Home / Romance / WHY HE LEFT / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of WHY HE LEFT: Chapter 11 - Chapter 20

71 Chapters

Chapter 11

Umiiwas naman ako kay Jaco. Pero mahirap. Isang salita ata niya ay napapasunod ako. Hindi ko alam kung magic o ano. Pero 'yun ang alam ko. May kumatok sa pinto. Tumayo na ako para buksan ito. Alam ko naman na si Jaco ito. Wala na si tiya Sela kasi kanina pa sa bakery. Nagpaalam naman ako na may pupuntahan ako. At kasama si Jaco. Pumayag agad ito. "Good morning." Ngumisi siya sabay gulo ng buhok niya. Ngumiti ako. Nanuot sa akin ang bango niya sa akin. Nakasuot ito ng kulay puting shirt saka itim na pantalong may gunit-gunit. Suot rin ang paborito niyang sapatos na kulay asul. "Good morning rin po." Sinuyod niya ng tingin ang katawan ko. Kinuha ko ang shoulder bag sa tabi. "Nagwork out ka?" Sisimangot na sana ako. Alam kong inaasar na naman niya ako. Pero mukha siyang kalmado ngayon. Kaya baka nagpipilit wag tumawa o ano. Tsk. "Nagjogging lang." Kinagat niya ang labi. "Saan?" "Sa park po." "Ba't d
last updateLast Updated : 2022-04-19
Read more

Chapter 12

Hinahapo na ako kaya natigil ako kakatakbo sa tabi ng boardwalk. Habol ko ang hininga at napamewang, pinanood ang paghinto ni Jaco sa kakatakbo. Ngumisi siya at lumapit sa akin pabalik sa akin. "Kaya pa?" Bumuga ako ng mabibigat at sunod-sunod na hininga. "Kaya pa." Ilang buwan na rin naman naming ito ginagawa eh. Sanay na ako lalo na at nasasarapan ako sa tuwing napapagod ako. Ginulo niya ang nakatali kong buhok. Basang-basa na ako ng pawis sa loob ng manipis na jacket na suot ko. Nagmamanhid na rin ang mga hita ko sa ilalim ng itim na leggings ko. Napatingala ako kay Jaco ng nilahad niya ang tumblre water niya. Di na ako nagdalawang isip na uminom. Bagsak na bagsak ang buhok ni Jaco ng dahil sa pawis. May towel na nakatali sa leeg niya. Nakasuot ng itim at maluwang na sando na pinares sa itim rin na shorts. Nagkatitigan kami. Sa likod niya ang unti-unting pagdilim ng paligid. Nawawala na ang kulay kahel sa kalangitan. Kalmado ang karagatan kasabay ng kapayapaan ng pakiramdam ko
last updateLast Updated : 2022-05-03
Read more

Chapter 13

"Mama ko!" Nananakbo palapit sa kaniya. Mangiyak-iyak pa ako nang tuluyan ko ng naramdaman ang pamilyar na yakap niya."Nakung bata ka! Saan ka ba nagsusuot! Di ka pa rin tumangkad?!" Naluluha ako sa sobrang galak pero natawa na ako."Mama! Na-miss ko po kayo! Ang ganda-ganda niyo po! Akala ko di na kayo makakarating.... saan po si Daniel?!" Naeexcite kong tanong nang magawi ang tingin ko kay Tito Marcio."Hello po, t-tito..." Tipid na tango ang binigay niya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik. Pati si Obrei ay narito rin at natatawa habang nanonood.Kumalas sa yakap si Mama saka sinapo ang mukha ko."Naku. Manang-mana ka sa akin. Ganda-ganda mo!""Salamat po, Mama. Kamusta po ang biyahe? Si Daniel po?" Nawala ang ngiti ni Mama. Napakurap-kurap ako."D-di sinama si Daniel. Di sanay sa travel gamit ang sasakyan." Nawala ang ngiti ko.Hanggang ngayon ay di ko pa nakikita ang kapatid ko. Magda-dalawang taon na ata ito."Pero wag kang magaalala, makikita mo rin ang kapatid mo Anita. Pasensya
last updateLast Updated : 2022-05-21
Read more

Chapter 14

Hindi ko nakuha ang pinakamalaking grado sa buong Grade 10. Pero ako ang pangatlo. Malaking bagay na 'yun sa akin lalo na at gold awardee pa rin ako. Maingyak-iyak si Mama nang sabitan ako ng medalya. Niyakap ko siya at ganoon rin ako at kasama si tiya Sela. "Sela, pinakalaki mo ng maayos ang anak ko." Si Mama at nagyakapan sila ni tiya. "Di lang naman ako. Nandiyan rin sila Solly." Natapos ang seremonyas na nagtitilian ang lahat. Paano naman kasi at papasok na kami sa senior high! "Naku! Kung walang senior high lang yan ay di sana nasa kolehiyo ka na!" Himutok ni Mama sabay pamaypay. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil hanggang sa natapos na ay wala pa rin si Jaco. Nasaan na ba 'yun? "Anita." Sabay kami napalingon nila Mama sa boses. "Xenon." Eksaheradang napatikhim si Mama saka sinuri mula ulo hanggang paa si Xenon. Napakamot sa kaniyang batok ang huli. Kimi akong napangiti sa kaniya. "Dito lang muna kami, Anita. Magenjoy ka diyan." Kinurot siya ni tiya Sela. Napailing na
last updateLast Updated : 2022-06-15
Read more

Chapter 15

Hindi rin naman nagtagal sila Mama sa probinsiya. Umuwi rin sila pagkalipas ng dalawang araw. Swerte ko lalo na at nagkavideo call kami ni Daniel kahit nabubulol lang siya at sinisira ang kamera. Unang pagkakataon ito para sa aming magkapatid.Dahil bakasyon ngayon, uuwi sa Manila sina Obrei at Jaco. Naalala ko pa kung papaano humingi ng tawad sa akin si Obrei dahil hindi nga nakarating sa handaan ko. Binigyan pa ako ng mga regalo niyang mamahalin! Nauunawaan ko siya dahil may problema lang sila ng kaniyang pamilya.Maiiwan si Don Armani sa Felicidad. Kaya sinusulit namin ang oras na magkasama ulit kami nila Jaco. Sa susunod na araw ay bibiyahe na sila at magtatagal roon ng isang buwan o higit pa. Doon na rin icecelerate ang kaarawan ni Jaco kahit ayaw niya ay wala siyang magagawa.Ang usapan ay mamayang alas dos ang outing namin. Pupunta kaming Ligawin Falls at baka magwater rafting na rin. Gusto sana ni Jaco na kaming dalawa lang pero naginvite ng marami si Obrei."Dala mo na ba ang
last updateLast Updated : 2022-06-15
Read more

Chapter 16

Lumipas ang ilang linggo, wala pa rin sina Jaco. Di naman siya pumapalya makipagvideo call at magtext sa akin. Minu-minuto ata ang tawag sa akin."Umayos ka nga, Jaco. Di mo namimiss sina Mommy mo? Ako inaatupag mo." Natatawang saway ko sa kaniya. Sumimangot siya sa akin."Nagsasawa ka na, mahal?" Umiling ako."Wala. Baka hindi ka makausap nang matino diyan. Magenjoy ka naman. Di araw-araw nasa Manila ka." "I know, mahal. Nakakabagot rito. Kagagaling lang naming maggolf ni Daddy. Sinamahan ko si Mommy na magshopping kahapon diba? Naikwento ko ba 'yun sayo?" Natawa ako."Oo. Paulit-ulit mong sinasabi." "And Obrei is planning to party later. I have to be with her. Damn it. I am not a fucking babysitter." Nauuyam na sabi niya."Kawawa naman si Obrei. Di ka naman mababagot. Kasama mo naman ata si Rome, diba?" Sa susunod na linggo ay birthday na niya. Sinumpa niya na uuwi na siya pagkatapos ng birthday niya. Di niya kayang magisang buwan pa raw doon. Para siyang baliw. "So, mahal. What
last updateLast Updated : 2022-07-16
Read more

Chapter 17

Kinabukasan, sa gita ng bagyo at dilim, biglang sumulpot ang umiiyak na si Jaco sa bahay namin.Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang anyo niya."J-jaco!" Agad ko siyang hinila papasok sa bahay dahil nanginginig na siya sa labas."A-anong... k-kanina ka pa ba sa labas?" Kinakabahan ako. Bukod sa brown out ay sobrang gabi na! Halos magmadaling araw. Kaya di ko akalain na uuwi nga siya!"Kukuha muna ako -...""M-mahal dito ka lang... please." Hinigit niya ang palapulsuhan ko saka pinaupo sa kandungan niya. Basang-basa ang buong damit niya.Halos malukot ang puso ko sa itsura niya ngayon. Marumi ang maputing damit niya siguro dahil sa putik. Magulo ang itsura at nilalamig! Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako at nasasaktan sa kaniyang itsura ngayon."A-anong nangyayari? May problema ba? Bakit ka napasugod rito? Pwede mo naman ipagbukas ito. Pagod ka sa party at sa biyahe. Anong problema? Di ka nakapagtext sa akin at baka di ka nakapahintay ng matagal sa labas. May kasama ka
last updateLast Updated : 2022-07-16
Read more

Chapter 18

Hindi ko maintindihan kung bakit na naman ako pinapaiwas ni Mama kay Jaco. Ang matindi ay pati pa kay Obrei na di pa naman nakakauwi ngayon.Masisira ang buhay ko?Naguguluhan ako. Sinong mapagtatanungan ko sa bagay na ito? May nangyayari.... malakas ang kutob ko. May malaking problema na kinakaharap sila Jaco. Napabuntong-hininga ako. Siguro dahil na naman ito sa di magkakagusto sa akin si Jaco at di ako ang babaeng para sa kaniya base na rin sa magkaiba ang angat ng buhay namin. At dahil di sangayon ang pamilya niya sa akin. At kay mama. Iyon naman madalas ang mga rason ni Mama. Pero ngayon, maluwag na ang kalooban ko. Si tiya kasi, ito at kausap na ako. "Anita, bata ka pa. Dismayado ako dahil nagpadala kayo sa tukso." Napailing siya."... ginagawa lang 'yun ng dalawang tao na kasal na. Sa kaso ninyo ni Jaco, magnobyo pa kayo. Ito pang si Jaco, nakakatanda pero..." napayuko ako. "Ayaw ko lang na matulad ka sa nanay mo. Nabuntis ng maaga at di nakapagtapos. Saan siya dinala ng pa
last updateLast Updated : 2022-07-17
Read more

Chapter 19

Sabay kaming napalingon ni Jaco sa likod. Napasinghap ako ng makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko."Eiza? Hi!" Kumaway ako at agad lumapit sa kaniya. Pero dahil nakaakbay si Jaco ay napalapit na rin."Wow. Nagawi ka ata dito? Ang tagal rin 'nung huli kita nakita..." Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Jaco. "U-uh... I went back from Manila kasi. That's why. And I just came back home earlier. I went here immediately to give this." Nagulat ako ng iwinagayway niya ang tatlong paperbag. Napasinghap ako ng makita ang iba't-ibang klaseng muffin sa loob!"Naku, Eiza. Nagabala ka pa! Dapat nagpahinga ka muna. Pwede ka naman bumisita pa rin. Next week nga lang ay pasukan na. Dito ka ba magaaral?" Tipid na tumango si Eiza. "My mom baked those. She's a pastry chef kasi. I told things about you..." napatango-tango ako. Nakakahiya naman. Pero di ko mapigilam di maexcite!Kunot ang noo niya habang nakatitig kay Jaco na tahimik lamang sa tabi ko. "Ay! Eiza, si Jaco pala. Iyong boy
last updateLast Updated : 2022-07-17
Read more

Chapter 20

Huminga ako ng malalim bago ininom ang natitirang tubig sa water jug ni Jaco. Ngumisi siya at pinanood ako."Pagod na pagod na ako..." malalalim ang bawat buntong-hininga na pinapakawalan ko.Nagjog na naman kami bago pa dumilim ang gabi. Nagpaalam si Jaco kay tiya kanina at halos dalawang oras na kaming tumatakbo. Hindi naman talaga puros pagtakbo, malaking porsyento ang paghaharutan namin sa daan. Kakasimula pa lamang ng klase nitong linggo. Sina Jaco ay last week pa nagsimula sa kolehiyo. Engineering kasi ang kurso niya. At si Obrei ay di pa nakakauwi mula sa mahabang bakasyon."Teka, di na ba papasok si Obrei? Kailan siya uuwi?" Nagkibit-balikat si Jaco. Napanguso ako. Ang damot talaga nito."Malaki na 'yun, mahal. Kaya na niya sarili niya." "Eh kailan nga siya babalik? Si Rome nga, napagod na makibalita sa atin." Naalala ko tuloy si Rome. Isang araw ay di na dumadaan sa bakery. Sumandal si Jaco sa puno at pinatong ang cellphone at water jug sa katabi naming bench. Ginulo niya
last updateLast Updated : 2022-07-19
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status