Home / Romance / Bakit Ikaw Pa Rin? / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng Bakit Ikaw Pa Rin? : Kabanata 11 - Kabanata 20

68 Kabanata

Chapter 11 BIPR

AMBER POV "Anong nangyari, Ambs?" tanong ni Agnes sa akin. Hindi naman ako nag-angat ng tingin, nanatili akong nakatungo sa ginagawa ko. Ayaw ko rin naman na makita n'ya na halos magang-maga ang mga mata ko sa kakaiyak kanina. "Amber, anong nangyari?!" galit na ulit nito. Wala akong nagawa nang hawakan nito ang panga ko at itaas ang mukha ko. "Amber---" "Wala," paiwas na sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. "Amber nakarating sa akin ang nangyari rito kanina! Usap-usapan ang ginawang pamamahiya ni Sir Zeus sa 'yo! Ano ba talagang problema at gano'n s'ya ka-harsh sa 'yo?" "Bumalik ka na sa trabaho mo, Agnes, baka madamay ka pa." Nagulat ako nang malakas nitong pukpukin ang ibabaw ng mesa ko. Mabilis akong napa-angat ng tingin dito. At nakita kong salubong na salubong ang mga kilay nito. "Agnes, sige na bumalik ka na sa trabaho mo. Mamaya na tayo mag-usap baka madamay---" "Wala akong pakialam! Kung gusto n'ya akong idamay so be it! Pero gusto kong malaman kun
Magbasa pa

Chapter 12 BIPR

Chapter 12 AMBER POV DUMATING Ang hapon at uwian na pero sa halip na makaramdam ng tuwa ay kaba at takot ang nararamdaman ko.Mamayang gabi na kasi ang punta namin sa party na sinasabi ni Sir Zeus.Alas singko pa lang ng hapon at mamaya pang alas siyete ng gabi ang party. Pero kanina bago ako umalis sa kumpanya ay sinabi ni Sir Zeus na dapat alas sais pa lang ay naroon na ako sa Vallarta Hotel.Oh, 'di ba ang galing isasama ako pero pupunta akong mag-isa. Magko-commute ako! Napakawalang puso talaga ng tukmol na iyon.Mabigat ang dibdib na sumakay ako ng jeep papauwi sa apartment ko.Kapag nabuwisit ako, hindi ako pupunta bahala siyang mamatay sa kakahintay, nyeta siya!Pero wala, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaharap sa salamin habang tinitingnan ang sariling ayos ko. Nakasuot ako ng isang kulay itim na bestida. Wala eh, ito na ang pinakamaayos na damit na mayro'n ako. Sinuot ko pa ito noong college graduation ko. Nang makitang presentable naman ang ayos ko ay bumiyahe
Magbasa pa

Chapter 13 BIPR

ZEUS POV "You look like you're waiting for someone," sabi ni Xander sa tabi ko. Kababata ko ito, bale apat sila na itinuturin kong best friend, si Seth, David, Jeff, at ito. "Are you waiting for someone?" muling tanong nito. "Paano mo naman nasabi?" "Dude, kanina ka pa nakatingin sa entrance. Kanina pa kita niyaya na kumain at uminom pero parang wala kang naririnig, nasa entrance ang atensyon mo mula pa kanina." "Tssk!" paiwas na sabi ko. "Sino ba'ng hinihintay mo, Dude?" Umiling lang naman ako at saka minsan pang tumingin sa entrance. Nagulat pa ako nang malakas ako nitong batukan. "What was that for?" angil ko. Ngumisi lang naman ito sa akin. "Para magising ka! Para kang gago kanina pa, parang mababali na ang leeg mo sa kakatingin sa entrance eh. Sino ba kasing hinihintay mo rito?""Wala nga!" "Gago! Hindi ako bulag, ano? Sino nga?" pangungulit pa nito. Sa halip na patulan ang pangungulit nito ay tinalikuran ko na lang ito at pumasok na sa loob. Mukhang hindi na yata da
Magbasa pa

Chapter 14 BIPR

ZEUS POV "Where's my secretary?!"Papasok pa lang ako sa opisina ko nang makasalubong ko si Agnes, ang malapit na kaibigan ni Amber dito sa kumpanya ko."Good morning po, Sir Zeus," sa halip ay sagot nito."Where's my secretary? Did you see her?""H-Hindi pa po, Sir. Kanina ko pa po siya inaabangan sa entrance pero hindi pa po siya dumarating," sabi nito.Lalo namang uminit ang bungo ko dahil ang aga-aga tapos wala pa pala ang babaeng iyon. Kagabi pa ako gigil na gigil kay Amber pero mukhang balak ako nitong taguan."Tinawagan mo ba siya?" tanong ko.Umiling lang naman ito bilang sagot sa akin. "Are you sure?""Y-Yes po, tatawagan ko pa lang po sana kapag nasa opisina na ako," sagot ni Agnes sa akin.Mukhang natatakot na ito sa akin dahil talagang galit na galit na naman ako."Call her, now.""P-Po?""I said, call her now, Miss Agnes," sagot ko.Tila aligaga namang kinuha nito ang cell phone sa bag at nag-dial.Nakatatlong ring pa muna iyon bago may sumagot."Hello! Ambs, nasaan ka n
Magbasa pa

Chapter 15 BIPR

AMBER POV "MISS AGUSTIN, pinapasabi po ni Mr. San Diego na umuwi na raw po muna kayo."Nag-angat ako ng mukha mula sa pagkakayupyop ko sa mga tuhod ko. Kanina pa ako tumigil sa kakaiyak pero wala akong lakas para simulan ang trabaho ko.Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako at nasasaktan dahil wala man lang pakialam si Zeus kahit nalaman nito ang nangyari sa akin.Masakit para sa akin na wala na talaga itong pakialam sa akin. Matapos ko kasi itong palayuin sa akin kanina ay iniwan ako nito sa opisina na mag-isa at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik."Pinapauwi na po kayo ni Mr. San Diego. Nasa labas na po ang kotse na maghahatid sa inyo pauwi," anang babae."Hindi na po kailangan, kaya ko na pong umuwi na mag-isa," sagot ko. Dahan-dahan akong tumayo at saka kinuha ang bag ko.Inalalayan ako nitong makalabas ng opisina."Ayos lang po kayo, Ma'am?" may pag-aalalang tanong ng babae habang hawak ang siko ko."Medyo nanginginig lang po ang tuhod ko, pero ayos lang po ako, sala
Magbasa pa

Chapter 16 BIPR

AMBER POV DALAWANG araw akong hindi pumasok pagkatapos ng insidente na iyon. At walang kaalam-alam ang pamilya ko tungkol sa bagay na iyon at wala na akong balak pang sabihin. Mag-aalala lang sila at iyon ang iniiwasan kong mangyari. Baka bigla pa akong pauwiin ng mga magulang ko kapag nagkataon.Papasok pa lang ako sa ZSD Tower nang makita ko si Agnes. Kahit magkahiwalay na kami nito ng opisina ay nanatili ang friendship na nabuo sa pagitan namin.At alam ko rin na gusto na nitong magtanong tungkol sa ginagawang pagtrato sa akin ni Sir Zeus. Pero alam ko na naiintindihan nito kung bakit hindi ko pa rin magawang sabihin o ikuwento rito ang totoo.Hangga't maaari kasi ay gusto ko na lang na itago ang tunay na kaugnayan ko noon kay Zeus.Iniiwasan ko na lalo itong magalit kapag nalaman na sinabi ko sa iba ang nakaraan namin. At isa pa, nakaraan naman na iyon eh.Naglakad ako papalapit kay Agnes. "Hey, okay ka na?" ngiting bungad nito sa akin. Feeling sosyal na beneso ako nito. "Okay
Magbasa pa

Chapter 17 BIPR

AMBER POV SIMULA nang araw na iyon na makita ko ang aking litrato na binaboy ni Zeus ay umiwas na ako rito. Kung hindi naman tungkol sa trabaho ay hindi na ako lumalapit dito. Kahit ang tangkain na ungkatin ang nakaraan ay sinubukan ko na ring kalimutan na lang. Hindi ko na inalam kung saan ito nanggagaling sa mga paratang nito sa akin na mukha akong pera.. Tulad ng sabi niya, Boss ko siya at Secretary lang ako. Tulad ngayon, pagbukas ng elevator ay saktong nakaabang ito sa labas para siguro sumakay. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makita ko itong nakatingin sa akin. Kahit nang makalabas na ako ng elevator ay hindi pa rin ito humakbang papasok. Nakatingin lang ito sa akin. "Good morning po, Sir," bati ko at yumukod pa ako sa harap nito. Nakakahiya naman eh, may tukmol sa harap ko baka sabihin hindi ako marunong rumispeto sa tukmol. "Good mo--" "Baby Ze!" Hindi natapos ni Zeus ang pagbating gagawin sana sa akin dahil sa pagsulpot ng isang babaeng parang parot sa sobra
Magbasa pa

Chapter 18 BIPR

ZEUS POV "ANONG MAYRO'N at nagyaya kang mag-inom?" tanong ko kay Xander. Ngumisi lang naman ang gago."Masama na bang yayain kang uminom? Lagi naman natin itong ginagawa, ah.""Kilala kita Xander, palaging ako ang nagyayaya sa 'yo kaya palaisipan sa akin na nagyaya ka ngayon," sagot ko.Humalakhak naman ito. "Kilalang-kilala mo talaga ako, ha.""Of course! Bata pa lang tayo kilala na kita. At alam ko kapag gusto mo lang makatsismis.""Whoa!""Anong gusto mong malaman?" tanong ko.Mas'yado ko itong kilala kaya may hinala na ako sa bigla nitong pagyayaya sa akin."Totoong girlfriend mo ba talaga ang Amanda na iyon o palabas lang?""What?" gulat na tanong ko."Come on, Ze. Tell me, she's not your real girlfriend, right?""I don't know what are you talking about.""Of course, you know what I'm talking about." Hindi naman ako kumibo sa sinabi nito. "Palabas mo lang ang lahat, hindi ba?" "Bakit ko naman gagawin iyon?" balik tanong ko. "Dahil gusto mong saktan si Amber?" "Tsk! Wala akong
Magbasa pa

Chapter 19 BIPR

AMBER POVILANG ARAW PA ANG lumipas at naging napakahirap para sa akin ang magtrabaho kasama ang lalaking kinamumuhian ako sa hindi ko malamang dahilan. Gayunpaman ay pinilit kong gawin ng maayos ang trabaho ko.Sa paglipas kasi ng mga araw ay nakakasanayan ko na kung paano ako itrato ni Zeus. Malayo man iyon sa dating pakikitungo nito sa akin at least nababawasan na ang pamamahiya nito sa akin. At dinarasal ko na sana maging tuloy-tuloy na.Umaasa pa rin kasi ako na balang araw rerespetuhin niya ako bilang isang tao.______"Sabay ka na sa akin, Ambs."Nag-angat ako ng tingin mula sa pag-aayos ng high heels ko nang magsalita si Agnes sa tabi ko. "Anong nangyari sa stocking mo, bakit puro putik?" tanong nito. "Naglalakad ako kanina kaso ayon may dumaang humahagibis na sasakyan kaya tumalsik sa akin iyong tubig sa kalsada," sagot ko bago tumayo na at nagsimulang naglakad. Sumunod naman sa akin si Agnes at magkaagapay kaming naglakad papunta sa elevator. Tila naman pinaglalaruan ako
Magbasa pa

Chapter 20 BIPR

AMBER POV KINABUKASAN NAGISING pa rin ako ng maaga kahit puyat ako sa nakaraang gabi. Hindi kasi ako makatulog dahil iniisip ko kung ano ang magiging desisyon ni Sir Zeus. Kay Sir Zeus nakasalalay ang lahat. Ang buhay ni Nanay at ang katinuan ni Tatay. Dahil alam kong hindi kakayanin ni Tatay na mawala si Nanay. Maging kaming magkakapatid ay hindi rin kakayanin iyon. Matapos kong mag-ayos ay umalis na ako patungong opisina. Pero tulad ng inaasahan ko ay wala si Sir Zeus doon. Kaya naman lumung-lumo ako ng mga oras na iyon. Gusto ko na lang umiyak sa tindi ng stress pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Hanggang sa dumating ang tanghali pero walang Zeus na nagpakita sa akin. Hindi ko alam kung nananadya ba ito o ano, dahil wala naman itong meeting sa labas ng araw na iyon. Nawalan na ako ng pag-asa kaya impit na iyak na lang ang nagawa ko ng mga oras na iyon. Kailangan ko na kasi ang sagot ni Zeus. Kailangang-kailangan ko na. Hanggang makatanggap ako ng tawag mula sa Boss ko.
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status