Home / Romance / Bakit Ikaw Pa Rin? / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Bakit Ikaw Pa Rin? : Kabanata 31 - Kabanata 40

68 Kabanata

Chapter 31 BIPR

ZEUS POV"Kumusta siya?" Rinig kong tanong ni Amber kay Xander.Nakita nitong gising na ako pero hindi ito nag-abalang tumingin sa akin."Buhay pa naman siya," sagot ni Xander bago sinundan ng nakakalokong tawa.Sa gilid ng mga mata ko'y nakita kong kiming ngumiti si Amber bago umupo sa tabi nito. Nakaramdam ako ng panibugho dahil hindi man lang ako nito tinatapunan ng tingin o kahit isang mabilis na sulyap man lang."Kakasuhan ba niya ang Tatay ko?" Rinig kong tanong nito.Sandaling natigilan si Xander at tumingin sa gawi ko, maging si Amber ay tumingin din. Sa wakas tumingin din sa akin kahit pa nga walang emosyon ang mukha nito."Hindi ko pa alam, pero isa lang ang sigurado kapag nalaman 'to ng parents n'ya gagawa talaga sila ng paraan para mahuli ang may sala." Rinig kong pananakot ni Xander.Siraulo talaga."Huwag n'yong ipakulong ang Tatay ko, please? Sasagutin namin ang bayad sa pagpapagamot niya, idagdag n'yo sa utang ko kung hindi ko mabayaran lahat. Huwag n'yo lang ipakulong
last updateHuling Na-update : 2022-06-13
Magbasa pa

Chapter 32 BIPR

AMBER POVNaalimpungatan ako mula sa pagkakaidlip nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa labas ng kuwarto, kung saan ako naka-stay habang narito sa unit ni Zeus. Dalawang araw na ako rito sa unit nito."Damn it!" Muli kong narinig mula sa labas.Nagdilat ako ng mga mata at mabilis na bumangon."Aw! Shit!" Malakas na muling daing mula sa labas. Bigla akong naalerto dahil boses ni Zeus iyon na animo nasasaktan.Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong alas- kuwarto na ng hapon. Dalawang oras din pala akong nakaidlip.Muli akong nakarinig ng daing kaya't mabilis akong lumabas mula sa aking kuwarto. Parang sa sala nagmumula ang ingay kaya't nagtungo ako roon.Ilang metro pa ang layo ko ngunit nakita ko na agad si Zeus. Nakasalampak ito ng upo sa sahig habang pilit na tumatayo gamit ang saklay nito.Siraulo talaga. May wheelchair naman pero ayaw gagamitin. Piping usap ko habang pinagmamasdan ito.Nang hindi na ako nakatiis ay nilapitan ko na ito at saka hinawakan sa braso."I
last updateHuling Na-update : 2022-06-20
Magbasa pa

Chapter 33 BIPR

AMBER POVILANG oras na akong nakahiga pero hindi ako dalawin ng antok. Naging mailap sa akin ang antok lalo pa't hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Ilang beses ko nang nakita na umiyak sa harap ko si Zeus, pero iba ang impact sa akin nang nakita ko kanina.Palihim siyang umiiyak habang umiinom. Mas'yado na ba ako sa kaniya? Pero mas malala pa roon ang pinaranas niya sa akin. Dinurog niya ako nang paulit-ulit eh. Hinusgahan niya ako eh, inubos niya ako na tipong wala siyang itinira sa akin.At dahil sa panunumbalik ng alaala sa isip ko, kaya't pinilit kong makatulog. Halos mag-uumaga na ng tuluyan akong igupo ng antok at pag-iisip.Kinabukasan ay nagising pa rin ako ng maaga dahil kailangan ko siyang ipaghanda ng makakain. Matapos kong maghilamos at mag-toothbrush ay lumabas na ako mula sa aking kuwarto.Dumiretso ako sa kusina ngunit laking gulat ko nang makita ko si Zeus na nasa may lababo na animo busy sa ginagawa nito. Ilang sandali akong hindi nakakibo at tahimik na pi
last updateHuling Na-update : 2022-06-22
Magbasa pa

Chapter 34 BIPR

AMBER POVMATAPOS MAMILI ay niyaya akong kumain muna ni Xander bago umuwi. Malapit na kaming matapos nang mag-ring ang cellphone ko at nakita kong ang kaibigan kong si Lara ang tumatawag.Agad kong sinagot iyon at nalaman ko ang dahilan ng pagtawag nito, nagyayaya itong mag-bar daw. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at basta na lang akong pumayag. Matapos kong maibaba ang tawag nito ay hinarap ko si Xander. "Puwede bang ikaw na ang mag-uwi nito sa bahay?" "Ha?" kunot-noo nitong tanong. "Tumawag kasi ang kaibigan ko at nagyayaya siyang mag-bar mamaya, gusto kong maglibang kaya pumayag ako.""Pero nangako ako sa kaniya na iuuwi kita--" "Malaki na ako, Xander, kaya ko na ang sarili ko," sansala ko sa pagtutol nito. "Mapapatay ako no'n, Amber, sa ibang araw ka na lang mag-bar, please?" bakas ang pagkataranta sa boses nito. "Naka-oo na ako eh, saka papunta na rito ang kaibigan ko. Mag-mall muna kami bago pumunta sa Bar," sabi ko. "Patay ako nito eh.""Ako ang bahala sa'yo, sa
last updateHuling Na-update : 2022-06-22
Magbasa pa

Chapter 35 BIPR

Amber's PovKINABUKASAN ay nagising ako sa pakiramdam na may mabigat na bagay na nakadagan sa aking tiyan. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at nakita kong braso pala iyon. Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko ang himbing na himbing na si Zeus.Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong posisyon namin dahil nakakulong ako sa mga braso nito. Maging ang isang binti nito ay nakadagan sa may puson ko.Biglang nag-init ang buong mukha ko nang mapagtanto ko kung gaano ka-intimate ang posisyon namin.Dahan-dahan kong inalis ang braso nitong nakayakap sa akin. Tangka sana akong babangon nang mapahiga akong muli dahil sa pagsigid ng kirot sa ulo ko. Naalala kong sobrang dami nga pala ng nainom ko kagabi. Medyo nawala lang iyon nang madatnan kong inaapoy ng lagnat si Zeus.Naawa naman ako rito kaya't pinagbigyan ko itong tabihan sa pagtulog. Ang balak ko sana ay patutulugin lamang ito kaso mukhang pati ako ay napasarap na rin ang tulog.Ilang sandali pa akong nanatiling na
last updateHuling Na-update : 2022-06-29
Magbasa pa

Chapter 36 BIPR

WARNING: Mature Content! SPG.Amber Pov"A-Amber." Malambing ang boses na sambit nito sa pangalan ko.Matapos ang mapamugtong-hiningang halik na iginawad nito sa akin ay inalalayan ako nitong makaupo sa sofa. Solo na naman ang condo nito dahil hindi na namin namalayan na nakaalis na pala si Xander kanina. "Z-Ze..." kinakabahan kong sabi. Mas nakadagdag sa kabang nararamdaman ko ang namumungay nitong mga mata habang nakatitig sa akin. Nababasa ko rin ang pagnanasa na nasa mga mata nito."Z-Ze.." nauutal kong anas. Bahagya akong napaatras nang mas inilapit nito ang mukha sa aking mukha."Can I make you mine?"Sunod-sunod na lunok naman ang ginawa ko dahil sa tanong nitong iyon. At oo, hindi ito ang magiging una kung sakali, pero alam kong iba ito dahil pareho naming gusto ang mangyayari ngayon. Walang puwersahan, walang pilitan.Ang bilis ng kabog ng puso ko habang nakikipagtitigan dito. Tila may kung anong sumisipa sa aking tiyan patungo sa aking sikmura. Parang may mga paruparo sa l
last updateHuling Na-update : 2022-07-04
Magbasa pa

Chapter 37 BIPR

Amber PovKinabukasan nagising ako nang wala si Ze sa tabi ko. Humikab muna at nag-inat-inat bago nagpasyang bumangon para hanapin ang boyfriend ko."Nasaan na ba ang lalaking iyon?" tanong ko sa sarili ko. Pagtayo ko ay agad akong napabalik sa kama nang makaramdam ng kirot sa pagitan ng mga hita ko. Naalala ko ang nangyari sa amin ni Ze kagabi.Oh my gosh, pumayag akong may mangyari ulit sa amin kagabi! Ang hindi ko matandaan kung ilang ulit iyon, basta halos mag-uumaga na kami iginupo ng matinding pagod.Napangiti ako, masayang-masaya pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pinagsisisihan na muli kong binuksan ang puso ko para rito. Hindi naman talaga nawala iyong pagmamahal ko para kay Ze eh, itinago ko lang sa kasulok-sulukan ng puso ko pero ngayon kusang lumabas.Nakita ko ang t-shirt na suot niya kagabi na nakapatong sa may gilid ng kama, kinuha ko iyon at saka isinuot upang takpan ang aking kahubhan.Tanging kumot lang kasi ang nakabalabal sa aking katawan. Nakakahiya naman kasi
last updateHuling Na-update : 2022-07-04
Magbasa pa

Chapter 38 BIPR

Amber's Pov "Relax, baby." Napalingon ako sa sinabi ni Zeus. Nakita kong nakatutok sa daan ang mga mata nito habang nagmamaneho. Ngayon kasi ang punta namin sa Cavite, para harapin ang mga magulang ko. At kanina pa ako kinakabahan, hindi para sa sarili ko kun'di para kay Ze. Natatakot kasi ako sa puwedeng gawin ni Tatay rito kapag nakitang magkasama kami. Tiyak kasing magkakagulo na naman, ngunit sadyang mapilit ito na ngayon na kami pumunta. "Relax, okay?" Muling sabi nito at sandaling lumingon sa akin. Inabot nito ang kamay kong nakapatong sa mga hita ko at dinala nito iyon sa bibig nito. Pinaliguan nito ng halik ang likod ng palad ko habang nakatutok pa rin sa daan ang mga mata nito. "Ano ba kasing inaalala mo?" "Ikaw." Ngumiti naman ito at saka itinigil sa gilid ng kalsada ang kotse nito. Inalis nito ang seat belt at saka dumukhang papalapit sa akin. Inilagay nito sa likod ng aking tainga ang mga buhok na tumakas mula sa pagkakatali niyon. Tumitig sa akin ang mapupungay
last updateHuling Na-update : 2022-07-06
Magbasa pa

Chapter 39 BIPR

Amber's PovMabilis akong napahiwalay kay Nanay nang makarinig kami ng kalabog mula sa sala. Kinain ng kaba ang dibdib ko nang maalala ko si Zeus na naiwan ko sa sala. Nawala ito sa isip ko dahil sa naging pag-uusap namin ni Nanay. "P*tangina ka! Hayp ka, anong ginagawa mo sa pamamahay ko?!"Sabay kaming napatayo ni Nanay nang dumagundong sa buong kabahayan ang galit na galit na boses ni Tatay.Nagkatinginan kami nito at saka sabay na patakbong lumabas mula sa kusina papunta sa sala."Lumaban ka! Lumaban ka!" "Hindi po ako lalaban, Sir...hindi po ako lalaban.""Labanan mo ako, San Diego! Lumaban ka, matapang ka lang kapag anak ko na ang sasaktan mo!" sigaw ni Tatay. Tila nilamukos ang puso ko nang makita kong nakaupo si Zeus sa sahig ng bahay namin habang walang awang pinagsusuntok ni Tatay. Hindi ito lumalaban, tinanggap nito ang bawat pagpapakawala ni Tatay nang sunod-sunod na suntok at tadyak."Oh my God! Ze--" Lalapitan ko na sana si Zeus nang sumagi sa isip ko ang bilin nito s
last updateHuling Na-update : 2022-07-06
Magbasa pa

Chapter 40 BIPR

Amber's PovHINDI ako mapakali. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa loob ng kuwarto ko. Alam kong sinabi ni Nanay na maayos na nag-uusap si Tatay at Ze, nakita ko rin naman kanina nang sumilip ako sa bintana, pero hindi pa rin mawala ang kaba sa aking dibdib. Lalo pa't nag-iinom sila, baka uminit na naman ang ulo ni Tatay at kung saan na naman mauwi ang usap nila. Pinagpapawisan na ako sa pagpapabalik-balik ko. Gustong-gusto ko ng lumabas ng kuwarto para puntahan sila sa kubo. Inaantok na rin ako pero hindi ko magawang matulog dahil baka kung anong mangyari.Paano kung saktan na naman ni Tatay si Ze, ni hindi pa nga nawawala ang mga pasa nito sa mukha eh. At alam kong pati ang katawan nito ay masakit pa rin kahit wala itong sabihin sa akin.Muntik pa akong mapatalon nang makarinig ng katok sa labas ng pinto ng aking kuwarto. Dali-dali akong lumapit doon at may pagmamadaling binuksan iyon. Tila ako nakahinga nang maluwag nang makita ko si Tatay.Halatang lasing na ito pero mababak
last updateHuling Na-update : 2022-07-09
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status