“Ano ka ba naman Domeng? Di ba sinabihan na kita na huwag kang pupunta dito ng ganitong oras?” paasik na wika ni Cely sa kanyang boyfriend. Nasa silid niya ito. Tumalilis kanina ng maiwan siyang mag-isa doon. “Cely naman…” reklamo nito habang panay ang halik sa braso niya. “Ang tagal-tagal kong hinintay ang sandaling ito, pagbabawalan mo pa ba ako? Isa pa, hindi ka naman nila mahuhuli. Kahit nandyan na sila, hindi naman sila pumapasok sa kwarto mo,” anito na ang tinutukoy ay ang pagdating din nina Liana. Hindi natuloy sa pamamasyal ang mga ito dahil sa lakas ng ulan. At as usual, nag-paiwan siyang muli sa bahay. “Kahit na! Paano kung biglang pumasok dito ang isa sa kanila?” angil pa rin niya. “Hindi ‘yun mangyayari, ano ka ba? T'saka anong oras na ba? Umuulan pa ng malakas sa labas. Papauwiin mo ba ako sa ganyang panahon?” pangongonsensya nito. Umirap siya dito. “Sige na! Sige na!” pagpapahinuhod niya. “Pero huli na ito. Ayokong mauulit ang ganito. Masisira ang mga plano ko,” paa
Read more