“Good evening, Ma’am. Good evening, Sir.” Magalang na bati sa kanila ng lalaking nasa front door ng hotel na iyon. Ngitian niya ito at isang tango lang naman ang iginanti ni Henry dito. Agad niyang nakuha ang atensyon ng lalaki and Henry gave him a deadly looked. Gusto ng matawa ng malakas ni Liana, but she controlled herself from doing so. She needs to be poised to make Henry more proud of her. At alam niyang maaasar ito kapag ginawa niya iyon. Tumuloy na sila sa loob. At bawat taong makakita sa kanila ay hindi nagdadalawang-isip na tingnan silang muli. They made a very beautiful couple together. When they finally entered the venue, Liana couldn’t help but shivered. The hotel was located in Tagaytay at hindi niya alam na outdoor pala ang party na iyon. The weather was a bit colder since it’s February. Tumigil sandali si Henry at iniikot ang mga mata sa paligid. She knew na naiinis na ito sa mga tinging ibinibigay ng mga kalalakihang naroroon sa kanya. Then his eyes stopped on h
“That was awesome!” nakangiting salubong ni Liana sa kanya. Hinalikan pa siya nito sa pisngi na hindi naman nito madalas na ginagawa lalo na sa harap ng maraming tao. “Thank you,” aniya at mahigpit itong niyakap. “I am very happy to share this night with you,” bulong niya sa tenga nito. Kumawala ang dalaga sa pagkakayap niya at tinitigan siya. “I am more than happy to be with you here tonight. Hindi mo lang alam kung ano ang nararamdaman ko while you were accepting the plaque and made your speech,” nagniningning ang mga matang wika nito. “So, does that mean na nagwapuhan kang lalo sa akin?” tudyo niya dito. Pakunwang umirap ito. “I don’t said that,” biro nito na ikinatawa niya. Pero natigil din agad iyon ng may lumapit sa kanila. “Hi! We've met again,” anang lalaking lumapit sa kanila na walang iba kundi si Reynald. Kay Liana ito nakatingin. “Oh, hi!” tugon ni Liana dito at casual na ngumiti. “Isa ka rin bang hotel owner?” inosenteng tanong ng dalaga dito. Tumango
“Henry, hijo…” anang kanyang mama ng silipin siya nito sa library. May tinatapos pa siyang trabaho kaya doon na siya tumuloy pagkatapos nilang maghapunan. “Yes, Mama.” Aniya ng hindi ito nililingon. “Can I talked to you?” tanong nito ng makalapit sa kanya. “Sure. What is it?” at noon lang nilingon ang ina. Sinalubong niya ang mga mata nito. She looked so bothered and worried na ikinapagtaka niya. “I saw this today,” anito at inilahad sa kanyang harapan ang isang pahayagan na hindi niya agad napuna. Nasa front page noon ang mga mukha nila ni Liana. “May kailangan ba akong malaman tungkol sa inyo ni Liana?” nang-aarok ang mga matang tanong nito. Sumandal siya sa kanyang upuan. “You already saw it Mama. Ano pa bang kailangan kong ipaliwanag sa iyo?” tinatamad na tugon niya. He knew that after yesterday, malalagay sa mga pahayagan ang pangalan niya at alam niyang mababasa nito iyon. Kanina pa dapat niya inaasahan ang komprontasyon ng ina, but she controlled herself from doing so.
Sunod-sunod na tunog ng doorbell ang narinig ni Liana habang naliligo nang mga sandaling iyon. Mag-isa lang siya doon dahil nagyaya sa clubhouse si Lester kaya sinamahan ito ng kanilang ina. Si Aling Perla naman ay nagpunta sa palengke. May pagmamadaling binanlawan niya ang katawan, pagkatapos ay nagsuot ng roba at pabasta na lang ipinulupot ang basang buhok sa tuwalya. Nagulat pa siya ng pagbukas ng banyo ay mabungaran si Henry na siya namang papasok sa kanyang silid. Napangiti siya at mabilis na nilapitan ito. "Kanina ka pa ba?" tanong niya dito. Hahalikan sana niya ito sa pisngi na nakasanayan na niyang gawin, pero tuloy-tuloy lang ang lalaki sa may kama at inilapag doon ang mga bulaklak na hindi niya napansin na dala nito. Hindi naman pinansin ni Liana ang inaktong iyon ng binata. Mas lumapad pa ang pagkakangiti niya ng makita ang mga bulaklak. Sinundan niya ito at dinampot ang mga iyon at sinamyo. "Para sa 'kin ba 'to?" tanong niya at nilingon ito. Nagkibit-bal
At hayon na naman ang matinding pagririgodon ng puso ni Liana. She was speechless while looking at him. Kailan ba siya hindi natulala dito? Dahil habang tumatagal, mas lalo pa itong nagiging gwapo sa paningin niya and she couldn’t stop her heart from beating so fast. Tulalang pinanood niya lang ang lalaki sa malalaking hakbang nito papalapit sa kanya. At naramdaman niya na lang ang mabining pagdampi ng mga labi nito sa pisngi niya na nagpabalik sa kanyang katinuan. Napatitig siya sa mga mata ng binata na amused na nakatingin sa kanya. “Am I really that handsome para matulala ka ng ganyan?” nanunudyong tanong nito. Namumula ang mga pisnging nagyuko siya ng ulo. Huling-huli siya nito at hindi na niya maipagkakaila pa ang sarili. “Get inside and dressed. May pupuntahan tayo,” utos nito sa kanya at ibinaba si Lester. “Sama ba ako Kuya?” inosenteng tanong naman ng kanyang kapatid na ikinalingon niya sa binata. Niyuko nito si Lester. “Of course!” masiglang tugon nito. “Kasama kayong
“Wow, Kuya Henry! Ang ganda naman dito!” nagniningning ang mga matang palatak ni Lester ng nasa loob na sila ng theme park. Mahigpit itong nakahawak sa kamay niya.“Syempre naman! Basta para sa ‘yo Lester, kahit saan mo gustong pumunta dadalhin kita. And one day, baka sa Disneyland na kita dalhin.” Nakangiting tugon niya sa bata.Naramdaman niyang kinalabit siya ni Liana.“Baka naman masanay na si Lester n'yan at hanap-hanapin,” nakangiting saway nito ng lingunin niya ito.“It doesn’t matter,” aniya sabay kibit-balikat. “Wala namang problema kung masanay ang bata. I can do everything for you and him,” dagdag pa niya.“Henry….” hindi pa rin mapigilang pagpoprotesta ng dalaga. Kahit kaila yata ay hindi na ito masasanay sa kanya.“Could we stop arguing right now?” aniya dito at sinulyapan sina Lester at Aling Perla na nakatingin lang sa kanila.Nakuha naman nito ang ibig niyang ipakahulugan. Walang nagawa ang dalaga kundi ang bumuntong-hininga .“Fine…” pagpapaubayang wika nito.“Okay!
“Liana Cuevas, Bachelor of Information Technology major in Computer Secretarial,” tawag ng tagapagsalita sa pangalan niya.Mabibigat ang mga hakbang na nagtungo siya sa entablado upang tanggapin ang diploma. Malakas na palakpakan ang naririnig niya sa paligid pero balewala iyon sapagkat natatabunan ng lungkot ang kanyang puso.After she received her diploma, at mula sa audience ay naririnig pa niya ang malakas na tili ng kapatid na si Lester na ginantihan naman niya ng isang pilit na ngiti, ay muli siyang bumaba ng stage. Babalik na sana siya sa kanyang kinauupuan when she saw a familiar figure at the entrace of the auditorium.Malapad na nakangiti si Henry habang patuloy na pumapalakpak at titig na titig sa kanya. Proudness was written all over his face.Para namang lumukso ang puso niya nang mga sandaling iyon. Gusto na sana niya itong takbuhin at yakapin pero baka pagalitan siya, kaya masayang itinaas niya na lang ang dimploma dito and waved at him.Halos wala nang naiintindihan si
“Nasaan ba tayo Henry?” tanong niya dito habang nakapiring at akay-akay nito. Tumawag ito sa kanya kanina at susunduin daw siya sa kanila nang hapon ding iyon. Wala namang sinabi ang binata kung anong okasyon ang pupuntahan nila kaya isang simpleng plain red velvet dress lang isinuot niya na lagpas tuhod lang ang haba. Tenernuhan niya iyon ng sapatos na ginamit niya noong nagpunta sila ng Tagaytay. “You can open your eyes now,” utos nito ng tumigil sila. Dahan-dahang ibinukas ni Liana ang kanyang mga mata na bahagya pang nasilaw sa liwanag. She looked around at napagtanto niyang nasa Manila Bay sila. To be exact, they were at Manila Yatch Club at nasa harap niya ngayon ang isang malaking yate. “What are we doing here?” takang tanong niya nang lingunin ang binata sa kanyang tabi. Amused na nakatitig ito sa kanya. “Ano ba sa palagay mo ang gagawin natin dito?” nakataas ang isang kilay na tanong nito.“Henry… huwag ka ngang pilosopo…” aniya. Nasa himig ang pananaway dito. Henry ro
Night before their wedding at noon lang kinabahan ng todo si Liana. Hindi pa niya nakikita si Henry si mula kanina at nag-aalala siyang baka kung ano ng nangyari dito.Balisang palakad-lakad siya sa kanyang silid habang iniisip kung tatawagan ba o hindi ang binata nang biglang tumunog ang cellphone niya. Text message iyon mula kay Henry.Mabilis niya iyong binasa.Can we meet? Iyon ang nakalagay sa screen.Napaupo siya sa gilid ng kama at nagreply dito.Why? Reply niyaMuling tumunog ang cellphone niya.I have something to show you. Pero sa halip na sagutin iyon ay tinawagan niya na lang ito.“What is it? Alam mo namang bawal na tayong magkita di ba?” aniya ng sagutin nito ang kabilang linya.“Wala pa namang twelve midnight ah. May ipapakita lang ako sa ‘yo. Sandali lang tayo,” tugon nito na nasa tinig ang excitement.Sandaling nag-isip si Liana bago siya sumagot. “Sandali lang talaga ha? ‘Pag nalaman ni Mama at ‘Nay Perla na umalis at nagkita tayo malilintikan tayong pareho sa kanil
Ilang beses na lumunok si Henry upang pigilan ang pagpatak ng mga luha. Sa t’wing maalala niya lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na tatlong taon, hindi pa rin niya maiwasang hindi makadama ng galit sa sarili at panghihinayang. It was all his fault kung bakit dumaan sila sa ganoong pagbusok, kahit ang totoo hindi naman na pala dapat.Huminga siya ng malalim at marahang iginiya si Liana sa mismong puntod ng ina nito.“’Nay, kung nasaan ka man ngayon, I hope you could see us… I hope you were now smiling kasi natupad ko na ang gusto mong mangyari para sa amin ni Liana. In just month away, ikakasal na kami. Magkakaroon na ng buong pamilya ang apo ninyo, and I’ll promise to you na hinding-hindi ko na ulit sasaktan ang anak ninyo. I will love and cherish her every single day until our last breathe. Makakaasa kayo sa aking aalagaan ko sila pati na si Lester. And I would also want to thank you for everything you did… for your sacrifices na kahit naantala, masaya pa rin naman ang dadatnan
Liana took a leave para sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Henry. Napagdesisyunan nilang magpakasal na sa susunod na buwan kaya ang lahat ay abala na.Tuwang-tuwa ang Mama Helga nila at si Nanay Perla sa desisyon nilang iyon. Hindi na daw kasi makapaghintay ang mga ito na masundan na si Leyra, and Mama Helga demanded to them to make her a lot of grandchildren na ikinatawa nila nang husto ni Henry. Nag-iisang anak kasi si Henry kaya gusto nito ng maraming apo habang kaya pa daw nitong mag-alaga.Nang araw na iyon ay nagpunta sila ni Leyra sa boutique na gagawa ng gowns nilang mag-ina. Hindi nila kasama si Henry dahil may inaasikaso itong iba pang detalye ng kasal nila. Hinati talaga nilang dalawa ang pag-iintindi sa nalalapit nilang kasal upang mas lalong mapabilis iyon.“Ang cute naman po ng anak ninyo Madam,” anang bading na nagsusukat sa kanila.Nginitian naman ito ni Leyra ng pagkatamis-tamis. Her daughter knows how to appreciate people’s admiration to her.“Ay! Diyos ko!” palatak pa
“San tayo punta Daddy?” tanong ni Leyra habang buhat-buhat niya ito. Nasa hotel sila at naiwan pa sa sasakyan si Liana dahil may kausap pa ito sa telepono.He wanted to show Leyra his office that day kaya naisipan niyang isama ang kanyang mag-ina sa doon.“Daddy will going to show you his office. Di ba you wanted to see it?” masuyong tanong niya sa anak.“Opo,” anito kasabay ng sunod-sunod na pagtango.“You’ll gonna see it today, that’s why I brought you and Mommy here,” he said while smiling.“Talaga, Daddy?” tila hindi naman makapaniwalang tanong nito. Namimilog pa ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.Mabilis naman siyang tumango and Leyra couldn’t hide her excitement. Hinayon ng mga mata nito ang itutok ng hotel hanggang sa magkandabali na ang leeg nito.“Taas naman Daddy. Di ko na makita dulo, sakit na leeg ko,” tila nagrereklamong saad nito.Natatawang hinimas naman niya ang batok nito na ikinahagikhik nito dahil may kiliti ito doon.“Stop, Daddy!” nagpupumiglas na wika nito k
“Hi? Is Leyra sleeping?” mahinang tanong ni Henry ng sumungaw ito sa pintuan ng kwarto ni Leyra.Nilaanan talaga ito ng mama ni Henry ng sariling silid sa mansyon. Pinuno nito iyon ng kung ano-anong laruan na ikinatuwa nang husto ng kanilang anak.Marahan siyang tumango sa binata. “Why?” paanas na tanong niya dito at maingat na tumayo.Maingat ang mga hakbang na lumapit sa kanila ang lalaki. “Just checking,” anito sabay kibit-balikat.Tinitigan nito ang kanilang anak na himbing ng natutulog.Ginaya naman niya ang lalaki.“Liana…” anito pamaya-maya.“Hmmm?” tugon niya ng hindi ito nililingon.“Thank you,” malambing na turan nito na ikinalingon niya dito. Siya na pala ang pinagmamasdan nito at hindi ang anak nila.She smiled.“You don’t have to mention it,” aniya.“No… I’d rather choose saying it than keeping them on myself. As much as possible, gusto kong ipakita sa ‘yo na nagbago na talaga ako…”“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Alam ko naman that you’re doing your best para buma
“Really?”“Yes, Mama! She said yes to me!” masayang kwento niya sa ina habang nasa silid siya ng kanyang mag-ina. Kaagad niya itong tinawagan upang ibalita ang mga nangyari kanina.“Oh, that’s great!” palatak ni Helga sa kabilang linya. “So, kailan ang kasal? May napili na ba kayong date? Dito ba gaganapin o d’yan kina Liana?” sunod-sunod na tanong nito. Tila mas excited pa ito sa kanilang dalawa ni Liana. Napailing naman siya. “Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan. Siguro one of these days malalaman mo iyon,” tugon niya.“Of course! Hindi ko naman hahayaang mahuli ako sa balita. Kaya dapat sabihin mo agad sa akin kapag nakapagdesisyon na kayo,” anito na kahit hindi niya kaharap ay alam niyang nakataas ang mga kilay.Napangiti naman siya. “Yes, Mama. I’ll do that,” aniya.“By the way how’s my apo? Is Leyra alright? Anong reaksyon niya ng sabihin ninyong magpapakasal na kayo?” pag-uusisa nito.“Hay naku, Mama! Matatawa ka sa kanya. Kung nakita mo lang kung paano n
Dahan-dahang hinapit ni Henry si Liana palapit sa sarili and embraced her so tight.Walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama niya sa kanyang puso.Liana loves him! Iyon ang nagtutumining sa isip niya ng mga sandaling iyon.Kaytagal niyang hinintay ang pagkakataong ito… Kaytagal niyang hinintay na marinig mula dito na sabihing mahal din siya nito. And God knows how happy he is right at this moment.“I never like hurting you, Liana… noon at ngayon…” panimula niya habang masuyong hinahaplos ang likod nito. “I know I was a fool back then. Hinayaan kitang mawala sa akin and it was too late when I realized that I cannot live without you… that I’ll die if I can’t see you… Kaya ipinahanap kita. Hinalughog ko ang buong Maynila para lang makita ka ngunit bigo ako. Sa loob ng tatlong taon, wala akong ibang ginawa kundi ang sisihin ang sarili ko. Sisihin sa lahat ng nangyari sa atin. Masyado akong nagpadala noon sa galit at selos na nararamdaman ko at hindi ko naisip na aalis ka na lang bigla at
“Mommy pede hilam phone?” tanong ni Leyra sa kanya ng lapitan siya nito habang nanonood siya ng tv.Kunot-noong sinulyapan niya ang anak.“Bakit Baby, sino ang tatawagan mo?” tanong niya dito.“Tawag po ako kay Daddy. Di s’ya tawag ngayon sa ‘kin, eh…” tila nagsusumbong na tugon niya.Napahugot naman siya ng malalim na hininga at hinarap ang anak.“Baka may ginagawa lang si Daddy ngayon kaya hindi ka niya natawagan,” paliwanag n’ya dito.“Eh sabi n’ya po tawag ako sa kanya kapag namimiss ko siya. Miss ko na s’ya Mommy,” katwiran pa nito.Ako rin. Miss ko na rin ang ama mo. Mabilis na tugon ng kanyang isip pero hindi niya iyon isinatinig.“Gusto mo text na lang muna natin siya?” sa halip ay tanong niya rito.“No,” kaagad na sagot nito kasabay ng pag-iling. “Gusto ko tawag,” nanghahaba na ang ngusong dagdag pa nito.“Leyra… what did Mommy told you about your Dad?” malumanay na tanong niya dito.Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay palaging masusunod ang gusto ng kanyang anak. Kailanga
Pagkatapos nilang mag-agahan ay mabilis na naligo si Liana at naghanda na papasok ng opisina. Paglabas niyang muli sa sala ay bihis na rin ang mag-ama.Nagtatakang tiningnan niya ang mga ito.“May lakad ba kayo?” tanong niya sa dalawa.Nagkatinginan ang mga ito at sabay na ngumiti sa kanya.“Hatid ka namin sa office mo po, Mommy.” Si Leyra ang sumagot.Nakataas ang mga kilay na nilingon niya si Henry.Nagkibit-balikat naman ito. “Request n’ya talaga iyon,” anito na ang tinutukoy ay ang kanilang anak.“Di po ba pede?” inosenteng tanong ni Leyra sa kanya. Bigla ay naging malungkot ang itsura nito na ikinatawa naman niya.“Of course, not!” aniya na nagpingiti ng muli sa anak nila. Tuwang-tuwa kumapit ito sa tig-isang kamay nila at sabay-sabay silang tatlo na lumabas ng bahay.“’Nay tuloy na ho ako,” pamamaalam n’ya dito pagkatapos ay nagmano. Kasalukuyan itong nagdidilig ng mga tanim nito sa harapan.“Sige… Mag-iingat kayo,” anito na bahagya lang silang nilingon at ipinagpatuloy na ang g