Pikit-matang ipinasak ni Zeke ang earbuds sa kaniyang tainga habang nakaupo sa bench sa labas ng silid ng kaniyang Lolo sa ospital kung saan ito naka-admit. Isinagpak niya ang volume ng pinapatugtog na kanta para hindi marinig ang palahaw ng mga kamag-anak dahil sa pagpanaw ng kaniyang Lolo. Iniwan niya na ang mga ito sa loob dahil hindi niya kayang tagalan ang mga ganoon na senaryo. He's hurt and also in pain just like his relatives pero kasalungat ng mga ito ang kaniyang naging reaksyon. He was quiet and didn't even shed a single tear."This is for the best," wika ni Zeke na para bang makakatulong ang sinabi para i-comfort ang sarili. "No more pain, Lolo."Napatingin siya sa kaniyang cell phone nang biglang nag-vibrate iyon. Awtomatikong nag-ulap ang mga mata niya nang makita ang pangalan ni Hope sa screen."Hey," matamlay na bati ni Zeke. Bahagya siyang lumayo sa silid ng kaniyang Lolo para huwag marinig ni Hope ang iyakan ng mga kamag-anak."Why do you sound so down? Are you alrig
Sakay na ng taxi si Zeke pauwi sa kaniyang condo. Pagkatapos mailibing kahapon ng kaniyang lolo nagpasya na siyang bumalik sa bansa. Bukod kasi kay Hope at sa trabahong naiwan ay iniiwasan niya rin ang magmukmok at malungkot sa pagkawala ng kaniyang lolo.Sumilip si Zeke sa bintana ng taxi at tinanaw ang kalsada. Bagaman saglit lang siyang nawala ay na-miss niya ang Duncan Mills. Naalala niya bigla si Hope. Miss na miss niya na rin ito. Sandaling nagtalo ang isip ni Zeke kung uuwi muna ba siya o pupuntahan ang kaibigan. Sa huli, napagdesisyunan niyang dumaan muna sa bahay nito kaya kaagad niya nang sinabihan ang taxi driver ng bago nilang destinasyon. Walang kaalam-alam si Hope na ngayon ang balik niya at gusto niya itong sorpresahin. Subalit hindi niya inaasahan na siya pala ang masosorpresa pagdating niya sa bahay nito.Hindi na mabilang ni Zeke kung ilang beses niya nang pinindot ang doorbell at kinatok ang pinto ng bahay nina Hope. Hindi siya umaalis dahil alam niyang may tao sa b
Natigilan ang lahat sa isiniwalat ni Zeke. Napabitaw na sa kaniya ang daddy ni Hope at si Isaac naman ngayon ang pinagtuunan nito ng atensyon."Ano'ng kalokohan 'tong sinasabi ni Zeke, Isaac? Totoo bang may babae ka?!"Nasapo ni Isaac ang noo. "Look, Pa, magpapaliwanag po ak—"Hindi na nagawa pang tapusin ni Isaac ang sinasabi nang ang daddy ni Hope naman ngayon ang sumapak sa kaniya."Totoo nga!" Galit na galit na ibinagsak sa sahig ni Wilson si Isaac at pinaibabawan."Wilson, tama na! Layuan mo ang anak ko! There must be a misunderstanding! Hindi magagawa ni Isaac 'yon!" awat naman ni Lorna habang pilit na inilalayo si Wilson kay Isaac. Tiningala ni Lorna ang biyanang si Hilda upang hingan ng tulong para awatin ang dati nitong asawa ngunit balewala ang lahat ng pakiusap niya dahil wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak sa natuklasan. Hindi lubos akalain ni Hilda na matutulad sa kaniyang kapalaran sa pag-ibig ang pinakamamahal na anak. Nagsisisi siyang pumayag na ipakasal si Hope
Duguan at putok na ang gilid ng labi ni Isaac dahil sa ilang ulit na pagsapak sa kaniya ng amang si Roland. Sa kabila ng lagay ng manugang na si Hope ay mas inaalala pa ng matandang lalaki ang kahihiyang aabutin dahil sa ginawa ni Isaac.Sa gitna ng pagtatalo, naagaw ang atensyon nina Isaac nang bigla na lang nagkaroon ng ingay sa labas at biglang pagkakagulo ng ilan sa mga staff sa ospital."May babaeng nahulog sa building!" Narinig nilang sigaw ng nurse na tarantang dumaan sa harapan nila.Sabay-sabay namang nagkatinginan sina Isaac. Mabilis siyang pumihit sa pinto ng kwarto ni Hope at walang katok-katok na pumasok. Napaawang ang bibig niya nang sa halip na ang asawa ang makita, ang bumungad sa kaniya ay ang kurtinang isinasayaw sa ere ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na malaking bintana.Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Hilda sa napagtanto. Nakapasok na rin ito sa loob ng silid at katulad ni Isaac at ng iba pang saksi, gulat na gulat at takot na takot ito."Hope!"
Marahas na hinila ni Zeke si Angenette palayo sa pinto ng silid ni Hope. Tila nilayasan na siya ng pagkamaginoo niya sa naging asta niya sa babae. Galit na galit siya rito dahil isa ito sa mabigat na rason kung bakit napahamak si Hope. Hindi niya maisip kung saan si Angenette humuhugot ng lakas ng loob para magpunta roon pagkatapos ng gulong dinala nito sa relasyon nina Isaac at Hope."What are you doing here?" masama ang tingin na tanong niya kay Angenette.Kinakabahan namang napalunok si Angenette. Natatakot ito sa paraan ng pagtingin ni Zeke na parang isang leon na handang manakmal anumang sandali."Gusto ko lang makita si Ho—""What for? Para siguruhing hindi na siya magigising para tuluyan mo nang makuha si Isaac?" malupit na paratang ni Zeke pagkatapos, ngumisi. "Hinding-hindi ako makapapayag do'n, Angenette. Sisiguraduhin kong magigising si Hope kahit ano'ng mangyari. But don't worry, dahil kahit magkamalay na siya hindi ko na hahayaan pa ulit na makalapit sa kaniya si Isaac. I
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Isaac matapos makatanggap ng tawag kay Doc Kevin na gising na si Hope. Bagaman natitiyak niyang naroroon ang kaniyang mga biyanan at si Zeke, hindi niya na inaalala ang mga ito. Ang importante sa kaniya ngayon ay ang makita ang kaniyang asawa.Natahimik ang lahat ng tao sa loob ng silid ni Hope nang pumasok si Isaac. Masama ang tingin sa kaniya ng mga ito maliban kay Hope na ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang mukha dahil sa pagkakangiti sa kaniya. Tila natutunaw ang puso ni Isaac sa tuwa nang makitang maayos na ito, bukod do'n, sobrang gaan ng pakiramdam niya na makita ulit itong nakangiti. Hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na ngumiti ito sa kanila.Lumapit si Isaac kay Hope at niyakap ito. "K-kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya subalit nanatili lamang na nakatitig sa kaniya si Hope nang hindi napapawi ang matatamis na ngiti sa labi. Tila hindi ito kababakasan ng kahit na anong sakit o hinanakit. "Hope?""Bakit ngayon
"We've been married for years, I was just wondering bakit wala pa rin tayong anak? Bakit nga ba, Isaac?"Hindi nakasagot si Isaac sa tanong ni Hope. Kinabahan siya at labis na napaisip sa kung paano sasagutin ang asawa."Am I perhaps... You know..." Bahagyang yumuko si Hope. "Ako ba ang may problema?""W-what do you mean?""Alam mo na... baog," halos pabulong na sabi ni Hope."What? No, no, no, you're perfectly fine." Umuklo si Isaac sa harapan ni Hope at hinawakan ang kamay nito. "There's nothing wrong with you."Binawi naman ni Hope ang kamay at nag-aalangan na tinuro siya. "Then, it's you?"Matipid ang ngiti na umiling si Isaac. "We're both fine, Hope. Ummm... w-wala pa tayong anak kasi... kasi wala pa siya sa plano natin. Ummm, gusto mo na ba'ng magka-baby tayo?"Bahagyang ngumuso si Hope at nag-isip. "Hmmm... It would be nice kaso sa sitwasyon ko ngayon I don't think I'm fitted to become a mom."Marahang hinaplos ni Isaac ang buhok ni Hope. "When you get better, we will."Tumango
Sa convenience store.Mula sa counter, tahimik na nakatanaw sa labas ng convenience store si Angenette habang malalim ang iniisip. Inaalala niya si Hope. Kahapon ay muli niya itong sinubukang bisitahin sa ospital subalit natuklasan niya na na-discharge na pala ito.Napabuntonghininga siya. Gusto niya sanang personal na humingi ng tawad kay Hope subalit nag-aalangan siyang puntahan ito sa bahay nito at ni Isaac.Napadako ang tingin ni Angenette sa pinto nang bigla iyong bumukas. Laking gulat niya nang makitang pumasok ang ina ni Isaac na si Lorna kasama ang driver nito."So, ito pala ang convenience store na ibinigay sa 'yo ng anak ko," umiiling-iling na sabi ng ginang habang may nakakainsultong ngisi sa labi. "Ibang klase ka rin talagang babae ka. Hindi ko maisip kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para maging ganiyan kakapal ang iyong mukha."Tiningnan muna ni Angenette nang sandali ang natutulog na si Timmy sa ilalim ng counter bago siya lumabas ng counter upang harapin si Lorna.
Pagdating sa bahay ay kaagad na napansin ni Hope ang isang kulay pink na box sa tapat ng kanilang pintuan. Kinuha niya iyon at ipinasok sa loob ng bahay. Marahil ay galing iyon sa isang tagahanga... o kay Doc Kevin."Where have you been?" tanong sa kaniya ni Isaac nang datnan niya ito sa kusina."Just somewhere," malamig niya namang tugon dito sabay ipinatong sa mesa ang dalang box."You're no longer using your cane," puna pa nito.Pinagalitan ni Hope ang sarili sa loob-loob. Bakit niya ba nakalimutan ang props na iyon?"I don't need it anymore. Kaya ko namang maglakad na nang wala iyon."Tumangu-tango naman si Isaac, saka tumingin sa pink box na dala niya. "From that number one fan again?" tanong nito, subalit hindi na siya sumagot.Binuksan ni Hope ang kahon at nagulat nang bumulaga sa kaniya ang laman nitong kulay pink na teddy bear na punit-punit na ang katawan at may mga mantsa ng tila sariwang dugo. Napalayo siya dahil sa masangsang nitong amoy."What's that smell?" nakasimangot
Ini-locked ni Hope ang pinto ng kanilang silid ni Isaac pagkapasok niya sa loob. Saka niya pa lamang nagawang bitiwan ang hagulhol na kanina pa gustong kumawala sa kaniyang dibdib. Mariin niyang tinakpan ang bibig. Ayaw niyang marinig siya ni Isaac dahil ayaw niyang isipin nito na nasasaktan siya sa desisyon niyang hiwalayan na ito.Nagagalit siya sa sarili. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman. Bakit pa rin siya nasasaktan gayong dapat ay masaya na siya dahil sa wakas ay nakaganti na siya kay Isaac? Nasaktan niya na ito. Dapat siyang magdiwang.Paulit-ulit na hinampas nang malakas ni Hope ang dibdib."Tama na! Tama na! Matigas ka na dapat! Hindi mo na dapat siya iniiyakan!"Buong magdamag na umiyak si Hope sa gabing iyon. Kinaumagahan ay nagising siyang nakahiga sa sahig. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya roon sa kaiiyak.Pagkalabas niya ng kwarto ay nadatnan niya si Isaac na naghahanda ng agahan sa hapag-kainan. Sandali niyang pinanood ito sa ginagawa hanggang sa napansin n
Naghambalan ang mga kasangkapan sa living room ni Doc Kevin pagkatapos nitong magwala. Nagngingitngit sa galit siyang umuwi pagkatapos ng pagkikita nila nina Hope at Zeke at ang kaniyang mga gamit sa bahay ang kaniyang napagdiskitahan. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ni Hope. "You can't do this to me, Hope!" gigil at mabigat ang hiningang sigaw ni Doc Kevin habang nakaupo sa nakabalagbag na ngayong sofa. Ngumingisi niyang isinuklay sa magulo nang buhok ang duguan niya nang kamao dahil sa paulit-ulit na pagsuntok sa pader. "Kung akala mong ganito kabilis matatapos ang lahat, nagkakamali ka." Nagmartsa si Doc Kevin patungo sa kaniyang silid. Naupo siya sa harapan ng kaniyang study table at binuksan ang kaniyang laptop. Muli siyang napangisi nang mahanap ang file na kaniyang sadya. Binuksan niya iyon pagkatapos ay bumungad na sa kaniya ang mga hubad na larawan at videos ni Hope habang nasa silid nito ito. Palihim niyang nakuhanan ang mga ito sa pamamagitan ng spy cam na inilagay niy
Inilayo ni Hope ang mukha kay Zeke. "Zeke, what are you doing?!" Mas lalong humigpit ang hawak ni Zeke sa kaniyang batok. Pinipigilan siya nitong lumayo rito. "He's watching." "Ano?" Tinangka niyang lumingon sa likuran, subalit pinigilan siya nito at isinandal siya sa upuan. Natatakot na siya sa ginagawa nito. Inilapit muli ni Zeke ang mukha sa kaniya. Mariin siyang napapikit nang halos maglapat na naman ang mga labi nila. "Isaac's here. Nakikita niya tayo." Napadilat siya nang magsalita ito. Naka pwesto pa rin ito sa kaniyang harapan at halos nakadikit pa rin ang mukha nito sa kaniya. Kung sinuman ang nakakakita sa kanila sa labas ay tiyak iisipin ng mga ito na naghahalikan sila. "How long has he been here?" "He just arrived few minutes ago." Napalunok siya nang bahagyang sumagi sa labi niya ang labi ni Zeke nang nagsalita ito. "Z-Zeke—" "Do we have a deal now?" agaw ni Zeke sa pagsasalita niya. "What?" "Na ako na'ng magiging partner mo sa plano mong paghihiganti kay Isaac
Mag-isa si Hope sa loob ng kotse ni Zeke sa parking lot ng studio. Iniisip pa rin niya ang nangyari sa kanila kanina ni Doc Kevin. Naging bahagi na ng trabaho niya noon pa man ang mahalikan ng kung sinu-sinong lalaking artista, pero ang nangyari kaninang paghahalikan nila ni Doc Kevin ay bukod tanging nakapagpatindig sa kaniyang mga balahibo at nagpakilabot. Gusto niyang masuka. Nandidiri siya sa sarili niya.Umiiyak na isinubsob ni Hope ang mukha sa mga palad habang paulit-ulit na nananariwa sa kaniyang alaala ang ginawa sa kaniya ni Doc Kevin.[Flashback]Halos mapugot na ang hininga ni Hope sa ginagawang paghalik sa kaniya ni Doc Kevin. Sinubukan niya itong itulak palayo sa kaniya, subalit mas lalo lang nitong idinidiin siya sa pader. Nasasaktan na siya at natatakot sa maaari nitong gawin."Kevin, please..." Nanghihina niyang sabi nang lumipat sa kaniyang leeg ang mga halik nito pagkatapos, muli na naman nitong inatake ang kaniyang mga labi.Nahigit niya ang hininga nang nagsimula
Panaka-nakang tinitingnan ni Hope ang cellphone sa ibabaw ng mesa habang kumakain ng tanghalian. Tatlong oras na magmula nang tinext niya si Doc Kevin, pero wala pa rin siyang natatanggap na reply mula rito. Dati naman ay mabilis itong mag-reply sa kaniya. Naglaho si Doc Kevin nang parang bula noong gabi ng house party sa bahay nina Hope at Isaac. Simula noon ay hindi na ito nagparamdam sa kaniya. Noong una'y ipinagpalagay ni Hope na busy lamang ang doktor, subalit pagkatapos ng halos dalawang linggo na wala itong paramdam sa kaniya ay nag-alala na siya. "May nagawa kaya akong ikinagalit niya?" Pilit na inalala ni Hope ang mga ginawa noong house party. Wala siyang maalalang ginawang mali. Nag-alala siya bigla. Paano kung nagbago na ang isip nito? Paano na ang paghihiganti niya kay Isaac? Dinampot ni Hope ang cellphone. Akmang tatawagan niya na si Doc Kevin nang bigla naman siyang tinawagan ni Zeke. "Hi, Zeke. Napatawag ka?" ["Where are you?"] "Home. Why?" ["Get dress. I'm going
Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo
"I'm home," matipid ang ngiti na bati ni Hope kay Isaac nang datnan niya ito sa kanilang living room. Sa halip na batiin siya pabalik ay nanatili lamang na tahimik si Isaac habang seryoso ang tingin sa kaniya. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at hinarap siya. "Honey?""You're with him again. Bakit parang napapadalas naman yata masyado ang pagkikita ninyo?" Bakas ang disappointment sa mukha at tono ng pananalita nito.Sakay ng wheelchair, nilapitan niya ito. "Isaac, alam mo naman na friends na kami ni Kevin, so normal lang naman na magkita kami paminsan-minsan. Isa pa, wala ka naman dapat ipag-alala. You guys are colleagues.""Wala nga ba dapat akong ipag-alala?"Naniningkit ang mga mata na tiningala niya ang asawa. "What are you trying to imply?"Marahas na bumuntonghininga si Isaac, saka umiling-iling. "Wala," matipid at walang gana nitong sagot, saka naglakad na paakyat sa kanilang silid. "I'm tired. Magpapahinga na ako."Walang kaemo-emosyon namang sinundan ng tingin ni Hope si Isa
Walang paglagyan ang tuwa ni Doc Kevin nang makatanggap ng tawag mula kay Hope. Hindi malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit gusto nitong makipagkita sa kaniya ngayon subalit hindi niya na iniisip iyon; ang mahalaga makikita at makakasama niya ulit si Hope ngayon. Dali-dali siyang nag-out sa trabaho at nakipagkita na kay Hope. Sinundo niya ito sa isang bus stop. "I'm glad you called. Alam mo, I had so many patients today, sobrang nakakapagod. Mabuti na nga lang, e, puro out patient lang. Kung nagkantaon na mayroon akong surgery today, naku, baka hindi ko nagawang makipagkita sa 'yo ngayon," kwento niya habang nagmamaneho. "Doc Kevin." Nilingon niya si Hope sa shotgun seat. "Yes?" balik niya rito. Napansin niya na tila nag-aalangan ito. Medyo kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. "Are you stalking me?" biglang tanong nito. Nagulat siya at bahagyang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Nagpasya siyang itabi ang minamanehong sasakyan pagkatapos, alangani