Home / Romance / Bakit Ikaw Pa Rin? / Chapter 25 BIPR

Share

Chapter 25 BIPR

Author: GirlonFire28
last update Huling Na-update: 2022-06-01 08:35:52

AMBER POV

Nakaupo ako sa upuan sa labas ng pinto ng kuwarto ni Nanay kung saan ito naka-admit. Tapos na kasi ang ginawang operasyon kay Nanay kanina at inilipat na ito sa regular room. Kahit nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon naniniwala pa rin ako na mahal ako ni Lord dahil hindi Niya pinabayaan ang Nanay ko na mawala sa amin.

Pakiramdam ko worth it iyong pagpapakababa na ginawa ko para lang madugtungan ang buhay ni Nanay. At hinding-hindi ko pagsisisihan na pinili ko ang buhay ni Nanay kaysa sa sarili ko. Hindi ko kasi kayang makita na masaktan ang Tatay at mga kapatid ko.

"Amber." Mabilis akong napalingon sa kaliwa ko nang marinig ko ang boses ni Tatay.

"Tatay," sabi ko at tumayo para tulungan itong ibaba ang paper bag na hawak nito.

May hawak pa kasi itong paper cup sa kanang kamay nito.

"Salamat, Anak," sabi nito at umupo sa tabi ko. "Kumain ka na muna, Amber, kanina ka pa walang kain eh."

"Ayos lang po ako, Tatay."

"Kumain ka," pagpupumilit nito at inilagay sa kamay ko an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Leah Guzon
grabe kse ang ginawa mo pamamahiya kay amber niyurakan mo ng husto ang pagkatao nya sana lng mapatawad kpa nya zeus sa lahat ng mga gnawa mo kay amber.at meron pa nd inaamin ang mommy mo sayo na ginawa nya kay amber.ms matindi kpag matuklasan mo ..
goodnovel comment avatar
Mary Ann Villacruz Malmis
bat ayaw na bunukas ung ads ilang arw na
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
nasa huli talaga Ang pagsisisi Zeus
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 26 BIPR

    ZEUS POV"DAMMIT! Why did you pour water on my head?" galit na tanong ko kay David. Ngumisi lang naman ang loko at balewalang umupo sa kaibayong upuan. Muli itong naupo sa kinauupuan nito kanina. "Para magising ka lang sa pagkakahimbing. Mukhang sarap na sarap ka sa pagtulog eh." Naiinis na pinunasan ko ng kamay ko ang basa kong ulo. Mabuti na lang hindi nabasa ang mga papeles sa ibabaw ng mesa ko. "Gising din pag may time, Ze," pang-iinis pa nito. "Hindi ako natutulog! Kita mong mulat na mulat ako, gago!" sikmat ko. "Hindi ka natutulog, umiiyak lang." Todo-ngisi namang tudyo ni Seth ang isa sa mga kaibigan ko. Mabuti na lang at wala rito si Xander."Anong drama mo?" tanong ni David. "Wala kayong pakialam! Magsilayas kayo rito sa opisina ko!" "Oh, why so sungit naman this boy? Pahingi ngang alak," ani Seth at basta kinuha ang alak sa ibabaw ng lamesa ko at basta nagsalin. "Akin iyan! Bumili ka ng sa'yo," masungit na sabi ko. Sumimangot naman ito at ibinalik ang alak sa tabi k

    Huling Na-update : 2022-06-01
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 27 BIPR

    AMBER POV ILANG ARAW PA ANG lumipas at naging maayos na si Nanay. In God's Grace ay magaling na si Nanay, actually ngayong araw ang labas niya mula rito sa hospital.Mangiyak-ngiyak na ako habang papunta sa cashier dahil kinakabahan ako sa kung magkano ang kailangan para mailabas si Nanay ngayong araw.Alam kong hindi sapat ang hawak ko ngayon, ang perang padala ni Ate Alma at ang perang hiniram ni Aldrin sa boss nito. Ang pinagsama samang tulong ng mga kaanak namin. Alam kong hindi pa rin kakasya iyon dahil mahal talaga sa hospital na ito.Isang buntong-hininga muna ang ginawa ko bago nagdesisyon na lumapit sa cashier. Handa na akong makiusap dito para hulog-hulugan ang magiging kulang nang magsalita ito."Kay Margie Agustin po?" tanong nito."Yes po, Ma'am, gusto ko pong malaman kung magkano ang babayara--""Sorry to interrupt you but the bills was already settled, Ma'am."Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ko sa sinabi ng cashier."Bayad na po? Sure po kayo, sa katunayan po ni

    Huling Na-update : 2022-06-01
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 28 BIPR

    AMBER POV KUMAKAIN AKO SA CANTEEN ng ZSD Tower nang lapitan ako ni Zeus. Umupo ito sa katapat ng upuan na kinauupuan ko. Nag-angat ako nang mukha at nakita kong nakatitig ito sa akin. Balak pala nitong maki-share ng table kaya ito umupo roon. Hindi ko naman ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. Medyo nagmamadali ako dahil gusto ko siyang iwasan. Isang linggo na akong umiiwas dahil ibinalik na ako nito sa dati bilang encoder. Bumalik na rin kasi ang secretary nitong si Ma'am Celeste. Hindi ko malunok ng maayos ang kinakain ko dahil ramdam ko iyong mga mata ni Zeus sa akin. Idagdag pa ang mga mapanuring tingin ng mga kasamahan ko. Nagtataka siguro sila kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo ni Zeus sa akin. Nang masimot ang laman ng plato ko ay tumayo na ako. Naramdaman kong tumayo rin ito at sumunod sa akin. Kahit nang lumabas ako sa canteen ay sumunod din ito, hanggang sa elevator ay nakasunod pa rin ito. Kaming dalawa lang sa loob ng elevator, abot-abot ang das

    Huling Na-update : 2022-06-04
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 29 BIPR

    AMBER POV"Lara, ikaw na muna bahala rito, ah," bilin ko sa kaibigan ko.Uuwi kasi ako sa Tagaytay para bisitahin ang pamilya ko. Weekend naman kaya walang trabaho, at gusto ko ring umalis muna dahil sa loob ng dalawang linggo ay hindi iilang beses na sumugod dito sa apartment ko si Zeus. At least sa bahay ay hindi niya ako puwedeng guluhin. Hindi siya maaaring pumunta roon kaya alam kong mapapanatag ang kalooban ko kahit sa loob ng dalawang araw lang. "Iiwan ko sa'yo ang susi," sabi ko pa. Inabot ko iyan dito at saka kinuha na ang bag na dadalhin ko. "Mag-iingat ka, tawagan or text mo ako kapag nakarating ka na sa atin ah," bilin naman nito sa akin. Matapos kong isukbit ang bag ko ay humalik na ako sa kaibigan ko. Inihatid ako nito hanggang sa labas ng compound. Nagkuwentuhan pa kami habang naghihintay ng jeep papunta sa terminal. "Ingat ka, Ambs! Text mo ako, ha?" pahabol na sabi pa nito nang makasakay na ako sa jeep. Ngiting tumango lang naman ako at saka kumaway rito. Haban

    Huling Na-update : 2022-06-05
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 30 BIPR

    AMBER POVSabay kaming napatayo ni Xander nang lumabas ang doktor mula sa Emergency Room."Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doktor."Yes, Doc. Kumusta po ang kaibigan ko?" si Xander ang sumagot habang ako naman ay nakikinig lang."Wala pa rin siyang malay tao ngayon, though wala namang dapat ipag-alala maliban sa kaunting fracture sa hita at bandang leeg niya. So far okay naman ang response ng mga vital signs niya. Hihintayin lang natin siyang magising para malaman natin kung may iba pang masakit sa kaniya maliban sa katawan niya. Iyong MRI (Magnetic Resonance Imaging) and CT-scan hihintayin na lang natin ang result, medyo napuruhan din kasi ang mukha niya eh.""Thank you po, Doc.""You're welcome. Anyway puwede n'yo na siyang puntahan sa Emergency Room. Hindi pa natin siya maaaring ilipat sa regular room habang hindi pa siya nagkakamalay.""Yes, Doc. Maraming salamat po sa pag-aasikaso sa kaibigan ko.""No problem, anyway I'll go ahead. Babalik na lang ako mamaya kapag may

    Huling Na-update : 2022-06-08
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 31 BIPR

    ZEUS POV"Kumusta siya?" Rinig kong tanong ni Amber kay Xander.Nakita nitong gising na ako pero hindi ito nag-abalang tumingin sa akin."Buhay pa naman siya," sagot ni Xander bago sinundan ng nakakalokong tawa.Sa gilid ng mga mata ko'y nakita kong kiming ngumiti si Amber bago umupo sa tabi nito. Nakaramdam ako ng panibugho dahil hindi man lang ako nito tinatapunan ng tingin o kahit isang mabilis na sulyap man lang."Kakasuhan ba niya ang Tatay ko?" Rinig kong tanong nito.Sandaling natigilan si Xander at tumingin sa gawi ko, maging si Amber ay tumingin din. Sa wakas tumingin din sa akin kahit pa nga walang emosyon ang mukha nito."Hindi ko pa alam, pero isa lang ang sigurado kapag nalaman 'to ng parents n'ya gagawa talaga sila ng paraan para mahuli ang may sala." Rinig kong pananakot ni Xander.Siraulo talaga."Huwag n'yong ipakulong ang Tatay ko, please? Sasagutin namin ang bayad sa pagpapagamot niya, idagdag n'yo sa utang ko kung hindi ko mabayaran lahat. Huwag n'yo lang ipakulong

    Huling Na-update : 2022-06-13
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 32 BIPR

    AMBER POVNaalimpungatan ako mula sa pagkakaidlip nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa labas ng kuwarto, kung saan ako naka-stay habang narito sa unit ni Zeus. Dalawang araw na ako rito sa unit nito."Damn it!" Muli kong narinig mula sa labas.Nagdilat ako ng mga mata at mabilis na bumangon."Aw! Shit!" Malakas na muling daing mula sa labas. Bigla akong naalerto dahil boses ni Zeus iyon na animo nasasaktan.Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong alas- kuwarto na ng hapon. Dalawang oras din pala akong nakaidlip.Muli akong nakarinig ng daing kaya't mabilis akong lumabas mula sa aking kuwarto. Parang sa sala nagmumula ang ingay kaya't nagtungo ako roon.Ilang metro pa ang layo ko ngunit nakita ko na agad si Zeus. Nakasalampak ito ng upo sa sahig habang pilit na tumatayo gamit ang saklay nito.Siraulo talaga. May wheelchair naman pero ayaw gagamitin. Piping usap ko habang pinagmamasdan ito.Nang hindi na ako nakatiis ay nilapitan ko na ito at saka hinawakan sa braso."I

    Huling Na-update : 2022-06-20
  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 33 BIPR

    AMBER POVILANG oras na akong nakahiga pero hindi ako dalawin ng antok. Naging mailap sa akin ang antok lalo pa't hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Ilang beses ko nang nakita na umiyak sa harap ko si Zeus, pero iba ang impact sa akin nang nakita ko kanina.Palihim siyang umiiyak habang umiinom. Mas'yado na ba ako sa kaniya? Pero mas malala pa roon ang pinaranas niya sa akin. Dinurog niya ako nang paulit-ulit eh. Hinusgahan niya ako eh, inubos niya ako na tipong wala siyang itinira sa akin.At dahil sa panunumbalik ng alaala sa isip ko, kaya't pinilit kong makatulog. Halos mag-uumaga na ng tuluyan akong igupo ng antok at pag-iisip.Kinabukasan ay nagising pa rin ako ng maaga dahil kailangan ko siyang ipaghanda ng makakain. Matapos kong maghilamos at mag-toothbrush ay lumabas na ako mula sa aking kuwarto.Dumiretso ako sa kusina ngunit laking gulat ko nang makita ko si Zeus na nasa may lababo na animo busy sa ginagawa nito. Ilang sandali akong hindi nakakibo at tahimik na pi

    Huling Na-update : 2022-06-22

Pinakabagong kabanata

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Finale BIPR

    Finale ChapterMonths had passedZeus POVNAKANGITING pinagmasdan ko ang aking asawang si Amber. Tila nawalang parang bula ang pagod ko sa opisina buong maghapon dahil sa tanawing nadatnan ko sa bahay namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang dahan-dahang ibinababa sa kuna ang aming anak na panganay, si Zane Anthony. Mula sa puwesto ko ay nakita kong mahimbing nang natutulog ang aming anak. Inayos nito ang pagkakapuwesto ng unan at tinakpan ang bote ng tubig na nasa kuna. Napangiti ako nang masuyong halikan ni Amber ang noo ng aming anak. "I love you, baby Zane." Rinig kong anas nito. Nang hindi na ako nakatiis ay mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito at mahigpit na niyakap sa beywang mula sa kaniyang likuran. Mas lumapad ang mga ngiti ko nang haplusin nito ang braso kong nakapulupot sa katawan nito at kapagkuwa'y dahan-dahang humarap sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong nito sa akin. "Hindi naman, baby. Kadarating ko lang," sagot ko rito. "Hmm, kumusta? Napagod ka?" Mal

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 67 BIPR

    Zeus's POVOne month later"Bakit ang tagal naman nila?" Aligagang tanong ko sa best man kong si Xander. Kanina pa ako hindi mapakali dahil wala pa si Amber. Kinakabahan ako. Patunay ang pamamawis ng kilikili ko sa sobrang nerbiyos."Ze, kumalma ka nga muna," ani Mommy na nasa kanan ko. "Bakit kasi wala pa sila, 'My," tanong ko. "Hindi pa late ang bride mo, dude! Mas'yado kang atat, mantakin mo ba namang alas tres pa lang ng hapon narito na tayo sa simbaban eh alas kuwatro pa ang kasal ninyo. Hindi siya late, napaaga lang talaga tayo," sabi pa ni Xander."Kinakabahan ako eh," pag-amin ko."Relax, Dude. Amber loves you. Huwag ka ngang praning. Darating si Amber, kasalanan mo rin naman kasi ang aga-aga natin dito kaya feeling mo late na ang asawa mo. Darating iyon, kumalma ka para ka ng suka sa sobrang putla." Tila hindi naman nakabawas ang sinabi nito sa kabang nararamdaman ko. "God, asan ka na ba, baby?" Pinagkiskis ko na ang mga palad kong nanlalamig na kanina pa. "Darating si

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 66 BIPR

    Amber's POVMULA sa bintana ng kuwarto ko ay tanaw ko ang mga magulang ko kasama ang mga magulang ni Ze habang nag-iinuman at nagkakantahan. Yes, narito sila kanina pang tanghali. Hindi ko akalain na mamamanhikan si Ze sa akin kasama ang mga magulang nito na labis-labis kong ikinatuwa. Pormal na hiningi ni Ze ang kamay ko sa aking mga magulang. At napagkasunduan namin na isang buwan mula ngayon ang kasal namin ni Ze. Hindi puwedeng bukas na kagaya ng gusto ni Ze dahil kailangan na muna naming kumuha ng mga requirements para sa kasal namin. Na-expire na kasi ang mga kinuha namin noon kaya't panibagong kuha na naman daw. Kaya ko namang maghintay ng isang buwan pa pero si Ze ay atat na atat nang makasal kami. Iginiit pa itong sa Mayor na lang muna bago sa isang buwan ang sa Pari pero ang mga magulang namin ang nasunod na sa simbahan kami ikakasal. Mas naniniwala raw ang mga ito na mas sagrado kung sa dambana ng Panginoon magsusumpaan. Na sinang-ayon ko naman kaagad maliban kay Ze na na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 65 BIPR

    Amber's Pov "Bakit?" malambing na tanong ko kay Zeus nang marinig ko itong suminghot habang nakasubsob sa tiyan ko. Matapos kasi nitong maramdaman ang galaw ni baby sa tiyan ko ay sumubsob na ito roon. "Hey, okay ka lang?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nag-angat ito ng ulo at nagtama ang mga mata namin. Natatawang pinunasan ko ang mukha nitong basa ng luha. Namumula na rin ang mga mata nito. "Why, hmm?" Masuyo kong hinaplos ang mukha nito. "Para saan ang mga luhang 'to?" "I'm just happy," garalgal na wika nito. "Dahil?" Mataman ako nitong tiningnan. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito. "Dahil matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kasama ka. Isa na lang ang kulang, iyong maging San Diego ang apelyido mo, baby."Matamis ko naman itong nginitian. Inalalayan ko itong makaupo sa kama, sa tabi ko. Nakaluhod pa rin kasi ito sa lapag. "Baby.." "Mas magiging happy ka ba kapag sinabi kong puwede mo na akong pakasalan?" Sandali itong natigilan na

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 64 BIPR

    Amber's Pov"Baby, aalis na ako." Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Zeus mula sa likuran ko."Aalis ka na?" tanong ko. Nakaramdam ako ng awa para rito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Alam ko kung bakit, dahil isang buwan na ang nakakalipas mula ng magkabalikan kami pero nananatiling lihim iyon sa mga magulang ko. Alam ng mga kapatid ko ang tungkol doon at suportado nila ako sa desisyon kong tanggapin ulit si Zeus sa buhay ko. "Yes, I have to go, baby." "Okay ka lang?" sa halip ay tanong ko. Hindi ako kumportable sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ngayon. Lumapit ako rito at saka tumaas ang kamay ko papunta sa mukha nito at marahang hinaplos iyon. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nito at saka umiling na para bang sinasabi na huwag kong gawin iyon dahil baka makita kami ni Tatay. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ko sa napakalambing na boses. Tila nawalan na ako ng pakialam na baka makita kami ni Tatay. Miss na miss ko na kasi ito at hindi

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 63 BIPR

    Amber's Pov"Ate!" Bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Ano iyan, ha?" "Bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko kay Aldrin. Hinarap ko ito at nakita kong ngising-ngisi ang mukha nito habang nakatingin sa tapperware na hawak ko. Pasimple kasi akong kumukuha ng nilutong tinola ni Nanay para ibigay kay Zeus. May sakit pa rin kasi ito nang iwanan ko kanina at gusto ko siyang pakainin ng may sabaw. Tamang-tama dahil may tinola si Nanay pag-uwi ko galing sa bahay niya. "Oy, si Ate, nag-aalaga ng may sakit? Kumusta naman ba? Gumaling naman ba o lalong uminit?" tudyo nito. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo!" sikmat ko rito. Tumawa lang naman ito. "Nalagyan na ba ng buntot iyang anak n'yo?" tumatawang sabi pa nito. "Anong buntot? Tao ang anak ko hindi kung ano.""Oh, sige baguhin natin, nalagyan n'yo na ba ng ngipin iyang anak n'yo? Naks, ibang klase din iyang si San Diego eh. Paawa talaga ang gago, ito namang Ate ko marupok ng

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 62 BIPR

    Amber's PovNAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko na may masusuyong haplos sa hanggang balikat kong buhok.Nagmulat ako ng mga mata at saka nagtaas ng tingin. "Z-Zeus!" gulat na bulalas ko.Nagtaka ako nang ito ang mamulatan ko ngunit agad ko ring naalala kung bakit ako narito sa tabi nito."G-Gising k-ka na pala," nauutal kong sabi. Tinangka kong bumangon para makaalis sa pagkakadapa sa katawan nito. Doon na pala ako nakatulog sa ibabaw nito dahil nanginginig ito sa ginaw kagabi. Kagabi ko na-realized na hindi ko pala ito kayang pabayaan na makita sa gano'ng sitwasyon. "Baby..." bulong nito at lalong humigpit ang yakap sa akin. "I miss you." "Bitiwan mo ako," kulang sa diin na utos ko."No! Please, no!" Humigpit lang lalo ang yakap ng mga braso nito sa beywang ko. "Giniginaw pa ako, Baby, please? I need you," pakiusap nito."Z-Zeus, ano ba?" natatarantang sabi ko nang halikan nito ang noo ko. "Pakawalan mo na ako, ano ba?" "Ayaw ko. Dito ka lang, baby. Kailangan ko pa ang init ng

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 61 BIPR

    Amber's PovMagaan ang dibdib na ibaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko kung saan ako nakaupo. Matutulog na sana ako kanina nang tumawag si Ma'am Jacky. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang naging pag-uusap namin ni Ma'am Jacky. Yes, si Ma'am Jacky. Simula kasi ng pumunta siya rito sa bahay ay hindi siya tumigil sa kakatawag sa akin para mangumusta. Para kumustahin ang lagay namin ni baby. Paulit-ulit nitong sinasabi na huwag kong iisipin na ginagawa nito iyon dahil utos ni Zeus. Nilinaw nitong walang kinalaman si Zeus sa ginagawa nito, iginigiit nitong gusto niyang gawin iyon para sa aming mag-ina at gusto niya talagang bumawi.Sa paglipas ng mga araw ay tuluyang naantig ang puso ko kaya't ngayon nga ay tuluyan ko ng ibinigay ang kapatawaran na hinihiling nito sa akin.Aaminin kong sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Parang nawala iyong bigat sa dibdib ko na araw-araw kong dala-dala sa loob ng mahigit apat na taon.Sumandal ako sa headboard ng kama ko at saka in

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Chapter 60 BIPR

    Amber's Pov"Hingang malalim," paalala ni Ate Alma habang nakaalalay sa akin.Sumunod naman ako rito. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago tumuloy sa aming kubo. Mabagal akong naglakad. Muling nanginig ang mga kamay ko nang makita ko si Ma'am Jacky. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak nang magtama ang mga mata namin. Mabilis itong tumayo nang makita ako. Mababanaag sa mga mata nito ang samot-saring emosyon habang mabagal na humakbang pasalubong sa akin. Huminto ito ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. "Amber, Hija.." nanginginig na sabi nito sa mahinang boses. "Amber, pumasok ka sa loob!" Nabigla ako nang lumapit si Tatay at hawakan ako sa braso. "Pumasok ka sa loob!" utos nito. "Jun, pabayaan mo siya," awat ni Nanay rito. "Margi--" "Pabayaan mo si Amber, nag-usap na tayo, hindi ba?" putol ni Nanay sa sasabihin ni Tatay. Isang mabigat na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Tatay bago tumingin sa akin nang mataman. "Tatay..""Nasa loob lang kami ng bahay

DMCA.com Protection Status