Home / Romance / Bakit Ikaw Pa Rin? / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Bakit Ikaw Pa Rin? : Chapter 21 - Chapter 30

68 Chapters

Chapter 21 BIPR

AMBER POV "AMBER!"Paalis na sana ako sa Savard Resort na iyon nang marinig ko ang pagtawag ni Zeus.Mariin kong hawak ang pera na binayad nito sa pamamahiya sa akin kanina. Bigla akong nakaramdam ng takot na baka bawiin nito iyon.Lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Alam kong kulang pa ang perang hawak ko pero malaking bagay na ito para sa Nanay ko."Amber!" muling sigaw nito.Kahit magkasala-salapid ang mga paa ko sa sobrang pagmamadali ay hindi ako nagpatinag. Ang gusto ko na lang ng mga sandaling iyon ay makalayo mula kay Zeus."Amber!" anito sabay hablot sa braso ko."Please, kailangan ko ng umalis.""Two million."Nahinto ako sa mabilis na paglalakad dahil sa sinabi nitong iyon. Dahan-dahan akong humarap dito. "Anong two million?""Four hundred thousands ang kailangan mo, hindi ba? At kung hindi mo pa nabibilang ang hawak mong pera, kulang pa iyan. One hundred thousands pa lang iyan, at kung papayag ka I'll make it two million. Sobra-sobra pa sa kailangan mo."Literal na na
Read more

Chapter 22 BIPR

AMBER POV SA TUWING HAHAKBANG AKO PALAPIT KAY Zeus ay siyang atras nito. Pero tila baliw na ako ng mga oras na iyon dahil kahit nanginginig ang katawan ko ay nagawa kong lumapit kay Zeus. Bumangga na kasi sa malamig na pader ang likod nito dahilan para wala ng maatrasan. "Amber." "Huwag kang mag-alala, Zeus, sisiguraduhin kong worth it ang pagbili mo sa katawan ko. Gagalingan ko ang pagpapaligaya sa 'yo...sisiguraduhin kong hindi mo ako makakalimutan at nanaisin mo akong balik-balikan. Hanggang sa maubos ang pera mo sa kakabayad para lang paligayahin kita kapag gusto mo. Total mukha akong pera sa mga mata mo, hindi ba?"Nagawa ko iyong sabihin kahit gusto ko nang mamamatay sa sobrang kahihiyan. Nakabilad na sa harap ni Zeus ang dibdib ko. Diretso lang akong nakatingin kay Zeus kaya kitang-kita ang paglunok-laway nito habang nakatingin sa dibdib ko. "Kunin mo na, Zeus. Kunin mo na lahat ng mayro'n ako," hikbing sabi ko. "Ubusin mo na ako, kunin mo na lahat." "Amber, please, mag-
Read more

Chapter 23 BIPR

AMBER POV MATAPOS ANG nangyari sa Savard Resort ay umalis din ako agad. At dito ako dinala ng mga paa ko sa harap ng apartment ng kaibigan kong si Lara.Habang sakay ng taxi kanina ay abot-abot ang kaba ko. Kinakabahan ako na baka sa isang adik na taxi driver na naman ang masabat ko. Pero awa ng Diyos ay hindi naman dahil mabuting tao ang driver ng taxi.At tila ako nakahinga nang maluwag nang tumigil sa harap ng apartment ni Lara ang taxi.Sa kabila ng pagod ng katawan ko ay nagawa ko pa ring makalakad, kahit pa nga sobrang nananakit ang gitnang bahagi ng katawan ko.Hindi lang isang beses akong inangkin ni Zeus, kun'di maraming beses. At aaminin kong sa mga pahuling pagniniig ay kusa na akong bumigay.Alam ko sa sarili ko na gusto ko na iyon, pero hindi ko maitatanggi na hindi nawala ang panginginig ng katawan ko na palagi kong nararamdaman noon kapag napapadikit ako sa katawan ng lalaki."Lara?" tawag ko habang kumakatok."Lara?" ulit ko.Sa pangatlong pagkatok ko ay bumukas na an
Read more

Chapter 24 BIPR

AMBER POV "ATE AMBER!" Patakbo akong lumapit kay Aldrin nang makita ko itong nakatayo habang kumakaway sa akin. Nang makalapit ako rito ay niyakap ako nito nang mahigpit. Pagkatapos niyon ay pinakawalan din ako nito at malungkot na tumingin sa akin. "Si Tatay at Nanay?" tanong ko. Iginaya ako nito paupo sa upuan na nasa labas ng operating room. "Si Tatay lumabas lang sandali, siguro nagkasalisi kayo, si Nanay kanina pa dinala sa loob," sagot nito sabay turo sa pinto ng operating room. Malungkot na hinawakan ko ang kamay ni Aldrin. "Magtiwala lang tayo kay Lord, alam ko kakayanin ni Nanay iyon," sabi ko. Pero maging ako ay nilulukob nang matinding takot para kay Nanay. Medyo may edad na kasi si Nanay kaya iyon ang mas inaalala ko, naming lahat. "Alam ko naman iyon, Ate. Pero nag-aalala pa rin ako, sa kanila ni Tatay."Binitawan ko ang kamay nito at saka inakbayan. "Malalagpasan natin 'to, basta samasama tayo at huwag tumigil magdasal. Walang imposible kay Lord." "Ayos ka lang
Read more

Chapter 25 BIPR

AMBER POVNakaupo ako sa upuan sa labas ng pinto ng kuwarto ni Nanay kung saan ito naka-admit. Tapos na kasi ang ginawang operasyon kay Nanay kanina at inilipat na ito sa regular room. Kahit nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon naniniwala pa rin ako na mahal ako ni Lord dahil hindi Niya pinabayaan ang Nanay ko na mawala sa amin.Pakiramdam ko worth it iyong pagpapakababa na ginawa ko para lang madugtungan ang buhay ni Nanay. At hinding-hindi ko pagsisisihan na pinili ko ang buhay ni Nanay kaysa sa sarili ko. Hindi ko kasi kayang makita na masaktan ang Tatay at mga kapatid ko."Amber." Mabilis akong napalingon sa kaliwa ko nang marinig ko ang boses ni Tatay. "Tatay," sabi ko at tumayo para tulungan itong ibaba ang paper bag na hawak nito. May hawak pa kasi itong paper cup sa kanang kamay nito. "Salamat, Anak," sabi nito at umupo sa tabi ko. "Kumain ka na muna, Amber, kanina ka pa walang kain eh." "Ayos lang po ako, Tatay." "Kumain ka," pagpupumilit nito at inilagay sa kamay ko an
Read more

Chapter 26 BIPR

ZEUS POV"DAMMIT! Why did you pour water on my head?" galit na tanong ko kay David. Ngumisi lang naman ang loko at balewalang umupo sa kaibayong upuan. Muli itong naupo sa kinauupuan nito kanina. "Para magising ka lang sa pagkakahimbing. Mukhang sarap na sarap ka sa pagtulog eh." Naiinis na pinunasan ko ng kamay ko ang basa kong ulo. Mabuti na lang hindi nabasa ang mga papeles sa ibabaw ng mesa ko. "Gising din pag may time, Ze," pang-iinis pa nito. "Hindi ako natutulog! Kita mong mulat na mulat ako, gago!" sikmat ko. "Hindi ka natutulog, umiiyak lang." Todo-ngisi namang tudyo ni Seth ang isa sa mga kaibigan ko. Mabuti na lang at wala rito si Xander."Anong drama mo?" tanong ni David. "Wala kayong pakialam! Magsilayas kayo rito sa opisina ko!" "Oh, why so sungit naman this boy? Pahingi ngang alak," ani Seth at basta kinuha ang alak sa ibabaw ng lamesa ko at basta nagsalin. "Akin iyan! Bumili ka ng sa'yo," masungit na sabi ko. Sumimangot naman ito at ibinalik ang alak sa tabi k
Read more

Chapter 27 BIPR

AMBER POV ILANG ARAW PA ANG lumipas at naging maayos na si Nanay. In God's Grace ay magaling na si Nanay, actually ngayong araw ang labas niya mula rito sa hospital.Mangiyak-ngiyak na ako habang papunta sa cashier dahil kinakabahan ako sa kung magkano ang kailangan para mailabas si Nanay ngayong araw.Alam kong hindi sapat ang hawak ko ngayon, ang perang padala ni Ate Alma at ang perang hiniram ni Aldrin sa boss nito. Ang pinagsama samang tulong ng mga kaanak namin. Alam kong hindi pa rin kakasya iyon dahil mahal talaga sa hospital na ito.Isang buntong-hininga muna ang ginawa ko bago nagdesisyon na lumapit sa cashier. Handa na akong makiusap dito para hulog-hulugan ang magiging kulang nang magsalita ito."Kay Margie Agustin po?" tanong nito."Yes po, Ma'am, gusto ko pong malaman kung magkano ang babayara--""Sorry to interrupt you but the bills was already settled, Ma'am."Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ko sa sinabi ng cashier."Bayad na po? Sure po kayo, sa katunayan po ni
Read more

Chapter 28 BIPR

AMBER POV KUMAKAIN AKO SA CANTEEN ng ZSD Tower nang lapitan ako ni Zeus. Umupo ito sa katapat ng upuan na kinauupuan ko. Nag-angat ako nang mukha at nakita kong nakatitig ito sa akin. Balak pala nitong maki-share ng table kaya ito umupo roon. Hindi ko naman ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. Medyo nagmamadali ako dahil gusto ko siyang iwasan. Isang linggo na akong umiiwas dahil ibinalik na ako nito sa dati bilang encoder. Bumalik na rin kasi ang secretary nitong si Ma'am Celeste. Hindi ko malunok ng maayos ang kinakain ko dahil ramdam ko iyong mga mata ni Zeus sa akin. Idagdag pa ang mga mapanuring tingin ng mga kasamahan ko. Nagtataka siguro sila kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo ni Zeus sa akin. Nang masimot ang laman ng plato ko ay tumayo na ako. Naramdaman kong tumayo rin ito at sumunod sa akin. Kahit nang lumabas ako sa canteen ay sumunod din ito, hanggang sa elevator ay nakasunod pa rin ito. Kaming dalawa lang sa loob ng elevator, abot-abot ang das
Read more

Chapter 29 BIPR

AMBER POV"Lara, ikaw na muna bahala rito, ah," bilin ko sa kaibigan ko.Uuwi kasi ako sa Tagaytay para bisitahin ang pamilya ko. Weekend naman kaya walang trabaho, at gusto ko ring umalis muna dahil sa loob ng dalawang linggo ay hindi iilang beses na sumugod dito sa apartment ko si Zeus. At least sa bahay ay hindi niya ako puwedeng guluhin. Hindi siya maaaring pumunta roon kaya alam kong mapapanatag ang kalooban ko kahit sa loob ng dalawang araw lang. "Iiwan ko sa'yo ang susi," sabi ko pa. Inabot ko iyan dito at saka kinuha na ang bag na dadalhin ko. "Mag-iingat ka, tawagan or text mo ako kapag nakarating ka na sa atin ah," bilin naman nito sa akin. Matapos kong isukbit ang bag ko ay humalik na ako sa kaibigan ko. Inihatid ako nito hanggang sa labas ng compound. Nagkuwentuhan pa kami habang naghihintay ng jeep papunta sa terminal. "Ingat ka, Ambs! Text mo ako, ha?" pahabol na sabi pa nito nang makasakay na ako sa jeep. Ngiting tumango lang naman ako at saka kumaway rito. Haban
Read more

Chapter 30 BIPR

AMBER POVSabay kaming napatayo ni Xander nang lumabas ang doktor mula sa Emergency Room."Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doktor."Yes, Doc. Kumusta po ang kaibigan ko?" si Xander ang sumagot habang ako naman ay nakikinig lang."Wala pa rin siyang malay tao ngayon, though wala namang dapat ipag-alala maliban sa kaunting fracture sa hita at bandang leeg niya. So far okay naman ang response ng mga vital signs niya. Hihintayin lang natin siyang magising para malaman natin kung may iba pang masakit sa kaniya maliban sa katawan niya. Iyong MRI (Magnetic Resonance Imaging) and CT-scan hihintayin na lang natin ang result, medyo napuruhan din kasi ang mukha niya eh.""Thank you po, Doc.""You're welcome. Anyway puwede n'yo na siyang puntahan sa Emergency Room. Hindi pa natin siya maaaring ilipat sa regular room habang hindi pa siya nagkakamalay.""Yes, Doc. Maraming salamat po sa pag-aasikaso sa kaibigan ko.""No problem, anyway I'll go ahead. Babalik na lang ako mamaya kapag may
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status