Home / Romance / Isang CEO Pala Ang Forever Ko / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Isang CEO Pala Ang Forever Ko: Chapter 11 - Chapter 20

86 Chapters

Contact Lens

TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Kung hindi pa ako nakarinig ng sunud-sunod na pag busina ng sasakyan, marahil ay mahimbing pa rin ang akong tulog.Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at sinilip ko muna sa bintana kung sino nga ba ang may kagagawan ng ingay na 'yon. Sisigawan ko sana ito dahil akala ko ay si Nicole na naman at balak akong asarin. Subalit, nagulat ako ng kotse pala ni Iñigo ang naroon sa labas ng bahay. Hinila ko kaagad ang tuwalyang nakahanger at pagkatapos ay hinubad ko rin ang suot ko sa paa. Nakakahiya kasi na makita niyang hindi pa ako nagbibihis simula kahapon. Kapagkuwa'y tinungo ko na ang pintuan at pinagbuksan ko siya."Naku, sir...pasensiya na, tinanghali ako ng gising. Buwisit kasi 'tong si Nicole eh, hindi man lang ako ginising bago siya umalis." Nakangusong pahayag ko."Pasok ka sir!" nilakihan ko ang bukas ng pinto para lang makapasok siya. "Nah, it's okay. Actually, kakaalis lang din ni Nicole. Nagkasalubong pa nga kami sa may gate eh.""Ah, ga
last updateLast Updated : 2022-05-25
Read more

Stranded

NANG mga sumunod na araw, pakiwari ko ay ang lamig ng pakikitungo sa'kin ni Sir Iñigo. Nagdadalawang isip naman akong magtanong sa kanya kasi baka mapahiya lang ako. Dalawang araw na rin na hindi niya ako sinusundo sa bahay kaya naman napilitan na rin akong dalhin ang aking kotse."Sam, pakitimpla mo nga ako ng kape bago ka bumalik sa table mo." Ani Sir Iñigo isang umaga na nagdala ako ng mga dokumeto. Ang pormal niyang makipag-usap sa'kin kaya naman hindi ko talaga maiwasan ang manibago."Okay sir." Tipid kong tugon.Matapos kong ilapag sa harapan niya ang tasa ng kape ay nagmadali na rin akong lumabas ng office niya.Maya-maya ay binalikan ko rin siya dahil biglang nag-send ng invitation through email ang isa sa mga staff ng Amara's Art Gallery."Uhm...excuse me sir, nag-send po kasi ng invitation ang-""Ignore it!"kaagad niyang naibulalas."Sir, akala ko po dadalo tayo sa art exhibit nila.""Hindi na! Nagbago na ang isip ko. Tutal wala naman akong mahagilap na matinong furniture des
last updateLast Updated : 2022-05-26
Read more

Selos

KINABUKASAN, pakiramdam ko ay mabibiyak na ang aking ulo dahil sa sobrang sakit nito. Tinamad na kasi akong mag-shower kagabi kaya siguro gan'to ang pakiramdam ko. Tapos, nakatulugan ko pa kasi na basa ang aking buhok, dulot ng tubig ulan. Kaya naman heto, maging ang aking ilong ay pinahirapan din ako. Sa tuwing yuyuko kasi ako ay natulo ang aking sipon."Lintik naman talaga oh!" Bulalas ko, matapos kong suminga sa tissue na naroon sa ibabaw ng cabinet."Hoy! Anong nangyari sa'yo?" Agad na usisa ni Nicole na ngayon ay abala sa paghahanda ng aming almusal."Naiinis kasi ako sa sipon ko eh! Ang sakit pa sa ulo! Buwisit talaga!" patuloy na reklamo ko."Sus, eh kanino ba'ng kasalanan? Di'ba sa'yo naman talaga?""Ba't ako? Eh, hindi ko naman ginustong ma-flat 'yong gulong ko. Kasalanan 'to ng ulan no'h!" Giit ko."Tsk...sinisi mo pa 'yong ulan. Alam mo ba kung bakit kasalanan mo? Kasi, nag-inarte ka pa. Dapat tinawagan mo kaagad 'yong guwapong boss mo!""Hoy, hindi puwede. Madami ng inaatup
last updateLast Updated : 2022-05-26
Read more

Galit at Kasinungalingan

ISANG linggo na ang nakalipas simula ng pumirma ng kontrata sa kompanya ni Sir Iñigo ang Miss Shane na 'yon. Madalas silang magkasama ni Sir kaya naman halos hindi na rin kami nagkakasabay sa pananghalian ng boss ko. Minsan ay dalawang beses sa isang linggo na lang din niya ako sinusundo at ihinahatid sa bahay.Ngayon ay mag-isa na naman akong manananghalian kaya't naisipan kong lumabas na lang at doon na lang ako kakain sa restaurant na malapit dito.Matapos kong mag-order ay naghanap ako ng bakanteng mesa na puwede kong okupahin. Subalit nakakailang hakbang pa 'lang ako nang biglang tumawag si Sir Iñigo kaya naman nabaling na ang atensiyon ko sa aking cellphone at hindi ko namalayan na natamaan pala ng handbag ko ang inumin na nakapatong sa mesa ng isang costumer."Hey, you! Stupid bitch!" Bigla akong napalingon matapos kong marinig ang sigaw na 'yon ng isang babae. Para kasi'ng pamilyar ang boses nito at gayo'n na lamang ang aking pagkamangha matapos kong mapagsino ang nagmamay-ari
last updateLast Updated : 2022-06-03
Read more

Komprontasyon

SABADO ngayon kaya't naisipan namin ni Nicole na mag-bar tutal, linggo naman bukas at mahaba ang oras namin para makapagpahinga. Kaya naman, wala pang alas singko ng hapon ay nagligpit na ako ng aking mga gamit.Hindi ako masyadong na-stress ngayon dahil si Mr. President ang nandito sa kompanya. Medyo busy kasi sina Sir Iñigo sa pag-aasikaso para sa exhibit. Kaya naman buong maghapon na hindi ko rin nakita rito ang anino ni sunflower girl. Palagi silang magkasama ni sir kaya wala rin akong ideya kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanila.Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan bago ako lumabas. Dumaan muna ako sa office ni Mr. President para makapagpaalam dito. Eksakto naman'g palabas na rin ito kaya't hindi na ako naabala pa."May dala ka bang sasakyan?" ani Mr. President."Meron po Mr. President. Sige po, mauna na po ako." Malugod kong paalam sa kanya.Tinawagan ko si Nicole. Naroon na pala ito sa bar at busy ng makipagtsismisan kay Francis.Ilang minuto lang ay nando
last updateLast Updated : 2022-06-03
Read more

Punishment

PAGDATING ko dito sa bahay ay halos sumabog na ang aking cellphone sa sunud-sunod na chat at call ni Iñigo. "Oh, Sam! Ba't 'di mo sagutin 'yan?" Hindi na nakatiis pa si Nicole."Hayaan mo lang 'yan." Tipid kong tugon."Nagkasagutan na naman ba kayo?" Muli niyang tanong na ang tinutukoy ay si Iñigo.Hindi ako nakasagot agad. Sa halip ay nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntonghininga. "Sus, sabi ko na nga ba eh." Dagdag pa niya at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. "Ano ba talaga ang-"Naudlot ang iba pang sasabihin ni Nicole nang biglang may kumatok sa pintuan."May inaasahan ka bang bisita na darating ngayon?" Aniya bago tumayo at tinungo ang pintuan. Umiling naman ako kaya't napilitan na rin itong buksan ang pinto.Namilog ang aking mga mata nnag pumasok na si Iñigo. Balak ko sana'ng senysasan si Nicole na palabasin ito ngunit huli na ang lahat. Dahil eksaktong paglingon ko ay siya naman'g pagtama ng aming paningin ni Iñigo.Wala na rin akong nagawa lalo pa't inanyay
last updateLast Updated : 2022-06-03
Read more

Dart Game

MASARAP sa pakiramdam na bumalik ulit sa dati ang pakikitungo saakin ni Iñigo. Ngayon ay lulan na naman ako sa kanyang kotse pauwi sa aming bahay.''Oh, ba't huminto tayo?" puno ng pagtataka'ng tanong ko sa kanya matapos namin'g huminto sa tapat ng isang mamahaling restaurant.Nginitian niya lang ako. Kapagkuwa'y nagmamadali itong bumaba at pagkatapos ay inalalayan rin akong makababa."Anong meron?" muli kong tanong."Nothing." Kibit balikat niyang tugon. ''Tara na, kakain muna tayo bago umuwi." Dagdag pa niya."Ang dami mo ng ginastos sa'kin ngayong araw ah."Reklamo ko."Sus, wala 'yon. Gusto ko lang bumawi sa'yo kaya pagbigyan mo na 'ko.''''Sige na nga.'' Napipilitang pagsang-ayon ko.Nagpatiuna na ito sa pagpasok kaya't walang imik na sumunod na lang din ako.Nang tuluyan na kaming makaupo ay hinayaan ko na lang siya na mag-order ng aming pagkain."Baka may gusto ka pang idagdag?'' aniya na bahagya akong binalingan."Uhm...wa-wala na! Okay na sa'kin 'yon.''''Okay.''Tanging nasabi
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more

Espesyal

HINDI ko maiwasan ang mapangiti sa hallway habang binabasa ang chat ni Iñigo. Hindi niya kasi ako sinundo ngayon sa bahay dahil may kailangan daw siyang ayusin para sa exhibit. Kaya't late na rin siyang darating sa office.Di-deretso na sana ako sa aking table ngunit bigla kong nakasalubong si Mr. President."Hi!" Aniya na siyang naunang bumati saakin."Oh, good morning Mr. President!" Bahagya pa akong yumukod bilang pormal na pagbati sa kanya."Uhm...maaari ba kitang yayain na magkape sa opisina ng anak ko?" anang presidente. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba dahil naisip ko na baka kung anong kasalanan ang nagawa ko at bigla itong sumulpot ngayon."Si-sige po Mr. President." Nagpatiuna na ito kaya't walang imik na sumunod na lang din ako."Sandali lang Mr. President. Magtitimpla lang po ako ng kape natin." Paalam ko matapos namin'g makapasok sa loob. Kaagad naman itong tumango kaya't binilisan ko na ang pagtitimpla.Ilang segundo ko rin'g pinag-isipan kung ano nga ba ang posible n
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more

Family Dinner

KANINA pa akong nakapangalumbaba habang nakaupo sa couch dito sa sala. Hanggang ngayon kasi ay hirap pa rin akong i-proseso sa utak ko ang mga sinabi kahapon ni Mr. President."Hoy, linggo ngayon Samantha! Hindi biyernes santo!" sita saakin ni Nicole matapos nitong umupo sa tabi ko."Alam ko." Walang buhay na sagot ko."Ano, malungkot kapag weekends kasi wala si Daddy Iñigo?""Tumigil ka nga! Grabe ka sa'kin huh!" naiinis na singhal ko dito."Sus, aminin mo man sa'kin o hindi, alam kong si Iñigo naman talaga ang nasa isip mo ngayon.""Oo na! Tama ka, si Iñigo nga!" napipilitang pag-amin ko sa kanya."Hmm...bakit, nag-away na naman kayo?""Hindi. Kinausap kasi ako kahapon ni Mr President. Katulad mo ay iginigiit rin niyang may gusto sa'kin si Iñigo.""Tsk...see? Kahit 'yong ama niya ay nakakahalata na rin. Ikaw na lang 'yong hindi!" Pinagdiinan pa talaga nito ang huli niyang sinabi."Nicz, naguguluhan na 'ko!""Gaga, 'wag kang maguluhan. Go on with the flow na lang. Bakit, napo-fall ka
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more

Walk Out

"WHAT the hell is going on sir? Akala ko ba ako lang ang bisita?'' puno ng iritasyon sa aking tinig matapos namin'g huminto ni Iñigo sa kusina."Sam, i'm sorry...hi-hindi ko talaga alam na inimbita ni dad si Miss Shane.''"Sir, sa totoo lang ay nawalan na ako ng gana'ng bumalik do'n.'' Patuloy kong pagrereklamo. "Puwede ba ihatid mo na nga lang ako pauwi!''''No! Babalik pa rin tayo do'n! Nakakahiya kay dad!'' giit nito ngunit patuloy pa rin akong nagmamatigas."Kung ayaw mo akong ihatid, eh 'di ako na lang ang uuwing mag-isa!'' Nakakadal'wang hakbang pa lang ako nang muli siyang magsalita, dahilan upang muli ko siyang lingunin ngunit hindi rin kaagad ako nakakibo.''Sam, bakit ba kasi big deal sa'yo na nandito si Miss Shane? Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo? At saka si dad naman ang nag-imbita sa'yo dito di'ba?'' Tila ba napipikon na ito saakin. Hindi pa rin ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kawalan. Kaya't siya na mismo ang kusang lumapit saakin.Hinawakan nito ang magkabi
last updateLast Updated : 2022-06-05
Read more
PREV
123456
...
9
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status