Home / Romance / Sold for a Billionaire's Son / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Sold for a Billionaire's Son: Chapter 31 - Chapter 40

120 Chapters

Chapter Thirty-One

Olivia“ Alam mo ba ‘yung reaksiyon ko no’ng nakikipag-sagutan ka kay Francheska? Literal na napa-wow talaga ako. Hindi ko akalain na gagawin mo ‘yon. Parang kasing masyado pang maaga para ipakita mo ang tunay na ikaw. ‘Yung diretso magsalita pero pasensiyosa.”Hindi ko maiwasang matawa dahil sa itsura ni Matthew habang nagsasalita siya. Paano ba naman kasi, magsasalita na lang, may kasama pang action. Kaya tawang-tawa talaga ako habang tinitignan siya’t pinapanood habang nagkukwento, ‘e.“Sa totoo lang, hindi ko naman sana papatulan, ‘e. Kaso parang lumampas na siya sa limitasyon kaya nasagad na rin ako. Ako pa ‘yung pagbibintangan niyang tinatago si Lloyd like, what the fuck, bakit ko gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, ‘no!”“Kaya nga hindi na ako nakasagot kanina no’ng dire-diretso kang nagsalita, ‘e. Siguro sa isip
Read more

Chapter Thirty-Two

OliviaNang sandaling maimulat ko ang aking mata'y nagising ako dahil sa sigawang naririnig ko mula sa labas. Kaya't dali-dali akong tumayo upang tignan ito. Binuksan ko nang dahan-dahan ang pintuan upang silipin kung anong nangyayari sa labas at dinig na dinig ko ang malakas na boses ni Daddy Richard."Ano bang pinag-gagagawa mo sa buhay mo, ha? Wala ka na ba talagang pakealam sa negosyo natin, ha? Puro na lang barkada ang inaatupag mo. Hanggang kailan ba ako maghihintay na magpaka-tino ka, ha? Hihintayin mo ba munang mawala ako bago mo pahalagahan ang kung anong meron ka ngayon?" narinig kong sigaw ni Daddy Richard.Bahagya ko pang binuksan ang pinto nang makita ko ang kabuuan. Kitang-kita ko si Lloyd na nakatungo't dinuduro-duro lamang ni Daddy Richard. Habang palihim ko silang pinapanood, para bang nadudurog ang puso ko. Hindi ako sanay na nakakarinig nang ganito. Sa bahay naman kasi ay tahimik lang dahil ako ang madalas na nanenermon kay Dad
Read more

Chapter Thirty-Three

OliviaPinili kong mag-stay sa kwarto ni Matthew buong gabi dahil na rin sa takot ko na baka maulit na namang muli ang sagutan sa pagitan namin ni Lloyd. Nakatulog na nga ako sa walang tigil na pag-iyak nang dahil do’n. Idagdag pa ang masasakit na salitang binitawan niya sa akin.“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Matthew nang sandaling makita niyang iminulat ko ang mga mata ko.Medyo blurry pa ang nakikita ko’t bukod do’n ay namamaga rin ang mata ko dahil sa labis na pag-iyak. Hindi na ako sumagot. Bagkus ay tanging buntong hininga ang naging tugon ko sa kaniya.“Tama ako, hindi ba? Alam ko nang darating ang araw na magiging ganyan si Kuya. Sinabi ko naman sa iyo. Iba ang ugali niya sa ugali ko kaya mag-iingat ka sa kaniya.” Dagdag pa niya.Nagbuntong hininga ako nang napagkalalim habang nakaupo sa gilid ng kama’t nakatuon ang tingin sa kung saan. Hindi kasi ako
Read more

Chapter Thirty-Four

OliviaNagpasiya akong bumaba na muna sa garden kahit gabi na. Gusto ko rin kasing makalangghap ng sariwang hangin kaya pinili kong mapag-isa muna doon. Walang masyadong nakalitaw na bituin ngayon. Siguro’y uulan.Habang nakatingin ako sa alapaap ay naisipan kong tawagan si Daddy kaya ni-dial ko kaagad ang number niya. Sakto naman na hindi na niya ako pinaghintay dahil sinagot niya ito kaagad. Anong oras na rin so expected ko na nakauwi na si Daddy. Ngunit hindi iyon ang sa tingin ko’y nangyayari.May maingay akong naririnig sa likod ni Daddy. Hindi ko masyadong maintindihan pero kakaiba ang ingay na ‘yon. Para bang nasa kung saang lugar si Daddy na hindi ko mawari kung saan.“Daddy?” mahinang sambit ko.Hindi ko sigurado kung naririnig niya ako pero isa lang ang natitiyak ko. Nasa panganib si Daddy. Ilang sandali rin na nanatili sa tainga ko ang cellphone ko. Pinapakinggan ko talaga kahit na
Read more

Chapter Thirty-Five

Olivia Matapos ang dalawang oras na paghihintay ay ay lumabas na rin ang resulta ng lahat ng test na ginawa kay Daddy. May mga bruises siya sa katawan, na marahil ay nakuha niya sa kung kanino man at nawalan ng malay dahil sa labis na pagod. Pinagbawalan muna kaming pumasok sa kwarto niya para na rin makapagpahinga si Daddy kaya pinili naming mag-stay sa labas habang hinihintay ang oras na maaari na kaming pumasok. Pinili ni Matthew at ni Lloyd na samahan akong magbantay sa ospital habang si Daddy naman ay inihatid lamang ni Zander pauwi. Magkatabi kaming nakaupo ni Matthew habang si Lloyd naman ay sa harapan namin. Alam kong nakatingin siya sa amin pero hindi niya magawang makalapit dahil nasa tabi ko si Matthew. Habang tahimik kaming tatlo’y biglang nagsalita si Lloyd dahilan para tignan namin siya. “Matthew,” sambit niya. Tinignan lamang siya ni Matthew at hinintay na muling magsalita. “Bumili ka mu
Read more

Chapter Thirty-Six

OliviaMakalipas ang isang araw na na-confine si Daddy ay pinayagan na rin naman siyang makauwi ng mga doktor. Buti na lang at hindi ganoon ka-lala ang nangyari kay Daddy kaya hindi na siya pinag-stay pa ng matagal sa ospital.Pumayag rin si Daddy Richard na dito na muna tumuloy sa amin si Daddy para na rin maalagaan ko siya. Buti na lang talaga at pumayag siya dahil para na rink ay Daddy ang gagawin kong pag-aalaga sa kaniya.“Olivia,” narinig kong tawag ni Daddy Richard sa akin.Tulog na rin naman at nagpapahinga si Daddy kaya’t iniwan ko muna siya saglit upang puntahan si Daddy Richard. Pinapasok niya ako sa kaniyang opisina at doon kami nag-usap.“Nanggaling akong muli sa building ng Daddy mo kanina. Tinignan ko kung anong pwedeng maging lead para malaman ang sitwasyon niya, o kung ano ang nangyari sa kaniya ngunit sa kasamaang palad ay nag-malfuction ang CCTV sa opisina ng Daddy mo noong mga or
Read more

Chapter Thirty-Seven

LloydPagkatapos kong tapusin ang lahat ng mga gawaing binigay sa akin ni Daddy kahapon at idagdag pa ang ‘di matapos-tapos na ‘di mapag-kaunawaan namin ni Francheska’y bigla tuloy sumama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nakauwi pa’t nagpalipas na lang ng gabi kina Francheska.Hanggang ngayon ay iniinda ko pa rin ang kirot sa ulo ko na hindi naman mawala-wala kahit na uminom pa ako ng gamot.“Aalis ka na kaagad?” tanong ni Francheska sa akin habang nakatagilid ang pwesto sa kama’t nakalagay ang kaniyang palad sa kaniyang ulo bilang suporta.“Kailangan ko nang umuwi dahil kapag nalaman ni Daddy na dtto ako nagpalipas ng gabi at hindi sinamahan si Olivia sa pagbabantay sa Daddy niya, baka ako pa ang malintikan kaya mas mabuti na ‘yung nakakasigurado.”  Wika ko naman habang kasalukuyang sinusuot ang long-sleeves na white polo ko.Nang matapos ako sa pagbibihi
Read more

Chapter Thirty-Eight

LloydPagkatapos kong pagmasdan si Olivia noong mga sandaling iyon ay lalabas na sana ako nang bigla akong nakaramdam na may tumapik sa balikat ko. Dahan-dahan ko iyong nilingon at tumambad sa akin si Daddy na nakatayo sa likod ko. Nakita ko sa gesture niya na nagsasabing lumabas ako kaya dali-dali akong lumabas.Sinabihan niya ako na lumayo kami sa guest room dahil baka makaisto kami kaya’t napag-desisyonan na lang namin na sa opisina na lang niya sa second floor kami mag-usap. Kinakabahan man, lakas loob akong naupo sa harapan ni Daddy kagaya ng sinabi niya.“Wala ka pa rin bang balak magtino, Lloyd? Uwi ba ng matinong asawa ang umuwi ng umaga? For sure galing ka na naman do’n sa exx girlfriend mo.” Aniya habang seryoso ang tingin sa akin.Nagbuntong hininga ako at inihanda ang aking sarili dahil mahabang pakikipag-usap na naman ang aking haharapin sa pagitan namin ni Daddy.“alam ko na inii
Read more

Chapter Thirty-Nine

OliviaNagising ako mula sa aking pagkakahimbing dahil sa hindi malaman na dahilan. Hindi ko alam kung bakit pagkamulat na pagkamulat ko ng aking mga mata’y kaagad kong ibinaling ang tingin sa pintuan. Para bang may nagmamasid sa akin kahit na wala naman.Kaya’t kaagad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at lumabas ng kwarto upang tingnan kung mayroon nga bang tao ngunit wala naman. Paglabas na paglabas ko pa lang nang kwarto’y rinig na rinig ko ang padabog na pagsasarado ng pintuan sa office ni Daddy Richard sa second floor at nakita kong si Lloyd ang nagsara noon.Bakit kaya tila mainit ang ulong nilisan ni Lloyd ang opisina ni Daddy Richard? Hindi kaya pinagalitan siya nito? ‘O baka naman may hiningi siyang hindi ibinigay ni Daddy Richard? Imposible rin naman kasing walang nangyari samantalang tila nagngangalit sag alit si Lloyd.Habang iniinip ko iyon ay nakatayo pa rin ako sa harapan ng pintuan ng guest room kung saan naroon si Daddy at nagpapahinga habang ang tingin ay nasa op
Read more

Chapter Fourty

OliviaMatatapos na kami sa pagkain nang marinig kong magsalita si Daddy.“Nasaan nga pala si Lloyd? Bakit hindi natin kasabay ang anak mo sa pagkain?” tanong niya.Nang marinig ko iyon ay nagkunwari pa rin akong walang pakialam kahit na sa loob ko’y gusto kong marinig ang paliwanag ni Daddy Richard ukol doon. Sa totoo lang, wala naman dapat akong pakialam kay Lloyd, ‘e.Asawa ko siya ngunit hindi ko dapat pinagtutuunan ng pansin ang lalaking ‘yon pero kung hindi ko gagawin ‘yon, sino ang gagawa no’n para sa kaniya. Matigas ang puso ni Lloyd ngunit alam kong may kaunti pang tiyansa na magbago siya.Sa sandaling panahon na nakasama ko si Lloyd, may tinatago siyang tamis at minsan ko nang naramdaman iyon. Kaya’t kung ang maiayos ang buhay ni Lloyd ang solusyon upang makalaya ako sa kasal namin ay gagawin ko ang lahat para lamang maisakatuparan iyon.Alam kong mahirap ngunit kailangan kong gawin iyon. Kailan kong gawin ang lahat upang mangyari ang nais ni Daddy Richard na mangyari sa ana
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status