba hindi niya man lang ininda iyon. Pakiramdam niya nga ay kaya niya pang tumanggap ng ilan pang pasyente bago tuluyang matapos ang shift niya sa araw na iyon.Ramdam niya ang malaking pagbabago sa kaniya ngayon, at hindi niya itatanggi na si Angenette ang dahilan niyon. Hindi niya pa rin lubos akalain na ganoon pala kaganda sa pakiramdam ang pagpapatawad. Ngayong nawala na ang sama ng loob niya rito ay sobrang gaan at payapa na ng kalooban niya.Napatingin siya sa kaniyang phone nang tumunog iyon. Angenette sent him a message. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang mabasa niya ang balita nito na tanggap na ito sa trabaho."Mukhang good mood si Grumpy ngayon ah."Napalingon si Isaac sa pinto nang marinig ang boses doon ni Doc Kevin. Bahagy
Pakanta-kanta si Hope habang naglilinis ng kanilang living room. Sobra siyang excited kasi day-off na ni Isaac at ngayon na sila bibili ng pangregalo para sa birthday ng Tita Yvette niya. Plano niya, pagkatapos nilang bumili ng mga regalo ay yayain niya itong manood ng sine. Sobrang tagal na kasi noong huling beses nilang ginawa iyon.Napalingon si Hope nang bumaba na si Isaac mula sa kanilang silid. Napangiti siya nang makitang bihis na bihis ito. Katulad niya, mukhang excited din itong lumabas kasama siya.Noong mga nakaraan, medyo naging balisa siya. Dinibdib niya iyong gabi na nakita niya si Isaac sa basement na tinitingnan ang luma nitong larawan kasama si Angenette. Pero nawala na ngayon ang pangamba niya kasi napansin niya lately na may nagbago kay Isaac. Parang good mood ito palagi at naging mas malambing sa kaniya. She knew his sudden change was quite odd pero wala siyang pakialam as long as na masaya sila nito sa relasyon nila."Don't you think you're too early, Isaac?" nakan
"Are you feeling better now?" tanong ni Doc Kevin kay Hope matapos nitong ilapag sa mesa ang strawberry flavored ice cream na nasa cup.Pagkatapos makasalubong at makita si Hope ni Doc Kevin sa eskinita na nasa ganoong sitwasyon, inaya nito itong sumama sa isang ice cream shop.Ngumiti nang matamlay at tumango si Hope. "Salamat," matipid niyang sabi, saka tinitigan ang ice cream na binili sa kaniya ni Doc Kevin."Hindi ako sigurado kung mahilig ka sa strawberry pero kulay pink kasi siya kaya 'yan na lang ang in-order ko," sabi ni Doc Kevin nang maupo na ito sa tapat niya.Hope let out a soft laugh. "I didn't know na alam mo palang mahilig ako sa kulay pink."Napakamot sa batok si Doc Kevin. "Ah, napanood kasi kita noon sa isang interview. Nabanggit mo na paborito mo ang kulay pink."Tumangu-tango si Hope bilang tugon, saka sinimulan nang kaining ang ice cream. "Bakit ka nga pala nasa labas? Hindi ba dapat nasa ospital ka ngayon?"Sumandal sa upuan si Doc Kevin at hinubad ang suot na ca
"What are you doing?" Nakakunot at naguguluhang tanong ni Hope kay Zeke. Mahigpit siyang nakakapit sa magkabilang balikat ng binata at nakakandong pa rin rito. Sinubukan niyang tumayo subalit nakahawak ang kamay nito sa baywang niya at pinipigilan siyang kumilos.Tinitigan ni Zeke si Hope sa mga mata. Ramdam niya ang pagtama ng hininga nito sa kaniyang mukha. Gusto niya itong halikan subalit alam niyang isang malaking kabaliwan iyon kapag ginawa niya.Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi ni Zeke at saka inilapit ang bibig sa tainga ni Hope. "I like seeing your husband's reaction. It's priceless," aniya nang maaninag si Isaac sa isang tabi.Mabilis na tinulak ni Hope si Zeke at tumayo na. "Pasaway ka talaga!" kunwari'y naiinis na sabi ngunit napakalapad naman ng ngiti nito. Nilingon ni Hope si Isaac at tumatawang tinuro rito si Zeke. "He's teasing you, Isaac. Teach him a lesson!"Nagtawanan naman ang lahat ng mga nasa salas. Nakitawa rin naman si Isaac kahit pa naaasiwa na ito.Tumay
Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo
"I'm home," matipid ang ngiti na bati ni Hope kay Isaac nang datnan niya ito sa kanilang living room. Sa halip na batiin siya pabalik ay nanatili lamang na tahimik si Isaac habang seryoso ang tingin sa kaniya. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at hinarap siya. "Honey?""You're with him again. Bakit parang napapadalas naman yata masyado ang pagkikita ninyo?" Bakas ang disappointment sa mukha at tono ng pananalita nito.Sakay ng wheelchair, nilapitan niya ito. "Isaac, alam mo naman na friends na kami ni Kevin, so normal lang naman na magkita kami paminsan-minsan. Isa pa, wala ka naman dapat ipag-alala. You guys are colleagues.""Wala nga ba dapat akong ipag-alala?"Naniningkit ang mga mata na tiningala niya ang asawa. "What are you trying to imply?"Marahas na bumuntonghininga si Isaac, saka umiling-iling. "Wala," matipid at walang gana nitong sagot, saka naglakad na paakyat sa kanilang silid. "I'm tired. Magpapahinga na ako."Walang kaemo-emosyon namang sinundan ng tingin ni Hope si Isa
Walang paglagyan ang tuwa ni Doc Kevin nang makatanggap ng tawag mula kay Hope. Hindi malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit gusto nitong makipagkita sa kaniya ngayon subalit hindi niya na iniisip iyon; ang mahalaga makikita at makakasama niya ulit si Hope ngayon. Dali-dali siyang nag-out sa trabaho at nakipagkita na kay Hope. Sinundo niya ito sa isang bus stop. "I'm glad you called. Alam mo, I had so many patients today, sobrang nakakapagod. Mabuti na nga lang, e, puro out patient lang. Kung nagkantaon na mayroon akong surgery today, naku, baka hindi ko nagawang makipagkita sa 'yo ngayon," kwento niya habang nagmamaneho. "Doc Kevin." Nilingon niya si Hope sa shotgun seat. "Yes?" balik niya rito. Napansin niya na tila nag-aalangan ito. Medyo kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. "Are you stalking me?" biglang tanong nito. Nagulat siya at bahagyang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Nagpasya siyang itabi ang minamanehong sasakyan pagkatapos, alangani
"So, what you're trying to say is itong number one fan kong ito at si Doctor Kevin ay iisa? Hmmm, hindi kaya nagkataon lang na bumili rin si Doc Kevin ng pink roses para sa girlfriend niya?" Naihilamos ni Zeke ang palad sa mukha pagkatapos ng sinabi ni Hope. Sa kabila kasi ng mga ebidensiya na inilalatag niya rito ay hanap pa rin ito nang hanap ng posibleng rason para luminis ang imahe ng Doctor Kevin na iyon. "What about their handwriting? Are you still just going to shrugged it off kahit obvious naman na pareho nilang sulat-kamay 'yan?" May bahid na ng inis sa boses ni Zeke. Nakanguso namang napatangu-tango si Hope habang pinagkukumpara ang mga sulat ng fan niya sa sulat ni Doctor Kevin doon sa table napkin. "Yeah, they do look similar... Pero—" "Hope, please, stop... Alam ko na nakikita mo rin kung ano ang nakikita ko." "Okay, let's say na si Doc Kevin nga itong fan ko? So what? What's wrong with being my fan?" Napaawang ang bibig ni Zeke sa narinig. "You're joking, right?" "
"Should I tell her? Pero paano kung lumayo siya kapag sinabi ko na alam ko na ang totoo?" natutulirong tanong ni Zeke sa sarili. Nasa coffee shop siya ngayon. Nakaugalian niya nang dumaan doon upang bumili ng kape bago siya pumasok sa trabaho. Halos ilang gabi na siyang napupuyat kaiisip sa dahilan kung bakit kailangang magsinungaling ni Hope sa kaniya at sa pamilya nito tungkol sa pagkakaroon nito ng amnesia. Isa lamang kasi ang naiisip niyang posibleng dahilan kaya ginagawa nito iyon, walang iba kundi dahil sa may pinaplano ito laban sa asawa nitong si Isaac. Hindi maiwasan ni Zeke ang ma-guilty dahil pinag-iisipan niya nang ganoon si Hope. Kilalang-kilala niya kasi ito at wala sa personalidad nito ang gumanti sa kapwa. Pero iba kasi ang sitwasyon nito ngayon. Masyado itong nasaktan sa mga nangyari noon at kahit sinumang makaranas ng naranasan nito noon ay talagang makakaisip gumawa ng masama laban sa mga nanakit dito. Bukod do'n, para kay Zeke ay sapat na rin ang mga nakita ni
"Hope honey, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses kanina. Sobra lang talaga kasi akong nag-alala," sinserong paghingi ng tawad ni Isaac kay Hope. Nasa loob sila ngayon ng kanilang silid at magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang gilid ng kama. Patuloy pa rin sa paghikbi si Hope at hindi pinapansin si Isaac. Maingat na sumampa sa kama si Isaac at umusog palapit kay Hope. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Sorry na, please?" malambing niyang bulong sa asawa pagkatapos, ipinatong niya ang baba sa balikat nito. "I wasn't able to take your calls kasi nasa operating room ako." Umiiyak na umismid si Hope. "Hindi mo ba nabasa ang text ko?" Naguluhan naman si Isaac dahil wala siyang naaalalang text message na natanggap mula rito. Hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cell phone at nakumpirma na wala talaga siyang natanggap na text. Ipinakita niya ang cell phone kay Hope. Napahinto naman agad sa pag-iyak si Hope at nagtatakang kinuha sa kaniya ang cell phone
"Baka mauna pa akong matunaw dito sa ice cream ko sa katititig mo," puna kay Zeke ni Hope sa gitna ng pagnanamnam nito sa kinakaing strawberry ice cream. Nasa isa silang sikat na ice cream shop, malapit sa agency nina Zeke. Saka lamang huminto sa pagtitig si Zeke kay Hope nang punahin nito. Bumaling siya sa kaniyang mint chocolate ice cream na halos hindi man lang niya nagalaw dahil sa malalim na pag-iisip. Inaalala pa rin kasi niya iyong natuklasan niya kay Hope. Matipid na nginitian ni Zeke si Hope. "Masama na ba ngayon na tingnan ko ang best friend ko?" Ikinunot ni Hope ang ilong pagkatapos, pabiro siyang inismiran. "Hindi naman basta lang tingin ang ginagawa mo eh." Tumawa nang mahina si Zeke, saka sumandal sa kaniyang upuan. "Did I made you feel uncomfortable?" "Hindi naman, just curious kung ano'ng tumatakbo sa isip mo habang nakatitig ka sa mukha ko. Did I became a lot more beautiful over time, huh, Zeke?" may bahid pagbibiro na tugon naman ni Hope. Nangingiti namang dinam
Karamihan sa mga bisita sa resort ay nagpasya nang umalis pagkatapos ng insidenteng pagkahulog ni Hope sa swimming pool. Nasa likod pa rin ng bahay si Zeke, nakaupo sa isang tabi habang malalim ang iniisip. "Bakit uwi na sila? Marami pa foods o," sabi ni Timmy kay Zeke nang mapansin din nito na nagsisialisan na ang mga tao. "Stop talking to me, young man, I'm thinking," seryosong sabi ni Zeke kay Timmy. Napanguso naman ang bata at napaismid sa lamig ng pakikitungo niya rito. Kanina habang nag-uusap sina Hope at Angenette ay pinanonood niya ang mga ito. Kitang-kita niya ang buong pangyayari. Habang wala kay Hope ang tingin ni Angenette, nakita ni Zeke na sinadya ni Hope na magpatihulog sa swimming pool. Kung ano ang dahilan kung bakit nito ginawa iyon ay kutob niyang dahil iyon sa naghihiganti ito kay Angenette. Gusto nitong siraan ito sa mga taon roon sa party. Malinaw na ngayon kay Zeke na walang amnesia si Hope. Naguguluhan siya kung bakit nito kailangan magsinungaling sa kanil
"Natulala ka na diyan. First time seeing me feeding a child?" natatawang tanong kay Zeke ni Hope. Sinusubuan na ngayon nito si Timmy para hindi na ito maging makalat sa pagkain. Saka lang natauhan si Zeke nang bumaling na ulit sa kaniya si Hope at kinausap siya. Ginawa niya ang lahat upang magmukhang natural sa harapan nito at pilit na isinantabi muna ang mga gumugulo sa isip. Nginitian niya si Hope at tinanguan. "Yeah, I think wala pa talagang instance na nakita kita with a kid." Bahagyang kumunot ang noo ni Hope subalit nakangiti pa rin. "Really? Not even once?" Tumango ulit siya. "As far as I remember." Tumangu-tango din naman si Hope. Napansin ni Zeke na tila biglang tumamlay at lumungkot ang ngiti nito. "What's wrong?" tanong niya, saka nilapitan ito. "I know masama ang mainggit pero I can't helped it, Zeke. Naiinggit ako kay Angenette kasi may Timmy na siya. Matagal na kaming mag-asawa ni Isaac pero kami wala pa rin," bagsak ang mga balikat na paliwanag sa kaniya ni Hope s