Home / Romance / Bakit Ikaw Pa Rin? / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Bakit Ikaw Pa Rin? : Chapter 51 - Chapter 60

68 Chapters

Chapter 51 BIPR

Zeus PovNAGISING ako sa pakiramdam na tila may mga matang nakamasid sa akin. Agad akong nagmulat ng aking mga mata kahit pa nga nahihilo pa ako. Namimigat ang buong katawan ko, maging ang ulo ko, hindi pa malinaw sa akin ang lahat. Basta ang natatandaan ko lang may humarang sa sasakyan ko habang binabagtas ang daan papunta sa Tagaytay. Tagaytay? Mabilis akong napabangon nang maalala kong ngayon ang araw ng kasal namin ni Amber. Aalis sana ako sa kama nang ma-realized kong nakatali pala ang mga kamay at paa ko. Pinilit kong makawala sa pagkakatali ngunit sa tuwing tatangkain ko iyon ay pahigpit nang pahigpit ang tali."Huwag mo ng subukan, hindi ka makakatakas diyan, solid wire iyang nakatali sa'yo." Mabilis akong tumingala para tingnan ang taong nagsalita. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita kong si Darius iyon, katabi nito si Margaux. "Surprised?" ngising aso na tanong ni Darius sa'kin. "Anong ibig sabihin nito, Darius?" galit na tanong ko. "Pakawalan mo ako rito, hay*p k
Read more

Chapter 52 BIPR

Zeus Pov NASA taxi pa lang ako papunta sa Tagaytay ngunit abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Kanina ko pa tinatawagan ang numero ni Amber pero hindi ito sumasagot. Maging si Ate Alma at Aldrin ay tinatawagan ko na rin pero walang sumagot isa man sa kanila. Kahit kay Jhon na pinsan ni Amber ay nagbakasakali ako ngunit kagaya ng mga nauna, wala rin akong nakuhang reply o chat man lang. "Damn! Answer your phone, Amber!" gigil na sabi ko nang hindi pa rin sagutin ni Amber ang tawag ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinawagan ang numero nito at ng pamilya nito. "F*ck! Answer the phone!" Halos maibato ko na ang cellphone ko. Muli kong tinawagan si Amber pero bigo pa rin ako. Si Aldrin naman sana ang tatawagan ko nang mag-ring iyon. Mabilis kong sinagot iyon nang makita kong si Xander iyon. "Hell--" "Where the hell are you?!" bungad nito sa akin. Halos mayanig ang tainga ko sa lakas ng sigaw ni Xander sa kabilang linya. "Where the hell are you, Zeus?!" "Xander, pa
Read more

Chapter 53 BIPR

Amber's POV"Umalis ka na, Zeus, parang awa mo na," pakiusap ko. Nang dumating ito kanina ay hindi man lang ako nakaramdam ng tuwa o pananabik. Paano ako matutuwa kung napahiya na ang buong angkan ko sa buong bayan namin? Paano ko magagawang masabik kung galit at hinanakit na ang nararamdaman ng puso ko ngayon. At oo, sinabi niyang nakidnap siya kaya hindi nakarating, pero iyong katotohanan na hindi ito dumating ay sobrang sakit para sa akin. Walang kasing sakit, hindi para sa sarili ko kun'di para sa pamilya ko, lalo na para kay Tatay na siyang pinaka naapektuhan sa lahat. "Zeus, please umalis ka na, umalis ka na lang," pakiusap ko habang walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko siya kayang makita ngayon.Kagaya ko luhaan na rin ito habang nakatingin sa akin. Bakas ang sakit sa mga mata nito. "Baby, wala akong alam sa sinasabi mong paghihiganti. Hindi totoo iyon, walang totoo sa sinabi ni Margaux.""Pero totoong may relasyon kayo, hindi ba? Nakita ko kayong magkasama s
Read more

Chapter 54 BIPR

Amber's POVIlang sandaling tanging hagulhol lang namin ni Tatay at ng pamilya ko ang maririnig.Sa nanlalabong mga mata ay kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Zeus. Bahagya pa itong nakanganga habang nanlalaki ang mga mata. Titig na titig ito kay Tatay."Gano'n kadem*nyo ang Nanay mo, ngayon mo sabihin sa akin na hindi ko siya dapat idamay.""Hindi totoo iyan," mahinang sabi ni Zeus."Totoo. Hindi nakarating noon ang anak ko para sumama sa'yo dahil tinangka siyang ipapatay ng ina mong dem*nyo! Tinangka niyang ipap*tay at ipagah*sa ang anak ko.!""Tama na! 'Tay, tama na...tama na.." pakiusap ko. Nanghihina na napaupo na ako sa damuhan dahil sa pagragasa ng mga eksena sa isip ko. Kung paano ako makipaglaban sa mga taong iyon para lang makatakas. Para hindi nila ako magawan ng masama."Dinukot ng mga tauhan ng Nanay mo si Amber habang papunta sa'yo. Pero bago nagyari iyon, pumunta siya rito sa bahay namin para sulsulan ang anak ko ng salapi kapalit mo. Binabayaran niya ang anak ko ng
Read more

Chapter 55 BIPR

Zeus Pov "Umalis ka na! Alis..! Wala ka ng aasahan sa pamilyang ito dahil hindi na kita matatanggap para sa anak ko," sigaw ni Tatay Jun sa akin. Tila nanlaki ang ulo ko sa lahat ng sinasabi ni Tatay Jun sa akin ngayon, hindi ko kayang paniwalaan. Hindi ko kayang tanggapin na pinagdaanan iyon ni Amber sa mga panahon na kinamumuhian ko s'ya. At mas lalo kong hindi kayang tanggapin na si Mommy ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Titig na titig lang ako sa kanila habang humahagulhol sila sa harapan ko. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko, hindi ko matanggap ang rebelasyon na iyon. Masy'adong masakit at mabigat. Hindi magagawa ni Mommy iyon, hindi! Sigaw ng isang bahagi ng isip ko. Pero ang peklat sa dibdib ni Amber ang patunay na totoo ang lahat ng iyon. "I'm sorry. Oh God, I'm sorry, baby, hindi ko alam." Walang nagawa si Tatay Jun nang mabilis akong lumapit kay Amber. Mahigpit ko itong niyakap. "I'm sorry, baby. Oh God, I'm so sorry... I'm sorry." Mahigpit ko itong ikinulo
Read more

Chapter 56 BIPR

Zeus PovNanatili pa ako nang ilang sandali sa pagkakaupo ko sa sahig bago nagdesisyong tumayo na. Naglakad ako papunta sa emergency room, gusto kong makita si Amber. Kahit matanaw ko lang siya."Zeus, saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Seth. Hindi ko ito pinansin.Mabagal akong naglakad, pumuwesto ako sa may malapit sa pinto."Zeus, ano ba?!" galit namang sabi ni Xander. Hinila pa nito ang braso ko. "Umuwi na lang muna tayo, okay? Narinig mo naman ang sinabi ng Doktor, hindi ba? Bawal ma-stress si Amber." "Ze, tama si Xan, umuwi na lang muna tayo. Magpalamig ka muna, dude," segunda ni Seth. Nag-angat ako ng ulo, tiningnan ko ang mga ito. Alam kong hindi ko naitago ang sakit sa mga mata ko habang nakatingin sa kanila. "Ze.." sabi ni Xander. "Gusto ko lang makita ang mag-ina ko, kahit matanaw ko lang, Xan, Seth. Mag-ina ko iyon eh, akin iyon at mahal na mahal ko sila..mahal na mahal." Hindi ko na napigilan ang pagpiyok ng boses ko. "Wala namang duda na mahal mo sila, Ze, pero
Read more

Chapter 57 BIPR

Zeus Pov "Kuya Ze!" Rinig kong tawag sa akin ni Zseila. Hinabol pala ako nito. "Kuya Ze!" Muling tawag nito sa akin nang hindi ko ito pansinin. "I'm sorry I didn't know.. If you need someone to talk to, I'm just here, Kuya..""I'm going, Zseila.""Tell me, how can I help you, Kuya." "No one can help me, no one can change their mind," sabi ko sa mababang tinig. "Kuya.." bakas ang simpatya sa boses nito.Hindi ako lumingon dahil ayaw kong makita ng kapatid ko na umiiyak ako. Na nasasaktan ako ngayon. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang maramdaman kong may humawak sa kanang braso ko."Aalis muna ako, Zseila. I can't stay here any longer. I'm hurt," nanginginig ang boses at mga labi ko. "Hindi ko makikita ang anak ko, Zseila, hindi ko makikita at makakasama ang mag-ina ko. Gusto kong manakit pero sino ang sasaktan ko, si Mommy? Because she ruined my life? Because she ruined my girl's life? Galit na galit ako pero hindi ko nakakalimutan na kahit baliktarin ko ang mundo, she
Read more

Chapter 58 BIPR

Amber's PovMatuling lumipas ang mga araw at linggo. Halos hindi ko na namamalayan. Pinilit kong mamuhay nang normal sa kabila ng mga naririnig ko sa paligid ko. Noong unang mga araw ay ayaw ko talagang lumabas ng bahay namin dahil alam kong ako ang pinag-uusapan ng mga tao.Ngunit sa huli, na-realized kong wala naman silang ambag sa buhay ko para magpaapekto pa ako sa kanilang lahat. Isa pa, buntis ako at ayaw ko na lang stress-in ang sarili ko. Aaminin ko na may pagkakataon na gusto kong makita si Zeus, dala siguro ng pagbubuntis ko. Pero sadyang nagmatigas ako, ilang beses din siyang nagpapabalik-balik dito sa bahay ngunit sa tuwina'y hindi ko siya nilalabas o kinakausap man lang. Isa pa, hindi siya makalapit dahil sa tarangkahan pa lang ng bahay namin ay nakaharang na si Tatay. Inaamin kong may nararamdaman pa ako para sa kaniya pero hindi ko na alam kung sapat pa ba iyon para muli ko siyang tanggapin sa buhay ko. Sa buhay naming mag-ina. Pero aaminin kong nami-miss ko siya. Pe
Read more

Chapter 59 BIPR

Zeus Pov"Huwag ngayon, Xander. Please? Ang dami ko ng problema huwag mo na munang dagdagan. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. Hirap na hirap na ako, kaya puwede bang ikaw na muna ang bahala sa problema na iyan." Kahapon kasi ay ibinalita nito sa akin na may isang investor na gustong mag-full out ng share sa kumpanya namin ni Xander. Mabigat ang dibdib na bumalik ako sa sofa at umupo. Ramdam kong sumunod si Xander sa akin. Nagsisikip na ang dibdib ko sa patong-patong na problema. Mahal na mahal ko si Amber pero galit ito sa akin. Ayaw na niya akong makita at walang kasinsakit ang gusto nitong mangyari. Para akong mamamatay sa mga araw at linggong lumilipas na hindi kasama si Amber. Gusto ko siyang makita at makasama pero kahit ang makalapit ay pahirapan ko pang magawa. "Xan, please, I want to be alone," sabi ko. "Tsk! Alone, hindi ka namin puwedeng pabayaan dahil baka mamaya malaman na lang namin na isa ka na palang malamig na bangkay dito sa unit mo." Hindi naman ak
Read more

Chapter 60 BIPR

Amber's Pov"Hingang malalim," paalala ni Ate Alma habang nakaalalay sa akin.Sumunod naman ako rito. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago tumuloy sa aming kubo. Mabagal akong naglakad. Muling nanginig ang mga kamay ko nang makita ko si Ma'am Jacky. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak nang magtama ang mga mata namin. Mabilis itong tumayo nang makita ako. Mababanaag sa mga mata nito ang samot-saring emosyon habang mabagal na humakbang pasalubong sa akin. Huminto ito ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. "Amber, Hija.." nanginginig na sabi nito sa mahinang boses. "Amber, pumasok ka sa loob!" Nabigla ako nang lumapit si Tatay at hawakan ako sa braso. "Pumasok ka sa loob!" utos nito. "Jun, pabayaan mo siya," awat ni Nanay rito. "Margi--" "Pabayaan mo si Amber, nag-usap na tayo, hindi ba?" putol ni Nanay sa sasabihin ni Tatay. Isang mabigat na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Tatay bago tumingin sa akin nang mataman. "Tatay..""Nasa loob lang kami ng bahay
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status