Home / Romance / Sold for a Billionaire's Son / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Sold for a Billionaire's Son: Chapter 1 - Chapter 10

120 Chapters

Chapter One

 OliviaNang magising ako ay kaagad akong bumangon upang tignan ang sarili ko sa salamin. Namumugtong mga mata ang bumungad sa akin na siya namang ikina-lungkot ko na naman.Akala ko'y panaginip lang ang lahat ngunit totoo ngang nangyari iyon at ang namumugto kong mga mata ang siyang patunay. Hindi ko lubos akalain na ang lalaking ni minsan ay hindi ko pinag-isipan na gagawa'n ako ng masama ay siya palang maglalagay sa akin sa isang sitwasyong ni minsan ay hindi ko hiniling.I was once a daddy's girl dahil lumaki ako na kami lang dalawa ang magkasama sa buhay. Pumanaw kasi si Mama no'ng pinanganak niya ako dahil mas pinili niyang mabuhay ako at isakripisyo ang sarili niyang buhay para lang iligtas ako sa sinapupunan niya.Alam ko na kahit magkasama kami ni Daddy ay hindi pa rin buo kaya't iyon ang nagdala sa kaniya sa adiksiyon sa pagsusugal na siyang nagdala sa akin
Read more

Chapter Two

 Olivia"Ang ganda talaga ng mga bulaklak, ano? Lalo na kapag naaalagaan!" ani nito habang nakatanaw sa isang halerang mga rosas na nakatanim sa kanilang bakuran.Ngumiti naman ako dahil sa sinabi niyang iyon at ibinaling na rin ang tingin sa nag-gagandahang mga bulaklak. Ang pula-pula no'n. Buti na lang at mayroong ganito dito sa bahay nila. Maaari ko itong paglibangan habang nandito ako."Pero kahit anong ganda ng mga rosas na iyan, maaari ka pa rin nilang saktan." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon habang magkasalubong ang dalawa kong kilay."Po?" ani ko habang nakatingin sa kaniya."Wala," sambit niya sabay ngisi sa akin.This is the first time na nakausap ko si Uncle Richard na kaming dalawa lang. Nasanay kasi ako na binabati lang siya sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Daddy. Bukod kasi sa magkaibigan sila, t
Read more

Chapter Three

 Olivia"Hindi ko mahanap 'yung dahilan kung bakit hindi mo sinabi sa akin 'yong totoo, Olivia! I thought we're best friends. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa na kahit anong mangyari, kahit gaano pa kabigat ang sitwasyon, hindi tayo maglilihim sa isat-isa?" ani ni Matthew habang malayo ang tingin at seryoso ang mukha.Tanging buntong hininga ang naging tugon ko dahil sa sinabi niyang iyon. Kahit ako, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin. Pero kahit ano namang gawin ko, hindi ko naman na maibabalik ang kahapon, hindi ba? Nangyari na 'yon at wala na akong magagawa pa."Ano ba kasing pumasok sa isip mo, ha? Bakit bigla kang nagpakasal? Madalas naman tayong magkasama pero ni minsan, hindi mo na-i-kwento sa akin na may boyfriend ka." Dagdag pa niya at pagkatapos ay ibinaling sa akin ang kaniyang tingin."Wala naman kasi akong ikukwento sayo!" matipid na sagot ko. Naku
Read more

Chapter Four

 OliviaKahit ayokong sumabay sa kanila sa pagkain, napilitan akong gawin iyon dahil nag-request sa akin si Uncle Richard. Kahit raw regalo ko na lang para sa darating na kaarawan niya sa isang linggo. Wala na rin aking nagawa kung hindi ang pumayag na lang.Nakasanayan na raw nilang sabay-sabay na kumain ng hapunan kahit na animo'y mga hindi magkakakilala dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Kung sa bagay! Sa amin kasi noong nando'n pa ako, hindi rin ako kumakain ng hapunan hangga't hindi pa dumarating si Daddy. Palagi ko siyang hinihintay dahil alam ko na kapag hindi ko ginawa iyon, lalo siyang malulungkot. Lalo niyang iisipin na mag-isa siya kahit na ang totoo ay kasama niya pa naman ako.Napa-isip tuloy akong bigla kung ano na ba ang ginagawa niya ngayon. Kumain na kaya siya? Ayoko namang tawagan siya dahil gusto kong maintindihan niya ang pinanggagalingan ng malaking tampo ko sa
Read more

Chapter Five

 OliviaPareho kaming nakahiga sa iisang kama pero magkalayo at nakapwesto sa magkabilang gilid. Nakaharap ako sa kanan at siya naman sa kaliwang gilid ng higaan kaya't sandaling natahimik ang paligid.Nakapikit na ako nang gumalaw siya. Dahil na rin sa sobrang lambot ng kama ay hindi talaga mapigilang umuga ang kutson sa tuwing may kumikilos sa ibabaw nito. Hindi ko iyon inintindi noong una. Ayoko rin kasing makipagtalo pa dahil masyado na akong pagod ngunit tila nang-iinis talaga siya dahil pabalik-balik siya sa pag-upo sa kama.Bumalikwas na ako. Nakaupo pa rin ako sa pwestong hinigaan ko ngunit ang tingin ko ay nasa kanya. Nagbuntong hininga muna ako bago magsalita."Pwede bang h'wag kang masyadong malikot? Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" mahinahon pa ang boses ko noong sinabi ko iyon."Inuutusan mo ba ako?" nanlalaki ang mga matang sambit
Read more

Chapter Six

OliviaNapabalikwas ako sa aking higaan ng makaramdam ako ng isang malamig na hangin na humaplos sa aking balat kaya't napaupo na lamang ako dahil do'n. Idagdag pa ang isang bangungot na bumisita sa aking panaginip.Maging sa panaginip ko ba naman ay ayaw akong tigilan ni Lloyd! Pati do'n ay bangungot pa rin ang binibigay niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako habang nakaupo sa kama.Hindi sinasadyang inikot ko ang aking mata sa paligid at hindi ko natagpuan ang dapat sana'y sisira sa umaga ko. Kaya't kaagad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung anong oras na ba. Laking-gulat ko na lamang ng makita ko na alas-otso na pala ng umaga.Oo nga pala. Simula nga pala ngayon ay hindi ko na kailangang gumising ng maaga dahil naka-graduate na nga pala ako ng college. Nasanay kasi ako na maaga palaging nagigising dahil sa sobrang aga ng klase ko. Napabuntong hininga ako ng malalim kasabay ng paglu
Read more

Chapter Seven

OliviaGabi pa lamang ay nagsimula na sa paghahanda ang ilang tauhan ni Daddy Richard para sa darating niyang kaarawan. Dalawang araw pa naman iyon mula ngayon ngunit nagtataka talaga ako kung bakit ngayon pa lang ay nagsisimula na sila sa pagpaplano. May mga iilang tao siyang pinadala dito sa bahay para planohin ang lahat. Kaya’t labis na lamang ang pagiging abala nila.May planner na may hawak na papel at ballpen ang nag-iikot sa parte ng kanilang bahay upang tignan kung ano nga bang magandang theme ang maaari nilang gawin para sa nasabing selebrasyon. Habang nasa second floor ako ay pinapanood ko lamang sila sa paghahanda hanggang sa narinig kong sinitsitan ako ni Daddy Richard mula sa baba.Kaagad ko naman itong tinapunan ng tingin at pagkatapos ay bumaba na rin para puntahan siya. Pagkababa ko ay lumapit na ako kaagad sa kaniya upang magtanong kung bakit. Hinawakan niya ako sa balikat bago siya sumagot.“Alam mo,
Read more

Chapter Eight

OliviaUnti-unti nang napupunan ang mga upuan na inihanda nila para sa mga bisita. Marahil ay iilan na lang ang hinihintay at magsisimula na rin ang party. Pinili kong manatili na lamang muna sa loob dahil iniiwasan ko si Daddy.Hindi pa kasi ako handang harapin siya. Pakiramdam ko kasi ay para akong babagsak sa tuwing nagkaka-tinginan kami. Para siyang kryptonite na hinihigop ang lahat ng lakas ko.“Olivia,” sambit ng nasa bandang likod ko. Kaagad ko itong nilingon at tumambad sa akin si Matthew na tila pawis na pawis at mukhang hinihingal.“Bakit ngayon ka lang? At tsaka saan ka galing at gan’yan ang hitsura mo? Nakipag-habulan ka ba sa aso?” magkasalubong ang kilay na tanong ko habang nakatuon ang tingin sa kaniya.Nagbuntong hininga siya at huminga ng malalim bago magsalita at sumagot sa akin.“May inasikaso pa kasi ako bago ‘ko makapunta dito. Akala ko nga ay hindi na a
Read more

Chapter Nine

OliviaNatigil ang mga bulungan nang magsalita ang MC para sa party ni Daddy Richard. Lahat ng atensiyon ay napunta sa kaniya. Kami naman ni Matthew ay magkasamang nakaupo sa gilid malapit sa stage."Magandang hapon po sa ating lahat! Kamusta po kayo?" pagbati ng MC na nasa mini stage.Narinig kong sabay-sabay na sumagot ang mga bisita. Hanggang ilang sandali pa ay nagsimula na sa pagdarasal at sinundan ng pagpapakilala sa birthday celebrant. Pagkatapos din no'n ay umakyat na sa mini stage si Daddy Richard. Magara ang suot. Naka-toxedo at nakangiting kinawayan ang ilang daang bisita niya.Kagaya ng MC ay sinimulan niya ang kaniyang sinasabi sa pamamagitan ng pagbati at sinundan ng pasasalamat sa lahat ng dumalo. Habang nakikipag-kwentuhan sa mga bisita niya habang hawak-hawak ang mikropono, nakita kong napabaling ang tingin niya sa lamesang kinaroroonan namin.Nakita kong sandaling natigilan siya. Marahil ay nagtataka kung bakit hindi kami magkasama sa lamesa ng
Read more

Chapter Ten

OliviaLumipas ang birthday ni Daddy Richard na hindi ko man lang nasilayan ang matamis na ngiti niya na dapat sana’y higit pa sa ngiti niya, ilang araw bago ang kaniyang kaarawan. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko ay isa ako sa dahilan kung bakit nasira ang pinakamasayang araw niya.Hindi ko tuloy mapigilang makonsiyensiya dahil sa malaking gulong naganap kahapon. Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko habang iniisip ang nangyari kahapon. Iyon ang unang beses na nakita kong nagalit si Daddy Richard dahil sa tuwing magkikita kami noon ay lagi siyang nakangiti.Bumangon ako at naupo muna sa kama bago ako magbuntong hininga ng malalim. Buti na lang at hindi dito natulog si Lloyd kaya’t hindi ko na kailangang makipag-away pa sa pwestong hindi pa namin napagkakasunduan. Ewan ko ba do’n sa lalaking ‘yon. Ayaw niyang iparaya sa akin ang kama na dapat sana’y ginawa niya, kaso hindi, ‘e.Bakit kasi ang l
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status