Malakas na sampal ang natamo ko pagkauwi ko ng bahay pagkatapos kong mag grocery ng mga sahog sa aking lulutuin."Walang hiya ka, Luna, may gana ka pang umuwi 'gayon ng dahil sa iyo nakipag break sa akin si Carlos!" Galit na sigaw sa akin ni ate Solara.Galit na galit uto kasabay ng pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata."Ate Solara, hindi ko po alam ang sinasabi niyo," sabi ko."Hindi alam o sadyang nagmamaang-maangan ka lang. Nagkita kayo ni Carlos ngayon, hindi ba?" Naalala ko kanina ang pagkikita namin ni kiya Carlos, nakasalubong ko ito habang namimili siya ng mga prutas. Saglit kaming nagkakuwentuhan at nagmadali rin siyang umalis."Nagkita kami ngunit hindi tulad ang iniisip mo, nagkataon lang na nagkasalubong kami sa market kanina.""Sinungaling, minsan mo na akong inagawan sa tingin mo ba maniniwala ako sa iyo?!" Isang malutong na sampal nanaman ang natanggap ko rito kaya't hindi ko maiwasang mapahawak sa aking p
Last Updated : 2022-04-21 Read more