Share

Chapter 71

Isang malakas na busina sa labas ng bahay nina Liana ang nagpabalik sa kamalayan ni Henry.

Kunot-noong lumabas siya ng silid ng kanyang mag-ina at naabutan pa niyang papasok ng bahay si Jake. May dala-dala itong kung ano-ano sa magkabilang kamay.

Agad naman itong sinalubong ni Liana.

“Ang aga mo naman yata?” tanong nito sa lalaking kararating lang.

“May iniutos sa akin si Papa kaya naisipan ko na rin na dumaan dito tutal nasa malapit lang naman ‘yung pinuntahan ko,” tugon nito sabay lingon sa kanya.

Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya.

“Maupo ka muna at ipagtitimpla kita ng kape,” anang dalaga dito na hindi yata naramdaman ang namumuong tensyon sa pagitan nila ng lalaki.

Tumango naman ito at tahimik na naupo.

S’ya naman ay lumabas ng bahay para tawagan ang kanyang mama pati na rin ang kanyang sekretarya. May mga kailangan kasing asikasuhin sa hotel at ang kanya munang ina ang pinapunta niya doon.

Hindi naman siya nagdalawang salita dito, bagkus ay tuwang-tuwa pa ito dahil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status