Nakatulala si Tamara habang pinapanood ang early news sa telebisyon. Tanging iyak ng kan'yang anak ang nakapagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Maging ang mga kasama niya sa living room ay biglang nanahimik at nakatingin lang sa kaniya. "Oh, God, grabe ang balitang ito," sabi ni Kryzell. "Expected na yan sa gan'yang trabaho," seryosong saad ni Kaizer. "Sanay na tayo sa gan'yan." "Ang insensitive mo talagang lalaki ka." Inginuso ni Kryzell si Tamara na noon ay tahimik lang habang isinasayaw ang anak. "Itikom mo ang bibig mo, Kaizer, dahil baka ako ang magsara niyan gamit itong mga labi ko." "What are we gonna do now? Gusto mo bang dalawin si Andrei sa hospital, Tamara?" "Hindi ko po alam, boss." "Agaw-buhay siya ngayon dahil sa tama sa dibdib niya. Sabi ng doktor ay napakaliit ng chance na mabuhay siya pero gagawin nila ang lahat. Baka sakaling makatulong si Tamara para magkaroon siya ng dahilan para mabuhay," sabi ni Kryzell. "Pwede rin na maka-sama ako sa sitwasyon," malu
Last Updated : 2022-09-14 Read more