Share

CHAPTER 88

Author: Magic Heart
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“Dapa!”

Hindi malaman ni Tamara kung kaninong boses ang narinig niya. Bahagya niyang hinawakan ang masakit niyang ulo. Nauntog kasi siya ngunit hindi niya malaman kung saan. Narinig niya ang mga putok ng baril pero mas inuna niyang hanapin si Andrei. Nakita niya itong nasa ilalim ng bed na hinihigaan nito kanina. Agad niyang tinulungan ang asawa na hindi naman nagtamo ng malalang sugat.

“Are you okay, honey?” tanong ni Andrei sa kaniya.

Tumango siya at saka sinuri ang sugat ng asawa niya. Nang matiyak na hindi naman napuruhan si Andrei, agad niyang binunot ang kaniyang baril. Sumilip siya sa bintana na natatakpan ng kulay berdeng kurtina.

Mula sa pwesto niya ay nakikita niya ang mga armadong mga lalaki na pinapaputukan sila pero mula sa side nila ay may gumaganti para sa kanila.

“Who are they?” tanong ni Andrei. Halos dumikit na ang mukha nito sa mukha niya dahil sa iniiwasan nito na makita sila ng kalaban.

“Mga tauhan ni Allan,” sagot ni Tamara.

”Honey, mukhang nagpadala ng res
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sana walang masamang mangyari Kay Tamara
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku po mukhang may panganib na nman pero kaya mo yan Tamara
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Sana makuha ni Tamara Ang CCTV footage na kailangan Niya para malinis Ang pangalan ni Andrei
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 89

    Biglang napa-sign of the cross si Tamara nang nakalampas siya sa dalawang truck na punong-puno ng mga pang-construction materials. Saglit siyang nawala sa sarili pero buo ang loob niyang tulungan si Andrei. Nang makarating siya ng museum, umikot muna siya sa buong compound para makita kung saan naka-puwesto ang mga guwardiya. Napatingi siya sa relo niya. Isang oras na lang ang natitira. Dahil sa tindi ng traffic ay maraming oras ang nasayang kaya halos hilingin ni Tamara sa Diyos na tumigil muna ang oras pansamantala. "Nakuha mo na ba ang mga cctv footages kanina?" tanong ng isang guard sa katabi nito. "Hindi pa. Marami pang tao kaya hindi ko pa pwedeng gawin iyon. Hinihintay ko lang na umuwi na ang mga empleyado bago ko nakawain iyon. Dahil sa narinig niya kaya mas lalo pang binilisan ni Tamara ang kilos niya. Tiningnan niya kung saan siya pwedeng pumasok nang walang makakahalata sa kaniya. Butil-butil ang mga pawis, nginig ang mga tuhod, at halos hindi makahinga ng maayos, pu

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 90

    Kinabukasan, iba na ang balita sa tv. Sa halip na si david ang biktima, siya na ngayon ang salarin. Lahat ay gustong malaman kung kumusta na ba si Andrei lalo pa at maraming mga reporters ang sinuyod ang mga hospital at wala silang data na nakuha. Gayunpaman, walang kaalam-alam ang lahat tungkol sa naganap na pagpasok sa museum nina Tamara, Maximo, at ng hindi pa kilalang mga lalaki. Ngunit ang naganap sa Rupos St. ay hindi rin nakaligtas sa mga batikan na mga mamamahayag. Ngunit sa halip na si Allan ang lumabas na may pakana ng gulo, si David pa rin ang sinisisi ng lahat. Sa mansion ni Kaizer, ipinatawag ng mafia boss si Tamara. Alam ng huli na pagagalitan siya ng pinuno nila dahil sa pagkilos niya nang hindi nagpapaalam dito pero dahil sinabi ni Kryzell na siya na ang bahala sa kanila ni Isabel kaya hindi siya masyadong kinakabahan. Sa basement, naabutan ni Tamara na nakaupo sa upuan nito ang mafia boss. Yumuko siya ng bahagya at naghintay sa sasabihin ng pinuno. "What is your

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 91

    Hiniling ni Tamara kay General Gomez na magkita sila. Hindi kasi siya makatulog sa gabi at madalas ay dinadalaw siya sa panaginip ng mga magulang niya. Naisip niyang baka nagugulo ang mga kaluluwa ng mga magulang niya dahil kay Maximo. Kahit galit siya sa heneral para sa katahimikan ng kan'yang mga magulang ay sisikapin niyang alamin ang totoo. “Are you sure about your decision, honey?” tanong ni Andrei habang nag-a-almusal sila. "Absolutely," sagot ni Tamara. "Bago pa tuluyang bumangon mula sa hukay ang mga magulang ko ay aayusin ko na ang lahat sa pagitan namin ni Gen. Gomez. Pero kung nagsisinungaling siya, ibabaon ko na rin siya sa hukay kasama ng mga magulang ko.""Sa tingin ko nga ay nagbago na siya. When he was our commander, he was a ruthless and nefarious individual. Now, I am not sure. But he's quite pious and protective. His personality has changed from wick to a saint." "Do you think he has changed for the better? I am afraid kasi na baka show-off lang ang lahat ng it

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 92

    Sa simbahan natagpuan ni Andrei ang asawa niya. Nakaluhod ito sa harap ng altar at walang tigil na umiiyak. Kahit isasara na dapat ng altar boy ang pintuan ay pinigilan ito ng pari. "Hayaan mo muna na hanapin niya ang kan'yang sarili at ang kapayapaan sa piling ng Diyos," sabi ng pari habang nakahawak sa may pintuan. "Wala tayong karapatan na itaboy ang sinuman na gustong lumapit sa Ama.""Pasensya na po kayo, Father. Mabigat po ang pinagdadaanan ngayon ng aking asawa kaya siguro napunta siya rito," sabi ni Andrei. "Mabuti na lang at na-track ko ang lokasyon nita sa pamamagitan ng kaniyang cellphone.""Tama ang ginawa niya. Minsan, kapag sobrang marami na tayong dala-dala sa buhay, ilapit lang natin sa Diyos katulad nang ginawa niya ngayon. hindi kasi tayo pababayaan ng Ama."Si Tamara na walang kamalay-malay sa mga nagaganap sa paligid niya ay halos dumipa na sa paanan ng altar. Hindi niya alam kung paano niyang patatawarin ang taong pumatay sa mga magulang niya at sumira ng kabataa

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 93

    Agad napansin ni Andrei na hindi pa rin bumabalik ang asawa niya. Tumayo siya at pumunta sa banyo. Palibhasa lalaki kaya hindi rin siya makapasok sa CR ng mga babae. Muli siyang bumalik sa lamesa nila at tinawag niya si Isabel. "Bakit?" tanong ng walang kaalam-alam na dalaga. "Pakitawag nga si Tamara. Kanina pa siya riyan sa loob," pakiusap ni Andrei."Ay sus, iyon lang pala. Sana tinawagan mo na lang siya sa cellphone niya." "Hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Kanina ko pa siya tinatawagan pero parang sobrang busy yata siya sa loob.""Nag-cr lang, alalang-alala ka na agad. Magaling iyon. Walang mangyayari na masama roon."Sa kabila ng sinabi ni Isabel ay pumasok pa rin ito sa loob ng cr. Naghintay naman si Andrei sa labas ng pintuan. Hindi na siya mapakali kaya pati mga damo ay naisipan niyang sipa-sipain ng marahan. Paraan niya iyon para mabawasan ang kan'yang pag-aalala. Nang lumabas mag-isa is Isabel ay nakaramdam ng mas matinding kaba si Andrei. “Wala siya sa loob. Bak

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 94

    Kahit hinaplos ni Allan ang kan'yang pisngi ay hindi pa rin gumagalaw si Tamara. Buong akala ng lahat ay tulog pa rin siya dahil sa chemical na inilagay nila sa panyo na itinakip sa kan'yang ilong. Subalit ang mafia's gem na akala nilang manhid ay nakikinig at nagpaplano ng palihim laban sa mga taong nakapaligid sa kan'ya. "Hanggang kailan natin siya itatago rito?" tanong ni Allan kay David. "Until I don't have the documents I need to take back the Montillano Empire. Tiyak na kumikilos na ngayon si Andrei dahil sa takot niyang mawala sa kan'ya ang asawa niya kaya siguradong hindi magtatagal dito ang babaeng iyan," sagot naman ang dating negosyante. "Mabuti kung gano'n dahil atat na atat na akong umuwi siya sa bahay naming dalawa," wika ni Allan. "Matagal ko nang hinihintay ang aking reyna.""Keep dreaming, bastard," sigaw ng isip ni Tamara. Nang nawala na sa tabi niya sina David at Allan, natanong ni Tamara ang sarili niya kung anong dokumento ang hinihingi ni David sa kaniyang as

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 95

    "Andrei, may lulusubin kaming isang hideout ng Triangulo. May nakapagsabi sa amin na mayroong babae na dinala roon. Baka si Tamara na iyon," sabi ni Ruel. Naabutan ito ni Andrei na naglilinis ng sasakyan sa garahe ng mansion ng mag-asawang Kaizer at Kryzell. "Kailan kayo pupunta?" tanong ni Andrei. "Hihintayin lang namin ang utos ni Boss Kaizer. Sige na, Andrei, pumasok ka na sa loob. Kahapon ka pa ni boss pinapapunta rito.""Oo nga. Masyado kasi akong abala kaya ngayon lang ako nakapunta. Oy, sasama ako sa inyo, Ruel. hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na ito na mailigtas ang aking asawa." "Sige. Sasabihan kita, pare, kung kailan tayo lulusob doon. Handa na kaming lahat. Go signal na lang ni boss ang hinihintay namin." Nagkamay muna sina Andrei at Ruel bago pumasok ang una sa loob ng mansion ng mga Gerzon. Katulad nga ng sabi ni Ruel, kahapon pa ipinatatawag ng mafia boss si Andrei pero hindi ito nakapunta kaagad. Abala kasi ang huli sa paghahanap kay Tamara. Bukod doo

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 96

    "Damn! Who's that fúckíng asshole?" pasigaw na tanong ni Andrei. Dumaplis kasi sa kanila ni Tamara ang isang bala na mula sa baril ng kung sino. "Galing sa baba ang bala," sabi ni Ruel na agad nagkubli.Hinila ni Andrei si Tamara at mabilis silang umakyat muli ng hagdan. Narinig kasi nila ang mga yabag na paakyat at maging ang malakas na boses ng isang lalaki na hindi familiar ang tinig. Nakarating sila sa rooftop ng gusali at doon magtago"Tamara, nandito na ang isang amo namin. Gusto ka raw niyang makilala," sabi ng lalaking may malakas na bosesSubalit hindi sumasagot sino man kina Ruel, Andrei at Tamara.Sa rooftop, napansin ng mag-asawa na walang wall ito o harang man lang. Isang kaunting pagkakamali lang ay pwede silang mahulog sa baba. Halatang hindi rin ito ginagamit sa matagal na panahon dahil sa amoy nito. Napakaraming tambak doon kaya nagkaroon sila ng pagkakataon para isiksik ang mga katawan nila sa mga tambak na kahoy na halos nabubulok na"Honey, ano ang hinihingi

Pinakabagong kabanata

  • Tamara, The Mafia's Gem    EPILOGUE

    Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p

  • Tamara, The Mafia's Gem    WAKAS

    Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 103

    Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 102

    Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 101

    Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 100

    “Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 99

    Habang naghihintay ng update sa nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ni David at ng Triangulo, humingi si Tamara ng gatas at cookies sa isa sa mga babaeng palaging naghahatid sa kan'ya ng pagkain. Hiniling niya rin sa mga ito na kung maaari ay payagan siyang manood ng tv dahil inip na inip na siya sa kan'yang silid. At dahil gusto ni Allan na makuha ang kan'yang loob, lahat ng gusto ni Tamara ay sinusunod nito maliban na lamang sa request ng huli na tanggalin na ang kan'yang posas at maging ang kadena na nakakabit sa kaniyang mga paa. Ilang beses nang sinubukan ni Tamara na tumakas pero palagi siyang nabibigo. Pinalagyan kasi ni alan ng marami cctv cameras ang buong compound kung nasaan ang bahay nito. Sa kabila ng kawalang-hiyaan ni Allan, may isang bagay na ipinagpapasalamat si Tamara. Iyon ay ang pagrespeto nito sa kan'yang pagkababae. "Pwede bang dito na muna ako?" tanong ni Tamara sa isa sa mga babaeng palaging nakabantay sa kan'ya. "Mukhang nawiwili ka na sa labas, Tam

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 98

    Agad nalaman ni David na hinahanap siya ni Allan dahil nagsumbong si Tamara sa lider ng Triangulo. Mabilis na nag-alsa-balutan siya bago pa siya mapatay ng mafia boss. Kasama ang kaniyang mga tapat na tauhan, tumuloy siya sa pinakatatago niyang bahay na nabili niya noong siya pa ang namamahala ng Montillano Empire. Si Allan naman ay lalong naniwala na ginawan nga ng masama ni David si Tamara dahil sa pagtakas ng dating negosyante. Matindi ang galit niya kaya ipinag-utos niyang hanapin ng mga miyembro ng Triangulo ang uncle ni Andrei at dalhin sa kaniya. Habang nasa poder ni Allan si Tamara ay ipinakita ng lalaki kung gaano niya kamahal ang huli. Subalit sa halip na mabihag ang puso niya, lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ni Tamara. “Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, kukunin ko mula sa Devil’s Angel Mafia Organization ang anak mo, Tamara, para magkasama-sama na tayong tatlo. Magiging isa na tayong buong pamilya,” wika ni Allan. “Huwag na huwag mong kakantiin ang anak ko

  • Tamara, The Mafia's Gem    CHAPTER 97

    Habang lumalakad sina Ruel at Tamara patungo sa bahagi ng gusali kung saan bumagsak si Andrei, mas lalong tumitindi ang bakbakan sa lugar na iyon. Habang nakakubli sa isang sirang pader, lihim na pinapahid ni Tamara ang luha niya. Lalo siyang tuluyang nawalan ng pag-asa na mabuhay pa si Andrei sa tindi ng mga naririnig niyang putok. "Andrei, kahit anong mangyari, pupuntahan kita riyan sa lugar na kinaroroonan mo," bulong ng isip ni Tamara. "Sa tingin ko ay hindi na dapat nating puntahan ang lugar na iyon, Tamara," sabi ni Ruel. "Mukhang napakaraming kalaban doon. Wala na rin tayong kontak sa mga kasamahan natin na dumaan kanina sa likod kaya mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan natin ngayon. Ang bilin sa akin ni Boss Kaizer ay unahin ang kaligtasan mo."“Hindi pwede. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko nakikita si Andrei.” “Sobrang mapanganib para sa ating dalawa ang pumunta pa roon, Tamara. Baka sa lugar na makatulong sa grupo ang gagawin natin ay mas lalo pa itong maging

DMCA.com Protection Status