"Honey, someone is trying to make me crazy."Napaangat ang ulo ni Tamara habang nagsusulat. Para matulungan kasi ang asawa sa mga problema nito ay hiniling niya kay Andrei na payagan siyang magtrabaho sa Montillano Empire tutal ay wala siyang trabaho ngayon sa Torquero Group of Companies dahil pinagpapahinga siya ni Kryzell. "How can you say so?" tanong ni Tamara. "Noong presscon, may isang lalaki na naka-jacket with hood. Kamukha siya ni daddy kaya pinatanggal ko ang hood niya. Pero noong nalantad ang mukha niya, ibang tao naman pala. These past few days, palagi akong nakakakita ng mga kamukha o kasing katawan ni daddy pero kapag nilalapitan ko na, ibang tao sila. I don't know, baka nga nasisiraan na talaga ako ng ulo." “Oh, no. You are mentally stable, honey. Huwag kang ma-stress sa mga nakikita mong iyan. We both know na hindi ka titigilan ng uncle mo. Who knows, baka isa ito sa mga paraan niya para palabasin na hindi ka capable na pamahalaan ang company.” “Do you think that is
Read more