“Ate! Ate!” humahangos na tawag sa kanya ni Lester pagdating nito galing sa eskwelahan.Pawis na pawis ito ng lapitan siya habang nagpapahinga. Kakarating niya lang din galing sa trabaho.“Lester, di ba sinabihan na kita na huwag kang masyadong magpapapawis? Alam mo namang masama sa ‘yo ‘yan,” nag-aalalang sabi niya at kaagad na kumuha ng tissue sa kanyang bag at ipinunas iyon dito.“Eh, Ate, wala na naman akong sakit. Di ba nga magaling na ako?” pagdadahilan naman nito.“Kahit na. Masama pa rin sa ‘yo ang matuyuan ng pawis. Baka mamaya n’yan lagnatin ka pa,” giit niya.Hindi naman ito sumagot.“Ano ba iyong sasabihin mo at parang hindi na makakapaghintay pa?” tanong niya maya-maya.Kumibot-kibot ang labi nito at nag-isip sandali.“Lester…” naiinip na saad niya ng hindi ito sumagot.“Eh…” may pag-aalinlangang tugon sabay kamot sa ulo.“Eh, ano?” iritableng ng tanong niya at pinakatitigan ito.Nag-iwas naman ito ng mga mata at sa halip na sumagot, may dinukot ito sa bag at iniabot sa k
Dahil kailangan ng mas maayos na pasilidad para sa operasyon na iyon ni Leyra at wala noon sa kahit saang ospital sa La Consolacion, minabuti itong i-transfer sa mas malaking ospital sa Maynila. Isa ring espesyalista ang titingin dito at mag-oopera kaya palagay ang loob ni Liana na malalagpasan iyon ng anak.Nakapagleave na rin siya sa trabaho upang matutukan ang kalagayan ng anak. Madali naman siyang pinayagan lalo na’t alam ni Mr. Madrigal ang kalagayan niya bilang isang single parent.Naiwan sa probinsya sina Nanay Perla at Lester dahil pumapasok ito at kailangan nito ng makakasama doon. Siniguro naman niya sa mga ito na magiging maayos si Leyra pagkatapos ng operasyon kaya’t napanatag ang loob ng dalawa kahit na papapano.“Mie… blave ako ‘di ba?” tanong ni Leyra sa kanya pagkatapos itong ma-x-ray.Nakangiting tumango naman si Liana. “Oo naman. Ang galing-galing mo kaya.”“Di lin ako iyak. Sabi Tito Lestel siya din ‘di iyak noon eh. Totoo ba ‘yon mommy?” madaldal na tanong pa nito
“Liana you don’t have to explain anything from him,” pigil ni Jake sa kanya na noon lang niya napansin na nasa likuran pala ni Henry.Nabaling naman dito ang atensyon ng binata na kanina pa hindi maipinta ang mukha.“No, Jake… It’s useless kung hindi ko siya kakausapin ngayon dahil alam kong hindi niya rin ako titigilan,” aniya at hinarap muli ang nahihimbing na anak.Masuyo niyang hinalikan ito sa noo pagkuwa’y hinarap ang dalawang lalaki at walang sali-salitang nagpatiuna ng lumabas. Kaagad namang sumunod sa kanya si Henry at naiwan sa loob si Jake na inihatid pa sila ng nag-aalalang tingin.Umakyat sila sa may rooftop kung saan sa palagay niya'y walang tao. Doon malaya silang makakapag-usap kahit magsigawan pa silang dalawa.Si Henry na tahimik lang na nakasunod sa kanya ay pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito dahil sa tuwing magtatama ang mga mata nila, hindi niya iyon makayang salubungin at siya na rin mismo ang nagbabawi ng mga tingin dito.Ma
Hindi na nga umalis pa ng ospital si Henry. Matyaga din itong nagbantay sa kanilang anak kahit na nasa isang sulok lang ito ng silid ni Leyra. And when Leyra woke up, agad nitong tinanong kung sino ang binata.“Mommy, sino po s'ya?”Masuyong hinaplos ni Liana ang buhok ng anak at ngumiti dito. “Did you remember those times we talked about your father?” tanong niya rito.“Uh-huh…” anito kasabay ng isang mabagal na pagtango.Huminga muna ng malalim si Liana bago nagpatuloy, “Siya na iyon anak. He's your father.”Dahan-dahan namang lumapit sa kanila si Henry while Leyra was seriously looking at him intently. Tila kinakabisa nitong maigi ang mukha ng ama.Maya-maya’y nabaling sa kanya ang mga mata ng anak. Nangingislap iyon at hindi maipaliwanag ni Liana ang kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang mga iyon.“Di mo po sabi sa ‘kin pogi pala Daddy ko,” anito at nakangiti ng nilingon si Henry. “Hi! My name is Leyla, ikaw po?” masiglang pakilala nito sa sarili.Nanginginig ang mga kamay
Successful ang naging operasyon ni Leyra na ikinahinga nila ng maluwag ni Liana. Nailipat na ito sa private room na ipinahanda niya at hindi naman na tumutol pa ang dalaga. Nakakaramdam lang siya ng bahagyang pagkainis dahil sa tuwina’y kabuntot nito si Jake.Wala siyang kaalam-alam tungkol sa lalaking iyon o sa relasyon nito at ni Liana, pero kung umasta ito, para bang ito ang tunay na ama ng anak niya.Saglit siyang nagpaalam sa mga ito na uuwi muna sandali at magpapalit ng damit at nagbilin din siya na magdadala ng mga kailangan pang gamit doon. Panay tango lang naman ang tugon sa kanya ni Liana.Pagdating sa kanilang mansyon ay agad siyang sinalubong ng nag-aalalang ina.“Saan ka na naman ba nanggaling? Tumawag ako sa opisina mo kahapon and Liezl said you went out early in the afternoon. May problema ba?” agad na pag-uusisa nito.Pero sa halip na sumagot, mahigpit niyang niyakap ang nabiglang ina at dito ibinuhos ang lahat ng emosyong nararamdaman niya kahapon pa. Para iyong daloy
“Liana bakit ang laki-laki at ang ganda-ganda naman yata ng silid na ito ni Leyra? Hindi ba mahal dito?” nagtatakang tanong ni Nanay Perla sa kanya habang iginagala nito ang mga mata sa paligid ng silid.Kadarating lang nito at ni Lester. Minabuti ng mga ito na bumisita doon upang matiyak na maayos ang kalagayan nila ni Leyra. Wala naman daw pasok kinabukasan at pinaliban na rin nito si Lester dahil tapos na rin daw naman ang exam ng kapatid niya.Hindi agad siya nakaimik. Nag-aalalang napatingin na lang siya dito.“May kailangan ba akong malaman?” nang-aarok ang mga tinging tanong nito sa kanya ng mapansin ang kanyang pananahimik. “Huwag mong sabihin sa aking si Jake ang may kagagawan nito?” muli nitong tanong na agad niyang pinabulaanan ng matinding pag-iling. “Kung ganoon… sino?” salubong ang mga kilay na tanong nito.Huminga ng malalim si Liana at pagkuwa’y nagyuko ng ulo. Natatakot siya sa makikitang reaksyon ng matanda kapag sinabi niya dito ang totoo.“Si Henry, ‘Nay…” mahinang
“Hijo… pwede ba kitang tanungin?” basag ng kanyang Mama sa kanilang katahimikan habang pauwi ng mansyon. Ihahatid niya lang ito doon at muli ring babalik sa ospital.“What is it Mama?” tanong niya habang nakatutok ang mga mata sa daan.“What’s your plan now? Ngayong natagpuan mo na si Liana at nalaman mong may napakaganda at bibo pala kayong anak, anong balak mong gawin?” pag-uusisa nito. At hindi naman nakaligtas sa kanya kung paano nito purihin si Leyra.Bahagya siyang napangiti at pagkuwa’y nagseryosong muli.“I’ll just follow what Liana wants. Kung ipapahiram niya sa atin si Leyra, then maganda. Pero kung hindi naman, I’ll see to it na makakasama ko pa rin siya sa mga araw na itatakda ng kanyang ina. Hindi naman namin pwedeng biglain si Leyra dahil sa sitwasyon niya and you understand that naman, ‘di ba?” aniya dahil alam niyang sabik na sabik din itong makapiling ang apo.“Of course, hijo. Naiintindihan ko ang bagay na iyon,” kaagad na tugon nito. “But… it would be nice kung magk
“Hindi ba kami nakakaabala sa ‘yo? Alam kong busy kang tao at malayo ang byahe papunta ng La Consolacion. Pwede ko namang kausapin si Leyra na ipagpaliban mo muna ang pagsama sa amin,” basag ni Liana ng nasa kalagitnaan na sila ng byahe. Tulog na si Leyra kaya malaya na siyang kausapin si Henry.She was still contemplating on this idea na isama ang binata sa kanila dahil marami na namang magtataas ng kilay sa kanya. Isa pa, nahihiya rin siya dito.They may have a better life now compared to before, pero sapat lang iyon at napakasimple. Baka isipin nito na hindi niya naiibigay ang mga pangangailangan ng anak nila.Saglit siyang nilingon ng binata sa rear-view mirror pagkuwa’y itinuon na ulit nito ang pansin sa daan. Sa likod silang mag-ina naupo dahil kailangang alalayan niya si Leyra doon. Nagmukha tuloy driver si Henry ngunit wala naman siyang reklamo na narinig mula dito.“What do you mean nakakaabala?” tanong nito sa seryosong tinig. “Noon at ngayon hindi ka naging abala sa ‘kin, l