Isang malaking balita ang lumabas kinabukasan. Ang asawa ng negosyante at dating sundalong si Andrei Montillano ay nadisgrasya habang siya naman ay nag-aagaw buhay sa hospital dahil biktima siya ng pamamaril. Lahat ng tv networks ay gustong makakuha ng exclusive report kaya maraming reporters ang pumunta sa binagsakan ng chopper. Isang umiiyak na Kryzell ang tumungo sa mansion ng mga Montillano sa Quezon City. Kinausap niya si Polan na sumama muna sa kanila para maprotektahan ang anak nina Andrei at Tamara. Agad namang pumayag si Polan. Sa hospital, mahigpit ang security na ipinatutupad. Successful ang naging operation kay Andrei at hinihintay na lang ng mga doktor na magkamalay siya. Galit na galit si Allan dahil hindi nila magawang patayin si Andrei. Alam niyang maraming miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization ang nasa paligid ng hospital lalo pa at nakita niya si Ruel na dumating. "Ruel, ano kaya kung papasukin ko ang demonyo sa utak mo?" nakangising tanong ni Allan habang
Lihim na pumunta si Gen. Gomez sa Baguio para mas malapit siya sa pinangyarihan ng aksidente kung saan nawala si Tamara. Ilang beses din niyang sinubukan na makapasok sa hospital kung nasaan si Andrei subalit dahil sa higpit ng security kaya hindi niya magawa.Ang mga dating kasamahan niya sa trabaho ay pinakiusapan niyang tulungan siya. Maging si Ret. Gen. Marky Soriano ay tinawagan niya para sa dagdag na tauhan niya. "What are you up to, Gen. Gomez?" Naghihinala na tanong ni General Soriano. "I want to find my niece. I badly need your help. Will you contact anyone who can help me find Tamara?" tanong ni General Gomez. "Niece?" Kasunod ng tanong na iyon ni Marky ay isang malutong na halakhak. "Are you insane?"Ipinaliwanag ni Maximo kay Marky kung ano ang mga nangyari sa nakaraan. Habang nagkukwento siya ay hindi niya napigilan ang umiyak. Iyon ang naging susi para tulungan siya ng dating heneral. Kasama ng iba pang mga volunteers, nagkaroon ng mas matinding search and rescue ope
Kahit masakit ang kan'yang katawan, hindi napigilan ni Tamara ang humagalpak ng tawa nang malaman niyang nagpanggap si General Gomez bilang kan'yang uncle. Pinatingnan pa niya ang CCTV sa kaniyang mga kasamahan sa Devil's Angel Mafia Organization para tiyakin kung totoo nga na ang heneral ang nagdala sa kanya sa hospital. "He's a liar. My God, I can't believe it. Sira na talaga ang ulo niya. Gusto niya yatang maging bayani, iyon nga lang, hindi sumusuporta ang mga ebidensya," sabi ni Tamara. Tawa siya nang tawa nang muling ipasok ang mister niya sa loob ng silid. Halos lumundag si Andrei mula sa kama na hinihigaan niya para lang mabilis na makalapit sa kan’yang asawa. Nabura naman ang ngiti sa mga labi ni Tamara, at napalitan iyon ng mga luhang hindi niya mapigilan. “I am glad you’re awake. How are you feeling, honey? May masakit ba sa iyo? Ano ang nararamdaman mo?” Sunod-sunod na tanong ni Andrei. “Okay lang ako. Ikaw, ano ba ang nangyari sa iyo? My Goodness, Andrei, pinag-alala
Sinipa, sinampal, at sinabunutan ni Tamara si Gen. Gomez pero hindi ito lumaban. Nanatili itong nakaluhod sa harapan ni Tamara at umiiyak. Namumula na ang mukha ng heneral pero hinayaan niya lang ang pamangkin niya na ilabas ang lahat ng galit nito. Mabuti na lang at wala itong baril. Subalit dahil well-trained si Tamara kaya talagang malakas ang impact ng bawat sipa at sampal nito. Gayunpaman, buong pagpapakumbaba na tinanggap ng heneral ang parusa ng kan'yang pamangkin. Si Andrei na nakaupo lang sa isang bakanteng upuan malapit sa may pintuan ay hindi makakilos. Gusto niyang awatin ang kan'yang asawa subalit ayaw niyang siya ang pagbuntungan nito ng galit. Napayuko siya dahil bigla niyang naalala si Kaizer. “Siguro ganito ang nararamdaman ng mafia boss na iyon kapag nagagalit ang asawa niya,” bulong ng isip ni Andrei. Dahil na-imagine niya ang itsura ng pinuno ng Devil’s Angel Mafia Organization kapag takot na takot ito sa asawa kaya napangiti siya. "What are you laughing at?" pa
Napasigaw si Tamara ng sumabog ang bomba. Karga niya ang anak niya at muntik na silang tamaan noon. Mabuti na lang at maagap si Andrei, agad silang nahila nito. Sinikap ng mag-asawa na magkubli para maprotektahan ang anak nila. Ang chopper na kanina ay may dalang bomba, nakita nilang bumagsak sa malalim na bahagi ng dagat pagkatapos nitong magpaikot-ikot sa ere. Sumabog din iyon na naglikha ng malaking alon. Ang ilan sa mga kasamahan ni Tamara ay mabilis na sumakay ng bangka para tugisin ang mga kalaban. Gusto nilang makatiyak na wala ng buhay sa mga ito. Si Polan ay sumama na rin sa mga bagong kakilala niya. Habang nagkakagulo ang lahat ay tahimik lang si Kaizer. Nakaupo ito sa isang upuan, naka-de-kuwatro at panay ang patunog niya ng kamay. Walang emosyon ito habang tinitingnan ang mga sugatan nilang kasamahan. Tahimik lang din ang asawa nito habang karga ang bunso nilang anak. “Pumasok muna tayo sa loob, honey,” sabi ni Andrei. Namumula siya sa galit dahil batid niyang sila ni T
"Honey, magicians are real," sabi ni Andrei nng dumating ito galing trabaho. "They really exist." "What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tamara. "I said, magicians are real.""Daig mo pa ang bata. Hindi lang ako pumasok sa trabaho, naki-children's party ka na," nakangiting tugon ni Tamara. "No, honey. I just found out na kaya pala nasusulusyunan ang mga problema natin ay dahil sa mga abogado ng kumpanya. They are helping me even it's beyond their job." "Really? That's good news. You are really lucky to have them." "Yeah. I am very lucky to have good people around me. At ikaw ang aking lucky charm na hindi naisasabit." Umingos si Tamara, at saka dumiretso ng kusina. Sa tulong kasi ni Yaya Nora ay nakapagluto siya ng hapunan nila ni Andrei. Si Polan ay sa labas naman kumain kasama si Rod. "Wow, chef na ang asawa ko," sabi ni Andrei. "Gusto ko talaga kapag nagagalit ka kasi nagagawa mong magluto ng masarap.""Zip your mouth. Ayaw kong mawalan ng ganang kumain; pero kung gusto mo a
“Dapa!”Hindi malaman ni Tamara kung kaninong boses ang narinig niya. Bahagya niyang hinawakan ang masakit niyang ulo. Nauntog kasi siya ngunit hindi niya malaman kung saan. Narinig niya ang mga putok ng baril pero mas inuna niyang hanapin si Andrei. Nakita niya itong nasa ilalim ng bed na hinihigaan nito kanina. Agad niyang tinulungan ang asawa na hindi naman nagtamo ng malalang sugat. “Are you okay, honey?” tanong ni Andrei sa kaniya. Tumango siya at saka sinuri ang sugat ng asawa niya. Nang matiyak na hindi naman napuruhan si Andrei, agad niyang binunot ang kaniyang baril. Sumilip siya sa bintana na natatakpan ng kulay berdeng kurtina. Mula sa pwesto niya ay nakikita niya ang mga armadong mga lalaki na pinapaputukan sila pero mula sa side nila ay may gumaganti para sa kanila. “Who are they?” tanong ni Andrei. Halos dumikit na ang mukha nito sa mukha niya dahil sa iniiwasan nito na makita sila ng kalaban.“Mga tauhan ni Allan,” sagot ni Tamara. ”Honey, mukhang nagpadala ng res
Biglang napa-sign of the cross si Tamara nang nakalampas siya sa dalawang truck na punong-puno ng mga pang-construction materials. Saglit siyang nawala sa sarili pero buo ang loob niyang tulungan si Andrei. Nang makarating siya ng museum, umikot muna siya sa buong compound para makita kung saan naka-puwesto ang mga guwardiya. Napatingi siya sa relo niya. Isang oras na lang ang natitira. Dahil sa tindi ng traffic ay maraming oras ang nasayang kaya halos hilingin ni Tamara sa Diyos na tumigil muna ang oras pansamantala. "Nakuha mo na ba ang mga cctv footages kanina?" tanong ng isang guard sa katabi nito. "Hindi pa. Marami pang tao kaya hindi ko pa pwedeng gawin iyon. Hinihintay ko lang na umuwi na ang mga empleyado bago ko nakawain iyon. Dahil sa narinig niya kaya mas lalo pang binilisan ni Tamara ang kilos niya. Tiningnan niya kung saan siya pwedeng pumasok nang walang makakahalata sa kaniya. Butil-butil ang mga pawis, nginig ang mga tuhod, at halos hindi makahinga ng maayos, pu
Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa
Habang abala si David sa pagtakas ay hindi niya napansin ang pagtakbo nina Andrei at Allan palapit sa kaniya. Subalit dahil sa mga tauhan niya kaya hindi agad siya nalapitan ng magkaribal. Nauwi kasi sa bakbakan ang lahat. At dahil grupo ni David ang nasa taas kaya dehado ang grupo nina Allan, General Gomez, Kaizer at Gener. Tumawag si Kaizer kay Kryzell at hiniling niya sa kan'yang asawa na padalhan siya ng isang chopper na pwedeng magbagsak ng bomba sa kinatatayuan ni David. "Huwag mong gagawin iyan. Hindi natin alam ang totoong nangyayari sa pagitan nina Andrei at Allan. Baka kapag ginawa mo iyan ay mapahamak ang pamangkin ko," saway ni General Gomez kay Kaizer. "May punto ang dating heneral, Kaizer. Hindi tayo pwedeng makialam sa kung ano ang nangyayari ngayon hanggang walang ibinibigay na go signal si Andrei," sabi ng lider ng Sabado Boys. "Bakit pa tayo nandito kung tutunganga lang po pala tayo, Daddy?" tanong ni Kaizer kay Gener Torquero. "Naiintindihan kong gusto mong tul
Kasama ang ilang mga tauhan, pinuntahan ni Allan ang kan’yang dating bahay. Hindi niya inalintana ang dilim at matinding panganib para lang makita niya si Tamara. Subalit gano’n na lang ang kan’yang panlulumo nang makita niyang walang katao-tao sa bahay na dati ay punong-puno ng kan’yang mga tauhan. Lalong hindi niya matanggap na hindi na niya naabutan pa sa basement ang babaeng pinakamamahal niya. Muling bumalik sa hotel si Allan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang hotel na iyon ay pagmamay-ari niya at ni Rod. Subalit dahil kilala siyang pinuno ng Triangulo kaya ang alam ng karamihan ay si Rod lang ang may-ari noon. Ang mga tauhan ng nasabing hotel ay mga miyembro rin ng Triangulo. Sa silid niya ay nag-pakalunod si Allan sa alak. Habang naghihintay siya ng ulat kung nasaan ngayon si Tamara, pinili niyang mapag-isa. Ayaw kasi niya maging katawa-tawa sa harapan ng kan’yang mga tauhan. Batid niyang hindi uso ang pagmamahal sa kanilang grupo kaya pilit siyang nagpapakalalaki kahit durog
Napanood ni David sa television ang nangyaring labanan sa bahay ni Allan. Dahil hindi niya matandaan na sinabi niya kay General Gomez ang address ng bahay na iyon kaya takang-taka siya kung paano nalaman ng Devil's Angel Mafia Organization ang tungkol sa bahay ni Allan. Subalit bukod sa nangyari sa bahay ng dati niyang kakampi, may mas matindi pang iniisip si David. Iyon ay kung sino ang nasa likod ng dalawang anunsyo na inilabas ng Montillano Empire. Excited na muling tinawagan ni David si General Gomez. Kunwaring nakikisakay naman ang huli sa kalokohan ng dating negosyante. "We don't have to risk our life now, General. The Devil's Angel Mafia Organization is doing a great favor on us," masayang balita ni David. "You're absolutely correct, David. Balak mo pa rin bang gantihan si Allan?" tanong ni General Gomez. "Yes. It is now easier to do it than yesterday kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon," sabi ni David. Simpleng kumustahan na lang ang sumunod na napag-usapan n
“Hùbad!” Malakas na sabi ni Allan. Hindi natinag si Tamara. Hindi niya gustong makita ni Allan ang takot na nararamdaman n’ya. Iyon kasi ang isa sa mga iniiwasan niya, ang pagsamantalahan ni Allan ang kahinaan niya. Kahit nakatutok na sa kaniya ang baril ng lalaking halos sambahin siya ay hindi man lang inisip ni Tamara ang sarili niya. Ang nasa isip niya ay si Gab. Hindi niya gustong lumaki ito ng walang ina lalo na at ang alam niya ay wala na rin si Andrei. Susundin mo ba ako o papatayin na lang kita? Masyado mo nang inaapakan ang pagkalalaki ko,” sigaw ni Allan. “Paano akong maghuhúbad kung nakaposas ako?” tanong ni Tamara. Alam niyang mali ang naisagot niya pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pinanindigan na lamang niya iyon dahil hindi na niya mababawi pa. Ngumisi si Allan. Ngising demonyo iyon kaya naghanda si Tamara. Bigla niyang nakita ang galit na mukha ni Andrei. Kinilabutan si Tamara. Pakiramdam niya ay minumulto na siya ng asawa niya.“Ako na lang ang maghu
Habang naghihintay ng update sa nagaganap na labanan sa pagitan ng grupo ni David at ng Triangulo, humingi si Tamara ng gatas at cookies sa isa sa mga babaeng palaging naghahatid sa kan'ya ng pagkain. Hiniling niya rin sa mga ito na kung maaari ay payagan siyang manood ng tv dahil inip na inip na siya sa kan'yang silid. At dahil gusto ni Allan na makuha ang kan'yang loob, lahat ng gusto ni Tamara ay sinusunod nito maliban na lamang sa request ng huli na tanggalin na ang kan'yang posas at maging ang kadena na nakakabit sa kaniyang mga paa. Ilang beses nang sinubukan ni Tamara na tumakas pero palagi siyang nabibigo. Pinalagyan kasi ni alan ng marami cctv cameras ang buong compound kung nasaan ang bahay nito. Sa kabila ng kawalang-hiyaan ni Allan, may isang bagay na ipinagpapasalamat si Tamara. Iyon ay ang pagrespeto nito sa kan'yang pagkababae. "Pwede bang dito na muna ako?" tanong ni Tamara sa isa sa mga babaeng palaging nakabantay sa kan'ya. "Mukhang nawiwili ka na sa labas, Tam
Agad nalaman ni David na hinahanap siya ni Allan dahil nagsumbong si Tamara sa lider ng Triangulo. Mabilis na nag-alsa-balutan siya bago pa siya mapatay ng mafia boss. Kasama ang kaniyang mga tapat na tauhan, tumuloy siya sa pinakatatago niyang bahay na nabili niya noong siya pa ang namamahala ng Montillano Empire. Si Allan naman ay lalong naniwala na ginawan nga ng masama ni David si Tamara dahil sa pagtakas ng dating negosyante. Matindi ang galit niya kaya ipinag-utos niyang hanapin ng mga miyembro ng Triangulo ang uncle ni Andrei at dalhin sa kaniya. Habang nasa poder ni Allan si Tamara ay ipinakita ng lalaki kung gaano niya kamahal ang huli. Subalit sa halip na mabihag ang puso niya, lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ni Tamara. “Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, kukunin ko mula sa Devil’s Angel Mafia Organization ang anak mo, Tamara, para magkasama-sama na tayong tatlo. Magiging isa na tayong buong pamilya,” wika ni Allan. “Huwag na huwag mong kakantiin ang anak ko
Habang lumalakad sina Ruel at Tamara patungo sa bahagi ng gusali kung saan bumagsak si Andrei, mas lalong tumitindi ang bakbakan sa lugar na iyon. Habang nakakubli sa isang sirang pader, lihim na pinapahid ni Tamara ang luha niya. Lalo siyang tuluyang nawalan ng pag-asa na mabuhay pa si Andrei sa tindi ng mga naririnig niyang putok. "Andrei, kahit anong mangyari, pupuntahan kita riyan sa lugar na kinaroroonan mo," bulong ng isip ni Tamara. "Sa tingin ko ay hindi na dapat nating puntahan ang lugar na iyon, Tamara," sabi ni Ruel. "Mukhang napakaraming kalaban doon. Wala na rin tayong kontak sa mga kasamahan natin na dumaan kanina sa likod kaya mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan natin ngayon. Ang bilin sa akin ni Boss Kaizer ay unahin ang kaligtasan mo."“Hindi pwede. Hindi ako aalis sa lugar na ito na hindi ko nakikita si Andrei.” “Sobrang mapanganib para sa ating dalawa ang pumunta pa roon, Tamara. Baka sa lugar na makatulong sa grupo ang gagawin natin ay mas lalo pa itong maging