“Manang Perla! Liana!” humahangos na tawag sa kanila ng kapitbahay na si Ka Maring.Magkapanunod namang napalabas sila sa may terrace ng kanilang bahay.“Bakit Maring? Anong problema?” tanong ng kanyang Nanay Perla dito.“May gulo sa court!” anito na bahagya pang hinihingal.“Gulo? At sino naman?” salubong ang mga kilay na tanong muli ni ‘Nay Perla.“’Yung asawa nitong si Liana hinamon ni Baldo!” pagbabalita nito.“Ano ho?” nanlalaki ang matang tuluyan na siyang napalabas ng kanilang bahay.Si Baldo ay isang dakilang tambay sa lugar nila. Malimit itong pinagmumulan ng gulo dahil sa palahamon nitong ugali kaya maraming taga-roon ang ilag dito.Malalaki ang mga hakbang na nagtungo siya sa court kasunod sina Nanay Perla at Ka Maring. Madami ng tao doon na nag-uusyuso sa nangyayari. Kandahaba naman ang leeg niya na hinanap si Leyra at Lester dahil ito ang kasama ni Henry ng lumabas kanina.“Go Daddy! Go Daddy!” narinig niyang pagche-cheer ni Leyra sa ama kasabay ng pagpalakpak nito.“Gali
“’Nay nakita n’yo ho ba si Henry?” nag-aalalang tanong ni Liana ng hindi niya makita ang binata.Medyo gumagabi na at hindi naman ito masyado pang kilala sa lugar nila. Baka mamaya ay mapagtripan ito doon.“Lalabas lang daw siya sabi kanina,” tugon naman nito na abala sa tinatahing punda ng unan.Mabuti na lang at tulog na ang anak nila. Sigurado kasing hahanapin ito ni Leyra at baka mag-iyak na naman kapag hindi nakita ang ama.“May sinabi ho ba kung saan siya pupunta?” tanong niyang muli.Nasa labas ang kotse nito kaya alam niyang hindi lumayo ang lalaki.Nilingon siya ni Nanay Perla.“Wala namang nabanggit. Anong oras na ba?”Tiningnan naman niya ang orasan. “Alas-diyes na ho,” tugon niya na lalo lang kinabahan.“Aba’y gabi na pala. Saan naman kaya pupunta ang isang iyon,” nag-aalala na ring sabi nito. “Ang mabuti pa ay hanapin mo na sa may labasan. Baka mamaya ay nakita na naman si Baldo,” dugtong pa nito.Mas lalo lang siyang nabahala dahil sa sinabi nito.Noong isang araw lang n
Hindi naman makatulog si Liana nang gabing iyon. Pabaling-baling lang siya sa higaan. Kanina, narinig niya ang kaluskos sa may pinto sa labas kaya alam niyang dumating na si Henry, pero hindi niya ito pinagbuksan. Bahala ang binatang matulog sa labas, kahit pa nga matindi ang pagtutol ng puso niya sa ideyang iyon. Ilang sandali rin siyang nakiramdam sa labas hanggang sa maging tahimik na doon. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata ngunit talagang mailap ang antok sa kanya. Tulalang napatitig na lang si Liana sa kisame habang ang isip ay na kay Henry. Ano kayang naisipan nito at nakipag-inuman kina Baldo? Kilala niya ang binata, hindi ito basta-basta nagtitiwala sa taong hindi nito lubos na kilala gaya noon sa kanya. Alam niya ring may inis pa rin ito kay Baldo dahil sa nangyari ‘nung nakaraan, pero hindi n’ya ngayon maintindihan kung bakit bigla na lang ay nagbago ang binata. Sinulyapan niya ang nakapinid na pinto ng silid. Tulog na kaya ito? Tanong niya sa sarili. Kung ano-an
Pagkatapos nilang mag-agahan ay mabilis na naligo si Liana at naghanda na papasok ng opisina. Paglabas niyang muli sa sala ay bihis na rin ang mag-ama.Nagtatakang tiningnan niya ang mga ito.“May lakad ba kayo?” tanong niya sa dalawa.Nagkatinginan ang mga ito at sabay na ngumiti sa kanya.“Hatid ka namin sa office mo po, Mommy.” Si Leyra ang sumagot.Nakataas ang mga kilay na nilingon niya si Henry.Nagkibit-balikat naman ito. “Request n’ya talaga iyon,” anito na ang tinutukoy ay ang kanilang anak.“Di po ba pede?” inosenteng tanong ni Leyra sa kanya. Bigla ay naging malungkot ang itsura nito na ikinatawa naman niya.“Of course, not!” aniya na nagpingiti ng muli sa anak nila. Tuwang-tuwa kumapit ito sa tig-isang kamay nila at sabay-sabay silang tatlo na lumabas ng bahay.“’Nay tuloy na ho ako,” pamamaalam n’ya dito pagkatapos ay nagmano. Kasalukuyan itong nagdidilig ng mga tanim nito sa harapan.“Sige… Mag-iingat kayo,” anito na bahagya lang silang nilingon at ipinagpatuloy na ang g
“Mommy pede hilam phone?” tanong ni Leyra sa kanya ng lapitan siya nito habang nanonood siya ng tv.Kunot-noong sinulyapan niya ang anak.“Bakit Baby, sino ang tatawagan mo?” tanong niya dito.“Tawag po ako kay Daddy. Di s’ya tawag ngayon sa ‘kin, eh…” tila nagsusumbong na tugon niya.Napahugot naman siya ng malalim na hininga at hinarap ang anak.“Baka may ginagawa lang si Daddy ngayon kaya hindi ka niya natawagan,” paliwanag n’ya dito.“Eh sabi n’ya po tawag ako sa kanya kapag namimiss ko siya. Miss ko na s’ya Mommy,” katwiran pa nito.Ako rin. Miss ko na rin ang ama mo. Mabilis na tugon ng kanyang isip pero hindi niya iyon isinatinig.“Gusto mo text na lang muna natin siya?” sa halip ay tanong niya rito.“No,” kaagad na sagot nito kasabay ng pag-iling. “Gusto ko tawag,” nanghahaba na ang ngusong dagdag pa nito.“Leyra… what did Mommy told you about your Dad?” malumanay na tanong niya dito.Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay palaging masusunod ang gusto ng kanyang anak. Kailanga
Dahan-dahang hinapit ni Henry si Liana palapit sa sarili and embraced her so tight.Walang pagsidlan ang kasiyahang nadarama niya sa kanyang puso.Liana loves him! Iyon ang nagtutumining sa isip niya ng mga sandaling iyon.Kaytagal niyang hinintay ang pagkakataong ito… Kaytagal niyang hinintay na marinig mula dito na sabihing mahal din siya nito. And God knows how happy he is right at this moment.“I never like hurting you, Liana… noon at ngayon…” panimula niya habang masuyong hinahaplos ang likod nito. “I know I was a fool back then. Hinayaan kitang mawala sa akin and it was too late when I realized that I cannot live without you… that I’ll die if I can’t see you… Kaya ipinahanap kita. Hinalughog ko ang buong Maynila para lang makita ka ngunit bigo ako. Sa loob ng tatlong taon, wala akong ibang ginawa kundi ang sisihin ang sarili ko. Sisihin sa lahat ng nangyari sa atin. Masyado akong nagpadala noon sa galit at selos na nararamdaman ko at hindi ko naisip na aalis ka na lang bigla at
“Really?”“Yes, Mama! She said yes to me!” masayang kwento niya sa ina habang nasa silid siya ng kanyang mag-ina. Kaagad niya itong tinawagan upang ibalita ang mga nangyari kanina.“Oh, that’s great!” palatak ni Helga sa kabilang linya. “So, kailan ang kasal? May napili na ba kayong date? Dito ba gaganapin o d’yan kina Liana?” sunod-sunod na tanong nito. Tila mas excited pa ito sa kanilang dalawa ni Liana. Napailing naman siya. “Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan. Siguro one of these days malalaman mo iyon,” tugon niya.“Of course! Hindi ko naman hahayaang mahuli ako sa balita. Kaya dapat sabihin mo agad sa akin kapag nakapagdesisyon na kayo,” anito na kahit hindi niya kaharap ay alam niyang nakataas ang mga kilay.Napangiti naman siya. “Yes, Mama. I’ll do that,” aniya.“By the way how’s my apo? Is Leyra alright? Anong reaksyon niya ng sabihin ninyong magpapakasal na kayo?” pag-uusisa nito.“Hay naku, Mama! Matatawa ka sa kanya. Kung nakita mo lang kung paano n
“Hi? Is Leyra sleeping?” mahinang tanong ni Henry ng sumungaw ito sa pintuan ng kwarto ni Leyra.Nilaanan talaga ito ng mama ni Henry ng sariling silid sa mansyon. Pinuno nito iyon ng kung ano-anong laruan na ikinatuwa nang husto ng kanilang anak.Marahan siyang tumango sa binata. “Why?” paanas na tanong niya dito at maingat na tumayo.Maingat ang mga hakbang na lumapit sa kanila ang lalaki. “Just checking,” anito sabay kibit-balikat.Tinitigan nito ang kanilang anak na himbing ng natutulog.Ginaya naman niya ang lalaki.“Liana…” anito pamaya-maya.“Hmmm?” tugon niya ng hindi ito nililingon.“Thank you,” malambing na turan nito na ikinalingon niya dito. Siya na pala ang pinagmamasdan nito at hindi ang anak nila.She smiled.“You don’t have to mention it,” aniya.“No… I’d rather choose saying it than keeping them on myself. As much as possible, gusto kong ipakita sa ‘yo na nagbago na talaga ako…”“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Alam ko naman that you’re doing your best para buma