“Ate! Ate!” humahangos na tawag sa kanya ni Lester pagdating nito galing sa eskwelahan.Pawis na pawis ito ng lapitan siya habang nagpapahinga. Kakarating niya lang din galing sa trabaho.“Lester, di ba sinabihan na kita na huwag kang masyadong magpapapawis? Alam mo namang masama sa ‘yo ‘yan,” nag-aalalang sabi niya at kaagad na kumuha ng tissue sa kanyang bag at ipinunas iyon dito.“Eh, Ate, wala na naman akong sakit. Di ba nga magaling na ako?” pagdadahilan naman nito.“Kahit na. Masama pa rin sa ‘yo ang matuyuan ng pawis. Baka mamaya n’yan lagnatin ka pa,” giit niya.Hindi naman ito sumagot.“Ano ba iyong sasabihin mo at parang hindi na makakapaghintay pa?” tanong niya maya-maya.Kumibot-kibot ang labi nito at nag-isip sandali.“Lester…” naiinip na saad niya ng hindi ito sumagot.“Eh…” may pag-aalinlangang tugon sabay kamot sa ulo.“Eh, ano?” iritableng ng tanong niya at pinakatitigan ito.Nag-iwas naman ito ng mga mata at sa halip na sumagot, may dinukot ito sa bag at iniabot sa k
Read more