Home / Romance / Wanting You So Bad... / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Wanting You So Bad...: Kabanata 21 - Kabanata 30

85 Kabanata

Chapter 21

Nai-transfer na sa ward ang kapatid niya. Pagkatapos ng napakahaba at maselang operasyon ni Lester, sa wakas ay nakita na niya itong muli.“Ate…” anito sa mahinang tinig ng magmulat ng mga mata. Lumingon ito sa kanya.“O bakit?” masuyong tanong niya dito habang hawak ito sa kamay.“Hindi na sakit ulo ko, Ate.” Tugon nito at ngumiti.Ginantihan naman niya iyon.Nawala lahat ng agam-agam sa puso ni Liana ng makitang nakakangiti na ang kapatid.Tagumpay ang operasyon nito. Kaya’t bukod sa wala na ang tumor sa ulo nito, nailigtas din ito sa nakaambang pagkabulag.“Di ba sabi ko naman sa ‘yo gagawa ng paraan si Ate para mawala ang sakit ng ulo mo?”Tumango si Lester. “’Lamat Ate…” tugon nito at muling ipinikit ang mga mata.Hindi pa nawawala ng tuluyan ang epekto ng anesthesia, kaya hindi pa ito ganoon kalakas.Nang maramdaman niyang nakatulog itong muli, lumabas siya saglit. Bumili siya ng ilang mga gamit na kakailanganin pa ng kapatid.Nasa may pasilyo na siya pabalik sa silid ni Lester
Magbasa pa

Chapter 22

“Liana pwede ba kitang tanungin?”“Tungkol ho saan Aling Perla?”Pinakiusapan niya itong sumaglit sa ospital dahil mag-aayos siya ng release papers ng kapatid.Nang makausap niya si Dr. Guillermo kahapon, ibinalita nitong pwede na niyang ilabas si Lester. He recovered pretty well na ikinatuwa naman niya ng husto.Ang sabi pa ng doktor, once a month ay magkakaroon ito ng check-up until maging clear na talaga ang CT-scan nito.“Tapatin mo nga ako, Liana… Saan ka talaga kumuha ng pampa-opera ni Lester?” mahina ang tinig nito upang di sila marinig ng mga kasama nila sa kwarto.Huminga siya ng malalim bago tinitigan ang matandang babae. “Hindi na ho iyon mahalaga. Ang importante po maayos na si Lester,” aniya.“Hindi sa nanghihimasok ako sa mga desisyon mo dahil alam ko namang kung aasahan mo ang walang kwenta mong ina, baka hindi naoperahan ang kapatid mo. Pero Liana… ang sa akin lang mag-iingat ka sa mga ginagawa mo… Hindi lahat ng tao ay mabait kagaya ni Mrs. Enriquez. Ang iba sinasaman
Magbasa pa

Chapter 23

“Dito ka ba maghahapunan?” tanong ni Liana sa binata. Naroroon pa rin ito at nakikipaglaro pa kay Lester.“Uh-huh…” tugon nito na abalang-abala sa paglalaro ng video games na binili sadya nito para kay Lester.Pero pakiramdam ni Liana mas nag-eenjoy ang binata sa laruang iyon. Halos hindi na ito tumayo sa harap ng TV.Matiyaga nitong tinuruan si Lester kanina at mabilis naman iyong nasundan ng bata. Magkasundong-magkasundo ang mga ito at nababasa ni Liana ang tunay na kasiyahan sa mga mata ng kanyang kapatid. And she started to like it.Nakangiting iniwan niya sa living room ang dalawa. She went to the kitchen and opens the fridged.Hanga na rin nga talaga siya kay Henry, pinaghandaan talaga nito ang araw na iyon. Punong-puno ang refrigerator ng pagkain. At pati mga cabinets ay ganoon din.Naglabas siya ng pwedeng mailuto. At ilang sandali pa ay abala na siya sa kusina habang manaka-naka’y sinisilip niya ang dalawa na patuloy pa rin sa paglalaro. Naisip niyang sanay ganito na lang sil
Magbasa pa

Chapter 24

“Wow! Ang laki naman ng bahay na ito Liana.” Bulalas ni Aling Perla.Tinawagan niya ito at pinapunta doon. Ito lang ang naisip niyang maaaring usapin para makasama nila ni Lester sa bago nilang tirahan.“Ang ganda-ganda naman dito,” dagdag pa nito habang iginagala ang mga mata sa paligid.Kimi siyang ngumiti. “Pasensya na po kayo, Aling Perla, ha. Kayo lang ang naisip kong pwedeng tawagan para aluking makasama namin dito,” aniya.“Naku! Ano ka ba naman... Alam mong walang problema sa ‘kin iyon,” mabilis na tugon nito.At iginala nitong muli ang paningin sa paligid bago siya hinarap. Nawala na ang mga ngiti sa labi nito at seryoso siyang pinagmasdan.“May kailangan ba akong malaman?” tanong nito. “Hinihintay kitang umuwi sa inyo ‘nung nakaraan… Kaya pala hindi kayo dumating ni Lester sa ibang bahay pala kayo tutuloy.”Huminga siya ng malalim. “Hindi ko po alam kung paano uumpisahan, Aling Perla, eh.” Nakayukong wika niya habang nilalaro ng mga daliri ang palamuti ng throw pillow na nas
Magbasa pa

Chapter 25

Una nilang tinungo ang bookstore. Tuwang-tuwa si Lester habang iginagala ang paningin sa napakalaking tindahan. Agaw atensyon dito ang pambatang mga bag na may iba't ibang cartoon figures na drawing. “’Pasok na ba ako Ate?” excited na tanong nito sa kanya ng lapitan niya ito at si Henry. Nakangiti siyang tumango. “Oo, Lester… Nae-enroll na kita at next week pwede ka ng pumasok kahit saling-pusa ka pa lang. Hindi ka kasi umabot sa mismong pasukan, eh…” tugon niya sa kapatid. “Ayos lang ‘yon, Ate. Basta magkakaron na 'ko bago kaibigan,” anito at nilingon pa si Aling Perla. “Narinig mo po ba iyon Aling Perla? Pasok na din daw ako sabi ni Ate,” pagyayabang pa nito sa matanda. Nakangiti namang tumango si Aling Perla. “Dinig na dinig ko Lester,” tugon nito. “So, ano pang hinihintay mo? Pili ka na ng mga gusto mo,” ani Henry na nasa tabi nito. “Sige, Kuya. Tara ‘dun,” ani Lester at hinila na nito si Henry sa kamay. Tumigil ang mga ito sa mga libro at namili ng babagay kay Lester. Sinus
Magbasa pa

Chapter 26

“Hungry?” salubong niya sa mga ito ng makababa ng ferris wheel.Sabay na tumango ang magkapatid.“Let’s go. I already made a reservation on a restaurant here,” aniya at nagpatiuna ng maglakad. Sumunod naman sa kanya ang tatlo while Lester was still telling what he felt after his rides.“Taas pala ‘nun Aling Perla, Ate… ‘Usto ko ulit sakay doon sa sunod.” Madaldal na wika nito.Natawa naman si Liana. “Sige ba. Pero, mag-good boy ka muna bago tayo ulit sumakay ‘dun sa susunod,” anito.“Good boy naman ako, ‘di ba Kuya Henry?” tanong ng bata na humabol pa sa kanya.Tumigil siya sandali at nilingon ito. “Pwede ko bang pag-isipan muna ang isasagot ko?” nakangiting tanong niya rito.Nalukot ang mukha ni Lester. Napahalakhak naman siya. He knew he laughed so loud dahil napatingin pa sa kanila ang mga tao sa loob ng mall.“Fine… fine… Good boy ka na,” natatawang sang-ayon niya.Nagliwanag naman ang mukha ni Lester at nakangiting nilingon si Liana. “Rinig mo ba iyon, Ate? Good boy na daw ako sa
Magbasa pa

Chapter 27

“Buti naman wala tayong klase mamayang ten. Nakakapagod mag-isip ng isasagot sa java,” ani Rose kaklase at kaibigan ni Liana. “Oo nga. Dyahe naman Prof natin... Di mo rin maintindihan minsan. Bigla na lang magpapa-exam ng walang pasabi,” sang-ayon naman ni Frank. Kaklase at kaibigan niya rin ito pati si Glenda na wala doon ngayon. Lumabas ito at may pupuntahan daw. “Paano? Tambay na lang tayo sa cafeteria?” yaya pa ni Frank sa kanilang dalawa ni Rose.Nakangiting umiling siya sa mga ito. “Pass muna ako. Pupunta ako sa school ng kapatid ko. May program sila ngayon, gusto kung surpresahin,” aniya sa dalawa. “Ganoon ba? Sayang naman…” himutok pa ni Frank na mas lalo niyang ikinangiti. “Tayo na lang dalawa. Ayaw mo ba?” ani Rose dito. Napipilitang tumango naman ang binata. “Sige na nga. Pero libre mo,” anito na halatang binibiro lang si Rose. “Ay! ‘Yun tayo eh… ‘Dun ka magaling…” tugon ni Rose na lalong ikinangiti ni Liana. Tumayo na ito at sabay-sabay na silang lumabas ng lecture r
Magbasa pa

Chapter 28

Hindi na binitawan ni Henry ang kamay niya kahit sobrang pawis na pawis na iyon. Tapos ng magsalita ang susundan ni Lester, kaya’t tumayo na ito.“And for our last speaker, let’s welcome him a round of applause.” Ang wika ng guro ni Lester kasabay nang malakas na palakpakan ng mga tao sa loob ng classroom.Noon lang bumitaw si Liana kay Henry at masayang pumalakpak. Ganoon din sina Aling Perla at Henry. Hindi pa man ito nagsasalita ay pinahanga na agad siya ng kapatid sa katatagan ng loob nito.Ngunit, hindi pa rin niya maiwasan ang mag-aalala. Bawat hakbang ni Lester papunta sa podium ay naghahatid ng kakaibang kaba sa dibdib niya. Parang tinatambol sa bilis ng tibok ng kanyang puso.“Ako yata ang kinakabahan para kay Lester, Liana.” Hindi na nakatiis na komento ni Aling Perla sa kanyang tabi habang magkasalikop ang mga kamay nito na tila nagdarasal. Pinagpapawisan din ito kahit aircon naman doon.Napangiti na lang siya at muling itinutok ang pansin sa kapatid.Nakatingin ito sa kani
Magbasa pa

Chapter 29

Araw ng Sabado at namalengke si Liana. Henry gave her a debit card na sadyang nakapangalan sa kanya to make sure na natutugunan lahat ng pangangailangan nila sa bahay, pati na ang mga gamot ni Lester.Hindi niya sana iyon tatanggapin pero inunahan na siya nito. At kapag ganoon ang nangyayari, hindi na niya nakukuha pang hindian ito. It was all useless by the way.Sa gate pa lang pagbaba niya ng tricycle ay naririnig na niya ang malalakas na tawanan na nagmumula sa loob ng bahay. Napakunot-noo siya.Henry was still busy at the hotel at alam niyang hindi pa ito makakapunta doon.Pagbukas niya ng gate ay naroon lang sa malapit si Aling Perla na halatang balisa. Nang makita siya nito ay kaagad siya nitong sinalubong ng nag-aalalang mukha.“Sino hong bisita natin, Aling Perla?” takang tanong niya sa matandang babae at hinayon ang loob ng bahay. Ang matinis na tawa ni Lester ay dinig na dinig niya sa may gate.Muli niyang ibinalik ang pansin sa katabing babae ng hindi ito sumagotKinabahan
Magbasa pa

Chapter 30

“Pwede ko bang makausap si Mr. Henry Enriquez?” tanong ni Liana sa receptionist ng hotel. Pinuntahan niya agad doon ang lalaki para kausapin. Hindi na siya nag-abalang tawagan ito dahil mas gusto niyang personal silang magkausap. Saglit siyang pinasadahan ng tingin ng kaharap pagkakuwa’y ngumiti. “May I know if you have an appointment with him, Ma’am?” magalang na tanong nito. Umiling siya. “No. Pero kilala niya ako,” aniya. “I’m so sorry Ma’am. He’s quite busy at the moment. If you don’t have any appointment with him, I cannot let you in.” Humihingi ng paumanhing tugon nito. Hindi ito ang madalas na nakikita niyang naka-duty sa lobby kapag pinapupunta siya ni Henry doon, kaya hindi siya nito kilala. Mukha itong mabait hindi kagaya ng iba na kung makatitig sa kanya ay para bang kakainin siya ng buhay. “Ganoon ba?” aniya at sandaling nag-isip. “Pwede bang pakisabi kahit sa sekretarya niya na may importante lang akong sasabihin,” nakikiusap ang tinig na wika niya. Nakakaunawa nama
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status