Hindi nagpatalo si Andrei sa kaniyang isip. Alam niyang hindi siya baliw dahil totoo ang mga nakikita niya. Minabuti niyang kausapin muli si Tamara para humingi ng tulong dito. "Honey, you are not crazy. Believe me or not, may mga tao sa likod nito. I guess, we need to tell it kay Boss Kaizer," ani ni Tamara. "Okay. Baka sakaling matulungan niya ako," sang-ayon ni Andrei. "Kahit nag-increase na kasi ako ng security personnel, nakikita ko pa rin si Dad. Noong nag-file tayo ng kaso, I saw him in the lobby. Nagpalit na ako ng number pero nakatatanggap pa rin ako ng text at tawag. I told Rod about it and he advised me to seek medical attention." "Alam mo, hindi ka nakakasama ni Rod araw-araw kaya iyong payo niya ay based lang sa mga kuwento mo. Whereas ako, twenty-four-seven tayong magkasama. Alam kong walang mali sa iyo kaya don't doubt yourself, Andrei." Niyakap ni Andrei si Tamara. Wala siyang pakialam kung nasa opisina sila at makita sila ng mga empleyado nila. Gusto niya lang yak
Read more