"No, sir. Tamara Nicole Austria is a victim. She's not a culprit," malakas na sabi ni Andrei sabay tayo sa upuan niya. Nasa isang meeting siya sa camp ng mga sundalo at pilit niyang ipinaglalaban ang buhay ni Tamara. Balak na kasing tapusin ng mga alagad ng batas ang buhay ng dalaga. "Lt. Montillano, Tamara Austria is very dangerous," diin ng kasamahan niya. "Yes, she is. Ngunit sino ba ang nagtulak sa kaniya para malagay siya sa sitwasyon na iyon? Tayo, 'di ba?" "Kung hindi natin siya papatayin, baka tayo ang patayin niya kapag bumalik na ang alaala n'ya," naibulalas ng isang general. "Now, I get it. Takot kayong maisahan ni Miss Austria kaya nagkakandarapa kayong patayin siya. Sobra naman yatang kaduwagan iyan!" insulto ni Andrei sa mga kasamahan niya. Natahimik ang lahat ng nasa meeting. Sa harapan nila ay nakalatag ang picture ni Tamara noong teenager pa lang siya at ngayong dalaga na siya. Sa edad na twenty-seven ay wala pa rin naaalala ang dalaga kung bakit siya ipina
Last Updated : 2022-06-20 Read more