"Kaya pala nag-asikaso agad, kasi may date si Mr. Andrada," bungad ni Sir Davela nang makababa kami sa kotse.Dumaan kasi muna kami sa kumpaniya dahil may kukunin lang siya, ako naman ay nagpa-iwan na lang dito sa kotse dahil baka mamaya ay maulit na naman ang nangyari noon. Halos kagabi lang din kami nag-impake na good for three days, hindi naman related sa trabaho ang pupuntahan namin kaya buong tatlong araw kaming magkasama. Dahil wala pa si Gab ay lumabas na muna ako ng kotse para sana magbanyo, alam ko naman kung saan puwedeng gumamit dito dahil dito ako nagtrabaho noon. Inayos ko ang aking sarili, medyo okay naman na ang pakiramdam ko at hindi na inisip ang mga nangyari no'ng nakaraang araw. Tapos na iyon, mas gusto ko na lang pagtuonan ng pansin ang mga mga mangyayari pa ngayon sa buhay ko. Lumabas agad ako ng banyo nang matapos at nakita si Gab na may bitbit na envelope, papasok na sana siya nang kinuha nito ang selpon at agad na lumayo sa kotse. Agad akong nagtago dahil pa
Halos isang oras na akong nandito sa banyo dahil sa mga nangyari kanina. Sabay naming kumain ng tanghalian ang mga magulang ni Gab. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil halos wala akong ibang makita sa mga mata ng magulang ni Gab kundi ang pagkabigo. Lalo na nang marinig nila kung ano ang trabaho ko. Para bang gusto nilang masuka dahil sino nga ba ang may gustong marinig iyon sa harap ng pagkain. Sinabi man ni Gab na tapikin ko lang siya kung gusto ko ng umalis, pero mas pinili kong manatili. Pinasok ko ito kaya kailangan kong tanggapin. Halatang dismayado si Gab hanggang ngayon dahil sa pag-alis ng nanay nito na sinundan ng tatay ni Gab. Mas lalo pang nakakahiya dahil medyo maraming tao roon na mukhang narinig pa ng mga katabi namin. "Ada? You okay? Kanina ka pa riyan." Kumatok ito nang mahina kaya ako napahawak sa tuwalya. "A-Ah, oo, magbibihis lang ako," sabi ko saka sinuot ang damit na binili niya. Pinunasan ko agad ang aking luha at saka nagbihis. Pagkatapos ay luma
Halos naging maayos ang natirang araw namin ni Gab sa mismong resort na iyon, gaya nga ng sinabi niya ay hindi muna ako pumasok sa trabaho dahil hindi ko pa naman kaya at baka maapektuhan lang ang gagawin ko. Nanatili na lang ako sa loob ng condo ni Gab dahil siya naman ang namilit sa akin, gusto ko lang din makalimot sa mga nangyari no'ng umuwi ako. Pagbalik namin dito sa condo at agad kong nilabhan ang mga pinanggamitan namin dahil kaunti lang din ang damit ko rito kaya tuwing dalawang araw ay nilabhan ko na. "Let's eat na?" bungad ni Gab sa akin sa banyo at agad akong nailing. "Hindi pa ako tapos, e. Nagugutom ka na ba? Una ka na," sabi ko pero imbes na umalis at pumasok siya sa loob. "Dryer na lang ba? Ako na." Kinuha agad nito ang ilan sa mga damit na nasa timba at napatingin pa sa akin nang kunin niya iyon. Halos mamula ito at saka titig na titig na nilakihan ako ng mata. "This is my brief," bulong niya saka ako napatango. "O-Oo, bakit?" tanong ko habang pinagpatuloy pag-a
Maaga kaming nagising dahil darating ngayon si Lucy, tuwing MWF kitaan nilang dalawa pero dahil sabado ngayon ay pinagbigyan na ni Gab dahil na rin next week ay aalis na si Gab, hindi pa namin alam kung anong araw. Nagsuot lang ako ng maayos na damit at siniguradong maayos akong tingnan. Bumaba na ako ng kwarto at nadatnan si Gab na may kausap sa telepono, seryosong-seryoso ito na gusto man niyang sumigaw ah kinokontrol niya ang sarili siya dahil halata ang pagkuyom nito sa kaniyang kamao. Hindi ko na lang siya tinawag at dumiretso ako ng kusina para makapaghanda ng pagkain, nasabi na rin naman kasi sa akin minsan ni Gab kung anong mga pagkain ang kinakain ni Lucy, mabuti na lang at may iba ritong mga ingredients. Hindi ko na lang pinakilaman si Gab dahil alam kong mainit ang ulo niya, mahirap din kasing magpigil ng galit lalo na't ayaw ko pa naman na masyado niyang tinatago ang nararamdaman niya na baka maapektuhan ang lahat. Hindi rin nagtagal ay napansin ko ang presensya nito at
Paggising ko pa lang ay bumungad sa akin ang isang maleta sa aking harapan, pero hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin dahil pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit at kirot, ni hindi ko rin magawang uminom ng gamot dahil hindi ako sanay, mas lumalala kasi ang kalagayan ko kapag iniinom ng gamot kaya tubig na lang parati. Nag-asikaso na lang ako ng aking sarili, habang naliligo ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Medyo gabi na rin kasi at halos alas-onse na pala ako nakauwi, naabutan ko siyang naka-upo sa sofa at titig na titig sa akin, akala ko magagalit siya dahil gabi na, pero alam kong pilit ang ngiti niya sa akin kagabi. Hindi ko na rin siyang nagawang kausapin kagabi dahil bukod sa pagod ako ay ayokong sabayan ang inis o galit niya. Nang matapos akong maligo ay nadatnan ko siyang nakatayo lang sa harap ng pinto at ngiting tumingin sa akin. "Ada? I'm sorry about what happened last night, I ignored you and didn't listen," mahinang sabi niya
Maghapon lang kaming nag-usap nila Jona at hindi ko alam na sobrang dami palang nangyari mula nang nawala ako rito sa bahay. Madalas na wala si Jona dahil sa lola niya at sina Maylene at Annie na lang ang naiiwan dito sa bahay, dahil si Leni ay nakikipag-ayos na sa magulang niya. Halos lahat sila rito ay hindi tanggap ang trabaho nila nang malaman iyon. Lahat naman siguro mahirap tanggapin ang trabaho namin pero wala kaming magagawa. Nagpasiya na lang anong umuwi at maglakad na lang dahil hindi pa naman malalim ang gabi, umalis na kasi sila Jona at balak kong pumunta muna ng condo para maglinis at kunin ang mga gamit ko. Medyo natamaan din kasi ako sa sinabi ni Jona na hangga't hindi pa inaamin ni Gab ang tungkol sa amin sa anak nito at sa pamilya niya ay hindi ako makakausad. Kabit ang magiging tingin sa akin. Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay nahagip ng aking piningin ang isang lalaking napahinto sa aking harap na may hindi kalayuan, medyo madilim na kasi kaya hindi ko maa
Gaya nga ng aking plano ay tumuloy pa rin ako sa pagiging waitress, gano'n pa rin ang lahat, halos tatlong linggo ako nawala at naging maayos ang pakiramdam. At halos may mangilan-ilang pagbabago sa katawan ko ang napapansin ko. Hindi pa kasi ako dinadatnan, hindi ko alam kung may dapat bang ikabahala dahil iregular ako, kung minsan dalawang buwan bago ako datnan. Mas dumami ang mga taong katrabaho ko kaya hindi ako masyadong nahirapan, four hours na lang din ang trabaho ni Jona kaya maaga na silang nakakauwi maliban kina Maylene at Annie na puwedeng umabot ng madaling araw. Kapag kasi umuuwi si Jona sumasabay na rin ako sa kaniya dahil napansin kong mabilis na akong mapagod. Kinuha ko ang trabaho ng kasama ni Tonet kaya nandito lang ako sa counter at taga bigay ng order kina Tonet at tagahanda ng mga ibibigay sa kanila. Maya-maya pa ay napansin ko na si Tonet na nakangiti at ibig sabihin ay tapos na siya sa lahat. Inusog ko na ang upuan na kaniya naman agad na kinuha. "Grabe, kapa
Ngayon ang araw ng kanilang pag-uwi, pero mula kanina pang umaga ay hindi pa ako nakakatanggap ng tawag mula kay Gab, kahit text man lang ay wala rin, wala naman akong dapat na ipag-alala dahil alam kong nasa mabuting kalagayan siya, kasama niya ang kaniyang mag-ina. Kahit pa sobrang sakit ng katawan ko ay nagawa kong magtrabaho ngayong gabi, ngayon na lang kasi ako nakakaipon ulit matapos kong iwan kina mama ang ilang perang natatabi ko. Dahil nasa counter lang naman ako kasama si Tonet ay kahit papaano ay nakapagpahinga ang aking likuran, ako lang ang taga-bigay ng mga order sa ilang mga waitress. "Kanina ka pa tumitingin sa phone mo, wala namang nangyayari," bulong ni Tonet na nakahiga ang pisngi sa kaniyang kamay. Ngumiti lang ako saka muling tiningnan ang oras. Madaling araw na, sigurado akong nandito na sila, o baka kanina pa sila nakarating. "Baka nag-aasikaso pa siya ng sarili niya, o kaya natutulog na," depensa ko ngunit umiling lang ito. "Okay, sabi mo, e. Ay teka! Tina
"One, two, three, smile!" Halos mapangiti ako nang makita ko na naman ang litrato naming lahat no'ng ikinasal ako. Lahat ay kumpleto, walang nakaligtaan kahit pa ang mga katrabaho ko noon ay inimbita ni Gab, pati ang naging amo ko sa kumpanya nila Gab dahil minsan akong magtrabaho roon. "Ma?" tawag ko kay mama at marahang naglakad papunta sa gawi niya. May project kasi sina Gab kaya isang buwan siya nawala, kaya si mama muna ang lumuwas para tumingin sa akin dahil pitong buwan na rin ang pangalawang pinagbunbuntis ko. Mabuti na lang at babae na dahil usapan namin ni Gab na hanggang dalawa lang kapag babae ang pinagbunbuntis ko ngayon. "Nagugutom ka na naman? Kakain mo lang ah," sabi nito saka binitawan ang walis at lumapit sa akin. "Gusto ko po ng sinigang mamaya," nguso ko dahilan para ma-iling ang ibang kasambahay. "Oo sige, magluluto ako mamayang hapunan." Ngumiti lang ako sa kaniya at saka sila iniwan sa sala. Dumiretso agad ako sa kwarto kung nasaan gumagawa si Jace ng ass
"Happy birthday papa," mahinang usal ko habang kinakaway-kaway ang braso ni Jace dahilan para matawa ito. Naalimpungatan tuloy si Gab kaya ako umusog sa kama at hinayaang gumapang si Jace papunta sa kaniya. Nakangiting sinalubong ito ni Gab at ang bahagyang paghalik nito sa leeg ng anak. "Anong oras ka uuwi mamaya?" tanong ko habang nilalabas ang mga gamit na kailangan niya para sa trabaho. Hindi ito sumagot dahil abala ito sa paglalaro kay Jace. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Iniwan ko sila sa kwarto para naman paghandaan ng pagkain ang mag-ama, ugali na kasi ni Gab na tuwing umaga ay siya ang magpakain sa anak niya at bago man lang umalis ay maalagaan niya lamang. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na nag-aasikaso na rin, kaniya-kaniya sila ng gawain kaya mabilis natatapos, kaunti lang din naman ang gawain dito sa bahay dahil wala naman masiyadong kalat. "Nay? Hanggang tanghalian na po ba iyan?" tanong ko na nginitian niya. "Oo naman, lalo na't tanghali na rin naman. Papa
Halos hindi maalis ang aking ngiti nang makapasok kami sa mismong bahay, ni hindi ko rin kasi lubos maisip na ganito pala kalaki at halos kumpleto na ang mga kailangan namin, may tatlong kasambahay na ang dalawa ay kasambahay nila Gab at kakilala ang isa. "Ada? Sila ang mga Nana ko, 'yong isa pamangkin ni Nana Lita. Ah, Nana, kilala ninyo na po siya 'di ba?" pagpapakilala nito sa akin. Ngumiti ang dalawang matanda samantalang ang dalaga ay kumaway sa akin. "Aba'y oo naman. Kami pa ata ang unang nakaalam sa relasyon ninyo bago ang magulang mo," sabi nito na ikinatawa namin. Nagmano lang ako sa mga ito na mukhang mababait naman base na rin sa kuwento ni Gab sa akin. "Sila ang makakasama mo rito kapag nasa trabaho ako, si Nana Lita na ang nag-alaga sa akin kaya matutulungan niya tayo, 'di ba nang?" "Ikaw talagang bata ka, kahit sampung anak pa iyan, kaya namin."Halos magtawanan kami dahil sa pang-aasar na iyon ng mga kasambahay. Tinulungan na muna nila kami sa paglalagay ng mga ga
Ilang linggo na ang nagdaan at hindi pa rin ako makakilos, hindi na rin muna tumanggap ng project si Gab para naman mabantayan kami ng anak niya. Hindi rin kasi kami puwedeng umalis hangga't hindi ako magaling, inaayos din kasi ang mga papeles ko at ng bata para sa Maynila ay wala ng ibang problemahin pa. Pinagmamasdan ko lang si Gab na buhat-buhat ang bata habang marahang sinasayaw, madalas lang itong tumingin at ang bahagyang pagngiti nito sa akin. "Hindi niya pa ba kayang magsalita?" tanong ni Gab. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iintindihin siya dahil sa pagkakaalam ko ay naging baby rin si Lucy. "Hindi mo ba nakitang sanggol si Lucy?" tanong ko na inilingan niya. "Medyo malaki na si Lucy no'ng nakita ko siya, kaya wala talaga akong alam sa mga sanggol, normal naman iyon 'di ba? At saka nandiyan naman sina mama kung sakaling hindi natin alam ang gagawin," ngiting asta nito dahilan para panandalian akong huminto sa dapat na pagtayo. Mama? Sa pagkakaalam ko mommy ang tawag
"Anong pakiramdam?" Hindi ko pa rin sinasagot ang mga tanong ni Annie dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit, wala kasi akong magawa mula pa kahapon dahil tinutulungan ko rin si Gab sa pag-aayos ng mga papeles. Buo na rin ang desisyon kong sumama sa kaniya ngunit kapag nakapanganak na lang ako. "Ayan Ada, ah, hindi mo ako pinapansin." "Tinatamad ako magsalita," reklamo ko dahil wala talaga ako mood makipag-usap. May sinabi pa itong hindi ko na narinig at saka siya umalis dahil kailangan niya pang mamalengke kasama ang kaibigan namin dito na si Rhoda. Naglinis na lang ako ng buong kwarto at pati kwarto niya ay nilinis ko na rin. Limitado na lang din ako gumalaw dahil sobrang sakit na ng balakang ko, minsan pa nga hindi na ako makatayo kaya naka-upo na lang. Naaawa rin ako kay Annie kasi alam kong hindi na siya nakaka-ipon, kaya kapag umalis ako rito, isasama ko siya sa Maynila. Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa ingay sa ibaba. Ang mas lalo pang ikina-inis ko ay ang p
Kanina pa ako panay himas sa aking tiyan at inaabangan kung darating ba siya. Biglaan kasi ang pagtawag nila sa kaniya lalo na't may koneksyon naman sila roon. Kanina pa nakatitig sa akin si Annie na paulit-ulit na nagsusuklay gamit ang daliri. Literal kasi na kinakabahan ako o ano. "Hilong-hilo na ako sa 'yo," bulong nito saka kumuha ulit ng tinapay. "Hindi ka naman ata excited na makita siya ano?" biglang ngiti nito na hindi ko pinansin. Mas mahalaga ang baby ko kaysa sa gano'ng bagay. Gusto ko lang siyang maka-usap nang maayos at linawin ang lahat. Kahit hindi na siya magpaliwanag dahil tapos na rin naman na ang mga nangyari, doktor na kasi ang nagsabing baka maka-apekto sa akin ang mga negatibong nangyayari. "Pero sa totoo lang Ada, bet ko talaga para sa 'yo si Gab. Sana lang maging okay kayo. Kaso siyempre, hindi ako marunong makalimot sa ginawa niya sa 'yo, pero kasi siya ang ama. Sana lang maging okay kayo, pero kasi potangina pa rin ng ginawa niya," nanggigigil na sabi nit
"Oh pak! Ubos na naman! Ano kayo ngayon?!" natatawang sabi ni Annie na tinawanan ng mga nakatambay sa paligid namin. Nailing na lang ako dahil kanina pa siya nagmamakaawang ubusin na ang mga ulam para maaga kaming makapagligpit, at dahil hapon pa lang ay puwede pa kaming magpahinga bago ulit mag-asikaso dahil darating daw sila Jona mamayang gabi. "Ligpitin ko na ah?" Kinuha ko agad ang mga kaserola at sama-samang inilagay sa lababo. Medyo may kalakihan kasi ang bahay ni Annie rito, at kaunti lang din ang gamit kaya mas lalong maluwag sa paningin. Ako na ang naghugas ng mga kaserola habang si Annie ay nagliligpit sa labas, dinig na rinig ko pa rin ang tawa niya dahil sa pang-aasar niya sa ilang mga nagtitinda sa karinderya. Mabuti na lang at walang napipikon sa kaniya. Idagdag pa ang pagiging mabait ng mga tao sa amin kahit hindi namin sila ka-ano-ano. "Ada? Maligo lang ako ah? Pagkatapos mo riyan asikaso ka na rin, tapos mamaya na siguro tayo magluto," sabi nito na ikinatango ko.
Isa sa pinaka magandang desisyon na nagawa ko ay ang pagsama kay Annie rito sa kaniyang probinsya, para bang bumalik ako sa dati kong buhay kung saan presko ang hangin, nabibigyan ko ng oras ang aking sarili at mas lalo pang naghanda. Pakiramdam ko, binigyan ko ng halaga ang sarili ko sa mga taong tinalikuran ako... o baka sadyang hindi lang nila maintindihan ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang nakakaraan nang lumuwas kami rito, no'ng una ay sobrang hirap dahil parehas kaming walang pera, may ipon naman ako pero ayaw iyon kunin ni Annie dahil para na raw iyon sa pagpapaanak ko. Ang tanging bunubuhay sa amin ay ang pagluluto niya ng pagkain at ako ang nagtitinda, dahil marami daw ang mahilig kumain dito at malapit din kami sa dagat ay naging madali lang ang kumita ng pera, karaniwan sa niluluto ni Annie ay ang mga putaheng hindi pa nakikita rito sa La Union o bihira lang maluto. "Punyeta talaga 'yang mga iba riyan, akala mo naman kung sinong magaling magluto," pandadaldal ni Annie.
Lahat ay halos tahimik. Nanatili ako sa pagkakaupo sa aking kama habang sina Maylene, Annie at Jona ay nakatayo sa harapan ko, at si Ate Calli... na halos balisa dahil sa mga nangyari. Ang bilis din kasi, parang dati lang ay okay kami tapos ngayon nabuntis ako. Ang bilis niyang talikuran ako. "Ano na? Anong balak mo?" tanong ni Ate Calli habang nakasandal ito sa pinto. Umiling ako. Wala naman akong mapupuntahan bukod dito, wala akong matinong trabaho at alam ko na pagbabawalan na ako sa pag-ta-trabaho roon kapag nalaman na buntis ako. Kaya marami sa mga kasamahan namin dito rin daw ang umalis dahil sa pagkabuntis. Maliban na lang kung ipqpalaglag ito. Pero hindi ko kaya, hindi maatim ng konsensya ko ang mamuhay araw-araw nang mayroong pinatay. "A-Aalis na lang po ako rito," wala sa sariling sagot ko. Walang nagsalita sa kanila, tanging paulit-ulit na pagbuntonghininga lang ni Ate Calli ang naririnig ko. Habang ang tatlo ay nasa harapan ko lang at iniiwasang tumingin sa akin. Hindi