May kadiliman ang paligid ng magising siya. Tanaw mula sa labas ng kaniyang bintana ang paligid na mukhang basa. Siguro ay umulan magdamag. Dahil tinatamad ng pumasok si Aira gawa ng panahon ay bumangon na lang siya para ayusin ang sarili. Habang nagto-toothbrush, nakita niya ang sariling imahe sa salamin. Napansin niya ang mugto niyang mata epekto ito ng hindi niya pagtulog kagabi. Bukod kasi sa late na sila nakauwi ay hindi siya dalawin ng antok kakaisip kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa lalaking si Miguel. Napansin naman niya ang lahat ng effort ni Miguel. Malaki ang pinagbago nito mula sa pagsasalita, pagiging maalalahanin at purdigido. Ramdam niya din na tunay siya nitong mahal. Ngunit hindi niy mahanap sa puso niya ang pagmamahal sa lalaki. Hindi niya mawari kung dahil ito sa trauma ng nakaraan o talagang wala na siyang nararamdaman. "Hays, Aira! Kung di mo gusto ang tao. Patigilin mo na. Hindi iyong hinahayaan mo siya pero wala ka naman balak palang sagutin siya."
Read more