Olivia
"Hindi ko mahanap 'yung dahilan kung bakit hindi mo sinabi sa akin 'yong totoo, Olivia! I thought we're best friends. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa na kahit anong mangyari, kahit gaano pa kabigat ang sitwasyon, hindi tayo maglilihim sa isat-isa?" ani ni Matthew habang malayo ang tingin at seryoso ang mukha.
Tanging buntong hininga ang naging tugon ko dahil sa sinabi niyang iyon. Kahit ako, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin. Pero kahit ano namang gawin ko, hindi ko naman na maibabalik ang kahapon, hindi ba? Nangyari na 'yon at wala na akong magagawa pa.
"Ano ba kasing pumasok sa isip mo, ha? Bakit bigla kang nagpakasal? Madalas naman tayong magkasama pero ni minsan, hindi mo na-i-kwento sa akin na may boyfriend ka." Dagdag pa niya at pagkatapos ay ibinaling sa akin ang kaniyang tingin.
"Wala naman kasi akong ikukwento sayo!" matipid na sagot ko. Nakuha ko ang atensiyon niya dahil sa sinabi kong iyon. Tinignan niya ako nang may pagtataka habang magkasalubong ang dalawa niyang kilay.
"Am I dreaming? Sampalin mo nga ako!" sambit niya sabay kuha sa kamay ko at isinampal sa kanyang mukha. "Hindi naman ako nananagip. Totoong nangyayari 'to."
Kinuha ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Seryoso ba talaga? O, prank lang 'to, 'no? Teka nga, tatawagin ko si Papa. Ang galing niyong dalawa, eh!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya at pahakbang na papasok sa loob ng bahay para gawin ang sinabi niya ngunit kaagad kong hinawakan ang braso niya upang pigilan siya.
"This is not a joke, Matthew! You're not dreaming. Totoong kinasal kami nang Kuya mo at lahat ng mga images and videos na kinuhanan kahapon ay dadating sa isang linggo." Ani ko at pagkatapos ay nagbuntong hininga.
Tila hindi pa rin siya naniniwala dahil pumapalag pa rin siya mula sa pagkakahawak ko.
"Hindi totoo 'yan, Olivia! H'wag ka nang magsinungaling sa akin. Hindi ako naniniwala sayo!"
Tuluyan ko nang binitawan ang braso niya. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Ilang segundo rin siyang natigilan bago muling ituon ang tingin sa akin. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko. The ring on my finger slapped him.
"Paano nangyari 'to? Anong dahilan, Olivia? Bakit bigla kang nagpakasal?" tanong niya sabay buntong hininga nang napagka-lalim.
"It's because of my Dad! Ayokong makulong siya kaya mas gugustuhin ko nang ganito kaysa sa makita siyang nagsa-suffer sa loob ng kulungan."
"Hindi kita maintindihan. Bakit makukulong si Tito Oliver? May ginawa ba siyang kasalanan?" magkasalubong ang dalawang kilay na tanong niya.
"Malaki ang utang niya kay Tito Richard. Kahit ako, nagtaka rin, eh. Nagtaka rin ako kung bakit niya ipapakulong si Daddy kahit na magkaibigan sila. Pero sabi ng Papa mo, adiksiyon na raw ang ginagawa ni Daddy at ang ipakulong siya ang tanging solusyon."
Pagkatapos kong sumagot ay nagbuntong hininga ako nang napagka-lalim. Napapalunok ako habang nakabaling na ang tingin sa malayo.
"Pero anong koneksiyon no'n sayo? Utang 'yon, hindi ba? Bakit pinakasalan mo si Kuya?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.
"Ako 'yung pinambayad utang ni Daddy! Ang saklap, hindi ba?" sambit ko, sabay ngisi. "Wala na akong nagawa dahil 'yon lang ang tanging magagawa ko para hindi makulong si Daddy. Alam mo naman siguro kung gaano ko siya kamahal, 'di ba? Alam mo rin na ayokong nahihirapan siya kaya eto ako, tinanggap ang kapalaran ko."
"Gusto mong kausapin ko si Papa? Pakiusapan natin siya na gumawa ng paraan para mapa-walang bisa ang kasal niyo. Tutulungan kita. Gagawa tayo ng paraan!"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya ang kamay ko pero inilayo ko iyon at iniwas.
"H'wag na. Hindi na kailangan!"
"Pero bakit? Ayaw mo bang makabalik sa dating buhay mo? Tutulungan kitang maghanap ng trabaho para makapag-ipon ka ng pambayad. Hindi 'yung ganito. Hindi 'yung kailangan mo pang maging bayad-utang sa taong hindi mo pa naman lubos na kilala."
"H'wag na nga, 'di ba? Nandito na ako! Huwag ka nang mag-abala pa dahil buo na ang desisyon ko."
"Hindi ko maintindihan! Tutulungan na nga kitang umalis dito, hindi ba? Hindi mo alam ang buhay na pinasok mo. Hindi mo alam kung gaano ka-sama ang ugali ni Kuya!"
"Hindi nga pwede dahil nakapirma na ako ng kontrata!" pasigaw ang tono ng boses ko habang sinasabi ko iyon.
"Kontrata?" magkasalubong ang dalawang kilay na tanong niya. Nagbuntong hininga ako ng malalim bago magsalita at sumagot.
"Oo,"
"Anong kontrata?"
"Katibayan na pumapayag akong mapangasawa ang Kuya mo. The contract will be invalid after two years."
"Bakit kailangan pang may contract, ha? Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari! Naguguluhan pa rin ako."
"Kahit ako, naguguluhan rin. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako makaka-survive dito. Unang araw pa lang naming mag-asawa, sama ng loob at pananakit na pisikal at berbal na kaagad ang binigay niya sa akin."
"Sinaktan ka niya?" tila nag-iba ang ihip ng hangin matapos niyang marinig ang sinabi ko.
Nakita kong muntik niya nang makita ang braso ko kaya't tinakpan ko ito pero huli na! Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa aking braso at tumambad sa kaniya ang malaking pasa na kagagawan ng kaniyang Kuya. Madiin kasi ang pagkakahawak niya sa akin kanina kaya't ang braso ko na mariin niyang hinawakan ay nag-iwan ng malaking pasa.
Kahit ako, hindi ko rin naman namalayan na may pasa pala ang braso ko. Nakita ko na lang no'ng sandaling tignan ko dahil naramdaman kong medyo masakit sa parteng iyon.
"Halika! Pupuntahan natin siya at kakausapin. Hindi pwede 'yang ganyan. Hindi pwedeng saktan-saktan ka lang niya dahil gusto niya."
Hinintay niya akong tumayo. Iniabot niya ang kaniyang kamay sa akin. Tinignan ko lang iyon at tsaka nagbuntong hininga. Tila napa-isip naman siya kung bakit nanatili ako sa kinauupuan ko.
"Ano pang hinihintay mo? Tara na,"
"H'wag na, Matthew! Ayoko nang gulo kaya kung pwede, hayaan na lang natin siya sa mga gusto niyang gawin!"
"Hayaan?" malalim na buntong hininga ang naging kasunod ng sinabi niyang iyon bago muling ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi. "Nahihibang ka na ba talaga, ha? Hahayaan mo lang na saktan ka lang nang g*gong 'yon, Olivia?" pasigaw ang tono ng pananalita niya habang sinasabi iyon.
Nagbuntong hininga naman ako at tinignan siya bago magsalita.
"Bakit? Kapag ba sumugod ka do'n, ano ba sa tingin mo ang mangyayari, ha? Mawawala ba 'tong pasa na 'to? Hindi ba't hindi? Away lang 'yan, eh! Kung gusto mong puntahan siya, hindi kita pipigilan but don't expect me to come with you dahil ayoko nang dagdag 'yung sama ng loob ko dahil lang sa mayabang na Kuya mo!"
I rolled my eyes after I said it. Kahit si Matthew ay wala na ring nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga habang nakatingin sa akin. Napapalunok siya habang hindi makapagsalita. Alam niya kasi ang ugali ko. Alam niyang ayoko ng gulo kaya wala siyang magagawa kung hindi ang intindihin 'yon.
OliviaKahit ayokong sumabay sa kanila sa pagkain, napilitan akong gawin iyon dahil nag-request sa akin si Uncle Richard. Kahit raw regalo ko na lang para sa darating na kaarawan niya sa isang linggo. Wala na rin aking nagawa kung hindi ang pumayag na lang.Nakasanayan na raw nilang sabay-sabay na kumain ng hapunan kahit na animo'y mga hindi magkakakilala dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Kung sa bagay! Sa amin kasi noong nando'n pa ako, hindi rin ako kumakain ng hapunan hangga't hindi pa dumarating si Daddy. Palagi ko siyang hinihintay dahil alam ko na kapag hindi ko ginawa iyon, lalo siyang malulungkot. Lalo niyang iisipin na mag-isa siya kahit na ang totoo ay kasama niya pa naman ako.Napa-isip tuloy akong bigla kung ano na ba ang ginagawa niya ngayon. Kumain na kaya siya? Ayoko namang tawagan siya dahil gusto kong maintindihan niya ang pinanggagalingan ng malaking tampo ko sa
OliviaPareho kaming nakahiga sa iisang kama pero magkalayo at nakapwesto sa magkabilang gilid. Nakaharap ako sa kanan at siya naman sa kaliwang gilid ng higaan kaya't sandaling natahimik ang paligid.Nakapikit na ako nang gumalaw siya. Dahil na rin sa sobrang lambot ng kama ay hindi talaga mapigilang umuga ang kutson sa tuwing may kumikilos sa ibabaw nito. Hindi ko iyon inintindi noong una. Ayoko rin kasing makipagtalo pa dahil masyado na akong pagod ngunit tila nang-iinis talaga siya dahil pabalik-balik siya sa pag-upo sa kama.Bumalikwas na ako. Nakaupo pa rin ako sa pwestong hinigaan ko ngunit ang tingin ko ay nasa kanya. Nagbuntong hininga muna ako bago magsalita."Pwede bang h'wag kang masyadong malikot? Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" mahinahon pa ang boses ko noong sinabi ko iyon."Inuutusan mo ba ako?" nanlalaki ang mga matang sambit
OliviaNapabalikwas ako sa aking higaan ng makaramdam ako ng isang malamig na hangin na humaplos sa aking balat kaya't napaupo na lamang ako dahil do'n. Idagdag pa ang isang bangungot na bumisita sa aking panaginip.Maging sa panaginip ko ba naman ay ayaw akong tigilan ni Lloyd! Pati do'n ay bangungot pa rin ang binibigay niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako habang nakaupo sa kama.Hindi sinasadyang inikot ko ang aking mata sa paligid at hindi ko natagpuan ang dapat sana'y sisira sa umaga ko. Kaya't kaagad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung anong oras na ba. Laking-gulat ko na lamang ng makita ko na alas-otso na pala ng umaga.Oo nga pala. Simula nga pala ngayon ay hindi ko na kailangang gumising ng maaga dahil naka-graduate na nga pala ako ng college. Nasanay kasi ako na maaga palaging nagigising dahil sa sobrang aga ng klase ko. Napabuntong hininga ako ng malalim kasabay ng paglu
OliviaGabi pa lamang ay nagsimula na sa paghahanda ang ilang tauhan ni Daddy Richard para sa darating niyang kaarawan. Dalawang araw pa naman iyon mula ngayon ngunit nagtataka talaga ako kung bakit ngayon pa lang ay nagsisimula na sila sa pagpaplano. May mga iilang tao siyang pinadala dito sa bahay para planohin ang lahat. Kaya’t labis na lamang ang pagiging abala nila.May planner na may hawak na papel at ballpen ang nag-iikot sa parte ng kanilang bahay upang tignan kung ano nga bang magandang theme ang maaari nilang gawin para sa nasabing selebrasyon. Habang nasa second floor ako ay pinapanood ko lamang sila sa paghahanda hanggang sa narinig kong sinitsitan ako ni Daddy Richard mula sa baba.Kaagad ko naman itong tinapunan ng tingin at pagkatapos ay bumaba na rin para puntahan siya. Pagkababa ko ay lumapit na ako kaagad sa kaniya upang magtanong kung bakit. Hinawakan niya ako sa balikat bago siya sumagot.“Alam mo,
OliviaUnti-unti nang napupunan ang mga upuan na inihanda nila para sa mga bisita. Marahil ay iilan na lang ang hinihintay at magsisimula na rin ang party. Pinili kong manatili na lamang muna sa loob dahil iniiwasan ko si Daddy.Hindi pa kasi ako handang harapin siya. Pakiramdam ko kasi ay para akong babagsak sa tuwing nagkaka-tinginan kami. Para siyang kryptonite na hinihigop ang lahat ng lakas ko.“Olivia,” sambit ng nasa bandang likod ko. Kaagad ko itong nilingon at tumambad sa akin si Matthew na tila pawis na pawis at mukhang hinihingal.“Bakit ngayon ka lang? At tsaka saan ka galing at gan’yan ang hitsura mo? Nakipag-habulan ka ba sa aso?” magkasalubong ang kilay na tanong ko habang nakatuon ang tingin sa kaniya.Nagbuntong hininga siya at huminga ng malalim bago magsalita at sumagot sa akin.“May inasikaso pa kasi ako bago ‘ko makapunta dito. Akala ko nga ay hindi na a
OliviaNatigil ang mga bulungan nang magsalita ang MC para sa party ni Daddy Richard. Lahat ng atensiyon ay napunta sa kaniya. Kami naman ni Matthew ay magkasamang nakaupo sa gilid malapit sa stage."Magandang hapon po sa ating lahat! Kamusta po kayo?" pagbati ng MC na nasa mini stage.Narinig kong sabay-sabay na sumagot ang mga bisita. Hanggang ilang sandali pa ay nagsimula na sa pagdarasal at sinundan ng pagpapakilala sa birthday celebrant. Pagkatapos din no'n ay umakyat na sa mini stage si Daddy Richard. Magara ang suot. Naka-toxedo at nakangiting kinawayan ang ilang daang bisita niya.Kagaya ng MC ay sinimulan niya ang kaniyang sinasabi sa pamamagitan ng pagbati at sinundan ng pasasalamat sa lahat ng dumalo. Habang nakikipag-kwentuhan sa mga bisita niya habang hawak-hawak ang mikropono, nakita kong napabaling ang tingin niya sa lamesang kinaroroonan namin.Nakita kong sandaling natigilan siya. Marahil ay nagtataka kung bakit hindi kami magkasama sa lamesa ng
OliviaLumipas ang birthday ni Daddy Richard na hindi ko man lang nasilayan ang matamis na ngiti niya na dapat sana’y higit pa sa ngiti niya, ilang araw bago ang kaniyang kaarawan. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko ay isa ako sa dahilan kung bakit nasira ang pinakamasayang araw niya.Hindi ko tuloy mapigilang makonsiyensiya dahil sa malaking gulong naganap kahapon. Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko habang iniisip ang nangyari kahapon. Iyon ang unang beses na nakita kong nagalit si Daddy Richard dahil sa tuwing magkikita kami noon ay lagi siyang nakangiti.Bumangon ako at naupo muna sa kama bago ako magbuntong hininga ng malalim. Buti na lang at hindi dito natulog si Lloyd kaya’t hindi ko na kailangang makipag-away pa sa pwestong hindi pa namin napagkakasunduan. Ewan ko ba do’n sa lalaking ‘yon. Ayaw niyang iparaya sa akin ang kama na dapat sana’y ginawa niya, kaso hindi, ‘e.Bakit kasi ang l
Lloyd“Hanggang kailan ako maghihintay sa pinangako mong magsasama na tayo, ha? Pagod na pagod na akong maghintay, Lloyd!” pagmamaktol na sambit ni Francheska habang magkasalubong ang dalawa nitong kilay.Nagbuntong hininga ako habang napapailing na walang tigil na nagpaikot-ikot sa maliit na silid niya. Naiinis na ako, ha? Hindi ko alam kung hindi lang ba talaga siya maka-intindi, o sadyang wala lang siyang pakialam.“Ano, Lloyd? Ganito na lang ba tayo palagi? Nagtatago? Nagnanakaw at nanghihiram ng sandali? Pagod na pagod na akong maghintay na tuparin mo ‘yung mga pangako mo sa akin.” Dagdag pa niya na nakapagdagdag sa init ng ulo ko.Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kama habang ako naman ay nasa bandang bintana na. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at pagkatapos ay inilagay ko ang aking mga kamay sa ilalim ng aking mga braso.“Hindi ba’t sabi k
Nagpatuloy si Lloyd sa panliligaw niya kay Olivia, kasabay ang unti-unti niyang pagbuo sa kanilang pamilya. Alam ni Lloyd na hindi madaling ibalik ang tiwala ng dati niyang asawa pero handa siyang gawin ang lahat para lamang bumalik ito sa kaniya. Bawat araw, pinaparamdam ni Lloyd kung gaano niya kagustong mabuo sila. Lahat ng alam niyang paraan ay ginagawa niya. Halos araw-araw niyang binibigyan ng bulaklak si Olivia. Araw-araw niya itong niyayayang lumabas at higit sa lahat, bumabawi siya sa kanilang anak. Mas marami nang pasanin si Lloyd. Malaki na ang responsibilidad na pasan pasan niya sa kaniyang balikat. May sarili na siyang pamilya at hawak pa niya ang kanilang kompanya.Pero kaya ito ni Lloyd. Kakayanin niya dahil pinatatag si Lloyd ng mga pagsubok na pinagdaan niya kaya alam niya na kakayanin niya ang lahat. Ngayon pa na bumalik na ang taong hinihintay niya. Ngayon pa na nagkaayos na sila't nagkalapit na ng kapatid niya. Marami na ring nangyari sa pagdaan ng panahon. Noo
LloydMakalipas ang tatlong taon...Matapos kong malaman na hindi pala ako ang ama ng dinadala ni Francheska, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag.Ginusto kong muling bumalik kay Olivia. Ginusto kong suyuin siya ulit ngunit napag-alaman ko na umalis na pala siya kina Matthew. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Para akong nalulunod sa patong-patong na problema. Hindi ko matanggap na nagawa ni daddy na makipagsabwatan kay Francheska para sirain kami ni Olivia. Hindi ko alam na kinaya niyang lunukin lahat ng sinabi niya laban sa ex-girlfriend ko para lamang sirain kami ng babaeng ipinakasal niya sa akin.Ginusto kong sumuko. Ginusto kong bumitaw na lang at isuko na ang lahat dahil wala na rin namang saysay. Wala na si Olivia. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko pero 'yong mga panahong sukong-suko na ako at gusto ko nang bumitaw, pinatatag ako ng pagmamahal ni Matthew para sa akin bilang
Olivia"I-I'm sorry, Francheska... p-pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang lokohin ang best friend ko. Ang sarili ko. Ang lahat. Kaya magsasalita na ako." Tumikhim si Alex at nakita ko na may pumatak na luha sa mata niya ngunit kaagad niya itong pinunasan."Alex—Alex, please... tell them na si Lloyd nga ang ama ng dinadala ko. Please, Alex, I'm begging you.""No! Tama na ang pagpapanggap. Napapagod na rin ako. Hindi ko na kaya 'tong dalhin pa kaya magsasabi na ako ng totoo. Sasabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman.""Ano pang hinihintay mo, Alex? Sabihin mo na ang nais naming marinig." Ani Matthew. Tiningnan siya ng masama ni Francheska."Manahimik ka, Matthew. Bakit mo ba pinagpipilitan?""Bakit hindi, Francheska? Niloloko mo ang kapatid ko. Pinagmumukha mo siyang tanga. Alam mo, ang kapal ng mukha mong ipa-ako sa kaniya ang batang hindi naman sa kaniya.""Wala kang alam kaya manahimik ka na lang. For sure naman, sinasabi mo lang 'yan para mapunta sa akin ang sisi. Pali
OliviaKanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng building na pag-aari ng mga Montero. Iniwan kasi ako dito ni Matthew dahil gusto niyang komprontahin ang nakatatandang kapatid niya patungkol sa ginawa nitong pamumwersa sa akin noong nasa resort pa kami. Inawat ko siya at ginusto ko rin namang sumama sa kaniya pero talagang inayawan niya kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lamang dito sa sasakyan.Makalipas ang ilan pang minuto, dahil sa labis nang pagkainip ay naisipan ko nang lumabas ng sasakyan. Akmang bababa na sana ako nng biglang dumating si Matthew kaya muli akong bumalik sa loob. "Kumusta? Nakausap mo ba si Lloyd? Anong sabi niya? Humingi man lamang ba siya ng dispensa sa 'yo?" sunod-sunod ang mga tanong ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew. "Matthew, naririnig mo ba ako?!" Dahil nanatili pa ring walang imik si Matthew. Hinampas ko na ng mahina ang braso niya, dahilan para muli siyang makabalik sa ulirat. "Ayos ka lang ba? Kanina pa ako salit
Chapter 116LloydSa resort kami nagpalipas ng tatlong araw. Sa tatlong araw na iyon, walang oras na hindi ginugulo ni Olivia ang utak ko.Habang abala ako sa paggagawa ng report patungkol sa napag-usapan noong meeting, ramdam kong may pumasok sa pinto ng opisina ko. Paglingon ko, bumungad sa akin si daddy."Kanina ko pa hinahanap si Francheska pero hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?""Bakit sa akin mo siya hinahanap, dad? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang sekretarya?""Pilosopo ka, ha?! Nasaan na iyong summarize report ng napag-meeting-an sa resort? Inabot ba sa iyo ni Francheska?""Inabot? Hindi naman siya gumawa. Ni hindi nga siya dumadalo sa meetings namin dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi bantayan ako.""Oh, eh nasaan na iyong report?""Tinatapos ko pa, dad. Ilalagay ko na lang sa table mo pagkatapos.""Bilis-bilisan mo ng kaunti ang paggawa niyan dahil kahapon ko pa iyan hinihintay."Hindi na ako sumagot pa kaya tumalikod na si daddy. Ngunit makalipas lamang ang i
Olivia"What is going on here?" tanong ko matapos makitang tila nagtatalo si Matthew at si Francheska sa hindi kalayuan.Sabay na lumingon si Matthew at si Francheska at bakas sa kanilang mukha ang labis na gulat."Gabi na, ah?! Bakit nasa labas ka pa rin, Francheska? Hindi mo ba alam na delikado sa buntis ang lumabas kapag gabi? Mag-ingat ka. Baka mapahamak ang baby mo.""H-hindi ko kailangan ng opinyon mo, Olivia. Alam ko ang ginagawa ko kaya pwede ba, manahimik ka na lang?" Inikot niya ang kaniyang mga mata matapos niyang magsalita. Saka siya naglakad paalis at binangga pa ako gamit ang kaniyang balikat. Samantala, pagkaalis na pagkaalis ni Francheska ay nilapitan kaagad ako ni Matthew."Ayos ka lang ba? Bakit ba sumunod ka pa dito sa labas? Tinarayan ka pa tuloy ng babaeng 'yon!""Wala akong pakialam sa kaniya. All I care is her baby. Iniisip ko lang naman iyong bata sa sinapupunan niya." Dahil sa sinabi ko, ngumiti ng pagkalaki-laki si Matthew. "Grabe talaga 'yong ugali mo, ano
Lloyd Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho patungo sa resort nang bigla akong mapahinto."Anong problema, Babe? Bakit ka tumigil?" Tanong ni Francheska na nakalingon sa akin habang nakaupo sa tabi ko."I think I saw her—" matipid kong sagot."Sino?" mabilis na tanong ni Francheska. "Tungkol na naman ba 'to kay Olivia? Ilang buwan na kayong wala. How dare you talk to me about her, huh? Hindi ka pa ba nakaka-move on? Magkakaanak na tayo, Lloyd, pero ang babaeng iyon pa rin ang iniisip mo.""Shut up, Francheska. I'm not asking for your opinion. Tsaka pwede ba, huwag kang umasta na feeling mo ay girlfriend kita. Secretary lang kita.""P-pero magkakaanak na tayo, Lloyd. Ano ba naman 'yong bigyan mo ng pagkakataon ang magiging anak mo na magkaroon ng buong pamilya.""No! I promised myself na hinding-hindi na kita babalikan. Maaaring sa 'yo nga ako magkakaanak, pero hindi mo mababago ang nararamdaman ko. Si Olivia pa rin ang mahal ko. Siya lang at wala nang iba.""Ano bang pinakain sa 'yo ng
OliviaMaaga akong gumising para sumama kay Zander sa pamamalengke ng mga gulay at prutas na ilalagay sa fridge. Isasabay na rin ang pamimili ng mga karne at isda. Isang beses isang linggo kasi ang paglalagay nila ng stock do'n kaya maaga talaga akong gumising para lang makasama kay Zander.Isa pa, gusto ko ring ipagluto si Matthew ng paborito niyang sarsiyadong tilapia at dinuguan."Malayo pa ba ang supermarket dito?" tanong ko kay Zander habang nakatanaw sa bintana."Supermarket po? You mean palengke po, Ma'am?" Tanong niya."I guess tinagalog mo lang!" Ngumisi ako bago muling magpatuloy. "Mukhang malayo pa tayo dahil wala pa akong natatanaw na mga establishments. Puro malalaking bahay.""Wala po talaga kayong matatanaw dito. 'Yon ay dahil malayo po ang mga ganoong building dito. Ang palengkeng pupuntahan natin ay nasa dulo lang ng kalye. Pagkatapos nating baybayin ang daang ito, mararating na natin ang palengke.""Gano'n ba talaga kayaman ang mga nakatira dito sa subdivision na 'to
OliviaMatthew rushed himself to go inside by continously knocking on the door a couple of times while calling my name.I hurriedly opened it while asking him what is the problem."I have a bad news for you!" sambit niya habang hinihingal pa.Kumunot ako ng noo at saka siya tiningnan. "Sabi mo may surpresa ka para sa akin. Bad news ang surpresa mo?""No, hindi! Magkabukod iyon." Turan niya."Oh, sige! Magsimula ka sa bad news.""Magkakaanak na si Kuya Lloyd!" Wika ni Matthew.Tinawanan ko siya. "I'm not pregnant!""Hindi sa 'yo! Kay Francheska."Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras habang diretso ang tingin sa kaniya."Saan mo naman nalaman 'yan?" seryoso ang pagkakatanong ko kay Matthew habang siya, diretso ang tingin sa akin na animo'y hinihintay ang reaksiyon ko."Kay Francheska mismo. Narinig ko 'yon sa kaniya habang sinasabi niya kay papa na magkakaanak na sila ni kuya.""So, ayos na pala sila ni Richard? I thought she w