“Pwede ko bang makausap si Mr. Henry Enriquez?” tanong ni Liana sa receptionist ng hotel. Pinuntahan niya agad doon ang lalaki para kausapin. Hindi na siya nag-abalang tawagan ito dahil mas gusto niyang personal silang magkausap. Saglit siyang pinasadahan ng tingin ng kaharap pagkakuwa’y ngumiti. “May I know if you have an appointment with him, Ma’am?” magalang na tanong nito. Umiling siya. “No. Pero kilala niya ako,” aniya. “I’m so sorry Ma’am. He’s quite busy at the moment. If you don’t have any appointment with him, I cannot let you in.” Humihingi ng paumanhing tugon nito. Hindi ito ang madalas na nakikita niyang naka-duty sa lobby kapag pinapupunta siya ni Henry doon, kaya hindi siya nito kilala. Mukha itong mabait hindi kagaya ng iba na kung makatitig sa kanya ay para bang kakainin siya ng buhay. “Ganoon ba?” aniya at sandaling nag-isip. “Pwede bang pakisabi kahit sa sekretarya niya na may importante lang akong sasabihin,” nakikiusap ang tinig na wika niya. Nakakaunawa nama
Amused na tinitigan ni Henry si Liana. “Just like now. Hindi mo namamalayan that you were talking gracefully using foreign language. Parang natural lang sa ‘yo na gawin iyon,” wika niya at tinitigan ang kaharap. Liana shyly looked at him. “Hindi ko alam na nangyayari ang ganoong bagay sa akin. Ikaw pa lang ang nakakapuna noon,” anito and blinked twice. Umangat ang kanang kamay niya and gently run his fingers to her hair na malayang nakalugay ng mga sandaling iyon. And then he looked directly into her eyes. “Do you want me to prove it with you?” tanong niya at nahalinhinan ng pilyong mga ngiti ang nasa mga labi. He grabbed the string of the blinds behind her with his other free hand and closed it all. “Huh?” nagtatakang tanong ni Liana na napalingon pa sa blinds ng sumara iyon and then stares at him. But instead of answering her, he bends his head and claimed her lips again and kissed her like a hungry man. Wala siyang pakialam kung medyo may karahasan ang ginagawa niyang paghali
“’Nay!” gulat na wika ni Liana pagkapasok niya sa kanyang silid at abutan doon ang ina na prenteng nakaupo sa gitna ng kama. “Ano hong ginawa ninyo dito?” tanong niya dito at alertong iginala ang mga mata sa paligid. Sinisigurado lang niyang walang nagalaw na bagay doon.Kilala niya ito. Lahat ng pakikinabangan nito ay hindi nito tinitigalan hangga’t hindi iyon nakukuha.Napataas ang kilay ni Cely sa inasal niya. “Wala akong ginalaw sa mga gamit mo dito,” anito ng mahinuha ang kanyang iniisip.Nakahinga naman siya ng maluwag. Dumeretso siya sa kinaroroonan nito at hinubad ang lumang relo.“Bakit hindi mo pa iyan idinidispatsa? Palagay ko naman malaki ang nahuhuthot mong pera sa lalaki mo. Marami ka ng pambili at alam kong hindi lang isa ang mabibili mo,” wika nito habang nakatingin sa kanya ng matiim.“’Nay!” hindi makapaniwalang palatak niya at pinanlakihan ito ng mga mata.Umingos ito. “Totoo naman ang sinasabi ko, kaya huwag ka ng magmaang-maangan pa d’yan. Hindi naman akong t*ng*
Henry and Liana continued the kind of relationship they have. And somehow, it was running smoothly. The burning passion they have is always been there. Hindi nawawala at mas lalo pa nga yata iyong tumitindi sa paglipas ng araw. And Liana finds herself falling deeply in love with Henry. Even they have arguments from time to time na hindi naman talaga maiiwasan, it just brought more spice on what’s going on between them.Henry, for the second time around, met her mother. And luckily, Cely was very well-behaved then. Hindi alam ni Liana kung talaga bang nagbabago na ito o dahil kailangan lang talaga nitong gawin iyon upang hindi mapaalis sa bahay na tinitirahan nila. But, nevertheless, masaya pa rin siya sa kasalukuyang inaasal ng ina. Her mother rarely go out na ipinagpapasalamat niya, dahil alam niyang hindi ito makakagawa ng kung anong bagay na ikakapahamak nito.And with this harmonious relationship between her and Henry, isang tao ang pumasok sa kanyang isipan. And she wanted to
“Bigyan mo pa ako ng konti pang panahon… Huwag kang mag-alala, madali ko ng makukuha ang gusto ko,” banayad na wika ni Cely sa kausap nito sa telepono. Tumigil ito sandali at pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. “L*nt*k naman, oo! Ano bang sinasabi mo? Nagpapakasanta na nga ako dito para lang hindi maghinala ang mga anak ko sa akin,” gigil na wika nito sabay hithit ng sigarilyo. Nasa likod-bahay ito at maghahating-gabi na rin ng mga sandaling iyon. Sinadya talaga nitong lumabas ng ganoong oras para walang makarinig dito. “Ay naku, Domeng! Walang pupuntahan ang pag-uusap nating ito. Sa ibang araw na lang ulit ako tatawag at 'wag na 'wag kang makatawag sa akin, naintindihan mo?" anito at mabilis na pinatay ang telepono. Ilang hithit-buga pa ang ginawa nito sa sigarilyo bago iniitsa sa damuhan ang upos niyon at tinapakan nang mariin. “’Nay?” Napapitlag si Cely ng marinig ang tinig na iyon ni Liana na nakadungaw sa may likurang pintuan. “Ano hong ginagawa n'yo dito?” tak
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ni Liana ng pumasok sila sa isang botique ng kilalang brand ng damit. The store offers both men and women clothes from casual to formal attires.“What do you think?” balik tanong ng binata sa kanya.“Henry…” nauubusan na ng pasensyang sabi niya.Tumaas ang kilay ng binata. Naa-amused na tinitigan siya nito. From time to time, nalilimutan niya kung ano ba talaga sila and she didn’t know na nagiging bossy siya paminsan-minsan at hinahayaan naman nito.“Could you just follow what will I say? Don’t asked anymore questions, okay?” malambing na wika nito na halos ikahimatay naman niya sobrang kilig.Sunod-sunod ang ginawa niyang paghugot ng malalim na hininga upang payapain ang nagwawalang puso.“Fine…” pagpapahinuhod na sagot niya at iginala ang paningin sa loob ng shop. Napansin niyang sila lang ang tao doon ng mga sandaling iyon.“I reserved this place. Uununahan na kita,” anito ng mabasa ang laman ng kanyang isip.Marahan lang siyang tumango. Lumapit
Pagkatapos nilang mamili, tumuloy naman sila sa isang beauty salon. Pinaayusan siya doon ng binata. Sinigurado talaga nitong babagay siya sa lugar o kung anumang event na pupuntahan nila. At nang matapos na iyon, bigla ay hindi niya nakilala ang sarili. Namamalik-matang pinakatitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Parang ibang katauhan ang ipinapakita ng repleksyong iyon. “My God, hija! Kung ako kay Sir, hindi na kita pakakawalan pa. Your such a beauty with an innocent looking eyes!” palatak ng baklang nag-ayos ng buhok niya. “Nakakahalina!” tila kinikilig na dagdag pa nito. Napangiti naman siya sa tinurang iyon nito. “At kung straight lang ako, inagaw na kita kay Fafah Henry,” wika naman ng isa pa na ikinatawa niya. Ganoon ba talaga siya kaganda? Kulang sa confidence na tanong niya sa sarili. Pinagmasdan niyang muli ang naging itsura sa salamin, then blinked twice. She never got the chance to dress up and flaunt herself in front of many people, kaya hirap pa siyang pa
“Good evening, Ma’am. Good evening, Sir.” Magalang na bati sa kanila ng lalaking nasa front door ng hotel na iyon. Ngitian niya ito at isang tango lang naman ang iginanti ni Henry dito. Agad niyang nakuha ang atensyon ng lalaki and Henry gave him a deadly looked. Gusto ng matawa ng malakas ni Liana, but she controlled herself from doing so. She needs to be poised to make Henry more proud of her. At alam niyang maaasar ito kapag ginawa niya iyon. Tumuloy na sila sa loob. At bawat taong makakita sa kanila ay hindi nagdadalawang-isip na tingnan silang muli. They made a very beautiful couple together. When they finally entered the venue, Liana couldn’t help but shivered. The hotel was located in Tagaytay at hindi niya alam na outdoor pala ang party na iyon. The weather was a bit colder since it’s February. Tumigil sandali si Henry at iniikot ang mga mata sa paligid. She knew na naiinis na ito sa mga tinging ibinibigay ng mga kalalakihang naroroon sa kanya. Then his eyes stopped on h
Night before their wedding at noon lang kinabahan ng todo si Liana. Hindi pa niya nakikita si Henry si mula kanina at nag-aalala siyang baka kung ano ng nangyari dito.Balisang palakad-lakad siya sa kanyang silid habang iniisip kung tatawagan ba o hindi ang binata nang biglang tumunog ang cellphone niya. Text message iyon mula kay Henry.Mabilis niya iyong binasa.Can we meet? Iyon ang nakalagay sa screen.Napaupo siya sa gilid ng kama at nagreply dito.Why? Reply niyaMuling tumunog ang cellphone niya.I have something to show you. Pero sa halip na sagutin iyon ay tinawagan niya na lang ito.“What is it? Alam mo namang bawal na tayong magkita di ba?” aniya ng sagutin nito ang kabilang linya.“Wala pa namang twelve midnight ah. May ipapakita lang ako sa ‘yo. Sandali lang tayo,” tugon nito na nasa tinig ang excitement.Sandaling nag-isip si Liana bago siya sumagot. “Sandali lang talaga ha? ‘Pag nalaman ni Mama at ‘Nay Perla na umalis at nagkita tayo malilintikan tayong pareho sa kanil
Ilang beses na lumunok si Henry upang pigilan ang pagpatak ng mga luha. Sa t’wing maalala niya lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na tatlong taon, hindi pa rin niya maiwasang hindi makadama ng galit sa sarili at panghihinayang. It was all his fault kung bakit dumaan sila sa ganoong pagbusok, kahit ang totoo hindi naman na pala dapat.Huminga siya ng malalim at marahang iginiya si Liana sa mismong puntod ng ina nito.“’Nay, kung nasaan ka man ngayon, I hope you could see us… I hope you were now smiling kasi natupad ko na ang gusto mong mangyari para sa amin ni Liana. In just month away, ikakasal na kami. Magkakaroon na ng buong pamilya ang apo ninyo, and I’ll promise to you na hinding-hindi ko na ulit sasaktan ang anak ninyo. I will love and cherish her every single day until our last breathe. Makakaasa kayo sa aking aalagaan ko sila pati na si Lester. And I would also want to thank you for everything you did… for your sacrifices na kahit naantala, masaya pa rin naman ang dadatnan
Liana took a leave para sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Henry. Napagdesisyunan nilang magpakasal na sa susunod na buwan kaya ang lahat ay abala na.Tuwang-tuwa ang Mama Helga nila at si Nanay Perla sa desisyon nilang iyon. Hindi na daw kasi makapaghintay ang mga ito na masundan na si Leyra, and Mama Helga demanded to them to make her a lot of grandchildren na ikinatawa nila nang husto ni Henry. Nag-iisang anak kasi si Henry kaya gusto nito ng maraming apo habang kaya pa daw nitong mag-alaga.Nang araw na iyon ay nagpunta sila ni Leyra sa boutique na gagawa ng gowns nilang mag-ina. Hindi nila kasama si Henry dahil may inaasikaso itong iba pang detalye ng kasal nila. Hinati talaga nilang dalawa ang pag-iintindi sa nalalapit nilang kasal upang mas lalong mapabilis iyon.“Ang cute naman po ng anak ninyo Madam,” anang bading na nagsusukat sa kanila.Nginitian naman ito ni Leyra ng pagkatamis-tamis. Her daughter knows how to appreciate people’s admiration to her.“Ay! Diyos ko!” palatak pa
“San tayo punta Daddy?” tanong ni Leyra habang buhat-buhat niya ito. Nasa hotel sila at naiwan pa sa sasakyan si Liana dahil may kausap pa ito sa telepono.He wanted to show Leyra his office that day kaya naisipan niyang isama ang kanyang mag-ina sa doon.“Daddy will going to show you his office. Di ba you wanted to see it?” masuyong tanong niya sa anak.“Opo,” anito kasabay ng sunod-sunod na pagtango.“You’ll gonna see it today, that’s why I brought you and Mommy here,” he said while smiling.“Talaga, Daddy?” tila hindi naman makapaniwalang tanong nito. Namimilog pa ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.Mabilis naman siyang tumango and Leyra couldn’t hide her excitement. Hinayon ng mga mata nito ang itutok ng hotel hanggang sa magkandabali na ang leeg nito.“Taas naman Daddy. Di ko na makita dulo, sakit na leeg ko,” tila nagrereklamong saad nito.Natatawang hinimas naman niya ang batok nito na ikinahagikhik nito dahil may kiliti ito doon.“Stop, Daddy!” nagpupumiglas na wika nito k
“Hi? Is Leyra sleeping?” mahinang tanong ni Henry ng sumungaw ito sa pintuan ng kwarto ni Leyra.Nilaanan talaga ito ng mama ni Henry ng sariling silid sa mansyon. Pinuno nito iyon ng kung ano-anong laruan na ikinatuwa nang husto ng kanilang anak.Marahan siyang tumango sa binata. “Why?” paanas na tanong niya dito at maingat na tumayo.Maingat ang mga hakbang na lumapit sa kanila ang lalaki. “Just checking,” anito sabay kibit-balikat.Tinitigan nito ang kanilang anak na himbing ng natutulog.Ginaya naman niya ang lalaki.“Liana…” anito pamaya-maya.“Hmmm?” tugon niya ng hindi ito nililingon.“Thank you,” malambing na turan nito na ikinalingon niya dito. Siya na pala ang pinagmamasdan nito at hindi ang anak nila.She smiled.“You don’t have to mention it,” aniya.“No… I’d rather choose saying it than keeping them on myself. As much as possible, gusto kong ipakita sa ‘yo na nagbago na talaga ako…”“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Alam ko naman that you’re doing your best para buma
“Really?”“Yes, Mama! She said yes to me!” masayang kwento niya sa ina habang nasa silid siya ng kanyang mag-ina. Kaagad niya itong tinawagan upang ibalita ang mga nangyari kanina.“Oh, that’s great!” palatak ni Helga sa kabilang linya. “So, kailan ang kasal? May napili na ba kayong date? Dito ba gaganapin o d’yan kina Liana?” sunod-sunod na tanong nito. Tila mas excited pa ito sa kanilang dalawa ni Liana. Napailing naman siya. “Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan. Siguro one of these days malalaman mo iyon,” tugon niya.“Of course! Hindi ko naman hahayaang mahuli ako sa balita. Kaya dapat sabihin mo agad sa akin kapag nakapagdesisyon na kayo,” anito na kahit hindi niya kaharap ay alam niyang nakataas ang mga kilay.Napangiti naman siya. “Yes, Mama. I’ll do that,” aniya.“By the way how’s my apo? Is Leyra alright? Anong reaksyon niya ng sabihin ninyong magpapakasal na kayo?” pag-uusisa nito.“Hay naku, Mama! Matatawa ka sa kanya. Kung nakita mo lang kung paano n
Dahan-dahang hinapit ni Henry si Liana palapit sa sarili and embraced her so tight.Walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama niya sa kanyang puso.Liana loves him! Iyon ang nagtutumining sa isip niya ng mga sandaling iyon.Kaytagal niyang hinintay ang pagkakataong ito… Kaytagal niyang hinintay na marinig mula dito na sabihing mahal din siya nito. And God knows how happy he is right at this moment.“I never like hurting you, Liana… noon at ngayon…” panimula niya habang masuyong hinahaplos ang likod nito. “I know I was a fool back then. Hinayaan kitang mawala sa akin and it was too late when I realized that I cannot live without you… that I’ll die if I can’t see you… Kaya ipinahanap kita. Hinalughog ko ang buong Maynila para lang makita ka ngunit bigo ako. Sa loob ng tatlong taon, wala akong ibang ginawa kundi ang sisihin ang sarili ko. Sisihin sa lahat ng nangyari sa atin. Masyado akong nagpadala noon sa galit at selos na nararamdaman ko at hindi ko naisip na aalis ka na lang bigla at
“Mommy pede hilam phone?” tanong ni Leyra sa kanya ng lapitan siya nito habang nanonood siya ng tv.Kunot-noong sinulyapan niya ang anak.“Bakit Baby, sino ang tatawagan mo?” tanong niya dito.“Tawag po ako kay Daddy. Di s’ya tawag ngayon sa ‘kin, eh…” tila nagsusumbong na tugon niya.Napahugot naman siya ng malalim na hininga at hinarap ang anak.“Baka may ginagawa lang si Daddy ngayon kaya hindi ka niya natawagan,” paliwanag n’ya dito.“Eh sabi n’ya po tawag ako sa kanya kapag namimiss ko siya. Miss ko na s’ya Mommy,” katwiran pa nito.Ako rin. Miss ko na rin ang ama mo. Mabilis na tugon ng kanyang isip pero hindi niya iyon isinatinig.“Gusto mo text na lang muna natin siya?” sa halip ay tanong niya rito.“No,” kaagad na sagot nito kasabay ng pag-iling. “Gusto ko tawag,” nanghahaba na ang ngusong dagdag pa nito.“Leyra… what did Mommy told you about your Dad?” malumanay na tanong niya dito.Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay palaging masusunod ang gusto ng kanyang anak. Kailanga
Pagkatapos nilang mag-agahan ay mabilis na naligo si Liana at naghanda na papasok ng opisina. Paglabas niyang muli sa sala ay bihis na rin ang mag-ama.Nagtatakang tiningnan niya ang mga ito.“May lakad ba kayo?” tanong niya sa dalawa.Nagkatinginan ang mga ito at sabay na ngumiti sa kanya.“Hatid ka namin sa office mo po, Mommy.” Si Leyra ang sumagot.Nakataas ang mga kilay na nilingon niya si Henry.Nagkibit-balikat naman ito. “Request n’ya talaga iyon,” anito na ang tinutukoy ay ang kanilang anak.“Di po ba pede?” inosenteng tanong ni Leyra sa kanya. Bigla ay naging malungkot ang itsura nito na ikinatawa naman niya.“Of course, not!” aniya na nagpingiti ng muli sa anak nila. Tuwang-tuwa kumapit ito sa tig-isang kamay nila at sabay-sabay silang tatlo na lumabas ng bahay.“’Nay tuloy na ho ako,” pamamaalam n’ya dito pagkatapos ay nagmano. Kasalukuyan itong nagdidilig ng mga tanim nito sa harapan.“Sige… Mag-iingat kayo,” anito na bahagya lang silang nilingon at ipinagpatuloy na ang g