Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha ni Angenette habang sakay sila ng taxi ni Timmy. Patungo sila sa ospital para kausapin si Isaac. Hindi niya kayang tanggapin na ganoon kadali na lang matatapos ang lahat sa kanila. Kailangan niya ito. Kailangan nila ito ng anak niya. Wala na rin siyang pakialam kahit ano pa ang sasabihin ng iba sa kaniya.Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya nang sinubukang tawagan si Isaac subalit hindi pa rin ito sumasagot. Dahil do'n ay mas lalong tumitindi ang pag-aalala niya na baka tuluyan na talagang mawala ito sa kaniya. Pagkadating sa ospital ay nag-send na lamang siya ng text message kay Isaac at sinabing nasa ospital siya ngayon.Pagkapasok sa entrance, eksaktong nakasalubong nina Angenette ang dati niyang katrabahong nurse. Iniwan niya rito saglit si Timmy dahil ayaw niyang marinig ng anak ang mga sasabihin niya kay Isaac.Pumunta siya sa elevator subalit natuklasan niyang under maintenance iyon. Dahil do'n, napilitan siyang dumaan na lang sa hag
Nakaupo sa bench si Hope. Halos mapudpod na ang kuko niya sa daliri dahil sa kangangatngat niya rito. Hindi siya mapakali. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Angenette. Pinagmukha siya nitong masama sa mga mata ng tao. Higit sa lahat sa mga mata ni Isaac.(Flashback)"Hindi na ako magpapaliguyligoy pa, Angenette. I'm begging you. Please stay away from my husband. Alam kong hindi naging maganda ang pagtatapos ng relationship niyo ni Isaac, pero Angenette ang lahat ng 'yon ay parte na lang ng nakaraan. Please, move on. Huwag mo na kaming guluhin ng asawa ko," pakiusap ni Hope.Kagat ang ibabang labi na napaluha si Angenette. Huminga siya nang malalim bago muna nagsalita. "I'm sorry, Hope... But I love him. Alam kong ako ang puno't dulo kung bakit tayo humantong sa ganito. And I am very sorry for dragging you into this mess... Alam ko na sobrang kapal ng mukha ko para sabihin 'to... Pero Hope, he was mine first... "Kung hindi lang sana ako naging mahina, kung hindi lang sana ako
Pikit-matang ipinasak ni Zeke ang earbuds sa kaniyang tainga habang nakaupo sa bench sa labas ng silid ng kaniyang Lolo sa ospital kung saan ito naka-admit. Isinagpak niya ang volume ng pinapatugtog na kanta para hindi marinig ang palahaw ng mga kamag-anak dahil sa pagpanaw ng kaniyang Lolo. Iniwan niya na ang mga ito sa loob dahil hindi niya kayang tagalan ang mga ganoon na senaryo. He's hurt and also in pain just like his relatives pero kasalungat ng mga ito ang kaniyang naging reaksyon. He was quiet and didn't even shed a single tear."This is for the best," wika ni Zeke na para bang makakatulong ang sinabi para i-comfort ang sarili. "No more pain, Lolo."Napatingin siya sa kaniyang cell phone nang biglang nag-vibrate iyon. Awtomatikong nag-ulap ang mga mata niya nang makita ang pangalan ni Hope sa screen."Hey," matamlay na bati ni Zeke. Bahagya siyang lumayo sa silid ng kaniyang Lolo para huwag marinig ni Hope ang iyakan ng mga kamag-anak."Why do you sound so down? Are you alrig
Sakay na ng taxi si Zeke pauwi sa kaniyang condo. Pagkatapos mailibing kahapon ng kaniyang lolo nagpasya na siyang bumalik sa bansa. Bukod kasi kay Hope at sa trabahong naiwan ay iniiwasan niya rin ang magmukmok at malungkot sa pagkawala ng kaniyang lolo.Sumilip si Zeke sa bintana ng taxi at tinanaw ang kalsada. Bagaman saglit lang siyang nawala ay na-miss niya ang Duncan Mills. Naalala niya bigla si Hope. Miss na miss niya na rin ito. Sandaling nagtalo ang isip ni Zeke kung uuwi muna ba siya o pupuntahan ang kaibigan. Sa huli, napagdesisyunan niyang dumaan muna sa bahay nito kaya kaagad niya nang sinabihan ang taxi driver ng bago nilang destinasyon. Walang kaalam-alam si Hope na ngayon ang balik niya at gusto niya itong sorpresahin. Subalit hindi niya inaasahan na siya pala ang masosorpresa pagdating niya sa bahay nito.Hindi na mabilang ni Zeke kung ilang beses niya nang pinindot ang doorbell at kinatok ang pinto ng bahay nina Hope. Hindi siya umaalis dahil alam niyang may tao sa b
Natigilan ang lahat sa isiniwalat ni Zeke. Napabitaw na sa kaniya ang daddy ni Hope at si Isaac naman ngayon ang pinagtuunan nito ng atensyon."Ano'ng kalokohan 'tong sinasabi ni Zeke, Isaac? Totoo bang may babae ka?!"Nasapo ni Isaac ang noo. "Look, Pa, magpapaliwanag po ak—"Hindi na nagawa pang tapusin ni Isaac ang sinasabi nang ang daddy ni Hope naman ngayon ang sumapak sa kaniya."Totoo nga!" Galit na galit na ibinagsak sa sahig ni Wilson si Isaac at pinaibabawan."Wilson, tama na! Layuan mo ang anak ko! There must be a misunderstanding! Hindi magagawa ni Isaac 'yon!" awat naman ni Lorna habang pilit na inilalayo si Wilson kay Isaac. Tiningala ni Lorna ang biyanang si Hilda upang hingan ng tulong para awatin ang dati nitong asawa ngunit balewala ang lahat ng pakiusap niya dahil wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak sa natuklasan. Hindi lubos akalain ni Hilda na matutulad sa kaniyang kapalaran sa pag-ibig ang pinakamamahal na anak. Nagsisisi siyang pumayag na ipakasal si Hope
Duguan at putok na ang gilid ng labi ni Isaac dahil sa ilang ulit na pagsapak sa kaniya ng amang si Roland. Sa kabila ng lagay ng manugang na si Hope ay mas inaalala pa ng matandang lalaki ang kahihiyang aabutin dahil sa ginawa ni Isaac.Sa gitna ng pagtatalo, naagaw ang atensyon nina Isaac nang bigla na lang nagkaroon ng ingay sa labas at biglang pagkakagulo ng ilan sa mga staff sa ospital."May babaeng nahulog sa building!" Narinig nilang sigaw ng nurse na tarantang dumaan sa harapan nila.Sabay-sabay namang nagkatinginan sina Isaac. Mabilis siyang pumihit sa pinto ng kwarto ni Hope at walang katok-katok na pumasok. Napaawang ang bibig niya nang sa halip na ang asawa ang makita, ang bumungad sa kaniya ay ang kurtinang isinasayaw sa ere ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na malaking bintana.Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Hilda sa napagtanto. Nakapasok na rin ito sa loob ng silid at katulad ni Isaac at ng iba pang saksi, gulat na gulat at takot na takot ito."Hope!"
Marahas na hinila ni Zeke si Angenette palayo sa pinto ng silid ni Hope. Tila nilayasan na siya ng pagkamaginoo niya sa naging asta niya sa babae. Galit na galit siya rito dahil isa ito sa mabigat na rason kung bakit napahamak si Hope. Hindi niya maisip kung saan si Angenette humuhugot ng lakas ng loob para magpunta roon pagkatapos ng gulong dinala nito sa relasyon nina Isaac at Hope."What are you doing here?" masama ang tingin na tanong niya kay Angenette.Kinakabahan namang napalunok si Angenette. Natatakot ito sa paraan ng pagtingin ni Zeke na parang isang leon na handang manakmal anumang sandali."Gusto ko lang makita si Ho—""What for? Para siguruhing hindi na siya magigising para tuluyan mo nang makuha si Isaac?" malupit na paratang ni Zeke pagkatapos, ngumisi. "Hinding-hindi ako makapapayag do'n, Angenette. Sisiguraduhin kong magigising si Hope kahit ano'ng mangyari. But don't worry, dahil kahit magkamalay na siya hindi ko na hahayaan pa ulit na makalapit sa kaniya si Isaac. I
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Isaac matapos makatanggap ng tawag kay Doc Kevin na gising na si Hope. Bagaman natitiyak niyang naroroon ang kaniyang mga biyanan at si Zeke, hindi niya na inaalala ang mga ito. Ang importante sa kaniya ngayon ay ang makita ang kaniyang asawa.Natahimik ang lahat ng tao sa loob ng silid ni Hope nang pumasok si Isaac. Masama ang tingin sa kaniya ng mga ito maliban kay Hope na ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang mukha dahil sa pagkakangiti sa kaniya. Tila natutunaw ang puso ni Isaac sa tuwa nang makitang maayos na ito, bukod do'n, sobrang gaan ng pakiramdam niya na makita ulit itong nakangiti. Hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na ngumiti ito sa kanila.Lumapit si Isaac kay Hope at niyakap ito. "K-kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya subalit nanatili lamang na nakatitig sa kaniya si Hope nang hindi napapawi ang matatamis na ngiti sa labi. Tila hindi ito kababakasan ng kahit na anong sakit o hinanakit. "Hope?""Bakit ngayon
Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo
"I'm home," matipid ang ngiti na bati ni Hope kay Isaac nang datnan niya ito sa kanilang living room. Sa halip na batiin siya pabalik ay nanatili lamang na tahimik si Isaac habang seryoso ang tingin sa kaniya. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at hinarap siya. "Honey?""You're with him again. Bakit parang napapadalas naman yata masyado ang pagkikita ninyo?" Bakas ang disappointment sa mukha at tono ng pananalita nito.Sakay ng wheelchair, nilapitan niya ito. "Isaac, alam mo naman na friends na kami ni Kevin, so normal lang naman na magkita kami paminsan-minsan. Isa pa, wala ka naman dapat ipag-alala. You guys are colleagues.""Wala nga ba dapat akong ipag-alala?"Naniningkit ang mga mata na tiningala niya ang asawa. "What are you trying to imply?"Marahas na bumuntonghininga si Isaac, saka umiling-iling. "Wala," matipid at walang gana nitong sagot, saka naglakad na paakyat sa kanilang silid. "I'm tired. Magpapahinga na ako."Walang kaemo-emosyon namang sinundan ng tingin ni Hope si Isa
Walang paglagyan ang tuwa ni Doc Kevin nang makatanggap ng tawag mula kay Hope. Hindi malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit gusto nitong makipagkita sa kaniya ngayon subalit hindi niya na iniisip iyon; ang mahalaga makikita at makakasama niya ulit si Hope ngayon. Dali-dali siyang nag-out sa trabaho at nakipagkita na kay Hope. Sinundo niya ito sa isang bus stop. "I'm glad you called. Alam mo, I had so many patients today, sobrang nakakapagod. Mabuti na nga lang, e, puro out patient lang. Kung nagkantaon na mayroon akong surgery today, naku, baka hindi ko nagawang makipagkita sa 'yo ngayon," kwento niya habang nagmamaneho. "Doc Kevin." Nilingon niya si Hope sa shotgun seat. "Yes?" balik niya rito. Napansin niya na tila nag-aalangan ito. Medyo kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. "Are you stalking me?" biglang tanong nito. Nagulat siya at bahagyang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Nagpasya siyang itabi ang minamanehong sasakyan pagkatapos, alangani
"So, what you're trying to say is itong number one fan kong ito at si Doctor Kevin ay iisa? Hmmm, hindi kaya nagkataon lang na bumili rin si Doc Kevin ng pink roses para sa girlfriend niya?" Naihilamos ni Zeke ang palad sa mukha pagkatapos ng sinabi ni Hope. Sa kabila kasi ng mga ebidensiya na inilalatag niya rito ay hanap pa rin ito nang hanap ng posibleng rason para luminis ang imahe ng Doctor Kevin na iyon. "What about their handwriting? Are you still just going to shrugged it off kahit obvious naman na pareho nilang sulat-kamay 'yan?" May bahid na ng inis sa boses ni Zeke. Nakanguso namang napatangu-tango si Hope habang pinagkukumpara ang mga sulat ng fan niya sa sulat ni Doctor Kevin doon sa table napkin. "Yeah, they do look similar... Pero—" "Hope, please, stop... Alam ko na nakikita mo rin kung ano ang nakikita ko." "Okay, let's say na si Doc Kevin nga itong fan ko? So what? What's wrong with being my fan?" Napaawang ang bibig ni Zeke sa narinig. "You're joking, right?" "
"Should I tell her? Pero paano kung lumayo siya kapag sinabi ko na alam ko na ang totoo?" natutulirong tanong ni Zeke sa sarili. Nasa coffee shop siya ngayon. Nakaugalian niya nang dumaan doon upang bumili ng kape bago siya pumasok sa trabaho. Halos ilang gabi na siyang napupuyat kaiisip sa dahilan kung bakit kailangang magsinungaling ni Hope sa kaniya at sa pamilya nito tungkol sa pagkakaroon nito ng amnesia. Isa lamang kasi ang naiisip niyang posibleng dahilan kaya ginagawa nito iyon, walang iba kundi dahil sa may pinaplano ito laban sa asawa nitong si Isaac. Hindi maiwasan ni Zeke ang ma-guilty dahil pinag-iisipan niya nang ganoon si Hope. Kilalang-kilala niya kasi ito at wala sa personalidad nito ang gumanti sa kapwa. Pero iba kasi ang sitwasyon nito ngayon. Masyado itong nasaktan sa mga nangyari noon at kahit sinumang makaranas ng naranasan nito noon ay talagang makakaisip gumawa ng masama laban sa mga nanakit dito. Bukod do'n, para kay Zeke ay sapat na rin ang mga nakita ni
"Hope honey, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses kanina. Sobra lang talaga kasi akong nag-alala," sinserong paghingi ng tawad ni Isaac kay Hope. Nasa loob sila ngayon ng kanilang silid at magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang gilid ng kama. Patuloy pa rin sa paghikbi si Hope at hindi pinapansin si Isaac. Maingat na sumampa sa kama si Isaac at umusog palapit kay Hope. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Sorry na, please?" malambing niyang bulong sa asawa pagkatapos, ipinatong niya ang baba sa balikat nito. "I wasn't able to take your calls kasi nasa operating room ako." Umiiyak na umismid si Hope. "Hindi mo ba nabasa ang text ko?" Naguluhan naman si Isaac dahil wala siyang naaalalang text message na natanggap mula rito. Hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cell phone at nakumpirma na wala talaga siyang natanggap na text. Ipinakita niya ang cell phone kay Hope. Napahinto naman agad sa pag-iyak si Hope at nagtatakang kinuha sa kaniya ang cell phone
"Baka mauna pa akong matunaw dito sa ice cream ko sa katititig mo," puna kay Zeke ni Hope sa gitna ng pagnanamnam nito sa kinakaing strawberry ice cream. Nasa isa silang sikat na ice cream shop, malapit sa agency nina Zeke. Saka lamang huminto sa pagtitig si Zeke kay Hope nang punahin nito. Bumaling siya sa kaniyang mint chocolate ice cream na halos hindi man lang niya nagalaw dahil sa malalim na pag-iisip. Inaalala pa rin kasi niya iyong natuklasan niya kay Hope. Matipid na nginitian ni Zeke si Hope. "Masama na ba ngayon na tingnan ko ang best friend ko?" Ikinunot ni Hope ang ilong pagkatapos, pabiro siyang inismiran. "Hindi naman basta lang tingin ang ginagawa mo eh." Tumawa nang mahina si Zeke, saka sumandal sa kaniyang upuan. "Did I made you feel uncomfortable?" "Hindi naman, just curious kung ano'ng tumatakbo sa isip mo habang nakatitig ka sa mukha ko. Did I became a lot more beautiful over time, huh, Zeke?" may bahid pagbibiro na tugon naman ni Hope. Nangingiti namang dinam
Karamihan sa mga bisita sa resort ay nagpasya nang umalis pagkatapos ng insidenteng pagkahulog ni Hope sa swimming pool. Nasa likod pa rin ng bahay si Zeke, nakaupo sa isang tabi habang malalim ang iniisip. "Bakit uwi na sila? Marami pa foods o," sabi ni Timmy kay Zeke nang mapansin din nito na nagsisialisan na ang mga tao. "Stop talking to me, young man, I'm thinking," seryosong sabi ni Zeke kay Timmy. Napanguso naman ang bata at napaismid sa lamig ng pakikitungo niya rito. Kanina habang nag-uusap sina Hope at Angenette ay pinanonood niya ang mga ito. Kitang-kita niya ang buong pangyayari. Habang wala kay Hope ang tingin ni Angenette, nakita ni Zeke na sinadya ni Hope na magpatihulog sa swimming pool. Kung ano ang dahilan kung bakit nito ginawa iyon ay kutob niyang dahil iyon sa naghihiganti ito kay Angenette. Gusto nitong siraan ito sa mga taon roon sa party. Malinaw na ngayon kay Zeke na walang amnesia si Hope. Naguguluhan siya kung bakit nito kailangan magsinungaling sa kanil
"Natulala ka na diyan. First time seeing me feeding a child?" natatawang tanong kay Zeke ni Hope. Sinusubuan na ngayon nito si Timmy para hindi na ito maging makalat sa pagkain. Saka lang natauhan si Zeke nang bumaling na ulit sa kaniya si Hope at kinausap siya. Ginawa niya ang lahat upang magmukhang natural sa harapan nito at pilit na isinantabi muna ang mga gumugulo sa isip. Nginitian niya si Hope at tinanguan. "Yeah, I think wala pa talagang instance na nakita kita with a kid." Bahagyang kumunot ang noo ni Hope subalit nakangiti pa rin. "Really? Not even once?" Tumango ulit siya. "As far as I remember." Tumangu-tango din naman si Hope. Napansin ni Zeke na tila biglang tumamlay at lumungkot ang ngiti nito. "What's wrong?" tanong niya, saka nilapitan ito. "I know masama ang mainggit pero I can't helped it, Zeke. Naiinggit ako kay Angenette kasi may Timmy na siya. Matagal na kaming mag-asawa ni Isaac pero kami wala pa rin," bagsak ang mga balikat na paliwanag sa kaniya ni Hope s