Share

Chapter 74

“Manang Perla! Liana!” humahangos na tawag sa kanila ng kapitbahay na si Ka Maring.

Magkapanunod namang napalabas sila sa may terrace ng kanilang bahay.

“Bakit Maring? Anong problema?” tanong ng kanyang Nanay Perla dito.

“May gulo sa court!” anito na bahagya pang hinihingal.

“Gulo? At sino naman?” salubong ang mga kilay na tanong muli ni ‘Nay Perla.

“’Yung asawa nitong si Liana hinamon ni Baldo!” pagbabalita nito.

“Ano ho?” nanlalaki ang matang tuluyan na siyang napalabas ng kanilang bahay.

Si Baldo ay isang dakilang tambay sa lugar nila. Malimit itong pinagmumulan ng gulo dahil sa palahamon nitong ugali kaya maraming taga-roon ang ilag dito.

Malalaki ang mga hakbang na nagtungo siya sa court kasunod sina Nanay Perla at Ka Maring. Madami ng tao doon na nag-uusyuso sa nangyayari. Kandahaba naman ang leeg niya na hinanap si Leyra at Lester dahil ito ang kasama ni Henry ng lumabas kanina.

“Go Daddy! Go Daddy!” narinig niyang pagche-cheer ni Leyra sa ama kasabay ng pagpalakpak nito.

“Gali
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status