Home / Romance / His Innocent Courtesan / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of His Innocent Courtesan: Chapter 31 - Chapter 40

56 Chapters

Kabanata 31

Maaga pa lang ay nagising na ako, kahit hindi ako sanay na gumising ng maaga ay pinilit ko pa rin dahil nakakahiya kay Gab. Ayoko rin naman kasing matanghali dahil siguradong paghihinalaan ako ng mga tao sa bahay, puwede ko naman sabihin na may parokyano ako. Kaso, nakita nga pala ako ni Tonet, madaldal siya lalo na't nagtatanong sa kaniya si Jona minsan. Naglinis agad ako ng aking katawan at nilinis ang kwarto niya. Inilagay ko na lang sa plastik ang sinuot ko kagabi para naman hindi pakalat-kalat. Nagpasiya na akong umalis sa kwarto at bumaba na lang, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga dingding na nakasabit, puro mga paint lang ang mga naroon at napaka-simple lang. Wala masiyadong picture ng pamilya niya pero sapat na sa akin ang nakita ko kagabi para matakot. Itsura palang napaka strikto na nila. Kaya ba umalis sa kanila si Gab? "Good morning." Nahinto ako sa paglalakad dahil sa mainit na labing humagkan sa aking noo. "Kakatok sana ako, pero nakita na kita. Let's breakfast?" ta
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 32

Lumipas ang ilang linggo at hindi ako nakapagpadala kina mama, sabi kasi nila ipunin ko na lang muna at hindi naman masiyadong magastos ang semester ni Adrian, nagtitinda na rin sila kaya nakakakuha na sila ng panggastos. Kaya nakapag-ipon na rin ako kahit papaano. Dahil sabado ngayon maaga akong nagising dahil sa sinabi ni Gab sa akin na may pupuntahan daw kami, ako raw ang gusto niyang isama kaya hindi na ako tumanggi. Tinitigan ko lang ang aking sarili sa harap ng salamin habang nakakulot ang buhok ko, si Annie kasi ang nag-aasikaso sa akin at sinabi niyang siya na ang bahala. "Keri na kaya 'to? Medyo manipis pero maganda naman. At saka sayang kutis mo kung hindi mo ipapakita sa kaniya," sabi nitong pinakita ang hawak niyang red dress na mukhang kita ang likuran. "Okay na siguro 'yan. Magdadala na lang ako ng jacket." Sinamaan ako ng tingin. "Yuck! Huwag na! Hayaan mo siyang bigyan ka, basta ito na lang, oh dali, magbihis ka na," utos nito. Mabilis ko lang nasuot iyon dahil ma
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 33

"So you ready?" tanong ni Gab sa akin matapos ako ayusan ng kaibigan niyang babae para sa pupuntahan namin ngayong hapon. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon saka sumama sa kaniya papunta sa kotse. Inimbitahan kasi siya para sa isang event at ako ang kaniyang sinama, hindi puwede si Ma'am Sunny dahil na rin sa mas mahalagang meeting. Kabado na ako ngayon lalo na't ngayon lang ako nakapag-suot ng ganitong damit, halatang pangmayaman talaga dahil nga puro miyembro ng kumpanya ang naroon. Pati ang kaniyang magulang ay nandoon. "G-Gab? Ano bang gagawin natin doon bukod sa pag-upo?" kinakabahang anas ko. Napalunok na lang ako dahil sa biglang pagtingin niya sa akin. "Ipapakilala kita sa parents ko—" "Paano kung ano, kung ayaw nila?" "Then don't. For formality lang naman ang pagpapakilala, hindi naman nakasalalay sa kanila ang desisyon ko," ngiting sabi niya na pinanghawakan ko na lang. Kahit na kabado ay pinilit kong maging normal, puro mayayaman ang naroon at hindi imposibleng ako
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 34

Ilang araw akong hindi nagpakita sa kaniya. Isang linggo din siguro. Gusto ko lang maliwanagan at ayoko rin sisihin ang sarili ko sa lahat lahat. Ilang beses ko pinakiusapan sila Jona na sabihing wala ako sa bahay at isang linggo din akong hindi pumasok sa trabaho. Hindi ko alam kay Jona kung bakit galit na galit siya kay Gab dahil wala namang ginagawang masama ang tao. Ako lang naman ang kusang umalis at minasama ang mga sinabi at narinig ko sa magulang niya. Pero kahit papaano ay may punto din ang mga sinasabi nila sa akin. "Kung mahal ka no'n, dapat sasabihin niya sa magulang niya na hindi siya ang ama ng batang anak ng basahang Sunny na 'yon. Hindi niya magawa dahil iniisip niya ang negosyo ng magulang niya. So ibig sabihin, mas may pakialam siya sa magulang niya." "Tama lang na hindi ka magpakita sa lalaking 'yon, hayaan mo siyang mangulit hanggang sa magsawa." Halos hindi ko pansinin ang mga sinasabi sa akin ni Jona noon sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano'n katindi ang i
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 35

Isang linggong walang pasok. Kaya gano'n na lang ang tuwa ko dahil binigyan kami ng suweldo na halos doble sa pinakamalaking suweldo ko noon. Nagdadalawang-isip pa nga ako pero buo na rin ang desisyon ko na bisitahin sina mama sa probinsya, sobrang kabado ako dahil ngayon ko na lang ulit sila makikita sa halos isang taong pag-ta-trabaho ko rito. Inayos ko na agad ang maleta ko, naroon ang mga pasalubong kina mama at sa mga kapatid kong maliliit, paniguradong magugustuhan nila iyon, paborito pa naman nila ang mga laruang barbie, dahil hindi sila nakaranas nito. "Grabe, dinaig ang OFW," anas ni Maylene kaya ako napatawa. "Ngayon ko lang naman ulit sila makikita, e. At saka okay na rin ito, may kikitain pa naman ako. At saka babalik din ako rito sa linggo ng gabi," sabi ko saka tumayo. "Pakisabi kay Jona na mauuna na ako, ah?" "Keri lang, at saka siya nagsabi na gisingin ka ng maaga para makapag-asikaso ng sarili. Anyway, nandiyan na ang boyfie mo, punta ka na," ngiting sabi niya at
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 36

"Sabihin mo nga sa akin Ada, bakit sa lahat pa ng trabaho iyon ang pinasok mo? May pinag-aralan ka naman, nakapagtapos ka ng hayskul at matalino ka! Bakit ka humantong sa ganiyang karuming trabaho!" Hindi ko alam kung bakit sa dami rami ng naririnig ko ay iyon ang madalas pumasok sa aking tenga. Para akong paulit-ulit na sinasampal ng gano'ng salita na mula pa sa sarili kong ina. Ilang beses naman akong nag-isip, ilang beses akong nag-tiis sa marangal kong trabaho noon pero napuno ako, e. Nasaktan ako sa mga sinasabi ng iba roon kaya nilunok ko ang mga sinabi ko. Pumasok ako roon kahit natatakot ako. Sana bago man lang ako sinampal at hinusgahan, tinanong muna sana ako kung gusto ko ba ang mga nangyayari. Kung maayos lang ang kalagayan ko. "Sakto miss, umabot ka. Kaso rito ka na lang sa ibaba," sabi ni manong na inalalayan ako sa pagsakay sa barko na hindi naman kalakihan. Halos punuan na, sa ibaba pa lang at nakaupo na ang iba kaya hindi na rin kasya. Nakiusap naman ako na sumaba
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 37

Hawak nito ang maleta habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay, ang polo nito at inilagay niya sa aking likuran at nagawa niya pang suklayan ako sa mismong parking lot kanina habang hinahayaan akong umiyak. Inilabas ko lahat kanina, naiinis ako sa tuwing hindi ko makontrol ang pag-iyak ko. "I have pajama there and shirt, sabihin mo lang kung hindi kasya sa 'yo ang pajama, okay? Huwag ka magtatagal sa tubig para hindi lumala ang sipon at ubo mo, maglinis ka lang ng katawan para mahimasmasan ka," mahinang sabi nito habang ina-adjust ang aircon. Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako saka pumasok sa banyo. Ramdam ko na ang init ng katawan ko dahil halos buong araw ako nabasa ng ulan, hilong-hilo ako na halos gusto ko na lang matulog agad. Itinali ko agad ang aking buhok saka naghilamos ng katawan, nagbihis agad ako at mabuti na lang ay garter ang pajama ni Gab kaya nagkasiya sa akin. Pagkalabas ko wala agad si Gab sa kwarto, malinis iyon, napansin kong bukas ang maleta ngunit wala nam
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 38

Matapos kong makapaghugas ay nagpasiya na lang akong maglinis ng bahay, kahit na malinis naman ay pinunasan ko na lang ang bawat bagay na makita ko at ang mga unan ay inayos na rin. Nang matapos sa ibaba ay umakyat agad ako sa taas para naman maayos ang ilan doon, hindi ko na binuksan ang ibang kwarto dahil baka may mawala roon. Pumasok na ulit ako sa kwarto at saka inilagay ang mga damit sa maleta, napansin kong mga damit lang ang natuyo dahil wala pa rito ang shorts ko, kaya kinuha ko na lang ang sinasabi ni Gab na boxer at ako na sa damit. Naghilamos na lang ulit ako at saka nagsuot ng damit. Matapos no'n ay medyo guminhawa ang aking pakiramdam. Gusto ko sanang lumabas para naman maarawan ako kaso nga lang baka hindi naman ako papasukin na, kaya napirmi na lang ako rito at saka muling bumaba para masilip ang laman ng ref. Kahit papaano naman ay marunong akong magluto at gumawa ng meryenda. Inilabas ko ang mga kailangan, palitan ko na lang siguro ang mga ito kapag medyo okay na ak
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 39

"Kaya pala nag-asikaso agad, kasi may date si Mr. Andrada," bungad ni Sir Davela nang makababa kami sa kotse.Dumaan kasi muna kami sa kumpaniya dahil may kukunin lang siya, ako naman ay nagpa-iwan na lang dito sa kotse dahil baka mamaya ay maulit na naman ang nangyari noon. Halos kagabi lang din kami nag-impake na good for three days, hindi naman related sa trabaho ang pupuntahan namin kaya buong tatlong araw kaming magkasama. Dahil wala pa si Gab ay lumabas na muna ako ng kotse para sana magbanyo, alam ko naman kung saan puwedeng gumamit dito dahil dito ako nagtrabaho noon. Inayos ko ang aking sarili, medyo okay naman na ang pakiramdam ko at hindi na inisip ang mga nangyari no'ng nakaraang araw. Tapos na iyon, mas gusto ko na lang pagtuonan ng pansin ang mga mga mangyayari pa ngayon sa buhay ko. Lumabas agad ako ng banyo nang matapos at nakita si Gab na may bitbit na envelope, papasok na sana siya nang kinuha nito ang selpon at agad na lumayo sa kotse. Agad akong nagtago dahil pa
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 40

Halos isang oras na akong nandito sa banyo dahil sa mga nangyari kanina. Sabay naming kumain ng tanghalian ang mga magulang ni Gab. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil halos wala akong ibang makita sa mga mata ng magulang ni Gab kundi ang pagkabigo. Lalo na nang marinig nila kung ano ang trabaho ko. Para bang gusto nilang masuka dahil sino nga ba ang may gustong marinig iyon sa harap ng pagkain. Sinabi man ni Gab na tapikin ko lang siya kung gusto ko ng umalis, pero mas pinili kong manatili. Pinasok ko ito kaya kailangan kong tanggapin. Halatang dismayado si Gab hanggang ngayon dahil sa pag-alis ng nanay nito na sinundan ng tatay ni Gab. Mas lalo pang nakakahiya dahil medyo maraming tao roon na mukhang narinig pa ng mga katabi namin. "Ada? You okay? Kanina ka pa riyan." Kumatok ito nang mahina kaya ako napahawak sa tuwalya. "A-Ah, oo, magbibihis lang ako," sabi ko saka sinuot ang damit na binili niya. Pinunasan ko agad ang aking luha at saka nagbihis. Pagkatapos ay luma
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status