Marahas na hinila ni Zeke si Angenette palayo sa pinto ng silid ni Hope. Tila nilayasan na siya ng pagkamaginoo niya sa naging asta niya sa babae. Galit na galit siya rito dahil isa ito sa mabigat na rason kung bakit napahamak si Hope. Hindi niya maisip kung saan si Angenette humuhugot ng lakas ng loob para magpunta roon pagkatapos ng gulong dinala nito sa relasyon nina Isaac at Hope."What are you doing here?" masama ang tingin na tanong niya kay Angenette.Kinakabahan namang napalunok si Angenette. Natatakot ito sa paraan ng pagtingin ni Zeke na parang isang leon na handang manakmal anumang sandali."Gusto ko lang makita si Ho—""What for? Para siguruhing hindi na siya magigising para tuluyan mo nang makuha si Isaac?" malupit na paratang ni Zeke pagkatapos, ngumisi. "Hinding-hindi ako makapapayag do'n, Angenette. Sisiguraduhin kong magigising si Hope kahit ano'ng mangyari. But don't worry, dahil kahit magkamalay na siya hindi ko na hahayaan pa ulit na makalapit sa kaniya si Isaac. I
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Isaac matapos makatanggap ng tawag kay Doc Kevin na gising na si Hope. Bagaman natitiyak niyang naroroon ang kaniyang mga biyanan at si Zeke, hindi niya na inaalala ang mga ito. Ang importante sa kaniya ngayon ay ang makita ang kaniyang asawa.Natahimik ang lahat ng tao sa loob ng silid ni Hope nang pumasok si Isaac. Masama ang tingin sa kaniya ng mga ito maliban kay Hope na ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang mukha dahil sa pagkakangiti sa kaniya. Tila natutunaw ang puso ni Isaac sa tuwa nang makitang maayos na ito, bukod do'n, sobrang gaan ng pakiramdam niya na makita ulit itong nakangiti. Hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na ngumiti ito sa kanila.Lumapit si Isaac kay Hope at niyakap ito. "K-kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya subalit nanatili lamang na nakatitig sa kaniya si Hope nang hindi napapawi ang matatamis na ngiti sa labi. Tila hindi ito kababakasan ng kahit na anong sakit o hinanakit. "Hope?""Bakit ngayon
"We've been married for years, I was just wondering bakit wala pa rin tayong anak? Bakit nga ba, Isaac?"Hindi nakasagot si Isaac sa tanong ni Hope. Kinabahan siya at labis na napaisip sa kung paano sasagutin ang asawa."Am I perhaps... You know..." Bahagyang yumuko si Hope. "Ako ba ang may problema?""W-what do you mean?""Alam mo na... baog," halos pabulong na sabi ni Hope."What? No, no, no, you're perfectly fine." Umuklo si Isaac sa harapan ni Hope at hinawakan ang kamay nito. "There's nothing wrong with you."Binawi naman ni Hope ang kamay at nag-aalangan na tinuro siya. "Then, it's you?"Matipid ang ngiti na umiling si Isaac. "We're both fine, Hope. Ummm... w-wala pa tayong anak kasi... kasi wala pa siya sa plano natin. Ummm, gusto mo na ba'ng magka-baby tayo?"Bahagyang ngumuso si Hope at nag-isip. "Hmmm... It would be nice kaso sa sitwasyon ko ngayon I don't think I'm fitted to become a mom."Marahang hinaplos ni Isaac ang buhok ni Hope. "When you get better, we will."Tumango
Sa convenience store.Mula sa counter, tahimik na nakatanaw sa labas ng convenience store si Angenette habang malalim ang iniisip. Inaalala niya si Hope. Kahapon ay muli niya itong sinubukang bisitahin sa ospital subalit natuklasan niya na na-discharge na pala ito.Napabuntonghininga siya. Gusto niya sanang personal na humingi ng tawad kay Hope subalit nag-aalangan siyang puntahan ito sa bahay nito at ni Isaac.Napadako ang tingin ni Angenette sa pinto nang bigla iyong bumukas. Laking gulat niya nang makitang pumasok ang ina ni Isaac na si Lorna kasama ang driver nito."So, ito pala ang convenience store na ibinigay sa 'yo ng anak ko," umiiling-iling na sabi ng ginang habang may nakakainsultong ngisi sa labi. "Ibang klase ka rin talagang babae ka. Hindi ko maisip kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para maging ganiyan kakapal ang iyong mukha."Tiningnan muna ni Angenette nang sandali ang natutulog na si Timmy sa ilalim ng counter bago siya lumabas ng counter upang harapin si Lorna.
Halos hindi mapakali sa kinauupuang sofa si Angenette dahil sa tensyong nakikita kina Isaac at Zeke nang makita siya ng mga itong kasama si Hope. Batid niyang hindi natutuwa ang mga ito na naroroon siya. "Ano'ng ginagawa niya rito?" tanong ni Zeke kay Isaac. Halata sa tono ng pananalita at hitsura nito ang labis na pagkadisgusto sa presensiya niya. Bumaling naman sa kaniya si Isaac, nagtatanong ang mga mata nito sa kaniya. "Angenette, w-what brought you here?" "Oh, she was just passing by kanina and I happened to see her. I invited her inside to catch up because I thought matagal na kaming hindi nagkikita just to find out na madalas pala tayong nagkikita-kita noon pa man bago nawala ang ala-ala ko," si Hope ang sumagot habang may malapad na ngiti sa labi pagkatapos, dumako ang tingin nito sa dala nina Isaac at Zeke. "Ano 'yang mga dala ninyo?" Napatingin sina Isaac at Zeke sa kani-kanilang dala. "I brought your favorite food—" si Zeke. "Binilhan kita ng paborito mo—" si Isaac. N
Dumagsa sa inihandang party ng mommy ni Hope ang marami sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan. Kasaluluyang ginaganap ang pagtitipon sa resort na pagmamay-ari mismo ng kamag-anak ni Hope sa mother's side. Halos lahat ng nasa pagtitipon ay nasa likod ng malaking rest house, sa tabi ng swimming pool. Abala si Hope sa pakikipagkumustahan sa mga bisita nang dumating si Zeke. Buhat siya sa shooting ng isa sa mga hawak niyang artista at kaagad na dumiretso roon para makisalo sa kasiyahan. Lumapit kay Zeke si Hope, sakay ng wheelchair nito. "You look tired, Zeke. Gusto mo bang magpahinga muna sa loob?" Nakangiting yumukod si Zeke at hinawi ang mahabang buhok ni Hope na bahagyang tumakip sa maganda nitong mukha dahil sa malakas na ihip ng hangin. "I'm fine. Nasaan si Tita Hilda? I want to say hi to her," ani Zeke. Umiling-iling si Hope. "You can do that later. Nandoon siya sa kitchen kasama ang mga Tita ko. Alam mo na, maraming kailangang i-catch up kasi ilang taon na silang hindi n
"Natulala ka na diyan. First time seeing me feeding a child?" natatawang tanong kay Zeke ni Hope. Sinusubuan na ngayon nito si Timmy para hindi na ito maging makalat sa pagkain. Saka lang natauhan si Zeke nang bumaling na ulit sa kaniya si Hope at kinausap siya. Ginawa niya ang lahat upang magmukhang natural sa harapan nito at pilit na isinantabi muna ang mga gumugulo sa isip. Nginitian niya si Hope at tinanguan. "Yeah, I think wala pa talagang instance na nakita kita with a kid." Bahagyang kumunot ang noo ni Hope subalit nakangiti pa rin. "Really? Not even once?" Tumango ulit siya. "As far as I remember." Tumangu-tango din naman si Hope. Napansin ni Zeke na tila biglang tumamlay at lumungkot ang ngiti nito. "What's wrong?" tanong niya, saka nilapitan ito. "I know masama ang mainggit pero I can't helped it, Zeke. Naiinggit ako kay Angenette kasi may Timmy na siya. Matagal na kaming mag-asawa ni Isaac pero kami wala pa rin," bagsak ang mga balikat na paliwanag sa kaniya ni Hope s
Karamihan sa mga bisita sa resort ay nagpasya nang umalis pagkatapos ng insidenteng pagkahulog ni Hope sa swimming pool. Nasa likod pa rin ng bahay si Zeke, nakaupo sa isang tabi habang malalim ang iniisip. "Bakit uwi na sila? Marami pa foods o," sabi ni Timmy kay Zeke nang mapansin din nito na nagsisialisan na ang mga tao. "Stop talking to me, young man, I'm thinking," seryosong sabi ni Zeke kay Timmy. Napanguso naman ang bata at napaismid sa lamig ng pakikitungo niya rito. Kanina habang nag-uusap sina Hope at Angenette ay pinanonood niya ang mga ito. Kitang-kita niya ang buong pangyayari. Habang wala kay Hope ang tingin ni Angenette, nakita ni Zeke na sinadya ni Hope na magpatihulog sa swimming pool. Kung ano ang dahilan kung bakit nito ginawa iyon ay kutob niyang dahil iyon sa naghihiganti ito kay Angenette. Gusto nitong siraan ito sa mga taon roon sa party. Malinaw na ngayon kay Zeke na walang amnesia si Hope. Naguguluhan siya kung bakit nito kailangan magsinungaling sa kanil
Pagdating sa bahay ay kaagad na napansin ni Hope ang isang kulay pink na box sa tapat ng kanilang pintuan. Kinuha niya iyon at ipinasok sa loob ng bahay. Marahil ay galing iyon sa isang tagahanga... o kay Doc Kevin."Where have you been?" tanong sa kaniya ni Isaac nang datnan niya ito sa kusina."Just somewhere," malamig niya namang tugon dito sabay ipinatong sa mesa ang dalang box."You're no longer using your cane," puna pa nito.Pinagalitan ni Hope ang sarili sa loob-loob. Bakit niya ba nakalimutan ang props na iyon?"I don't need it anymore. Kaya ko namang maglakad na nang wala iyon."Tumangu-tango naman si Isaac, saka tumingin sa pink box na dala niya. "From that number one fan again?" tanong nito, subalit hindi na siya sumagot.Binuksan ni Hope ang kahon at nagulat nang bumulaga sa kaniya ang laman nitong kulay pink na teddy bear na punit-punit na ang katawan at may mga mantsa ng tila sariwang dugo. Napalayo siya dahil sa masangsang nitong amoy."What's that smell?" nakasimangot
Ini-locked ni Hope ang pinto ng kanilang silid ni Isaac pagkapasok niya sa loob. Saka niya pa lamang nagawang bitiwan ang hagulhol na kanina pa gustong kumawala sa kaniyang dibdib. Mariin niyang tinakpan ang bibig. Ayaw niyang marinig siya ni Isaac dahil ayaw niyang isipin nito na nasasaktan siya sa desisyon niyang hiwalayan na ito.Nagagalit siya sa sarili. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman. Bakit pa rin siya nasasaktan gayong dapat ay masaya na siya dahil sa wakas ay nakaganti na siya kay Isaac? Nasaktan niya na ito. Dapat siyang magdiwang.Paulit-ulit na hinampas nang malakas ni Hope ang dibdib."Tama na! Tama na! Matigas ka na dapat! Hindi mo na dapat siya iniiyakan!"Buong magdamag na umiyak si Hope sa gabing iyon. Kinaumagahan ay nagising siyang nakahiga sa sahig. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya roon sa kaiiyak.Pagkalabas niya ng kwarto ay nadatnan niya si Isaac na naghahanda ng agahan sa hapag-kainan. Sandali niyang pinanood ito sa ginagawa hanggang sa napansin n
Naghambalan ang mga kasangkapan sa living room ni Doc Kevin pagkatapos nitong magwala. Nagngingitngit sa galit siyang umuwi pagkatapos ng pagkikita nila nina Hope at Zeke at ang kaniyang mga gamit sa bahay ang kaniyang napagdiskitahan. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ni Hope. "You can't do this to me, Hope!" gigil at mabigat ang hiningang sigaw ni Doc Kevin habang nakaupo sa nakabalagbag na ngayong sofa. Ngumingisi niyang isinuklay sa magulo nang buhok ang duguan niya nang kamao dahil sa paulit-ulit na pagsuntok sa pader. "Kung akala mong ganito kabilis matatapos ang lahat, nagkakamali ka." Nagmartsa si Doc Kevin patungo sa kaniyang silid. Naupo siya sa harapan ng kaniyang study table at binuksan ang kaniyang laptop. Muli siyang napangisi nang mahanap ang file na kaniyang sadya. Binuksan niya iyon pagkatapos ay bumungad na sa kaniya ang mga hubad na larawan at videos ni Hope habang nasa silid nito ito. Palihim niyang nakuhanan ang mga ito sa pamamagitan ng spy cam na inilagay niy
Inilayo ni Hope ang mukha kay Zeke. "Zeke, what are you doing?!" Mas lalong humigpit ang hawak ni Zeke sa kaniyang batok. Pinipigilan siya nitong lumayo rito. "He's watching." "Ano?" Tinangka niyang lumingon sa likuran, subalit pinigilan siya nito at isinandal siya sa upuan. Natatakot na siya sa ginagawa nito. Inilapit muli ni Zeke ang mukha sa kaniya. Mariin siyang napapikit nang halos maglapat na naman ang mga labi nila. "Isaac's here. Nakikita niya tayo." Napadilat siya nang magsalita ito. Naka pwesto pa rin ito sa kaniyang harapan at halos nakadikit pa rin ang mukha nito sa kaniya. Kung sinuman ang nakakakita sa kanila sa labas ay tiyak iisipin ng mga ito na naghahalikan sila. "How long has he been here?" "He just arrived few minutes ago." Napalunok siya nang bahagyang sumagi sa labi niya ang labi ni Zeke nang nagsalita ito. "Z-Zeke—" "Do we have a deal now?" agaw ni Zeke sa pagsasalita niya. "What?" "Na ako na'ng magiging partner mo sa plano mong paghihiganti kay Isaac
Mag-isa si Hope sa loob ng kotse ni Zeke sa parking lot ng studio. Iniisip pa rin niya ang nangyari sa kanila kanina ni Doc Kevin. Naging bahagi na ng trabaho niya noon pa man ang mahalikan ng kung sinu-sinong lalaking artista, pero ang nangyari kaninang paghahalikan nila ni Doc Kevin ay bukod tanging nakapagpatindig sa kaniyang mga balahibo at nagpakilabot. Gusto niyang masuka. Nandidiri siya sa sarili niya.Umiiyak na isinubsob ni Hope ang mukha sa mga palad habang paulit-ulit na nananariwa sa kaniyang alaala ang ginawa sa kaniya ni Doc Kevin.[Flashback]Halos mapugot na ang hininga ni Hope sa ginagawang paghalik sa kaniya ni Doc Kevin. Sinubukan niya itong itulak palayo sa kaniya, subalit mas lalo lang nitong idinidiin siya sa pader. Nasasaktan na siya at natatakot sa maaari nitong gawin."Kevin, please..." Nanghihina niyang sabi nang lumipat sa kaniyang leeg ang mga halik nito pagkatapos, muli na naman nitong inatake ang kaniyang mga labi.Nahigit niya ang hininga nang nagsimula
Panaka-nakang tinitingnan ni Hope ang cellphone sa ibabaw ng mesa habang kumakain ng tanghalian. Tatlong oras na magmula nang tinext niya si Doc Kevin, pero wala pa rin siyang natatanggap na reply mula rito. Dati naman ay mabilis itong mag-reply sa kaniya. Naglaho si Doc Kevin nang parang bula noong gabi ng house party sa bahay nina Hope at Isaac. Simula noon ay hindi na ito nagparamdam sa kaniya. Noong una'y ipinagpalagay ni Hope na busy lamang ang doktor, subalit pagkatapos ng halos dalawang linggo na wala itong paramdam sa kaniya ay nag-alala na siya. "May nagawa kaya akong ikinagalit niya?" Pilit na inalala ni Hope ang mga ginawa noong house party. Wala siyang maalalang ginawang mali. Nag-alala siya bigla. Paano kung nagbago na ang isip nito? Paano na ang paghihiganti niya kay Isaac? Dinampot ni Hope ang cellphone. Akmang tatawagan niya na si Doc Kevin nang bigla naman siyang tinawagan ni Zeke. "Hi, Zeke. Napatawag ka?" ["Where are you?"] "Home. Why?" ["Get dress. I'm going
Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo
"I'm home," matipid ang ngiti na bati ni Hope kay Isaac nang datnan niya ito sa kanilang living room. Sa halip na batiin siya pabalik ay nanatili lamang na tahimik si Isaac habang seryoso ang tingin sa kaniya. Tumayo ito sa pagkakaupo sa sofa at hinarap siya. "Honey?""You're with him again. Bakit parang napapadalas naman yata masyado ang pagkikita ninyo?" Bakas ang disappointment sa mukha at tono ng pananalita nito.Sakay ng wheelchair, nilapitan niya ito. "Isaac, alam mo naman na friends na kami ni Kevin, so normal lang naman na magkita kami paminsan-minsan. Isa pa, wala ka naman dapat ipag-alala. You guys are colleagues.""Wala nga ba dapat akong ipag-alala?"Naniningkit ang mga mata na tiningala niya ang asawa. "What are you trying to imply?"Marahas na bumuntonghininga si Isaac, saka umiling-iling. "Wala," matipid at walang gana nitong sagot, saka naglakad na paakyat sa kanilang silid. "I'm tired. Magpapahinga na ako."Walang kaemo-emosyon namang sinundan ng tingin ni Hope si Isa
Walang paglagyan ang tuwa ni Doc Kevin nang makatanggap ng tawag mula kay Hope. Hindi malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit gusto nitong makipagkita sa kaniya ngayon subalit hindi niya na iniisip iyon; ang mahalaga makikita at makakasama niya ulit si Hope ngayon. Dali-dali siyang nag-out sa trabaho at nakipagkita na kay Hope. Sinundo niya ito sa isang bus stop. "I'm glad you called. Alam mo, I had so many patients today, sobrang nakakapagod. Mabuti na nga lang, e, puro out patient lang. Kung nagkantaon na mayroon akong surgery today, naku, baka hindi ko nagawang makipagkita sa 'yo ngayon," kwento niya habang nagmamaneho. "Doc Kevin." Nilingon niya si Hope sa shotgun seat. "Yes?" balik niya rito. Napansin niya na tila nag-aalangan ito. Medyo kinabahan siya sa hindi niya malamang dahilan. "Are you stalking me?" biglang tanong nito. Nagulat siya at bahagyang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Napalunok siya. Nagpasya siyang itabi ang minamanehong sasakyan pagkatapos, alangani