Aira Jane Point of ViewHalos kalahating buwan din ang tinagal ng gamutan ko. Sa mga panahon na iyon si Miguel ang nagaalaga sa akin. Siya ang naghahanda ng mga kakainin ko, sa paliligo ko at lalong higit sa mga iniinom kong gamot. Tulad ng nais niya hindi ko na siya kinontra. Tama naman siya e, tama naman si Miguel. Inaalagaan niya ako para sa sarili nilang peace of mind. Hindi ko naisip iyon dahil masyado akong abala intindihin ang sarili kong nararamdaman. "Binawasan na ng doctor ang mga iinumin. Sa ngayon nakakakilos ka na ng ayos, wag ka na munang magtrabaho. Nandoon naman si Raven. Kung naiinip ka dito, tawagan mo lang ako. Ipapasyal kita agad. Si Mama hindi makadalaw dito, alam mo naman nahihiya siya sa parents. Pagsensyahan mo na siya. Ganoon talaga siya pag inabot ng hiya. " sinukbit ang bag na laman nito ang mga damit na dala niya. "Miguel sandali!" mahinahon pero may pag aalangan kong pigil sa kaniya. Paalis na kasi siya. Kanina pa siya nagbibilin sa akin pero wala nama
Magbasa pa