Share

Chapter 70

Nagtatakang iginala ni Liana ang paningin sa buong salas. Wala na doon si Henry at Leyra.

Nagmamadaling binuksan niya ang pintuan sa may terrace at sinilip kung naroroon ang dalawa, ngunit wala naman. Sandali siyang nag-isip ng bigla'y may bumundol na kaba sa kanyang dibdib.

Tuloy-tuloy siyang lumabas ng kanilang bahay at ng makita na naroon pa rin ang sasakyan ng binata, t’saka pa lang siya nakahinga ng maluwag.

Akala niya kasi itinakas na nito si Leyra, ngunit alam naman niyang hindi iyon gagawin ni Henry.

Muli siyang bumalik sa loob at ipinagpatuloy ang paghahanap sa mga ito. Wala namang ibang pupuntahan ang dalawa kundi ang…

Napatigil siya sa gitna ng sala at mabilis na napatingin sa kanilang silid ng anak.

Dahan-dahan siyang lumapit doon at pinakiramdam kung may tao sa loob. Wala naman siyang marinig mula sa labas kaya maingat niyang binuksan ang pinto.

Mabilis niyang tinakpan ang bibig upang di-kumawala doon ang malakas niyang pagsinghap ng tumambad sa kanya ang dalawa. M
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status